Luca: Constipated

Luca's picture

Luca: Then again, maybe meeting you is a bad idea.

Day: Salbahe, bad idea talaga?

Luca: Wala lang. Okay na yung ganito.

Day: Kita tayo tonight, Starbucks Salcedo.

Luca: 20 mins.

---------------------

Nakilala ko si Day dahil kay Peewee. Ilang buwan niya na rin akong tinetext etc, etc. Sabi ni Peewee, okay daw kami ni Day kung sakali. Kasi mabait daw siya. Gusto ni Peewee na magkatuluyan kami, or at least magkakilala. At kilala kasi ako ni Peewee. Alam niya yung mga tipong taong makakasundo ko.

Ang totoo, matagal ko nang gustong makilala to si Day. June pa noong una kaming nagkaron ng interaction. Pano, binati niya ako noong Pride Day. Nagkausap kami sa telepono nang medyo matagal-tagal din. Tama nga si Peewee. Natuwa ako kay Day.

Siguro dahil madali siyang sakyan. At malawak ang pag-iisip niya. Di rin siya nawawalan ng mga interesanteng kuwento. Sila talaga ni Peewee ang magbarkada, noong andito pa si Peewee sa Pilipinas. Hindi ko alam kung paano sila nagkakilala. Pero marami naman kasing kilala si Day.

Masyado siyang involved sa Social Circuit ng mga bakla. Sabi niya, tinatawag daw siya "walking database" dahil sa dami ng connections niya sa mundo ng mga bakla.

Si Day ay isang recreational drug user. Party boy. Marami siyang kaibigang trip ang tumorva. "Torva" sa kanya ko napulot yang term na yan. Pero hindi raw siya hardcore. Nadadala lang sa mga kaibigan.

Noong hindi pa nagiging kami ni Jo, palagi kaming magkatext ni Day. Hindi nga lang natuloy na magkita kami kahit kailan kasi marami siyang mga issue sa katawan. Lalo na't wala siyang trabaho. Nakatira siya sa bahay ng Lola niyang may sakit. Pero pinapahagingan niya ako na kesyo natutuwa daw siya sa akin, ekek.

Sabi ni Peewee, tuwing mag-uusap sila ni Day ay puro tanong daw tungkol sa akin ang pinag-uusapan nila. Magugulat na lang ako dahil ang dami nang alam ni Day sa akin. Gaya ng status message ko sa Facebook, yung mga album ng mga pictures na ina-upload ko.

Siyempre kung may isang taong nag-eeffort na iresearch ka, hindi ba nakaka-flatter?

Nang maging kami ni Jo, nawala si Day sa picture. Siyempre, hindi naman ako bastos. Pero nang malaman ni Day na nagkahiwalay na kami ni Jo ay siya namang tindi ng pang-aalaska nito sa akin.

So noong Sabado ay nagkita rin kami sa wakas. Lampas na noon ng hatinggabi at sarado na ang Starbucks sa Alfaro. Kaya't naglakad-lakad kami para maghanap ng ibang kapihan. Pumunta kami sa Salcedo Park matapos makabili ng kape at nag-usap.

Marami kaming napag-usapan. Mostly, tungkol sa mga tao sa network niya at tungkol kay Peewee. SA totoo lang, mas okay na ibang tao naman ang nagkukuwento for a change. Lagi kasi akong taga-entertain. Kaso habang lumalaon e nawawalan na rin ako ng interes sa mga kinukwento niya dahil hindi ako makarelate dun sa ibang characters at sa totoo lang, narealize ko na sobrang iba pala yung mundong ginagalawan niya sa mundo ko.

Mahilig si Day sa mga tao. Mahilig siyang mag-obserba. Interesado siyang malaman kung paano nagkakasala-salabat ang mga buhay ng mga taong nasa paligid niya. Alam niya kung sino ang mga institusyon at may sinabi sa mundo ng mga bakla. Yung ilan doon ay kaibigan niya. Alam niya rin kung sino ang mga nagpapakasosyal.

Nakakatuwa ang mga kuwento ni Day, pero sa totoo lang, mas gusto ko sana kung sarili niya ang pinakilala niya sa akin. At sinabi ko yun sa kanya.

