LUCA: HAPPY HANNIV!!!

Luca's picture

 

 

Nagising ako nang alas singko kaninang umaga. Nakatulugan kong bukas ang tv. Wag mag-alala, mga tatlong oras lang naman ako nakatulog. Tapos pagkagising ko, parang gusto kong baguhin yung buhay ko.

So kumuha ako ng walis tambo at naglinis ng kuwarto. Binalatan ko yung kama ko nang bedsheet na isang buwan ko nang hindi pinapalitan. Araw-araw, nagigising akong pawis na pawis. Parang hurnuan kasi ang kuwarto ko sa init ng panahon ngayon. Walang silbi ang electric fan unless gusto kong ma-achieve ang cobra look, dahil parang blower ang hangin na nanggagaling dito.

Maalikabok sa bahay namin, dahil malapit ako sa ilog nakatira at puro semento ang paligid. Bilang na bilang ang mga puno. Medyo nakakalungkot. Maganda lang siya sa gabi dahil napupuno ang siyudad ng mga ilaw. Kaya't habang naglalampaso ako, ay nakikita kong nagiiba ang kulay ng tiles sa kuwarto. Lumilinis, nagbabago.

Tapos bandang alas sais, tinext ko si Dunhill. Pinangaralan niya ako nung isang araw kasi sabog ako nun at bad trip din. Bigla akong pinagsakluban ng kung anong vibe na parang nalonely ako nang konti.

Umaliwalas ang kuwarto ko at nagsindi ako ng lavender essence para kunyari nakatira ako sa spa. Tapos kumain ako ng pakwan. Kumain din ako ng dalawang sineguelas at isang mangga. Tapos kumain ako ng singkamas. Sinaksak ko ang ipod ko sa DVD player at nagsoundtrip habang nagyoyosi. Nagtimpla ako ng tsaa. Ininom ko after 10 minutes. Tapos tumae ako.

May magandang naidudulot ang pagdi-diyeta. Parang nagkakaroon ka ng perspective. Gusto ko sanang lumabas ng bahay at tumakbo paikot ng city hall. Kaso wala akong running shoes at hindi pwedeng ipantakbo ang shorts ko (may zipper kasi lahat ng shorts ko.)

So tumugtog yung Incubus, at sinabi ko kay Dunhill na parang gusto kong magsimba kasi pakiramdam ko talaga may sasabihin ang Universe sa akin kanina. Kaso hindi magsisimba si Dunhill sa Victory kasi may sakit siya. Mga walong taon na akong hindi nagsisimba.

Tapos sabi ng DVD... "Remind me that we'll always have each other when everything else is gone." Mula yun sa kantang "Dig".

Umiiyak na ako.

Yun yata ang message ng Universe.

Napag-usapan namin ni Dunhill yung tungkol sa post ko isang araw, yung "Luca: In need of a friend." Tapos medyo nalungkot ako nun. Kasi hindi pwedeng maging si Dunhill yung friend na yun. At hindi rin pwede si Day, na kasama ko pala nung biyernes.

Nagdate kami, kumain sa restaurant at nanood ng sine, tapos uminom sa Metrowalk. Libre ko lahat. Hindi man lang niya ako hinawakan sa kamay.

Medyo connundrum yun si Day. Kasi alam kong gusto ko siya at alam niya rin yun tapos sinabi niya rin sa akin na gusto niya ako. Pero after last weekend parang nadecide din ng brain ko na hindi kami pwedeng maging anything. Maraming issues si Day, at nagdedetox nga ako.

So nag-usap kami ni Dunhill tungkol sa spirituality, kasi sinasabi niya nga na mahahanap ko lang ang peace through God chernchern. Sabi ko, "it's not that I'm godless. I happen to think that spirituality is personal and should not conform to what others think it should be, so don't evangelize. Enough." Yuh, binubully namin ang isa't isa.

Kaya medyo wierd na inaya ko siya magsimba kanina. Very hypocritical of me. In fairness, nagdisclaimer naman ako ng: "Don't judge me."

