lumad.
wala ako sa aking ulirat
nang nahulog ako sa lupang
bigla na lang sumambulat;
at ang lalim ay may panggulat
sa aking isipang naging salat.
wala ako sa ulirat- nang pinilit pumiglas.
ngunit sa init ng araw at buhos ng ulan,
nabuo ang lumad sa aking paanan.
Kahit bitak-bitak pa'y sapilitan
na kumapit, sa aking talampakan.
at sa paghakbang, ako'y pinigilan.
wala pa ako sa ulirat- hayagan kong sinasabing ako'y hangal
palasak na mapagpanggap
sa loob ng kasuklam na imburnal
umaalingasaw ang bahong
ayaw matanggap.
hindi malilinis ang dumi,
kung sa tubig ay di magkandili
at parehas lang na babagsak muli
kung ang pagdaloy ay may naninisi.
wala ako sa ulirat, noon.
ngayon, wala ako sa tama.
At ninanais kong maituwid-
mga ilang pagkakamaling
sa akin ay naging putik-
Na hindi ko lubos malinis
putik na kawangis
lumad ng hinagpis.
matutuyo rin at ninipis
hanggang sa balat ko'y maiaalis
muling kikinis.
----
hanggang sa muling pagbatas--hindi na muli mahuhulog sa lubak.....
umaahon.
hello jon.
lumad ang gamit naming kataga sa putik na ginagamit sa paggawa ng palayok. :) (clay baga.)
ngunit ang lumad ay pangkat din ng mga katutubo sa mindanao.
ginamit ko ang una.
salamat jons.
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
Salamat sa info... ngayon ko
Salamat sa info... ngayon ko lang nalaman ang tagalog ng clay hihihihihi
Ganda ng tula.... nagbibigay ng lakas ng loob para umahon...
God bless!
Jonsdmur
nice....
keep in touch...
callie
hello callie
thank you for stopping by. i will.
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
hi sani!
tama, ahon lang, sani.. ahon lang. =)
ngayon ko lang nalaman ang meaning ng lumad, yun yung nabubuong putik galing sa lupang medyo orange ang kulay tama ba? (clay)
ill call you on weekend. thanks for sharing!
hello ad
eksakto. heheh me kulay pa. minsan brownish clay.
sige ad. wait ko call mo. hehehe naka unli ka na rin?
ingat
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
Lumad
yun pla ang lumad... hahaha
akala ko yung sa bata.. pag sobrang busog lumulumad... nyahaha lungad pla.. ang korni ko.. sensya na po...
meron din akong nabuo na kagaya ng tema ng iyong ginawa.. "Kalyo sa Paa" naman ang titulo..
http://filipinowriter.com/kalyo-sa-paa
*nag anunsiyo pa.... hahaha*
"figment of my imagination..."
lumad
lumad---ang pagkabigo ay kailangan para ang tao'y tumatag, kung masadlak man sa putik, lumaban ka..('wag lalong pakabaon). At bukas paggising mo, masisilayan din ang liwanag.
ganda ng mensahe.
God bless.
salamat te
tama.
maputik sa amin, lubak-lubak ang daan, pula ang kulay ng lupa.
ngunit maganda ang tanawin, malinis ang paligid at sariwa ang simoy ng hangin.
ano nga ba talaga ang kaunting paghihirap sa napakalaking bukas.......
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
laro sa putikan
Masarap magtampisaw sa putik pag wala kang suot sa paa ramdam mo ang malagkit na kapit nito nakakaaliw lalo na pag nakikita mo ang impressions ng paa sa mo sa putik tapos kukuha ka sa kamay para gawing iba-ibang shapes pwedeng chocolate cakes kunwari o kaya poopoo kunwari tapos ibabato mo sa kalaro. Pero pagkatapos maglaro papagalitan ka ng Mommy mo kasi mahirap tanggalin ang pumasok na putik sa kuko. Hay lahat naman yata ng masaya may kasunod na malungkot ano? at parang walang sense ang sinasabi ko kaya hanggang dito na lang kumusta na lang Talulot!
xtin!
ahaha, gusto ko iyang comment mo. naku, di pa ako nakaka-email. wait lang ha. hehehe.
talaga namang magagalit ang sinumang 'mama' sa maruming paa sa bahay.. :)
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
Mahusay ang iyong tula
Mahusay ang iyong tula magandang bulaklak
Napaisip rin me kina kung ano ang lumad.. buti na lang nasagot na sa ibaba
hello bubuyog
salamat sa pagdalaw sa talulot. malaya kang kumuha ng nektar!!!!
