Made In China
3 days ako sa China last week. Sa Guanzhou, capital city ng Guandong Province. Mainit ang panahon doon, parang sa pilipinas din. Tapos biglang uulan kaya eto, sinisipon at inuubo. Sana hindi to H1N1.
Kapag sinabing China, Great Wall of China agad ang pumapasok sa isip ko pero sad to say, hindi ko nasilayan yon. Bukod sa malayo sya from where we stay, hindi rin talaga tour sa mga scenic or historical spots ang sadya ng kumpanya namin doon. It’s purely work na nagdidisguise as pleasure. So since dumating kami, wala kaming ginawa kundi mag ikot sa mga lugar kung saan, andoon ang kaharian ng mga textile, ng mga garments na mauumay ka sa dami at mga kung ano-ano na makikita mo rin sa 168 mall at Divisoria. Syempre pa, alam naman nating lahat na ang China ang supplier ng mga halos lahat ng damit at mga bagay na kumakalat sa buong bansa. Kasama na ang libreng melamine at formaline na pangunahing sangkap sa kanilang mga produkto.
Malaki ang pagkakahawig ng China sa ating bansa. Para ka lang pumunta ng Binondo at sa Ongpin. At hindi ka na rin maninibago sa mga tao doon since sanay na tayo sa dami ng mga Chinese dito sa atin. Halos lahat ng mga napasukan kong trabaho ay intsik ang nagmamay ari. Sanay at nakikibahagi na rin tayo sa kultura nila. Pero syempre, ang mga Chinese ditto sa atin ay nahaluan na ng kulturang Pilipino kaya mas nakakapag blend tayo ng maayos sa kanila. In fact, Chinese ang best friend ko.
Masarap ang Chinese food. At kahit di ako ganun kasanay eh pinipilit kong gumamit ng chopstick para mas ma feel ko ang authenticity. Beside, walang choice kase wala silang kutsara at tinidor don, sobrang bihira. At syempre, hindi kumpleto ang trip doon kung hindi mo matitikman ang pinagmamalaki nilang Peking duck na sasabayan mo ng manamis-namis na Tsing tao beer. Meron din naman dito non sa mga Chinese restaurants pero iba yong feeling ng original. Hindi ko lang siguro kayang sikmurain ang mga exotic dishes nila. Pinakita ng Boss ko ang picture na akmang isusubo nya ang malutong na ipis habang nakahain ang pira-pirasong katawan ng maliit na buwaya sa mesa at binalatan na ahas. Hindi ko kinaya.
Ang hindi ko gusto sa bansa nila, hindi sila tourist friendly. Ang hirap makipag usap sa kanila kase madalang kang makakahanap ng taong marunong mag English, kung meron man, mahihirapan ka ring umintindi dahil sa accent nila na hindi mo malaman kung British dahil di nila mabigkas ang letrang “R”. Kaya may interpreter kaming kasama. Nakakatawa pa, wala silang pakiaalam kahit sinabi mong English please, tuloy tuloy lang silang kakausapin ka ng Cantonese, or Fokien or Mandarin. Care nila kung dumugo ilong mo. Yong iba, parang galit pag kinausap mo, siguro paraan lang nila yon para matakot ka at tantanan mo silang kausapin. Umuubra din naman ang sign language at hand gestures. Dapat yon ang gawin nating universal language para mawala na ang communication gap sa buong mundo at ng maachieve na natin ang world peace.
Sa buong paligid, wala kang makikitang English word, kahit ang pamosong tatak ng Coca Cola nagawan nila ng paraang maging Chinese character. Buti na lang hindi nila binago ang trade mark ng McDonalds at KFC. Pero sa tatlong araw ko doon, wala akong nakita kahit isa sa mga signs nila na may funny English. Duda ko, tinaggal na lang nila kase gusto sana nilang makatulong sa mga tourist kaso pinagtatawanan lang naman at ginagawa pang tourist attraction ang kabobohan nila kayo ayon, ang mga tourists ang pinagmumukha nilang tanga sa kanilang bansa. Kahit ang cable TV nila, walang English channel. Kung pakaiisipin, maganda rin naman na wala silang pakialam sa Wester culure. At least, buhay na buhay ang kanilang kultura at pagiging makabayan. Umunlad din naman sila. Eh tayo, ang yabang yabang natin na marunong tayo mag English eh mahirap pa rin ang bansa natin. Paano, wala tayong identity. Wala tayong national pride. Nagpupumilit tayong magpaka Kano. Eh ang papandak naman at ang iitim ng mga singit natin.
Isa pa sa hindi ko gusto sa kanila, dura sila ng dura. Dahak ng dahak. Itsurang katabi mo sila sa table kumakain. Mawawalan ka ng gana. Wala rin silang pakialam sa paninigarilyo. Kahit sa loob ng airconditioned na establishments, at kahit may bata, yosi sila ng yosi at ipipitik ang filter kung saan nila gusto. Medyo tagilid lang sila when it comes to personal hygiene. Takang taka yong interpreter namin kung ano yong pinapahid namin sa kamay before and after our meals. I cannot imagine na hindi nila kilala ang rubbing alcohol.
Bukod sa pagiging unhygienic medyo may pagkabastos din sila. Hindi ata uso sa kanila ang excuse me at sorry. Wala silang pakialam kung nabangga ka at nasaktan.
Higit sa lahat, hindi ko gusto na naka block sa China ang Facebook, ang Twitter, ang Blogspot at iba pang internet social network dahil lang sa kanilang mainit na political situation. Hindi pwedeng mangyari sa ating bansa ang ganon. Hindi tayo makakapayag na saklawan ng gobyerno ang ating karapatan sa malayang pagpapahayag sa kahit anong media. Ilang beses na ba nating nagamit ang makabagong teknolohiya para ipaglaban ang ating karapatan at kalayaan?
Kaya ayon, medyo nakapulot naman ako ng konteng makabuluhang kaalaman sa recent trip ko at higit sa lahat, naapreciate ko uli yong fact na made in the Philippines ako.


