Mahal kita Prinsesa ko....

joykhulit_17@yahoo.com's picture

Mahal kita Prinsesa ko!

by:probinsyana

 

Ako ay isang simpleng taong minamahal ka

Na sa bawat araw na daraan,ay ninanais ka

Wala akong pakialam,anumang sabihin nila

Ako ay isang taong sa'yo araw-araw humahanga.

 

Nais kitang mahalin,subalit ayaw mo

Akala mo siguro,ako'y taong mapagbiro

Subalit may isang bagay,nais kong patunayan sayo

Totoo ako sa'yo,maniwala ka sana dito.

 

Kelan mo'ko mamahalalin,kung kelan huli na?

Maikli lang ang buhay natin,mamaya bahala na!

At sa bukas naman,maswerte kung magigising pa

Pahalagahan natin nag bawat oras,lagi sayong ipapaalala.

 

Pasensya ka na sa akin,kung minsa'y madrama!

Kalungkutan ay di maalis,hanggang pagtulog sa kama

Alam mo bang sa'yo ay sobra akong nahalina...

Boses mong kayganda,sa tenga ko'y parang musika.

 

Masaya ako,dahil nakilala kita

Subalit mas masaya sana kung sagot mo'y "mahal din kita".

Kulang pa nga siguro,paraan ng pagbibigay sayo ng sigla...

Ah! basta Mahal kita....mahal kita....mahal na mahal kita...

 

Sinusuportahan  ko ang lahat ng naismo.

Kabaligtaran mo ako,katangian mo'y wala ako

Pasensya ka na..kung hindi ako ang pinapangarap mo 

Pangako ko sa'yo,pipilitin kong makilala mo ako.

 

Wag nating madaliin ang lahat...yun ang sabi mo

Kilalanin  natin ang isa't isa at tipong sumang ayon ako

Lahat ng kagustuhan mo,handa kong suporatahan ito

Nandito lang  ako palagi..mahal kita prinsesa ko!