Luca's Issues 2

Luca's picture

 

 

Napagdesisyunan namin ng daliri kong mag-mass text kaninang umaga kasi Sunday at narediscover ko ang hiwaga ng pagsa-soundtrip.

Ang TV ang bestfriend ng mga tamad. Kung sounds lang, parang nakakainspire maging masipag. Ewan ko, pero iba ang powers ng TV sa akin. Para siyang isang malupit na Time-Space Warp/ Sedative. Napaparalyze ako kapag naka-bukas ang TV. Kahit pa ilang beses ko nang napanood yung palabas.

Nung bata ako, madalas akong sigawan ng tatay ko kasi kapag nanunood ako ng TV e nagsu-zone out ako. Grabe.

Sobrang simple lang nung text ko. Happy Sunday. Tapos sa lahat ng mga tinext ko, ilan lang yung sumagot. Yung iba na-weirdan. Yung iba nag-ditto. Yung iba may konting small talk.

Alam mo nakakafrustrate ang small talk sa text. Kasi bukod sa wala ka nang natututunan, ang effort effort niya pa. Partida hindi pa ako Jejemon niyan ha.

Pero aaminin ko, medyo naiinggit din ako sa mga taong masipag magtext. Yung telepono ko, bayad ng kumpanya. May 2.5k akong limit monthly. Natanggap ko yung billing statement ko nung isang buwan. 600++ lang.

Shiyet, ganun ba ako ka-detached? In fairness, halos 500 dun e sa SuperDUO pa. Sayang. Sana may gana akong imaximize ang benefit na yon. Sana may factor ako ng stupid text. Sa tagal na ganito, narealize na rin ng mga ka-opisina ko na hindi ako dapat sino-small talk sa text. Kaya halos lahat ng laman ng inbox ko ay panay trabaho. Except the standard “Good Morning”, “Lunch Time, Kain Na” texts from Denmark na hindi mo naman pwedeng replyan kasi parang automated na message lang yun.

Nakakasad yung mga taong nagi-initiate ng text conversation tapos hindi sumasagot. Yung mga nagtetext para wala lang.

O baka sabihin mo na nagmass text nga ako, tapos nagrereklamo ako. E nagmamass text lang naman ako kapag gusto ko ng kausap. So kung sino man yung mga sumasagot, kapag interesting yung sagot nila, nagsa-strike up ako ng conversation.

Dapat magsisimba kami ni Dunhill kanina. Kaso nung tinanong ko siya, sabi niya nagsimba na raw siya nung Biyernes. Tingnan mo yun. Minsan lang ako mag-aya magsimba tapos kung hindi ko pa siya tinext e hindi pa niya maiisip. Palagay ko walang kwentang kaibigan talaga si Dunhill. Nakita ko yung mga pictures nila nung church friends niya sa Facebook. Tapos naalala ko kung bakit ayaw ko mag-Victory.

Ewan.

So kanina after two years nagkapalitan din kami ng text ni Dar. Grabe ang tagal na naming hindi nag-uusap. Pano busy kasi siya sa jowa niyang si Erick at sa bago niyang trabaho sa Nestle. Same walang kwenta banter. Tapos fade…

Iniisip ko kung wala bang kumakausap sa akin kasi wala akong kwentang kausap o dahil hindi lang ako interesadong makipag-usap.

Ang weird kasi gusto ko ng intimacy pero parang incapable ako maging intimate.

Matagal na yata nating nasettle yang issue na yan.

Nung Biyernes tinawagan ako ni Ram dahil nagvevent siya tungkol sa isang antic na ginawa nung isang team sa amin. Ang galing, lagi ako kinakausap ni Ram kapag may problema siya sa trabaho. Kasi may sense daw akong kausap.

Minsan nagrereklamo siya dahil nagtetext daw siya sa akin socially pero hindi ko naman sinasagot. E mahirap naman sagutin ang quote diba? Mafufrustrate ka pa kung nag-punchline ka pero hindi naman na-appreciate nung nagtext yung wit.

Mas masaya pa kumain ng blueberry sundae sa Mcdo nang mag-isa at kumain ng pancakes habang umiiyak.

Ang sayang trip nun.

Ginawa ko yun minsan. Kumain ako ng ice cream habang naglalakad sa labas ng mall tapos umiiyak ako.

Mahirap, pero worth it.

Nung isang araw pala, tinext din ako ni Day ng isa sa mga cryptic niyang message. “May Cifra factor pa rin pala si Zaf kasi kamukha mo si Migs.”

Lason.

Si Zaf ay si Jeremy, so obviously tiningnan ko yung Facebook niya. At in fairness, hindi kami magkamukha nung Migs. So iniisip ko nang matindi kung bakit sinasaliksik na naman nitong si Day ang Facebook ni Jeremy. Kebs.

Medyo nalulungkot ako sa nangyari kay Jeremy. Kasi parang nag-end up siya na parang yung mga tambay na hindi na nag-actualize. Sana phase lang to. Parang ang hirap kasing maging siya, walang direksyon.

Yung course niya Food Tech. Tapos nag-call center. Tapos nagpipicture-picture. Parang hindi niya talaga alam yung gusto niya.

Pero wag na natin siyang i-judge.
Si Day pala ay ganun din. Ewan ko kung anong trip niya sa buhay pero parang wala naman siyang drive na baguhin ang mga nangyayari sa kanya. So parang nakakalungkot.