Luca: Alam mo, natutuwa ako sa mga kuwento mo kaya wag ka ma-offend. Pero sa totoo lang, hindi ako makarelate. Bakit hindi ka nagkukuwento tungkol sa sarili mo?

Day: E anong ikukuwento ko? Wala namang nangyayari sa buhay ko?

Kung gaano kainteresado si Day sa mga tao, siya namang hilig kong mapag-isa. Oo, alam ko na kung nakita mo na ako ay napakahirap nitong paniwalaan. Pero sa totoo lang. Masaya ako kung dalawa lang kami. O mag-isa lang ako.

Nang magpunta kami sa park, halos kami lang ang tao. Natuwa si Day nang may isang grupo ng mga bakla na biglang dumating. May mapapanood daw siya. Pero parang nakagulo ito sa ambience ng lugar.

Sa pinakamalalim na bahagi ng gabi, ang mga puno at mga halaman na naiilawan ng buwan at ng madilaw na ilaw ng poste ay isang napakagandang contrast sa mga madidilim at malalamig na gusaling nakapalibot dito.

Perpekto ang lugar na ito para magsulat. O gumuhit. O magpalipas ng oras. O isiping mabuti kung dapat mo na bang palitan ang mga pangarap mo dahil sobrang imposible o sobrang tagal nilang magkatotoo. 

Gusto ko si Day. Pero alam kong hindi naman mangyayari para sa amin ang gusto kong mangyari. Dahil masyado kaming magkaiba.

At hindi ko makita kung paano kami magtutugma.

Pero dahil hindi nga ako natuto, pumayag akong magkita kami kahit na alam kong susunod na dito ang umasa akong magustuhan niya ako. At maging regular ang aming pagkikita hanggang sa maging kami na nang mahabang panahon.

Ito ang mga bagay na nangyayari sa utak ko ngayon. Mga bagay na pilit kong pinipigilang ihayag sa kanya. Dahil tuwing mangyayari ang ganito, ay nagtatapos din sa kalimutan. Gayong, sila lang yata ang nakalimot.

Kaya constipated ang utak ko ngayon.

------------------------------------

Kagabi nanood ako ng bio Channel. Tungkol sa mga batang 5 years old na tinetrain na maging gymnast sa China. Sa China, ang mga gymnastics schools ay siyam na beses na mas mahal kaysa regular na paaralan. Parang boarding school ito. At sobrang strikto ng rehimen. Sa China, tinatanggap ang corporal punishment bilang tanging paraan upang mapatuto ang isang bata. Naniniwala rin ang mga Chinese na ang isang batang lumaki sa magulang ay natututong maging pala-asa at nagiging tamad.

Ipinuputong ng mga pamilya ang pag-asang umahon sa kahirapan sa mga maliliit na balikat ng mga batang gymnasts na ito. Sa edad na 9, dapat ay mapili na ang mga bata ng isang provincial team upang magtuloy sa kanilang karera bilang isang Olympic gymnast. Kung mananalo ng medalya ang isang atleta sa Olympics ay gagantimpalaan ng gubyerno ng malaking halaga ang atletang iyon at ang kanyang pamilya.

Tinitiis ng kapwa pamilya at bata ang mawalay sa isa't isa sa ngalan ng isang pangarap na sobrang hirap makamit.

Yung isang bata, si Xe Rui, ay siyam na taong gulang na at hindi pa rin napipili ng provincial team. May inherent na pagkukulang si Xe Rui, hindi tuwid ang kanyang mga braso. Mahina rin ang kanyang likod kumpara sa ibang mga bata. Sinabi ng coach niya na dapat ay nagbalik na lang siya sa regular na paaralan sa ikalawang taon niya ng pag-aaral ng gymnastics. Ayon sa coach, kahit na napakatindi pa ng iyong pag-eensayo, kung hindi talaga angkop sa iyong pangangatawan ang larangang iyon ay hindi ka rin magtatagumpay.

Kumbaga, kahit anong ganda ng tinidor, kahit na gawa pa ito sa pilak, hindi pa rin ito mahusay gamitin sa paghigop ng sabaw.

