Ma'am Manalastas aka Ma'am Powkie

spike_west's picture
Dati nung highschool ako, mayroon akong peyborit titser noon at sya ay si...... Ma’am Manalastas. Si Ma’am Manalastas ay ang aming Filipino Teacher .Kamukha nya si Pokwang at si Ai-Ai delas Alas COMBINED (kawawang nilalang) . So isipin nyo na lang ang pagmumukha ni Ma’am Manalastas??
Mukhang syang BABA na tinubuan ng mukha. Mahaba ang baba ni Ma’am na pwedeng pangalso sa truck at pambiyak ng niyog. Bawal din syang yumuko dahil baka masaksak nya ng sarili nya dahil sa sobrang talas ng BABA nya. Pero dahil pakiramdam nya maganda sya at kamukha nya si................ Claudine Baretto, masyado syang mataray. Madalas din syang magpashower ng laway sa pagmumukha ng mga kaklase ko, at madalas din may namumuong bula ng laway sa gilid ng bibig kaya lagi syang may dalang panyo para punasan iyon.

Habang nagdidiscuss si Ma’am Powkie ( gamitan natin ng alyas), napunta ang discussion namin tungkol sa “Pang-uri”. Heto ang senaryo.

Ma’am Powkie: Class, ang pang-uri ay ang paglalarawan sa pangalan at panghalip. Tulad ng sentence na ito…..”Ako ay magandang babae”.

Class: Hahahhahaah (biglang tumawa ang klase kahit hindi naman nagjojoke si Ma’am)

Ma’am Powkie: MGA LETCHE KAYO!!!! (galit na!) Anong nakakatawa?? (tumitig na ng masama)

Biglang tumahimik ang buong klase. Kaya pinagpatuloy nya ang kanyang pagturo.

Ma’am Powkie:Okay Spike! Magbigay ka nga ng isang pangungusap na may pang-uri.

Ako: (nabigla ako) Ma’am ano po…. Uhmmmmm “ Kayo po ay ubod ng ganda , at kamukha nyo po si Zorayda Sanchez!!!Hahahaha”. (ako lang ang tumawa).

Akala ko matatawa ang mga kaklase ko pero mga siraulo sila hindi man lang nakisama

Dahil sa sinabi ko na yan, biglang nagliparan ang notebook, eraser, libro patungo sa aking pagmumukha.Parang torong galit na galit si Ma’am Powkie. At dahil sa pangyayaring yan suspindido ako ng isang linggo at mula din noon hindi na nya ako binentahan ng yema sa klase.

Noon ko lang napagtanto, na masama na ngayon ang pagsasabi ng totoo.

So akala ko hindi na kami magtatagpong muli ni Ma’am Powkie. Pero nagkamali ako dahil muling nagkrus ang aming landas (wow parang teleserye lang ah). Sya ulit ang aming titser sa Filipino. This time, medyo mabait na sya dahil siguro sa ipit nyang kulay pink, sa sapatos nyang pink, damit nyang pink, panyo nyang kulay pink at BABA nyang kulay pink.

So heto na uli, ang topic namin ay tungkol sa Homonyms.

Ma’am Powkie: Mayroon tayong mga salitang iisa ang baybay at iisa din ang tunog pero magkaiba ng kahulugan. Tulad nito sala (sin) at sala (living room). Ikaw Andrea magbigay ka ng example.

Andrea (kaklase kong mukhang vicks): Baga (lungs) at baga (ember)

Ma’am Powkie: Magaling (palakpakan ang buong klase) o ikaw naman Tonio magbigay ka ng isa pang halimbawa.

Tonio (kaklase kong adik): Supot (plastic ) at Supot’ (di pa tule)

Tawanan ang buong klase pati si Ma’am Powkie tumatawa din habang may mamuo muong laway sa gilid ng bibig at kita din ang bulok na bagang nya malapit sa kanyang wisdom tooth.. Dahil masaya ang mood ng klase, gusto ko ring magjoke (aba di pwedeng si Tonio lang ang sikat). Kaya talagang pabibo ako at sobrang nagtaas ako ng kamay. Kaya nung tinatawag ako ni Ma’am Powkie nagjoke ako.