Amazing nga na biglang tumugtog yung "Dig" kanina. Sabi ko na nga ba may message ang universe sa akin kanina. At ang ganda niya di ba?

It's me and the universe, when everything else is gone.

Ang dami-dami ko palang kasama. Infinite.

Kaya tapos na ang drama phase.

Time to celebrate!!!

HAPPY ANNIVERSARY TO LUCA. ONE YEAR NA AKO SA FILIPINOWRITER.COM TODAY!!!

Thank you sa lahat ng mga nagbasa, at nakilala.

Salamat sa mga alaala.

Sa balitaktakang maatikabo.

At higit sa lahat...

Sa pagtanggap na magkakaiba tayong lahat, pero pinakaSEXY ako!!!!!!!!!!!!!


journeyman's picture

Happy Anniversary!

 

 Uy Luca, happy anniversary sa iyo...

 

Bawal muna ang senti....

 

 
"If you cannot be good, be careful."

Luca's picture

thanks JM!!

hehe, tapos na nga ang senti phase.

 

iba naman...

 

maraming salamat sa patuloy na pagbasa at sana tumambay ka pa nang mas madalas. 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

journeyman's picture

hayaan mo dadalasan ko na

hayaan mo dadalasan ko na ang pagtambay dito... nakaka-miss din eh...

(musta na kaya siya? sana eh ok lang siya lagi...)

 

 


"If you cannot be good, be careful."

Luca's picture

ayun

sumakay na ulet ng camel... 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

sinta isaac's picture

luca sweet

 

 Hapi anibersari sa iyo LUca.

 

 

 

 

Magkakaiba tayo sa iisang mundo, kung ikaw ang pinaka sexy ako ang pinakagwapo. :) jowk taym baby!

 

 

 

 

 

 

...Gusto kong lakarin ang mga ulap kasama ka at unang bumulusok pababa upang sa iyong pagbagsak, maaaring iyon ang unang sandaling ang katawan nati'y maglalapat... 

 

 

 

 

 

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/                                                              


Luca's picture

maraming salamat sinta!!!

 

 sige ikaw nga ang pinaka-gwapo, so sana hindi mag-react yung isang kilala ko sa ME. hahahahahahaha

 

thanks ulit! 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

d-younker's picture

naks. matagal-tagal ka na

naks. matagal-tagal ka na din palang nagbabahagi ng mga kaalaman mo.

happy anniv !

Luca's picture

oo...

mantakin mo?

hahaha, isang taon na akong nambobola dito.

 

charot.

 

maraming salamat!!!

 

mamam na to!!! 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

joenard's picture

Galing!!! Congratz

tagahanga mo ako tol..Iba ka,,

( yon oh.. may Funs club ka na ..hehehe)

 

 

 

 

"Minsan nasabi ko malalathala din mga sinusulat ko, hindi lamang puso ko ang makakarinig at utak ko ang masasaling kundi kapwa ko manunulat na sa kanilang sariling paniniwala pinanganak silang makata"

 

 

Luca's picture

dood pare

maraming salamat sa pagbati mo...

 

talagang nagbihis ka pa ha. :)

masaya akong makitang naka-corporate attire ang Funs club ko. level-up.

 

thanks!!! kisshtkissht!! 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

joenard's picture

hehe

yan pong letrato na yan.. yan ang pinak pangit kung pics..

 

----ganyan talaga ako feeling ko dapat presentable ako paghaharap lalo na sa idol ko-----..hehehehe

 

"Minsan nasabi ko malalathala din mga sinusulat ko, hindi lamang puso ko ang makakarinig at utak ko ang masasaling kundi kapwa ko manunulat na sa kanilang sariling paniniwala pinanganak silang makata"

 

Luca's picture

sweet naman

 

joenard you are so echusera 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

joenard's picture

ano yon?

hehe.. Hapy aniv. ulit..

 

 

spike_west's picture

Luca

Akalain mong napacomment mo uli ako dito sa FW, medyo busy masyado eh!