Di naglaon ay hindi nga nagtagumpay si Xe Rui sa kompetisyon kung saan dapat ay mapili siya ng isang provincial team. At sa haba ng panahon na nawalay siya sa pamilya, at sa dami ng hirap, sakit sa katawan at sa damdamin na kanyang pinagdaanan, nagtapos ang kanyang pangarap na maging isang Olympic gymnast. Kasabay nito ang pangarap ng kanyang mga magulang na umahon sa kahirapan sa pamamagitan ng magiging tagumpay niya sana.

Habang pinapanood ko ang palabas na ito, nakasalampak ako sa sahig. Hindi ko mapigilang humagulgol. Iniyak ko ang kalungkutang nadama ni Xe Rui. Iniyak ko ang hirap na pinagdadaanan ng mga musmos na nabubuhay sa ganoon kalupit na sitwasyon. Iniyak ko ang katotohanang marami kaming pagkakatulad ng mga batang iyon.

Dahil sa tinagal-tagal kong naghahanap ng pagmamahal, ay hindi pa rin ako nagtagumpay. Siguro, kahit na gaano ko siya gustuhin, at kahit gaano ko galingan, kung hindi talaga para sa akin, ay hindi talaga matutupad.

-------------------------------------

Dalawang araw matapos ang aming pagkikita ay nakarinig din ako mula kay Day. Matapos namin maghiwalay (kailangan kong pumunta sa gimik ng mga kaibigan ko sa opisina) ay nagtuloy din pala siya sa Fiama at kagabi lang nakauwi.

Umikot ang utak ko kakaisip kung saan kaya siya napadpad. Ano kayang ginawa niya? Sino kayang kasama niya? Pero alam ng utak kong hindi na mahalagang malaman ko pa. At napaka-hirap ng umasa sa wala at ang hindi ito mapigilan.

Napupuno ang puso ko ng kawalan. At gumagawa ito ng vacuum na walang ibang hinihigop kundi pagka-olats at pagka-desperado.

Naiinip na akong maghintay sa isang bagay na parang hindi naman talaga darating.

At naiinis akong makita ang posibilidad. Dahil binubuhay niya ang pag-asa sa puso ko. At nilalason ako ng pag-asang ito.

Like I said, meeting him was a bad idea.

lost


Luca's picture

Dagdag Kaalaman:

"...only unfulfilled love can be romantic." 

 - Juan Antonio quoting Maria Elena sa Pelikulang Vicky Cristina Barcelona na isinulat ni Woody Allen

 

 

 

kapag tumakbo ako, hahabol ka ba?

texback

luca, pwede ko bang i-reprint 'to. gagamitin ko sa school? badly. haha

parasol's picture

low points again?

constipated

may irregularities?

ang negative naman ng mga experience mo sa pakikipagrelasyon. pero may gamot pa din jan im sure..

 mahahanap mo din yun..

basta dont close your eyes.. and your door..

ang hirap ngang mangarap,

lalo na ng mataas tapos hindi mo rin pala maaabot

parang saranggolang pinilit mong paliparin, iiwas mo sa mga kawad ng poste

at kapag nasa alapaap naman gugulpihin ng hangin

mapuputol ang sinulid at mapadpad sa kung saan hahabulin mo

at swerte kong malapit ang pinagbagsakan pero kung malayo alam mo na ang gagawin mo..

iikid mo na lang ang sinulid at uuwi..

gumawa ka na lang muli..

baka naman kasi nasa iyo rin ang mali..

 

 

Luca's picture

nasa akin nga..

 

 

basahin mo yung Ako si Ally McBeal.

 

tapos quits quits na tayo tol.

 

hahaha 

'sing sarap, 'di 'sing mahal...

Luca's picture

ahehe..

 

 

@eks, sige, libre naman yan. paki-quote na lang ako. ahaha. yan lang ang currency ko, intellectual property.

 

ayus. 

'sing sarap, 'di 'sing mahal...

luca salamat. hindi mo alam

luca salamat. hindi mo alam kung gano kalaking tulong 'to. haha

oo naman. sa'yo to e. 

Luca's picture

niyak..

 

 

ano bang ginawa mo dito?

 

pinanglunas sa pigsa? beriberi? iron deficiency anemia?

