Lunar Eclipse

dyeppri's picture
| |

Lunar Eclipse

 

Sabay nating iginulong ang ating mga  likod sa gitna

ng parang na hindi alintana ang humihiwang talahib

sa kanipisan ng iyong balat----marahil ay sanay ka na.

 

Sinubukan kong muling tuhugin ang mga bituin at ialay sayo

ngunit tila mga bulalakaw itong nangangahulog sa lupa.

May ilang tumama sa akin upang bigyan ako ng konting liwanag

Ngunit sabi mo, huli na ang lahat.

 

Katahimikan.

 

1:23 A.M. June 16, 2011

 

Sandaling namaalam ang hiram na liwanag ng buwan.

At ang sa atin ay isang tuluyan nang pamamaalam.

dyeppri

5182EiDiDiFy's picture

Sadyang sa kabila ng wagas

Sadyang sa kabila ng wagas na pagmamahal ay nauupos din ang puso para sa isang pag-ibig... kung kaya dumarating siya sa puntong umaayaw na (nagsasawa) bagama't nakasanayan na naman niya ang paulit-ulit na sakit...

 

hindi ko alam kong bakit na hurt ako ng mabasa ko ito.

 

nIce One!

 

 

maharot, malikot titik sa aking tuktok!

dyeppri's picture

Salamat...

Ganoon talaga...dahil ang tao kahit pinagbuklod ay hindi tuluyang magiging isa dahil mag-kaiba pa rin sila. May mga pagkakataong kailangang maging buhangin ang nilubid na mga pangako. thanks

 

 

                  https://dyeppri.wordpress.com/

"libog lang ang dahilan ng lahat kung bakit andidito ako..."

      

Starblaze's picture

Magkasing anyo subalit di magkawangis

Sabi nga ang pinagbuklod ng Dios ay di pwedeng paghiwalayin ng tao. Kaya marami ang nagsasama sa iisang bubong subalit magkalayo na ang kanilang mga puso. singlamig ng gabi ang kanilang mga damdamin at kung pakikinggan ay magkaiba ang itinitibok ng kanilang mga puso. tulad ng lunar eclipse, dumidilim din at pagsapit ng liwanag hindi na sya ang dating sya na iyong sinamba.

Starblaze, Bh.D. (Doctor of Broken Hearts)

Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

Alexander Dagrit's picture

<

 

Ang mga tulang may ganitong mga talinghaga ang mga gusto ko.

Sa unang dalawang saknong, malinaw na pagsisiping iyan. Subalit hindi naging pornograpiya ang anyo dahil gumamit ng metonymy at mixed methapor (halo-halong metapora) sa paglalarawan ng bagay na iyon. Kaya naman, naiwasan o ganap na nalampasan ang manipis na linya na naghihiwalay sa sining at kalaswaan o porno.

 

Sandaling namaalam ang hiram na liwanag ng buwan.

At ang sa atin ay isang tuluyan nang pamamaalam.

Ang liwanag ng buwan ay huwad na liwanag dahil hiram lamang ito mula sa araw. Subalit ito naman ay kaayaaya dahil hindi masakit sa balat at mga mata.

Ang bawal na pag-ibig ay walang dangal, subalit higit ba itong matamis para sa persona ng tula -- gaya ng malinaw na ipinahihiwatig niya?

Kaysarap baklasin ang mga talinghaga ng ganitong mga tula. Moderno rin ang tulang ito dahil pantay-tao ang tinig na kinasangkapan nito.

 

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

dyeppri's picture

Salamat Alex...

Salamat Alexander (mabuti na lang at 'di ka si Javier, LOL)-isa ka sa mga hinahangaan ko na mangingilatis ng mga akda dito dahil malawak ang isip mo at hindi sarado sa bawak saknong na ipinakikita ng bawat mga salita. Sakto ang sinabi mo. Thumbs UP!!!

 

                  https://dyeppri.wordpress.com/

"libog lang ang dahilan ng lahat kung bakit andidito ako..."

      

magsinoalvin's picture

wow.. nag-iwan ito g

wow.. nag-iwan ito g masidhing damdamin sa akin pagkatapos kong basahin.. Ang galing...

alcor eldioan's picture

too short but it just stabs

too short but it just stabs in a weird way...

i adore your piece. good job! :) 

magsinoalvin's picture

ang galing talga nito. hindi

ang galing talga nito. hindi pa rin ako maka-move on