Luca: Prodigal

Luca's picture

MADALING SISIHIN ANG PAGKAKATAON, ANG BIYAYA, ANG MGA TAONG NAKAPALIGID.

MADALING ISANTABI ANG SARILI, ANG MAKITANG LUMILIPAS ANG BAWAT ARAW SA IYONG TALAARAWAN NA WALANG BAHID NG KULAY,

WALA ANG NAKASANAYANG PAGDURUGO NG PLUMA, ANG PAGSUSUMIGAW NG PINTURA SA MALINIS NA PAPEL.

MADALING MALUNOD SA MGA TALA. MGA BAGAY NA INEEKISAN, TAPOS NA, TATAPUSIN BUKAS, MGA NAKALIMUTANG GAWIN.

ILINALAHAD KO ANG SARILI KO SA PARAANG HINDI NATIN KAPWA KILALA. NAGSUSULAT AKO NG PABILANG, NG MAY SUKAT.

LABING-DALAWMPU'T-LIMANLIBO'T ISANG KATAPUSAN.

KUNG BAKIT ANG BAWAT NUMERO AY KATAPUSAN AT ANG BAWAT TITIK AY ANG KAPUTOL NG SINUSUNDAN.

NAKATAMBAY AKO SA PAGITAN NG TULOY-HINTO

SA WALANG SAYSAY

SA WALANG KAAGAPAY

SA HUNGKAG NA ARAW-ARAW NA TINAKBUHAN KO

NANG MAKARATING DITO

SINTA

SINTU

SINTO. 


sinta isaac's picture

...

welcome back Doni.

 

 

Amishoo.

 

Mahirap tumambay sa playground ng mga aninong estranghero sa iyo, dahil hindi ka nila isasali sa kanilang laro, at kung sakaling isali ka man nila, pagkakaisahan ka nila at gagawing barurot.

Mahirap maghanap ng katapusan sa isang istoryang hindi mo namalayan na nagumpisa na pala, parang pagpasok sa loob ng klase na late at naabutan mo silang nag e exam at nang akmang sasagutan mo na ang papel mo'y biglang sumigaw ang mother fucker mong titser ng, "Finish or not, pass your paper!"

 

Ito ang gusto ko sa mga post mo Doni, iyong pakiramdam na hindi ko kailangang sumang-ayon o makipagdiskurso, hindi ko kailangang damayan pero hindi ko din mabalewala, basta, dadaloy 'yung mga thoughts sa ilog ng utak ko na parang karugtong ito ng ilog ng utak mo, papunta sa mas malawak na karagatan. 

 

at dun sa huling parte, naalala ko ang girlfriend kong si celine, noon kasi'y nasabi niya na ako daw ang female version ng isang lalaking sinto sinto kung magsulat.

SINTA SINTA.

 

hangkorni.

 

 

 

 

 

 

 

 

Ako ang pinakaromantikang sakyubus sa balat ng lupa...

 

 

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/                                                              


Luca's picture

shout out talaga sayo yan sints...

 PERO PANALO ANG SAKYUBUS!!!

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

RJ Santos's picture

Nakuha ko yung tula.

Nakuha ko yung tula. Medyo.

Pero di ko ma-gets kung bakit all-caps. Wahaha! :D Peace, Luca. Tagal mong naging busy ah. :)

Luca's picture

hindi sadya yan.

hindi lang talaga naglower case nung ginawa ko. Sa phone kasi ako ngblog.
E dami ko na nafree assoc, sayang kung pipigilan pa.
Nilabasan na e

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

dollysbigbaby's picture

welcome back doni!!!

aymishorworks! nauhaw ako nang matagal na panahon. at diniligan mo ang aking  utak na tuyot. at eto ngayon ang bungang umusbong:

your legendary journal  left open and abandoned on a table with several pages of past dates uncostumarily untouched, and your boxes of colored pens and pencils haphazardly strewn on the side.

ay, may nadagdag sa vision: your hand holding a fountain pen
poised mid-air in suspended animation. 

 

http://dollysbaby.blog.friendster.com/

Luca's picture

jane!!!

 YUH, NAGIIPON AKO NG MGA IMAGE...

 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Jack A. Alvarez's picture

miz yah

miss you luca.

bakit na all caps naman?

 

http://jackofspades01.multiply.com/

Luca's picture

ewan

NAKADEFAULT NA ALL CAPS E. DI KO PA NAFIGURE OUT

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!