Luca: Nangangarir

Luca's picture

Nang magsimula ako magtrabaho, sinabi ko sa sarili ko na magiging Manager ako bago ako mag-30.

Alam kong para sa ibang tao, hindi naging mahirap na maabot ang goal na ito. Pero kung nagtatrabaho ka sa HR, o kahit anong position sa administration o support, sangkatutak na politika at paghihintay ang dapat mong tiisin bago ka mapromote.

Laging sinasabi sa akin na ang HR ay isang calling. Hindi siya basta trabaho. Ika nga, it's a labor of love. Nilalagay ko lang sa perspective ang lahat para marealize mo na gayong posible, mahirap maabot ang goal na yon.

I consider myself lucky because I'm one of the people who know exactly what they want when it comes to their career. Sa career tayo magfocus kasi everything else about me has not been figured out yet. Hahahahahahaha... (fade to sad face emoticon)

When I left my first agent job, I knew that I wanted to pursue a career in HR. I have been working in HR for about six years. In that period, I started as a recruitment associate, doing phone interviews and chasing numbers all day. Less than a year after that I was promoted to Recruitment specialist, handling face to face interviews and assessments. Eventually, I was handling my own accounts.

I moved to a bigger company to get training and after my recruitment project ended, I was introduced to Employee Relations and Organizational Development. I started as an associate, then I was promoted to specialist. Eventually, I was handling Labor Relations.

I had a huge fight with my Manager who scolded me in front of all my team mates. Of course, kahit umiiyak ako, nagdadahilan pa rin ako sa kanya. Sabi ko, "if you feel that I'm standing in the way of the rest of the team then you should let me move to another team. They are asking for me after all."

Bago kami mag-away nung dati kong manager, she told me that she wanted me to become successful so she was training me to be like her.

Sabi ko, "I don't want to be like you because I know I can be so much more."

Yuh, maldita ako sa work. Hahahahahahahaha...(escalate to evil emoticon). Of course, a week later, sinampahan niya ako ng kasong Insubordination at although alam kong hindi niya ako pwedeng iterminate, alam ko lalong hindi ako mapopromote kung makakatanggap ako ng memo. What an asshole move. Matapos 'to nang promisan niya akong ipopromote niya ako, kaya naloko akong maghandle ng isang buong site (without her supervision, dahil ayaw na ayaw niya sa site na yun dahil matatapang daw yung mga tao). Nagulat na lang ako a month later na may na-hire na pala siya for the position she was promising me. May gana pa siyang sabihing para daw yun may magdefend sa akin, this after nakuha ko na ang loob ng entire site at starlang-starla na ako dun.

I decided to leave that company to pursue a relationship with a start up business, where I was responsible for doing all things HR.

Pero dahil dubious ang kumpanya, at dahil nagka-ilangan kami ng aking estranged jowa na dun din sa start-up company na yun nagtatrabaho, nagresign ako ulit at naging Supervisor dito sa company ko ngayon.

Bongga.

Naalala ko pa kung paano ako maliitin nung ex kong yun dahil Operations Supervisor siya at na-bum ako for two months.

Ngayong sumabog na ang start-up na yon, dahil estafadora pala yung management, sa kangkungan na pinulot si ex. May gana pa siya ngayong kontakin ako. So ginamit ko na lang yung linya niya sa akin dati:

Bakit pa ako tatapak sa basura e ang ganda ganda na ng stilletos ko?

I told the manager who hired me sa trabaho ko ngayon na goal ko talaga maging manager by age of 30 at naghahanap ako ng kumpanya na mabibigay ang opportunity na yun sa akin.

I also want to have tenure, because I'm done with running around.

Ngayong wala na yung manager na yun, andito pa rin ako sa kumpanya. At nalaman ko na lang eventually na I was hired, of all reasons, for my looks.

Hindi ko naman siya masisi.

Anyway, I was being my normal bibo self here sa office. At nadiscover ko na talent ko pala ang magbigay ng bad news at kumontra at mampossess ng mga empleyado without appearing negative or rude. Kahit kasi nagmamaldita ako, hindi pa rin nagagalit sa akin yung minamaldita ko.

Ang tawag daw dun ay CHARM.

Maraming beses na akong nakipag-banggaan sa mga director at ilang beses na rin akong ginawan ng complaint dahil sa mga pagrereklamo ng mga maeepal na boss-bossan dito na hindi sanay na kinokontra sa sarili nilang katangahan.

Meron akong talent: I cannot tolerate bullshit.

At kesehodang kung sino ka pa. Alam kong alam ko kung anong ginagawa ko, at hangga't mas marami akong alam tungkol sa pinaguusapan nating dalawa, hindi ako magdadalawang-isip na sabihin at ipagtanggol ang puntong yon sa iyo.

Masasabi kong magaling ako sa trabaho ko. At gusto ko yung ginagawa ko. Bihirang masabi ng isang worker yun. Passion ko yata talaga ang maki-alam sa buhay ng ibang tao at ipagtanggol ang tama.

I was able to establish an image of reason, integrity, fairness and of course, BEAUTY. Hahahahahahahaha (fade to soft smile)

So much kong nagalingan ang trabaho ko, na pretty soon, marami nang nakakatunog nito.

Recently, I received an offer from another company. They are asking me to do the exact same thing I'm doing here pero they are willing to give me almost twice what I am currently making.

Ang haba ng hair kong silky.

Siyempre, tinanggap ko yung offer. At nagfile ako ng resignation dito.

Over the past several weeks, kabi-kabila ang mga Executive na kumakausap sa akin para i-convince akong mag-stay. Kinausap ako nung acting General Manager namin nung nakaraang linggo at sinabi niya yung mga plano niya para sa HR. Na ikinatuwa ko naman. Kaya lang, hindi niya pa raw masasabi kung kailan yun mangyayari.

