Luca: Abril

Luca's picture

 

may tatlong umagang
nag-uunahan kanina
yung isa pink
yung isa gray
yung isa blue

oo, oo

alam kong alam
mo na ang pakahulugan
ng bawat isa.

may himpapawid
sa ilalim ng
bumbunan ko.

at yun ang hinahabol
ng bawat isang umagang
nag-uunahan kanina.

ang totoo
nauna yung gray
pero masyadong masikip
yung bumbunan ko.
kaya hindi ko pinapasok.

dun lang siya sa labas.
nakatambay.
nagyosi kami.

sumunod kay gray si blue.
so siyempre gusto ko yung blue.
kasi maganda yung blue.
blue yun e.

pero malabnaw siya.
pumasok siya sa bumbunan ko
tapos umalis ulit.

wala na namang laman
ang himpapawid.

more yosi with umagang gray.
okay siyang kasama.
wag mo lang siyang papapasukin.

finally dumating na si pink.
mabagal siya kasi pink
saka di ka sure.

pero since pink naman siya
pinapasok ko na rin.
nagstay siya sa ilalim ng bumbunan ko.

nung una natuwa talaga ako.
parang strawberry fields forever.
maganda pala yung pink,
na kung hahaluan mo ng konting brownout
ay parang red na rin.

romansa.

tapos ayan na
ang unti-unting
pagpatak ng ambon
tapos dumadami
nang dumadami
hanggang sa
umuulan na talaga.

nagbabagyo

may delubyo.

nag-iiba si pink.

tapos nalulunod na ako.

minulat ko
ang sarili ko,
hinanap ko si gray
pero wala na siya.
tapos pumikit ako
gray na lahat.

tapos inisip kong mabuti
kung bigla lang pumuslit si gray
habang naaaliw ako kay pink

o si pink ay
si gray din talaga

tapos parang nadaya ako
bitterness.
bitterness.

hinayaan ko na lang
na maanod ako ng baha.

walang choice.

gusto kong mabuwisit kay pink
kaso hinayaan kong
bulagin niya ako
so wala akong karapatang mag-
complain.

nababad ang himpapawid
sa ilalim ng bumbunan ko
parang isang malaking
balikbayan box
na nalusaw.
nagputik.

wala na siyang silbi.

wala nang dumating na umaga.
wala na silang pag-uunahan.

lagi na lang gabi.

matutulog na ako.


dollysbigbaby's picture

gusto ko sanang mag comment ng...

aha, kaya ka pala depressed...

kaso, i'm also in the dark, like you. gusto  kong matulog, just like you, pero parang uminom ako ng isang galong kape hanggang lamunin ng acid ang sikmura ko.

colors can be so deceiving. gosh. 

 

http://dollysbaby.blog.friendster.com/

Luca's picture

i know right

kailangan ko na nga magpatingin sa doctor kasi feeling ko, not enough vitamins.

 

kulang sa touch therapy 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Polethor's picture

TATS THERAPY

Ako rin gusto ko rin ng  mahabang-mahabang tulog na may gising sa dulo. Mahirap na kasi yung walang gising. 

Touch Therapy ba kamo? May alam ako malapit sa Makati Square, 250 lang. haha! 

"I will color the world one step at a time..."

http://ofcrayonsandpastels.blogspot.com

Polethor's picture

NIPS...NIPS

Now I am singing...

you wanna see what happens in a bag of nips?
what goes on before they touch my lips?

 

they make a rainbow…
(chocolate nips)
a choco rainbow…
(chocolate nips)

and then they color all the flowers and they paint the trees
they’re sweet and delicious, look at all those bees

when i want fun, i get a bag of nips
and make a rainbow
(nips, nips)

 

"I will color the world one step at a time..."

http://ofcrayonsandpastels.blogspot.com

Luca's picture

uy

araro ko

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Polethor's picture

ARARO BOW!

Di ko nakalimutan syempre.

Nasa bahay. Dalhin ko na ba sa Boni? :)

"I will color the world one step at a time..."
http://ofcrayonsandpastels.blogspot.com/

Luca's picture

oo

ngayon na

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Polethor's picture

TSK

Ngayon na? Cge! :)

"I will color the world one step at a time..."

http://ofcrayonsandpastels.blogspot.com/

Luca's picture

boo

wala pa ring uraro. 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Polethor's picture

HMF!

Sorry naman, nakakalimutan sa excitement eh.

Sabi ko nga, ubusin mo muna yung URARO mo. Bago ko ibigay yung ARARO. :)

"I will color the world one step at a time..."
http://ofcrayonsandpastels.blogspot.com/

ay! gusto ko yang kulay

ay! gusto ko yang kulay kulay na yan. haha. napaka creative. superlative degree yan ah, "napaka" haha.chos.

may tatlong umagang
nag-uunahan kanina
yung isa pink
yung isa gray
yung isa blue

la lang. simple and sweet

Luca's picture

maraming salamat..

nakakadugo ng nose ng konti ang masyadong complicated.

maiba naman. maging telling naman. 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

interesting ang piece na

interesting ang piece na ito.

ang cool nung part na nagt-transform na si pink...