 

hehe, walang anuman 

'sing sarap, 'di 'sing mahal...

panggagawa ko ng parol.

panggagawa ko ng parol. haha.

hindi kasi sa fri maglalabas ako ng sort of mag sa department namin. wala akong mapang content. haha.

pero syempre, ikaw yun nandon. papakita ko na lang yung lay-out pag nagawa ko na. salamat

Luca's picture

ah..

 

 

kung para sa ika-uunlad ng student body.

pabor ako jan. hahaha...

salamat dante, at buti na lang mahaba-haba itong gawa ko, maraming space. :) 

'sing sarap, 'di 'sing mahal...

spike_west's picture

Heheheh

Luca, alam mo natutuwa ako sa paraan mo ngpagkukuwento! Tagal na akong nagbabasa ng mga post mo at nakita ko na rin ang style mo sa pagsusulat. 

Minsan kasi hindi makita ng mambabasa ang tunay na layunin o objective ng sinusulat mo kasi masyado silang nafofocus sa kwento ng buhay mo, pero ang totoo may social relevance ito sa lahat. Injecting important facts about life.

Nakikita mo ang lawak ng mundo at kung paano ka naglalakbay sa mundo ito. Kasabay ng magdiskubre mo sa mga bagay na ito ay ang pagbabahagi nito sa mga mambabasa mo. Sana nga lang makita ito ng iba.

Sa aking pagkakaunawa ayon sa iyong kwento, na kung minsan tayo ay nabubuhay sa maling pag-asa. Umaasa sa isang bagay na maaring hindi matupad at hindi mangyari, pero pumupusta pa rin tayo kasi baka sakaling magkatotoo. Suntok sa buwan ika nga! Parang magkakaroon ng pag-asa sa isang maling pag-asa! (Sana nakuha mo ang punto ko)

Ipagpatuloy mo lang ang iyong kwento dahil talagang binabasa ko ito. Maaring kakaiba ang lifestyle mo, pero mas may bigat sa akin ay kung paano mo hinahandle ang sitwasyon at kung paano natin maiiugnay ito sa buhay.

Basta alam ko ang lahat ng kwento mo ay hindi tungkol sa IYO kundi tungkol sa mundo. Mula sa sariling karanasan rumereplesyon ang tunay na realidad ng buhay!

Ingat lagi at kita tayo sa Xmas party

Spike

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Luca's picture

naks...

 

 

medyo naluha naman ako dun...

 

salamat sa insight at sa patuloy na pagbabasa...

kitakits next weekend!!! 

'sing sarap, 'di 'sing mahal...

mga usapang puso nga naman

Natutuwa talaga akong basahin ang mga sinulat mo. Hindi dahil natutuwa ako sa mga hinanakit mo (hindi ako maldita), kundi dahil buhay na buhay sa bawat sinulat mo kung anuman ang nararamdaman mo. 

Wala man ako sa sitwasyon mo, nakaka-relate parin ako kasi naramdaman ko na din ang magmahal at maghintay sa wala. Naramdaman ko na rin ang lumuhod sa tabi ng kama gabi-gabi habang nagdadasal na sana, kahit minsan, maramdaman ko man lang ang magmahal at mahalin pabalik. Alam mo yung single since birth? Ako yun eh. 

Medyo exit na ko sa ganong estado, pero hindi ko makakalimutan kung saan ako nanggaling. Alam ko ang lason na tinutukoy mo. At alam ko din ang lasa ng kabiguan. Alam ko ang pakiramdam kung paano mabuhay ng may malaking butas sa puso't kaluluwa, naghihintay ng kung sino mang dadating na makakapuno dito. Para na kong halimaw noon na gutom na gutom sa pagmamamahal. Ready na kong sunggaban ang first available victim.

Awa naman ng Diyos, medyo nakaraos na din ngayon. Kung kailan pa tumigil na ko sa paghiling at paghihintay.

Wala akong karapatang magpayo kasi mukhang mas madami ka pang alam sa akin. Pero ang alam ko, sa mga kabiguan din talaga tumatatag ang puso. Go lang. At salamat sa pagsusulat ng magagandang akda, dahil sa pagbabasa ng mga ganito nararamdaman ng mga tao kung paano talaga ang mabuhay.

 --------

http://orewatensai.wordpress.com

Luca's picture

orewatensai...