Hindi ko ngayon alam kung bakit ako nafafascinate sa mga taong ganun. Sabi nila you attract who you are, so baka in a way e wala rin akong direksyon sa buhay. Baka naman nafa-fascinate lang ako kasi gusto ko silang ayusin.

Ah alam ko na. Bumabalik lang pala ang lahat sa pagiging unavailable. Yun naman ang common denominator naming lahat. Pumipili ako ng mga taong invisible/ commitment-phobic/ fickle so I can tell myself that it’s their fault I don’t have a functional relationship.

Dahil ang totoo, hindi nag-aapply sa akin ang “Connecting People.”

My billing statement agrees.


Polethor's picture

Uhm...

"Sabi nila you attract who you are,"

Uhm... yun lang to avoid small talk.

Luca's picture

hay...

in fairness, namiss kitang kausap. 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Polethor's picture

Hehe

Napangiti mo ko dun. :)

Madalas pa rin akong bored at walang makausap.

May mga ikukwento sana ako sayo...

Luca's picture

ano naman yun?

pwede naman kasi akong ayain a 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Polethor's picture

Nakwento ko na...

Gusto ko manuod ng SATC. hihi

Luca's picture

AKO RIN!!!

pero gusto ko naka-couture tayo.

 

hahahaha 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Polethor's picture

haha!

Di naman mahirap gawin yun!

Luca's picture

sige nga

DARE

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Kinse's picture

Para akong nagababasa ng

Para akong nagbabasa ng gawa ni Bob Ong.. kaaaliw.. kala ko mahaba pa.. hehehe anyway nakakatuwa kasi i am somewhat like you mga ilang minuto lang naman, kasi madaldal talaga ko at kahit daw yata monitor kinakausap ko.. Pero parang nakarelate po ako dun sa ' Parang hindi niya talaga alam yung gusto niya. '

ciao!

Smile 

Luca's picture

maraming salamat ulet.

parang bob ong ba? shet...

 

talaga? nakarelate ka sa "hindi niya talaga alam yung gusto niya"? bakit? hindi mo rin alam ang gusto mo? o may gusto ka na hindi alam ang gusto? 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Kinse's picture

hehe

yung hindi alam kung ano gusto...

hindi ko po talaga alam kung ano gusto ko sa buhay..

yung tungkol sa profession.. go lang ako ng go, tapos pag ayako na.. quit agad.. walang second thought..larga agad.. kaya napaisip tuloy ako..ano ba talaga gusto ko?...

Smile 

Luca's picture

basahin mo

si Erik Erikson 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Kinse's picture

Erik Erikson? sino po yun?

Erik Erikson? sino po yun?

Luca's picture

Developmental Psychologist

boyfriend ko 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Kinse's picture

weh?

weh?

neutron's picture

aahhh..

..that explains ung happy sunday text mo kay anne na minsan nabasa ko habang kinakalikot ung new phone nya. hehee.. minsan mag kita kita ulit tayo at bonding.

naalala ko tuloy ung pag iyak ko sa parking lot ng greenhills a few yrs back dahil sa kwento mo. siguro around 7-8yrs ago. bata pa ako nun. tapos may stranger na mayaman. tinanong ako kung bakit. bigla ba naman nya ako dinala dun sa BMW nya. sabay bukas ng trunk ng kotse nya. ang daming laman. binigyan ako ng mga damit. ung tipong bago pa pero pinamimigay nya since december. hahaha.. eh tamang tama, nag volunteer ako sa orphanage. sakto. may napamigay ako.

 

- I'd still walk a million miles for just one of your kisses.

Luca's picture

yep

yun nga yun mismo....

 

oo nga balak ko ulit magpaparty pero gusto ko cocktails saka tapas 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

neutron's picture

cheese...

..and wine.. hahaha. sosyal. tapos may music eklat na maganda habang nag kkwentuhan / sharing. :)

 

- I'd still walk a million miles for just one of your kisses.

Luca's picture

hay nakew...

kung andun si Anne, maingay tayo. hahaha 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

aireen's picture

bakit ako walang HAPPY

bakit ako walang HAPPY SUNDAY na narcvd? di ako ksama sa mass texting mo..huhuhuhu

*tampo

Luca's picture

umarte ka...

 

according to zip code kasi ang mass texting. ahihi... yung 1550 hindi covered 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Luca's picture

umarte ka...

 

according to zip code kasi ang mass texting. ahihi... yung 1550 hindi covered 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Luca's picture

umarte ka...

 

according to zip code kasi ang mass texting. ahihi... yung 1550 hindi covered 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

aireen's picture

nag-uumarte talaga!!!

ganun...

o sha cge na nga... given!

ang kaso nung time na yan nasa Antipolo ako.. 1870 yun ah.... hahahahaha

 Wink

Luca's picture

anyways

i miss you ai.

kamukha mo yung isang girl na niligawan ko nung high school. at kung hindi ako nahulog sa look alike ni cheska garcia, siguro nagkatuluyan kami at hindi ako bading...

haaay...

 

o yan ha. ang ganda ng compliment ko, special yan 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

neutron's picture

awww..

sweet naman :D

bawi.. bawi.. hehehe

 

- I'd still walk a million miles for just one of your kisses.

Luca's picture

sweet naman talaga ako

 

at recently...

 

STUDLY din. hahahaha 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!