Mahiwagang Daigdig ng mga Duwende Panibagong Simula
Si Ginoong Roman Antonio ay ipinganganak sa Barrio San Jose, Navotas Rizal sa isang payak na pamumuhay at sa kaunting pag-buhos ng ulan itoy lumulubog sa tubig. Lumipat ang buo nilang pamilya sa Panghulo, Obando, Bulacan at dito nag simula ang isang pambihirang kasaysayan ng kanyang buhay. Dun sa bakuran na yaon sa buwan ng Nobyembre 1969 sa isang punong manggang bumagsak dahil sa dumadaang bagyong "Yoling" at sa walang humpay na pag-kahol ng kanilang alagang mga aso. Si Romy bilang isang mabait at masunurin na anak ay nautusan ng kanyang mga magulang na tignan ano ang nagaganap sa kanilang bakuran. Halos mag a-alaskuwatro na ng umaga, bitbit ang isang ilawan de baterya. Kanyang nakita ang mga maliit na "tao" at hanay-hanay silang sumusunod sa isang lider na may dalang isang supot. Sa idad na tatlumpung-taon si Romy o Kuya Romy , tawag sa kanya ng nakakarami ay pinaki-usapan ng mga duwende na kung maa-ari na sana siya ay gawin nilang daan upang makatulong sa mga taong na ngangailangan lalo na ang mga mahihirap at may sakit..sa umpisa siya ay tumangi at nangatuwiran na hindi siya marunong gumawa ng mga kakaibang bagay na tulad na kanilang pinagagawa. At iniwan niya ang mga duwende. Subalit sa pahigpit na pakiusap at madalas na pag papakita sa kanya siya ay sumang-ayon..noon akala niya ay pitong taon lamang ngunit ito lumawig pa hanggang ngayon. Siya ay pinalulon ng apat na bato upang magkaroon ng pambihirang kapangyarihan ito ay ang mga sumusunod:
- Pagggamot sa mga sakit na wala ng lunas na tulad ng cancer, mga pilay na nakalakad, may mga diabetes, at mga nabubulag.
- Pagkakaroon ng X-ray vision ang kanyang mga mata para makita ang loob ng katawan ng tao.
- Kapangyarihan makita ang nakalipas, pangkasalukuyan at kinabukasan ng mga taon nag papabasa sa "mahiwagang baraha".
- Kapangyarihan upang makita ang mga nawawalang tao o bagay.
Bago nangyari ang kakaibang pag-inog ng mundo ni Roman Antonio sa mundo ng mga Duwende. Si Kuya Romy ay nakapagtapos ng Bachelor Degree of Science in Aministration sa Mapua Institute of Technology. Naging Accounting Clerk sa Magnolia noon sa Quiapo at ipadadala sa Michigan USA sa buwan ng Disyembre 1969. Pero mas ninanais niyang maging "instrumento' ng kabutihan para makatulong sa mga dukha, nag -dadalamhati, nawawalan ng pag-asa at higit sa lahat upang turuan mag-dasal at mapalapit sa Maykapal ang mga taong naliligaw at nakaklimot tumawag sa Maykapal.
Siya ngayon ay naninirahan kasama ang kanyang may bahay na si Carmelita Gerella at ang kanilang dalawang anak na sila Uchie at Boy na ngayon ay may sarili na ring mga pamilya. Sa Santos Subdivision, Valenzuela Bulacan, Ito ay napapalibutan ng isang magandang hardin at doon ay nakatita rin ang ibang mga puting duwende at dito rin matatagpuan ang bahay ni Haring Calixto o 'Tatang' tawag sa nakakarami. May isa rin tahanan sa likod kung saan dito ginaganap ang 'mass reading' o pag babasa sa 'mahiwagang baraha' dito ay makikita ang human size ng Mahal Na Birhen Maria kung saan kami ay nag darasal o ginagamot. Si Haring Calixto o 'Tatang' ay hindi na lumayo sa loob ng hardin ni Kuya Romy nandoon siya noon panahon ng kami ay halos nawawalan ng pag-asa at nakalugmok sa paghihirap..nagbibigay ng mga ginintuan aral..at ngayon nandiyan pa rin siya sa panahon na halos kami ngayon ay matagumpay na sa buhay..Si Tatang Calixto ay walang sawang nag hihintay. nananabik sa pagbabalik ng kanyang mga anak na natulungan. Hayaan ninyo maikli kong isalaysay ang buhay niya umpisa sa dating librong "Mahiwagang Daigdig ng mg Duwende" at ang buhay niya mula ng makilala ko siya taong 1981 hanggang ngayo..Hihintayin ko kayo sa susunod na pahina ..pinamagatan "Haring Calixto ang 'Tatang' namin".
_____________________________
_____________________________________________________________
magsabi ka pa nga about sa dwende
"The great way to feel happines is to know nothing like what you have did when you're in childhood age."