:)
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
LUAD
minsan tinatawag din siyang LUAD sa ibang dayalekto dito sa Pilipinas. siya yung putik na ginagawang palayok o paso.
ang yaman ng Pilipinas kahit putik na napapakinabangan pa...
check out Black Orchid Part 2 on: www.blah-blahblogs.com
kua rom... musta!
salamat sa impormasyon.
musta na....
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
ahon lang...
lakad lang. ahon lang. piglas lang. ganyan talaga ang buhay. parang... sulat lang.
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
lahat tayo'y galing sa putik...
hello sani. naku ngayon ko lang nabasa ang napakaganda mong akda. haay.
lahat tayo'y galing sa putik, at babalik din doon, ngunit tayo'y buhay at hiningaan ng pagmamahal ng Panginoon. hindi naman marumi ang putik, pero may kung anong nagtutulak sa atin na iwaglit ito... marahil dahil ayaw pa nating bumalik, gusto pa nating lumaban, hindi pa tayo babalik, dahil wala pa sa diwa natin ang pagsuko... parang napakagandang magpahinga sa tindi ng mga hamon ng buhay, pero hindi muna ngayon dahil kaya pa, sa tulong Niya, kaya pa at marami pang kakayanin...
"the woods are lovely, dark and deep
but i have promises to keep
and miles to go before I sleep
and miles to go before I sleep..."
Take care Sani. :)
Ruthie
ate ruthie
salamat naibigan mo.
nung sinulat ko ito, huminga lang ako ng malalim. pinikit ko ang aking mata at hinayaan ko ang puso ang sumulat.
masarap magpahinga ate, at pagtapos magpatuloy!
nice "stopping by the woods" ni robert frost!
thank you for stopping by!
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
lumad.?
How is lumad. used here?
Why a period after it?
Somebody must have already pointed out that lumad means our non-Christian and non-Muslim countrymen in Mindanao, like the Tirurays, Bukidnons, Samals, etc.
Lumad. for failures?
It seems confusing, doesn't it?
Or perhaps, there are places in the country where this word means such. Am I correct?
Or, still, there must be a typo error with regard to the period.
Totally confused, I am.
dear talulot
napaka lalim ng iyong tula,
ako'y nalulunod,
hawakan mo ang aking kamay,
pilitin mo akong hilain pataas,
sagipin mo ako sa iyong talinghaga,
at magkasabay tayong humabi ng pangarap,
ito ma'y gawa sa ginto o sa lumad...
pwede siguro
requesta sana, try nyong mag collaborate ni sinta, pareho kayong magaling magsulat.
ang galing ng pag gamit mo sa word na Lumad, malalim, kasi di ba, malalim na tagalog ng putik ang lumad, correct me if im wrong ha.
Hi, talulot. Ako si
Hi, talulot. Ako si Alex.
Buti na lang, sa lupa ka nahulog, hindi sa loob ng imburnal. Kundi, ang bantot mo sana ngayon.
Gaano ba kalalim ito? Hindi ko lubusang makuha? Ano ba talaga ang kinabagsakan mo? At bakit hindi yata makatkat ang dumi na kumapit sa iyo?
Ang dami nang nagtataka sa tula mong ito. Mahiwaga.











Ilang beses ka mang
Ilang beses ka mang madapa.... At ilang beses ka mang nabigo... bumangon lang dahil alam kong kaya mo.
Ang lumad ba ay putik?
Ingat you lagi frend....
Jons