Mahal na yata kita
Lapit ka ng konti may ibubulong ako sa’yo. Lumapit naman ang uto uto. Kilig na kilig. Mahal na yata kita. Ngumiti ka ng ubod ng tamis. Sa wakas...
Kay saya ng bawat oras, bawat minuto, bawat segundo
Walang bukang bibig kung hindi siya lamang. Nangingiti kang nagiisa Kay ganda ng paligid Kay sarap ng buhay Pa’no na siya? Tanong mo sa kaniya
Ngumiti lamang siya at niyakap ka ng buong higpit
Sa wakas…
Kay saya ng mundo mo
Naguguluhan ako. Mahal ko siya pero mahal na din kita.
Kumunot ang iyong noo. Napawi ang iyong ngiti.
Huminga ka ng kay lalim, nangingilid ang mga luha Mamili ka ng isa. Hindi pwedeng kaming dalawa. Umiikot ang iyong paligid. Ikaw kaya ang kaniyang pipiliin? Mahihintay mo ba ako? Kailangan ko munang magisip. Kumakabog ang iyong dibdib, bakit kailangan pa niyang magisip?
Pinagiisipan pa ba ang pagibig?
Anong kasiguraduhan na ikaw ang magwawagi?
Bumalik ka na lang sa kaniya. Ani mong pabulong. Pero paano ka? Ngumiti ka ng pilit habang luha mo’y lumalandas sa magkabila mong pisngi. Mahal kita pero mas matagal ka niyang minahal. * * * * * * * Lapit ka ng konti may ibubulong ako sa’yo. Lumapit naman ang uto uto. Kilig na kilig. Mahal na yata kita. Mahal na YATA kita - - walang kasiguraduhan.
hehehehe kaya ko di
hehehehe
kaya ko di nilagay na Bob Ong qoute yun kasi nabasa ko na lahat ng book ni Bob Ong (at may kopya ako nung 7 nya na book) pero di ko nabasa yung qoute na yun..sabi daw ke bob ong daw galing..pero ayun nga..ala namn ako makita kaya sinabi ko na lang na "sabi daw sa qoute"....
^^v
tama nga naman si bob ong.^^v. Pero tama ba na maghintay sa taong mahal ka pero may mahal ng iba? Pa'no mo pagbibigay ang taong nagmamahal sa'yo kung may hinihintay kang magmamahal sa'yo??? Parang magulo ha^^v
oh my!!!
ouch!!! nakarelate ako dito... sadly, di ako ang pinili ahahaha... mabuti na lang at may ibang dumating sa buhay nya at least alam ko na na hindi pala ako ang pipiliin nya.
anyway, pag may third party, give up na lang. i think it's better to let go kaysa manghula kung ikaw ba ang nakikita nya everytime na tinitingnan ka niya, baka kasi ikaw nga ang nasa harap nya pero iba naman ang naiisip nya. kaya kung dalawa ang mahal nya, let him go. wag mo nang papiliin, the fact na may iba pa means his love for you is not enough.
ouch!!! nahurt talaga ako dito...
my soulmate is worth the wait...







Naguguluhan ako. Mahal ko
Naguguluhan ako. Mahal ko siya pero mahal na din kita.
nangyari na sakin yan.. (huhu)
Sabi daw sa qoute.. kung magmamahal ka ng dalawa piliin mo yung ikalawa, kasi di ka naman uli magmamahal ng isa, kung mahal mo yung dati di ba? pero mas pinili ko yung dati... Hinihintay nya pa rin ako til now(nung ikalawa.).. ansakit.. masakit dumating sa point na kelangan mong mamili..