Luha
Luha
Bakit tila
Humahangos ka't
May luha pa
Sa iyong mga mata?
Ikaw ba'y nadapa
O natalisod kaya?
Noo'y nauntog
O kumalam ang sikmura?
Nag-aaway na naman ba
Kayo ng syota mo?
Dumapo ba sa iyong mukha
Ang kanyang kamao?
Sinabi ko na sa 'yo
Nung nanliligaw pa ko
Na ako na lang
Ang piliin mo
Bakit naman kasi nagpa-uto ka pa
Sa kupal na syota mo?
"Shet, trapik na naman...
Nagmamadali ako't
Napilitang tumakbo
Maalikabok sa kalasada't
Napuwing lang ako...
Ang OA mo, ha..."
16 September 2005
ika-labing-apat na tula sa aking unang koleksiyon ng mga tula, Sinturong Pangkaligtasan.
naisip ko ito habang stuck sa trapik sa gil puyat avenue papasok sa trabaho at dali-daling isnulat pagkabukas ng aking computer. ang mga tao talaga, may pagka-praning din paminsan-minsan...
Mga tula mula sa Sinturong Pangkaligtasan:
Bum · Isay · Pula · Sinturong Pangkaligtasan · Mani · OK Comprende · Indyanism · Pinakbetter Than Wala · Idlip · Hyperbola · Wala · Bata, Bata (Ganito Ka Ginawa) · Hello Lucy! · Luha · Gambatte Kudasai
hey ruth!
hindi ko rin kilala si robert anonuevo, hehe. pero sana mag-comment din siya sa mga gawa ko someday.
anywaya, medyo ginawa ko lang na mundane ang tulang ito na tungkol sa luha. medyo patawa lang, pero may kurot sa puso.
salamat sa pagbasa! :D
I'd love to turn you on...
http://dakilapinoy.wordpre
http://dakilapinoy.wordpress.com/ - Anjan yung mga gawa ni G. Roberto Anonuevo. Iba siya, magaling siya talaga! Buksan mo yung BUNGAD, para makilala mo na rin siya.
:)
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
medyo pamilyar nga ang
medyo pamilyar nga ang pangalan niya. sana someday may mabasa ako na gawa niya...
I'd love to turn you on...
!
Sabi nila hibang daw ang taong nagmamahal. May isa ngang manunula na sinabing “Love that is not madness is not love.”
Sisihin ang hormones... (*laughs*)
or pwede ring praning
nakakatuwa naman ang tulang ito....
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
salamat sa pagbahagi....
Isa ito sa mga tulang "LUHA" na nabasa ko.. Maganda... common ang titulo pero ang nilalaman naiiba sa lahat...
jons
bakit ngayon mo lang nabasa? ehehehe...
salamat jons! maraming mga tula at kwento dito sa FW na tungkol sa mga body fluids e, hehe. yan ang patok ngayon sa madla. :D
I'd love to turn you on...





Hello Patrick!
Hello patrick!
Nakaka-aliw ito ah. Pareho tayong may poem na luha. :)
Nagkoment si G. Roberto Anonuevo sa tula kong "Luha" sa wordpress. Nung una di ko siya kilala, pero grabe, bigatin pala siya. Marami akong natutunan sa simpleng komento niya.
Maraming kahulugan ang luha...
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
http://atmaramipangiba.wordpress.com
http://courtofreverie.wordpress.com