 

 

in fairness, ang hirap mong ispelengin (ng pen name mo)

maraming salamat sa comment mo. nakakataba ng puso.

sinasagot niya ang isang makabuluhang tanong... bakit nga ba ako nagsusulat?

sinasabi ko na destined ako maging mag-isa... pero alam mo, ang mga pagkakataong ito, at ang pagsusulat ang dahilan kung bakit ako hindi lonely.

kasi alam kong sa malayo (o minsan sa malapit) may mga taong katulad kong mag-isa din, hindi umaasang may makasama per se, pero content na sa pagiging alone, hindi sila nag-iisa.

maraming maraming salamat.

i feel more normal now. :) 

'sing sarap, 'di 'sing mahal...

hindi na kita pahihirapan

O, siya sige, tawagin mo nalang ako sa pangalang Karren. Dahil yun ang nakarehistro sa birth certificate ko. Haha.

Walang anuman. Na-touch naman kasi ako sa sinulat mo. Gets ko yung pakiramdam mo kasi ako din naman nagsusulat lalo na pag pakiramdam ko nagiisa nalang ako sa mundo. May magic kasi yung mga salita, pag nakita mo silang unti-unting pinupunuan yung papel o yung screen ng kompyuter mo, pakiramdam mo napupunuan na din kahit papano yung matinding kawalan sa puso't kaluluwa mo. Tama ba?

Nandun din yung nakakatuwang katotohanan na kapag nagsulat ka, kahit papano hindi ka nagiisa kasi alam mo na somewhere out there may magbabasa ng sinulat mo. Parang kausap mo na din siya kahit papano. At bingo ka pag sumagot sya sa iyo. Kindred spirits ang drama.

Ewan ko ba kung bakit mas madaming salita ang lumalabas kapag nalulumbay ang puso. Siguro para sa ibang tao, salita talaga ang naka-destinong magpapaligaya at magpaparaya sa kanila. Sa atin. Natutuwa nga ako't lumabas na ko sa lungga ko, nakakakilala na ko ng mga tao na kahit papano, kapareho ko pala. HIndi yung nabubulok mga sinusulat ko sa computer at papel. 

At ok lang naman na maging abnoy. At least alam mo sa sarili mo na unique ka diba. 

---

http://orewatensai.wordpress.com

Luca's picture

karren... :)

 

alam mo bang may dala akong tatlong notebook palagi?

yung isa para sa mga notes at doodles ko sa trabaho (oo doodles, lalo kapag boring ang meeting)

yung isa, yung moleskin na pinakita ko dito, panay drowing,

yung isa planner, na ginagawa ko ring diary at scrapbook.

 

kung ikaw nagsusulat kapag lumulumbay ang puso, mas nagagawa kong magsulat kapag medyo nahimasmasan na. isa yun sa mga mahahalagang lesson na tinuro sa akin ng teacher ko sa pagsusulat. although, paminsan, nagsusulat ako ng mga free association, para makarelieve ng sobrang emotion.

kahit emotionally loaded yung iba kong gawa, sinisikap ko pa ring mabuti na maging musical siya. or at least magkaron ng sense.

mabuti at niliberate mo na ang sarili mo mula sa paghehermitanyo. hehehe.

come into the light. 

 

'sing sarap, 'di 'sing mahal...

ako din!

ako din, meron.

yung isa, para sa mga sinusulat kong kung anu-ano kapag tinamaan ng inspirasyon.

yung isa naman, maliit lang na steno, dun ko nilalagay mga ideas ko na sana sa hinaharap ay masulat ko bilang pikshon o powem.

paminsan kasi hindi ko maiwasan na sumulat kapag nagsusumiklab na ang puso ko. pero ang natutunan ko eh dapat itong itago at ayusin kapag kumalma na. 

oo tama ka. kahit pa labas lang ng dinadamdam ang mga sinusulat, kahit papano sikapin din lagyan ng craft. pinagaaralan at sinisikap ko din yan, kaya sana eh sa pamamalagi ko dito eh matuto at may maibahagi din ako.

ayan naman ang light. haha. 

----------

http://orewatensai.wordpress.com

Luca's picture

kung gayon good luck

 

 

sulat lang nang sulat at post lang nang post. :) 

'sing sarap, 'di 'sing mahal...