Congrats nga pala at nakaisang taon ka na dito sa site. Miss ko na rin ang mga tao dito.

 Ano man ang mangyari, mawala man ang site na ito.Mananatili pa rin ang uganayan nating mga myembro nito.

Kaya sa pag-uwi ko kita kita uli tayo, saya nun eh! At Mamam kung mamam na  talaga!Di ako nalasing eh!

 

ingat uli!

Spikey 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Luca's picture

EA!!!

maraming salamat at pinaunlakan ng iyong hectic na schedule ang bumati sa akin.

 

i feel so honored.

 

at dahil diyan... pag balik mo dito, hindi lang mamam ang gagawin natin...

 

BABATIIN din kita!!! 

 

^^v  --- that's jejemon for "ahihihihihi"

   

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

rose's picture

kAMUSTA NA!

 Hello kapatid , tagal narin na hindi ako nakapasyal sa FW ang dami kong na missed, ilang beses na pala kayong naka pag eb hindi man lang ako na ka attend im here in Phil. Sege pag uwi mo paramdam ka hah.. he he he

 Basta enjoy your life lang and ingat lagi sa work.

 

GOD BLESS YOU ALL...

InnocentInnocent   

jonsdmur's picture

musta na kayo

 

 

 

musta sa lahat....

 

nasa Jeddah na pala ako.... sino nasa Jeddah diyan... ? kita kits naman heheheheh... mukhang madumi ang jeddah heheheeheh

medyo busy.... na miss ko na ang fw.. at kayo...

Luca's picture

hala

hindi ka man lang namin naexperience?

 

good luck sa Jeddah!!! 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

rose's picture

WOW! Tol Jons nasa Jeddah kana!

Hello sa lahat ng taga FW na missed ko kayo sobra, si spike, kuya dyippre, melay, jons at marami pang iba. Glad to heard na nasa Jeddah kana kapatid. Musta naman ang life mo diyan, Ingat ka lagi diyan, kailangan pahaba ka ng balbas ha. he he he.

Anong company mo pala diyan? basta good luck nalang sayo and god bless you all. And for you Luca happy anniversary , at para kay kapatid na spike. Aba aba ilang beses na umuwi hindi man lang nag paramdam sa akin.

 

Basta mga sis at bro dito sa FW ingat lagi kayo and god bless you all..

C U ALL SOON............

Innocent GOD BLESS

 

 

Luca's picture

salamat ROSE

ang chorva lang... hehe 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Makiki-happy anniv na rin

Makiki-happy anniv na rin ako sa'yo...malimit kong binabasa ang mga posts mo, pero bago lang akong nag-member..Nahihiya kasi ako, wala akong mai-contribute na tula or blog man lang..Mas ini-enjoy ko munang magbasa kesa gumawa ng tula..di ko alam kung saan ko sisimulan..

 Anyways, One year ka na at tingin ko marami-rami na-contribute mo sa FW..sana ako rin..hehehe

 

 

Luca's picture

maraming salamat tresmarias

 

nakakatuwa namang malamang malimit mong binabasa ang gawa ko... dahil ba forever ako nagpopost? hahahaha...

 

sa pagkocontribute, simulan mo sa totoo. at magcheck ng grammar. kahit ano naman pwede ipost dito. basta pinag-isipan at hindi lang basta basura. echos...

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Adlesirc's picture

...

jujuju.. late na ako..

 

happy anniversary mare! cheer up!

Luca's picture

huli man daw

at magaling...

 

magaling magaling magaling...

 

i miss u... partay na ito!!! 

 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

aireen's picture

Happy Anniversary... sorry

Happy Anniversary... sorry now ko lang nabasa..:)
medyo naprapraning ang lola mo ngyon eh... dami kong na-missed!!!
haaaaist!

So Glad nakilala kita doni.. :) *hugs

:)

Luca's picture

awwww...

 i miss you ai...

 

mwahmwahmwah 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!