Ma’am Powkie: Okay Spike magbigay ka rin ng Halimbawa

Ako: Ma’am ano po!hehehe!! BABA (down) at BABA!!!! (chin) …..(sabay turo sa baba ni Ma’am Powkie at tawa ng nakakaasar na WHAHAHHAAHA)

Tumawa ang buong klase ng ubod ng lulutong.Dumadagundong ang tawa ng mga baluga. Syempre feeling sikat ako kasi nakakatawa kaya ang joke ko. At habang proud na proud ako sa aking joke bigla akong natakot dahil nakita kong nagliliyab sa galit si Ma’am Powkie. Pulang pula ang mukha nya sa galit, at mukhang tutusin na nya ako ng BABA nya ..........kaya nsobra akong natakot sa kanya (sorry naman!!)

At ika nga “history repeats itself” dahil biglang lumipad ang mga chalk, teksbook, ballpen at eraser na parang may mga magnet at sariling buhay dahil saktong sakto sa pagmumukha ko. At malamang kung kayang buhatin ni Ma’am Powkie ang blackboard baka hinampas nya sa akin yun . At dahil dyan hindi sya nagturo ng isang buwan sa klase namin. At lahat kami muntik ng bumagsak dahil sa inyong lingkod (ahem)!!SIKAT!! (**please insert feeling pogi pose here***)

Kaya mula noon ayaw ko ng magjoke. Ayaw ko ng magjoke lalo nat hindi naman ako CLOWN.

At ang moral lesson ng kwento ko na ito ay:

1. Huwag mong gagawing pang-uri si Zorayda Sanachez ( sumalangit nawa)

2. Huwag mong gagawing halimbawa ang BABA (down) at BABA (chin) kapag kamukha ng titser mo si Pokwang at Ai Ai delas Alas COMBINED.

Salamat po!


Yiennarda's picture

At bakit~!!!*#&%^&^%#^!

Sa dinami dami ng pangalan... eh nabanggit mo pa ang pangalan ko,,,,ng????        TONIO????

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

spike_west's picture

Sorry na po

Trivia:

 

Si Yiennarda at si Ma'am Powkie ay iisa.

 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Yiennarda's picture

At ang totoong pangalan ni Spike ay...

E........................

 

 

 

 

 

Estong! Hahahahahahahahah!       

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

CLOSET WRITER's picture

haha...

di naman mahaba baba nya, mataas lang cguro ang lips nya.

Luca's picture

potah...

yung shape ng ulo niya, kayang mag-accomodate ng dalawang mukha. hahahaha...

bastardo ka Estong!

spike_west's picture

Luca at Joren (Nuptial) prang kasal lang ah!

 

WHHAHHAHAHHA, Natawa ako dun 

 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

dyeppri's picture

BWAHAHAHA....

NAKAKATUWA AT NAKAKATAWA KA PA RIN PARD!!!

Laughing

                           http://dyeppri.wordpress.com/

                       

spike_west's picture

Namiss kita parekoy

Pakess nga sa leps! 

 

Ingat

Spike 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

dyeppri's picture

Hi

minsan-minsan na lang kasi ako magawi dito... busy eh. ang sobrang oras ko ay nilalaan ko na lang sa pagtulog ko.hehehe...

nabalitaan ko na may binubuong compilation si Manong Rom kaya susubukan ko sanang humabol. Kaya bumisita ako dito muli.  Bihira na pala ang mga bagong kwento dito ay malimit ay mga blog na ang lumalabas...

Thanks... Happy Ramadan Pre.

                           http://dyeppri.wordpress.com/

                       

spike_west's picture

Oo pre

 Pre meron nga nasa FB nandun yung invitation, gusto ko ringn sumali kaso busy ako eh. (alam mo na hectic ang schedule dahil sa mga tapings and mall shows, whahah)

 Ramadan kareen bro,

Ingat

Spike

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo