Luca: On Being Sexy

Luca's picture

 

 

Yes, ako talaga ang authority sa subject na ito. Hahahaha...

Ang kumontra, tutubuan ng bayag sa noo.

So, naikwento ko na minsang sumuka ang brain ko sa computer na nag-detox diet ako last week. Yes, today ang last day ng diet ko. At ikinalulungkot kong sabihing hindi 125 ulit ang timbang ko.

Hmmm...

Pero justified yun. Nagswimming ako kahapon. Yes, yung totoong swimming. Yung walang sun bathing involved at mga cheesy pictures na nakapeace sign at may henna tattoo na tribal ek ek.

At medyo masakit ang katawan ko ngayon dahil I pulled a muscle on my right calf when I jumped over the springboard. Stupid. Sinabi nang magstretch. Nagflash yung buhay ko hanggang grade 3 nung pulikatin ako sa 10 foot deep water, habang sinasaliksik ko ang surface ng tubig.

Obviously, hindi ako nalunod. Isda yata ako, o manatee, whichever is manlier.

So feeling ko, kahit na naglose ako ng fat ay nag-gain naman ako ng muscle. Ang bilis no? Pero kasi hindi pa ako tumatae, kaya siguro hindi ko maapreciate ang weight loss.

Anyway, mas maganda naman ang hubog ng katawan ko ngayon. Actually, hobby kong tignan ang aking mura at hubad na katawan sa harap ng salamin, gaya ng nabanggit ko dati. At in fairness, maganda naman yung view.

So nag-usap na kami ni Nikki na ipa-project naming maging health and wellness month ang buwan ng Mayo. Hindi pa ako masyadong nakakapagbeach kasi nerd ako. Sayang, maraming hindi nakawitness ng aking drop dead delicious baaddeee...

Marami akong balahibo sa katawan. At lahat sila straight. So pinroject kong ahitin yun. Except yung legs at yung arms, at yung kilikili ko kasi kadiri ang mga lalaking nag-aahit ng buhok sa kilikili. Pwede magtrim, lalo na paglumalampas na sa manggas ng t-shirt yung mga hairs. Nangyayari yan sa akin minsan kaya hindi ako nagreraise ng arms.

So tuwing maliligo ako, natutuwa akong haplusin ang aking sariling katawan dahil bukod sa ismut na ismut ito, ay sadya namang tumitigas din ang aking mga masel. Gujab...

Pangarap kong maging underwear model, yung tinatakpan pa lang ng underwear ang malaki sa akin. Kulang pa ng abs. Pero malapit na yun.

Naiinspire akong maging health buff for a lot of different reasons.

After the diet, hindi maitatangging naging maganda ang pakiramdam ko. Gumanda ang balat ko, at sumaya ako in general. May energy din akong lalong magpaka-bibo sa trabaho.

Magkakaroon kami ng team building sa Anawangin sa May 22-23, at makikita ng mga officemates ko ang hubad kong katawan, so gusto ko naman magustuhan nila yung makikita nila.

Nahihirapan akong magbihis tuwing pumapasok kasi hindi magkasya ang mga damit ko.

Magkakaroon kami ng 10 year high school reunion sa October kaya kailangan hindi lang ako successful, kailangan ako rin ang pinakasexy sa school.

Hindi ko inexpect na being healthy and making good decisions regarding the food you eat can make you feel sexy. Isa siyang masayang side effect.

At ito yung sexy na hindi malibog ha.

Yung sexy na kinalilibugan. Hahahahahaha...

Nagpapahaba na rin ako ng buhok kasi sawa na akong maging kalbo. So medyo mukhang sisiw ako ngayon, pero okay lang yun. Gusto ko makita niyo ko next time na long hair naman. Para maiba.

Ngayon, tuwing naglalakad ako, feel na feel ko talagang magpakita sa mga tao. Kasi alam kong maganda ang nakikita nila. Nakakailang lookback din ako tuwing naglalakad ako papunta sa sakayan ng taxi (parang memoirs of a geisha.)

Marami ring mga tao sa opisina na hindi ko kilala ang bumabati sa akin. Parang gusto ko silang i-group hug nang matinding-matindi para mapisak sila at magkasiya sila sa bulsa ko. Awwwwwww...

So kayo, iniincourage ko kayong magpaka-sexy din. Para sexy na tayong lahat. Kaso kung sexy na tayong lahat, hindi na tayo magiging sexy in comparison to others kasi mag-aadjust na yung norm. So sige, pwede bang 20% na lang sa atin ang magpaka-sexy? Yung iba, sige ipag-patuloy niyo lang yang ginagawa niyo. Love the shape you're in. Kayo ang susi sa kasiguruhan ng trabaho ng mga service crew ng McDonald's at Jollibee.

 


dollysbigbaby's picture

lam mo

i don't know of any other person who can get away with this kind of writing. eto ata ang perfect example ni merriam-webster ng navel-watching and it is a genre that is entirely your own.

hehe. peace!

http://dollysbaby.blog.friendster.com/

Luca's picture

jejejej

teynx!!!

ang genre na to ay tatawagin kong palengke chic.

 

hahahahaha 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

aireen's picture

Pa-haplos nga sa katawang

Pa-haplos nga sa katawang ismut na ismut... hehehehe

Na-eexcite tuloy akong mkita ang sexy body mo... can't wait to see u again... Wink

Go! Go! Go! for healthy "SEXY" Body..... :)

 

mishu lucca :D

 

cheers!

aireen

Luca's picture

misshu too

Ai,

hoy ano ka ba. isang tambling lang layo ng bahay natin sa isa't isa di ka man lang nagpaparamdam

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

aireen's picture

onga isang tambling lang,

onga isang tambling lang, yun nga lang madalas nasa bundok ako ng Antipolo... kelan ba mauulit ang bonding-bonding..
namimiss ko na ang tawanan... :)

Luca's picture

hay ewan

magparty nman tayo!!!

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

noelablon's picture

Gujab!

Ang galing at very inspiring. Teka muna, tagal kong nawala dito mga isang taon yata haha. Musta? Di na kita nai-stalk haha. Anyways, like I said, it is very inspiring. I'm sure malapit ka na ring maging sex symbol sa sobrang ka-sexyhan mo haha! Sige try ko ring mag-diet pero hindi ako lose-weight program - gainers muna ako kasi kailangan ko ng energy to gain mass. Saka na yung lose-weight pag napansin kong sumasabay sa paglaki ng masel ko ang tiyan ko haha!

Ingats!

=== Nahalungkat niyo na ba?

Ang Baul ni Noel

Luca's picture

PPN

i know right. namiss kita nang konti.

 

onga pala, 1 year anniversary ko na sa Filipinowriter!!! wahooo!!!

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

noelablon's picture

It's working nawawala na ang

It's working nawawala na ang aking lumolobong tyan. Medyo busy sa work at magiging busy na ako sa Badminton Club plus ab workout and hopefully yung 1 pack ab ko ay maging 6 pack, kahit 4 lang masaya na ako basta sawa na ako sa nag-iisa very lonely kasi eh haha!

=== Nahalungkat niyo na ba?

Ang Baul ni Noel

Luca's picture

huwaw

good job PPN.

 

at gaya nga ng sabi ng BFF ko...

 

"That's Hot!"

 

good luck!

 

update, yung leather kong belt, na dati ay sa second notch lang nagsasara, ay nasa FOURTH notch na ngayon.

 

my waistline is down to 26.

 

balingkinitan. haha 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Go for it!

Ako, i will go for it...itutuloy ko talaga ang pagpapa-sexy hehehe..I have 2 months to go para sa aming teambuilding. And I'm on my 2nd week already. I cut down eating sweets and pastas. Hay mahirap din, pero itutuloy ko ito. Kaya naman sa monday start na ako ng jogging.

 

 

Yiennarda's picture

Ayaw ko!!!!

baka malibugan na ako sayo!!!!

      

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

noelablon's picture

Haha!

Ang tindi ng comment mo! straight to the point! Ang lakas ng tawa ko buti na lang wala ako ngayong kasama sa office hehe!

=== Nahalungkat niyo na ba?

Ang Baul ni Noel

Luca's picture

hahaha

may scandal factor talaga PPN 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Luca's picture

yani

aminin mo nalilibugan ka na talaga sakin dati pa... 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Yiennarda's picture

ampotah

I considered it, yess...  pero purely platonic talaga feeling ko sayo...  Pero sabi nga nila, feelings change... so please...  the next time i see you...  it'd be best if I beware!     

 

http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

Luca's picture

waaaaahhh!!!

 PASABOG KA!!! 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Kinse's picture

Nakakatuwa naman..  naaliw

Nakakatuwa naman..  naaliw ako habang basa ng basa nito.. Buti kapa gusto mo maglose ng weight. ako naman gusto ko mag gain.. ayako na sa slim and slenda badi ko..hahaha.. anyway pwera biro, nakakatuwa yung mga pinaglalagay mo dito.. (pabulong.. actually kahit mag-isa ako dito sa desk ko tawa ako ng tawa..)

Apir!Smile 

Luca's picture

kinse

maraming salamat sa pagbabasa.

 

at punyeta ka.

 

nakakainis ang mga taong kailangan mag-gain ng weight.

 

hahaha

 

anyway, pwera biro din...

 

afir 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Kinse's picture

oo nga po.. pwera

oo nga po.. pwera biro..desperada na nga ko tumaba eh. andami ko nasubukang vitamins.. sa ngayon nagpo-Propan na ako. effective daw yun pero 2 weeks na ko umiinom di man lang nadadagdagan taba ko (kung meron man) pangarap ko magkabilbil eh.. kung anu ano na natake ko na vitamins may nakaka antok meron namang parang ayaw ko na matulog. Merong More energy mas happy,merong I want to be complete..naisip ko nga, di ba nakakataba daw ang marijuana?magkano kaya bentahan nun ngayon?makabili nga ng isang sako..hehehehehe.....

Luca's picture

mag high protein diet ka

pag-aralan mong kumain ng potatoes at milk at maraming maraming karne!!! 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Kinse's picture

inay! mukhang mahihirapan

inay!

mukhang mahihirapan nga ko tumaba.. di ako mahilig sa karne . manok lang talaga. hindi ako mahilig sa pork (kasi mahilig ako sa baboy..yung mga buhay..ang cute cute kasi nila tulad na lang ni monokuroboo,kaya ayako silang kainin) di rin ako mahilig sa beef (kahit sa corned beef,or noodles na beef flavor) manok lang, isda at mga dahon (gulay) solve nako.. pero i love potatoes at yung iba nya pang kamag-anak tulad ng kamote gabi, ube atibp.. lamat po sa advice.. apir!Smile