Maabilidad

Luca's picture

"El amor no es un sentimiento, es una habilidad."

- Marty Barasco Dan In Real Life

Peter Hedges

 

Sa dinami-dami ng mga bagay na kaya kong gawin, pinaka-proud ako sa pagiging cheesy.

Ako na yata ang quintessential romantic. At dahil diyan ako rin ay isang masokista. Para sa akin, hindi sulit ang romansa kung ineeffort at kung hindi masakit. (Sige mag-isip ka ng mga bagay na masakit, di ba ang sarap din nila? Gets mo na?)

Aaminin ko, kahit gaano ako karomantiko, hindi ako naniniwala sa "Unconditional Love." Romantic ako, hindi naive.

Sa akin, importante sa isang relasyon na alam ng mga partidong kasangkot kung bakit andun sila. Naiinis ako kapag tinatanong ko ang syota ko ng, "bakit mo ako mahal?" at sasagutin nila ako ng "hindi ko alam, basta mahal kita."

Alam kong ang salitang "basta" ay maraming praktrikal na gamit sa buhay. Pero sa totoo lang, hindi ko type na ginagamit ito masyado sa mga matters of the heart.

Hindi ko na maaalala kung san ko to nabasa, pero may isang nagsabi, "I want you to love me deliberately." O diba? Di hamak na mas masarap siyang pakinggan sa "I love you by default." 

Naniniwala kasi ako na ang pag-ibig ay sinasadya. Hindi nagkataon lang. Doon mo malalaman na may libog (passion). Gusto ko kapag ako ay minahal ay kalibugan din ako. Kasi malibog din ako magmahal.

Mas masarap magmahal yung mga taong magaling gumawa kaysa yung mga taong magaling lang makaramdam. Sinasabi nila na ang pag-ibig ay isang dialogue. (Ang talino talaga nila.) Kung baga, ang mga taong magaling lang makaramdam sa isang dayalogo ay tagapakinig lang at ang mga taong magaling gumawa ay katumbas nung mga makuwento.

Ang pag-ibig ang hindi isang pakiramdam, ito ay isang kakayahan...

At ang kakayahang ito ay dapat ineexercise araw-araw. Masarap ang pag-ibig na maeffort. Yung maingay. Yung balitaktakang umaatikabo.

(Binasa ko ang lahat ng nasulat ko hanggang dito at bigla kong naisip, "shet, monologue pa rin ito.")

Pero naisip ko, dahil maabilidad naman ako, magmomonologue ako ng magmomonologue hanggang isang araw, mayron na rin sumagot.

 


aireen's picture

"El amor no es un

"El amor no es un sentimiento, es una habilidad."<----  i like it! Laughing

 

Luca... naluluka ako sau... nice post!Smile

Sinasabi nila na ang pag-ibig ay isang dialogue. Kung baga, ang mga taong magaling lang makaramdam sa isang dayalogo ay tagapakinig lang at ang mga taong magaling gumawa ay katumbas nung mga makuwento.

Ang pag-ibig ay hindi isang pakiramdam, ito ay isang kakayahan...

"Masarap ang pag-ibig na maeffort. Yung maingay. Yung balitaktakang umaatikabo."----gusto ko rin eto..hehehehe

 

haist! luca.. luca... i'm glad u're here!... hehehehe.. napangiti mo ako..

 

cheers!

 

Luca's picture

awww...

aireen, naoobese ang puso ko sa iyong mga salita.

maraming salamat sa patuloy na pagbabasa, magkuwentuhan tayong marami, okay?

wag kang pipikit...

aireen's picture

Sige kwento ka pa...

Smile

Sige kwento ka pa... hehehehe (sige na.. nasasad ako today e!)

cheers!

Luca's picture

ito mejo emo...

Kapag may Hallmark holiday, nakagawian kong magmass text. Gumagawa ako ng isang standard message at pinapadala ko yon sa mga kaibigan ko sa phone book. Noong Valentine's 2008 ito ang pinadala ko:

<3

 

ito ang paborito kong sagot:

 

>3

wag kang pipikit...

aireen's picture

Luca U're not accepting

Luca U're not accepting emails pla...

haist! ano yan.. chori po di ko  dig!!hehehehe <3 >3? hmmmm

Luca's picture

churi, baby pa ko, di ko pa

churi, baby pa ko, di ko pa alam ang mga tricks na yan dito sa FW...

fifigure it out ko

wag kang pipikit...

noelablon's picture

pinagpala ba ako?

Grabe, bakit ba di ko ito nakita noon. Ang masasabi ko lang....

AMEN!

 

====
Heto pa ang mga kwentong maaaring may kwenta!

Luca's picture

and amen!

gogogo lang noel! salamat sa patuloy mong pagbabasa... 

wag kang pipikit...

Polethor's picture

BIALOGUE

Di rin ako naniniwala sa unconditional love.
Kahit mga pet, di rin nainiwala dun.
Pusa nga umaalis ng bahay kapag wala ka na mapakain.
Magpapaampon na sila sa iba.

 

Di rin ako nakukuntento sa sagot na "hindi ko alam, basta mahal kita."
Dahil lahat ng bagay may dahilan. May purpose.
Kahit nga karton ng safeguard sinasagutan at hinuhulog sa tambyolo, Love pa kaya?

 

Luca's picture

good for you!

good job! 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!