Tapos nung isang araw, kinausap naman ako ng VP na onaks. Isa siya sa mga pinaka-malditang onaks dito sa office. Ganito yung conversation:

Onaks: So, ano? (yes, kaya niyang magstatement nang ganun.)
Ako: Haha, so, ano nga?
Onaks: I heard you were resigning (hanggang "so, ano?" lang ang kaya niya)
Ako: Yes, I gave my letter yesterday.
Onaks: Do you know the top reasons why people leave?
Ako: Uhmm...
Onaks: You should know this.
Ako: It's usually due to some sort of dissatisfaction. I just don't think it fits this situation. I like my job. Really, the only reason why I'm picking-
Onaks: I didn't ask you why you're picking them. I asked you why people leave. Okay, so there's three reasons. The first one's the boss. I don't think you have a problem with that. The second one I forget. The third one is for money.
Ako: Well, in this case, it is the offer.
Onaks: So what are they offering you?
Ako: *Offer*
Onaks: And how much are you making now?
Ako: *(Offer/2)++*
Onaks: That's a lot. Now I can't tell you that we will be able to do something special for you. In the last few months that we have been working together (may project kasi kami) I found you to be very talented. Of course, we want to keep your talent.
Ako: Awww... Thanks (as in, pa-sweet talaga ako nito)
Onaks: And you know how tough I could get.
Ako: Yeah, you're a bully that's why.
Onaks: No I'm just tough on the people whom I know can take it.
Ako: Awww...
Onaks: So are you accepting the offer?
Ako: Yes I signed and I start on the 23rd.
Onaks: So obviously I'm looking for a way to keep you. Everything that has been discussed about this I've told Onaks 2 (mas powerful na Onaks, no. 2 kay president ng company)
Ako: Yeah, I talked to General Manager (siyempre, first name talaga ginamit ko dito). I'm actually very optimistic about what he has planned.
Onaks: And why is that?
Ako: Because it goes with what we wanted to do as a team all along. The thing is, I don't know when that's going to happen. And now something better has come along.
Onaks: So how long are you going to be here for?
Ako: Until the 20th. But I asked for a terminal leave so I can get my stuff fixed. So I'll have till next week since I have endorsements.
Onaks: Okay. We'll see, I'm still not done trying to keep you.
Ako: I'm surprised that you're talking to me about this, actually.
Onaks: And, why is that?
Ako: I don't know. It just seems like it's so important.
Onaks: Well, you're important.
Ako: Thanks...
Onaks: You're welcome, and you're not leaving until the project's done.
Ako: I'm done with it. I'll give you my recommendation.
Onaks: OK (insert utos here)

Now wheels are turning around me and it seems that they are really making an effort to convince me to stay. Nung pipirmahan na ni GM yung sulat ko, sinabi niya sakin na kung pwede bang bigyan ko muna siya ng isang linggo para mapresent yung plano niya sa Executive Team. Tapos tingnan ko raw kung gusto ko yung gusto niyang mangyari.

E hello, sila-sila kaya yung mga boss.

Nakakaloka.

Never ko inexpect na malalagay ako sa ganitong situation. Feeling ko, pinag-aagawan ako ng mga tao. Ahahahahahahahaha (ang tigas talaga ng fez ko).

Pero siyempre, hindi na sila dapat choosy sa ganun. Kasi kilala ko ang sarili ko at gaya ng appeal ko sa mga boylipops, alam ko ring may kakaiba akong bagsik sa work. Naeembarass nga lang ako magdemand kung tinatanong nila ako kung ano yung magpapa-stay sa akin.

Kasi ang kapal ko naman kung magpress-release akong gawin niyo kong manager at hindi ako lalayas. (Mas gusto ko kasing kusa 'yong nanggagaling sa kanila)

Ang taray ng work no?

Sana ganyan din ang lovelife...

   

 


RJ Santos's picture

You're lucky. Ako balik

You're lucky. Ako balik student life e haha!

Anyway. I hope everything goes well for you in the end. ^^ 

Luca's picture

yeah

pero may kasamang effort din yan. :) 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

paul h roquia's picture

tarush++

 

 vonggangvonggangbels ka 'teh! wishingketch masytchiwa metch ang trulalubels na kyugjivig sa kyuhay metch!

love how you handled the onaksiwa.

 

 

 

 

 

 

Luca's picture

mother paul

haves ako ng feeling na sytchina na nga ang boylilet na magpapalaglag ng panty ng heart ko.

magkasama kami kanina.

itago na lang natin siya sa pangalang SAM YG. ang sarap sarap... 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

paul h roquia's picture

tarush++

bakit kaya nagdodoble ang comment. dinidilete ko waley. anuvey???

 

 

 

 

 

 

Kinse's picture

Luca..

 "I don't want to be like you because I know I can be so much more."

taray!.. love it.. tama lang yun.. napaka lucky mo.. 

 

" Love is like heaven, but it hurts like hell."

Luca's picture

thanks kinse!

yuh. marami akong ganyang moments. hahaha 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

dollysbigbaby's picture

doni

eto pala si mareng judy ha. ikot na ang tumbong ng loka. wawa naman. 

ay, di ka naman talaga mashadong mataray. BIATCHy lang. pero pwedeng pwede ka nang model ng mane and tale shampoo and conditioner in one for corporate BIATCHes.

magturo ka nga ng course, mare. yung bang "Using the right BIATCH formula to grow your very own luxurious mane to lord over the corporate jungle." mag eenrol ako! Laughing

 

http://dollysbaby.blog.friendster.com/

Luca's picture

hahaha

kinacast na nga ako sa Lipstick Jungle. hahahahaha...

para akong MnM's candy coated on the outside, RAGING BITCH on the inside. hahaha 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!