Magkaibang Mundo
"Gardens of perpetual bliss – they shall enter them as well as the righteous among their fathers, their spouses and their offspring. And angels shall enter upon them from every gate.” (Surah al-Rad, 13: 23) Quran
Dumudulas sa mga kamay at daliri ni Shekinah ang mga ulap na tila sutla at sing puti ng bulak, parang bata nitong nilalaro laro ang mga ulap na nasa kanyang paanan habang nakaupo sa isang tipak ng bato. Ang lugar na iyon ay napapaligiran ng mga sari saring bulaklak na nagbibigay ng halimuyak sa umaga. Ang puting kasuotan nito na sayad hanggang talampakan ay humahapit sa kanyang katawan sa bahagyang ihip ng hangin. Sa di kalayuan ay makikita ang dalawang haligi na nililok sa batong marmol na may mga hugis dahon sa paanan bilang palamuti at desenyo. Ito ang nagsisilbing haligi sa pinto ng kalangitan na may napakahabang hagdanan na halos natatakpan na ng mga ulap ang dulo. Sa loob ng langit ay naroon ang mga anghel at mga kerubin. Nangagtaas ang mga trumpeta habang ang mga ito ay tumutugtog ng mga papuri at pagsamba, sa isang banda ay naroon ang mga kerubin na tumutugtog ng mga harpa.
"Shekinah! anong ginagawa mo dito? di ba dapat naroon ka sa lupon ng mga kumakanta?
"Sofiel, ikaw pala" mahinang tugon ni Shekinah. "Ayoko roon, gusto kong mapag-isa. Nangangawit na ang mga daliri ko sa pagtugtog ng lira at namamaos na ang boses ko sa pagkanta.
"Magagalit sayo si San Pedro." ang may pag-aalalang sabi ni Sofiel.
"Hayaan mo syang magalit." tugon ni Shekinah habang patuloy pa rin nitong nilalaro laro ang mga puting ulap na nasa kanyang paanan.
"Sige bahala ka, aakyat na ako dun ha? sumunod ka na lang." Nilingon lang ni Shikenah ang kaibigan at patuloy lang nitong hinuhuli sa kamay ang mga ulap.
Si Shekinah ay isa sa pitumput dalawang anghel ng kalangitan na naatasang maging inspirasyon sa mga tao at magdala ng harmonya at pagkakaisa. Sya din ang anghel ng pagkakaisa at pagibig na hindi naghihintay ng kapalit.
to be continued.....
hehehehe
hehehe actually period na yun pagdating dun sa BULAK neway draft pa alng namn yan eh..direct from my mind hehehe...ang hirap pala magisip ng words na yung tipong santa at santo ang dating kasi dumedepende sa character eh...kaya heto to be continued tuloy ako kasi di ko sya masave ala palang auto save dito hehehee kaya ni post ko na kaagad
Starblaze "Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)
Banal
Banal ang setting pero ang description ng character may pagka erotic..."humahapit sa katawan" to think na anghel yun
Si Paruparongberde ay isang estudyante at kumukuha ng Business Management major in Marketing sa isang eskwelahan na ang logo ay berde
kaw namn
Kaw namn ganun talga ang estorya..fiction lang namn yun eh hehehe...yaan mo pag natapos bibigyan kita ng sipi..malalaman mo na naiinlove dinpala ang isang anghel
Starblaze, Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)
Curious lang Sir. :D
"Gardens of perpetual bliss – they shall enter them as well as the righteous among their fathers, their spouses and their offspring. And angels shall enter upon them from every gate.” (Surah al-Rad, 13: 23) Quran
Sa paghahalungkat ko po ng mga posts randomly, isa to sa napansin ko. And mas lalo po akong na-curious nung nabasa ko na. Gusto ko lang itanong Sir bakit may sinama po kayo verse from the Quaran dito?
maganda ang pagkakasulat
maganda ang pagkakasulat mo..
I quoted the verse from the quran
I quoted that verse from the quran to justify that indeed there are angels at hindi lang talga mga christians ang naniniwla about angels kundi pati na rin ibang religions..marami ng versions ang kwentong di tapos na to dito ko din ni base ang isang nobela ko entitled "The Hunter" fantasy din yun..at meron pang isang fantasy din "magkaibang mundo" http://www.filipinowriter.com/magkaibang-mundo-taken-from-6-ft-below-the-ground
rin ang title about sa pusa at palaka naman yun..
thanks for reading :)
Starblaze, Bh.D. (Doctor of Broken Hearts)
Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)






hihintayin ko yung
hihintayin ko yung kasunod..
"Dumudulas sa mga kamay at daliri ni Shekinah ang mga ulap na tila sutla at sing puti ng bulak parang bata nitong nilalaro laro ang mga ulap na nasa kanyang paanan habang nakaupo sa isang tipak ng bato na napapaligiran ng mga sari saring bulaklak na nagbibigay ng halimuyak sa umaga." - ang haba naman nitong sentence na to,, hehe.. nakalimutan ko huminga habng binabasa to.. :)