Mahiwaga ang Daigdig ng mga Duwende
Ang lahat na mababangit ko sa panulat na ito ay mga matatalinong puting duwende na handang tumulonng sa lahat ng oras. Sila ay akin nakila mula pa noong taon 1981-82..Sila Haring Calixto, Reyna Estrelita, Helen, Leo at ang kanyang butihing may bahay na si Rio ang iba naman na minsan, ay bumababa pa mula sa kalangitan ay si Haring Hendrix, ama ni Haring Calixto, Augustino, Alejendrino, Rodrigo at ang ginawa nilang "instrumento" na si Roman Antonio. Dito ay makakasama rin natin ang mabuting mga espiritu na tulad nila Mr. Alfred Sy, Sarah, Bambina, mga monks na nag turo ng tunay ng pamamaraan tungo sa pag-aaral ng Feng Shui
Lahat ng aking susulatin ay hahawiin mula sa sariling kong karanasan sa piling nila bago ako mangibang bansa sa tulong din nila. Upang makapanimula ng panibagong pag-asa at bagong buhay.
Sila ay gumawa ng libro noong taon 1978 sa panulat ni Leo Parungao. Binigyan nila ng pahintulot ang sumulat upang sila ay makita at mailagay sa pabalat ng librong kanyang ginawa.
Sa susunod ay aking bubuksan sa inyo ang kanilang pinagmulan ..magandang gabi


Duwende sino at saan nga ba sila ang nagmula?
Nababase sa paniniwala sa 'Norse at Germanic Myth and legends'. Ang mga duwende daw ay pang siyam na ginawa ng kanilang mga "Dios at Diyosa" ito ay isang uod na lumitaw sa katawan ng isang patay na higante. Weirdo din naman ang legend , pero nakaka-intrigue? Yak!!! on the other hand pa anyway, sabi rin nila ito ay naninirahan sa ilalim ng lupa at sila ay mga panday upang gumawa ng mga mahiwagang gamit para sa kanilang mga 'Dios at Diyosa' pero sila rin ay may masamang reputasyon bilang mga ganid at mga mag-nanakaw . Pinaniniwalaan na sila rin ay may ka-angkinan kapangyarihan isa sa mga kadahilanan na ang tao ay humuhiling din na protektahan ang kanilang mga tahanan at mga kapisan sa bahay at pagalingin sa kanilang mga sakit. Binanggit din na sila ay nag-sasakripisyo na isang buhay na bagay at ang dugo at isinasabog sa paikot ng pabilog na bunton ng lupa o isang burol at pag katapos ay ihahain para sa salu-salo ng mg duwende...Nakakamangha na mga istorya.Pero may isa pa...ito pa yun:
Ang ibang libro pati na rin dito sa internet ..sila ay nilalarawan sa isang imahinasyon ng kathang isip bilang maliliit na nilikha na may mahabang balbas, nakatira sa mga bahay, punong kahoy,kagubatan, sa mga burol,bundok at ang iba malapit sa mga pampang o lawa. Sila hindi nakikita ngunit mag papakita lamang sa kanilang mapipiling pag-pakitaan.
Ang iba dito ay may hawi sa tunay nilang pinag-mulan.
Sigurado ang iba ay mag tatawa o mag sasabing ' its full of bul...' crap, nerd, dude name it ..as endless crazy revelation but I will not let go this opportunity to share..the real truth who and where they came from..
Lahat ng sinulat ni Ginoong Leo Parungao sa libro ukol sa buhay ng mga duwende ay totoo ( kung may libro pang natitira?) at walang halong o kahiblang pag-sisinungaling..dahil nakasama sila ni .Mr. Parungao at sila ay may mahabang panahon din nakaniig..tulad ko hindi naging maramot ang mga duwende upang muling bukasan ang buhay nila at kaalaman ngayon sa gamit ng makabagong technoliya ng panahon.
Sino sila?
"Ang bawat isa tao sa inyo ay may katapat na isa aming daigdig, kasabayan ang pagsilang ng isang tao ang isang duwende" sabi ni Haring Calixto. Iba sila sa tinatawag na nuno sa punso, tiyanak o lamang-lupa.
Dalawang uri ang mga duwende; puti na simbolo ng kabutihan tulad ng isang Anghel at itim nangangahulugan ng masama, alagad ng kadiliman may kapangyarihan ginagamit sa dilim ng gabi.
Ang puti ay may magagandang kulay,(tulad ng mga paru-paro) nag bobonito o nag sasalakot tanda ng isang kalinisan at nag lalagay ng lambong or belo sa kanilang ulo. ( To be continued )