Thanx 4 ur interest
Thank you Jerome, for ur deep interest about the real lives of the Dwarves/Elves. The book that made of Mr. Leo Parungao is hard to locate nowadays..I think meron dalawa sa US..at siempre meron ako..gagawa ako ng book about them and the "other' ..of course new version pero kasama yung sinulat noon.Mabait n kaibigan ang mga duwende ..mga puting duwende ha!!!kasi may itim na duwende rin..Dont worry I write more about them ..busy ako sa work ko dito kaya sinisingit ko lang ito..everthing I will write here is base on my experiences and from the other late.author.
Ingat kayo diyan sa Pinas!!!
_____________________________
_____________________________________________________________
maraming salamat confradia..:-) kapag nakakabasa kasi ako ng mga ganitong mga topics di mapakali isip ko eh hehehe gud luck sa work mo keep it up!!
Love love love
"The great way to feel happines is to know nothing like what you have did when you're in childhood age."
Pictures of the real Duwendes
Hello Jerome,
I posted the old book of 'Mahiwagang Daigdig ng mga Duwende' written by late author Leo Parungao back in 1978. If you wish to know how they really look like i scan the old book cover and their 'instrument' Mr. Romy Antonio with a dwaft seating on his right shoulder. They are the White Dwarves /Good Spirit very friendly, happy,generous and very helpful..please go to site Blogger and look for the "Mystical World of White Dwarves'..take care now!!!
Please send me the address and contact number of Mr. Romy
May naghula din po sa akin na may kaibigan akong Dwende na ang pangalan ay Peternino, kasa kasama ko raw siya at ang dalawa pang dwende na kaibigan nya na ang ngalan ay Demnor at Yukaneth mula pa noong ako ay bata pa. Tatlo raw po kaming kinaibigan ng dwende, yung another two ay nanggagamot na at nakakapaghula, ako na lamang po ang hindi. Ibig ko po sanang magpatulong na magpabukas ng Third Eye para po marinig ko makita at makausap ang mga kaibigan kong dwende.
Maraming salamat po.
Sorry I cant write his address or fone nos. here
Im sorry di ko pwedeng ilagay ang address or fone number ni Mr. Romy Antonio dahil sa privacy or confidential issues. Sa pangalan kasing demnor parang tunog e demonyo at yukaneth tipong lukaret naman..sorry wag kang ma-offend iba lang kasing vibration ang nakukuha ko..legal wise bawal mag lagay ng mga personal address or fone sa mga site like this one. On the other hand hindi nanghuhula ang mga Duwendeng nakilala ko at ang 3rd eye e..pwede mo naman buksan on your different own way..parang Yoga rin yan...kahit dito sa internet meron niyan..iba kasi ang level ng pag bubukas ng 3rd kung galing sa kanila..para lang doon sa karapat-dapat. ..ang mga duwendeng sinasabi mong kasa-kasama mo ay mag bibigay sayo ng daan patungo kay Mr. Antonio kung tapat ka sa iyong sinasabi. Kung nabasa mo ang tungkol sa instrumento ng mga duwende nakalagay doon kung saan siya nakatira..kilala siya doon kung pupuntahan mo?
paki update nga ang dwende mo bro!
bro, ang fault line ng Marikina ay noon pang 60's na detect kaya di na kailangan ng manghuhula o seer para hulaan ito.
ang lindol ay nangyayari sa ating daigdig halos araw-araw. minsan mahina lang ito kaya't di napapansin, kaya ang hula na lilindol malakas man o mahina ay hindi hula kundi totoong nangyayari na. isa pa nakalagay na yan sa bibliya noon pa e. kung nagbabasa ka ng bibliya na isinulat 2000 taon na ang nakakaraan, malamang sasabihin mong "hoy dwende late na ang hula mo!"
natural din na ang mga building na gumagamit ng pinakamahusay na design at pinakamatibay na pundasyon ang magsusurvive sa lindol--haller kailangan pa bang imemorize yan? syempre magtatagal at di matitinag yun matibay e!
kahit hindi sabihin ng kaibigan mong dwende na lulubog ang maraming bayan sa kalakhang maynila, ay tagalang mangyayari ito, bakit? kasi walang maayos na drainage ang metro manila. sinauna pa ang drainage system dito at di na napalitan pa--wala ring rehabilitation. tumitindi ang basura ng maynila na sanhi ng pagbabara sa imburnal at flash flood. ang pondo sa flood control na kinukuha sa tax ng movie goers (pansinin mo sa tiket mo kapag nanood ka ng sine nakasulat dun na part ng binayad mo napupunta daw sa flood control) ito ay kinukurakot at di napupunta sa flood control development.
barado ang mga estero at kanal ng maynila, kahit saan ka lumingon makikita mong walang maayos na pagtatapon ng basura, puno na ang mga landfill kaya natural na babaha sa maynila kahit kaunting ulan lang. di na kailangan ng manghuhula dyan halleeer!
ang pang-akyat ng tubig dagat ay matagal na ring inaasahan kasi nga may global warming. sa tindi ng init ng daigdig natin natutunaw ang mga ga-bundok na tipak ng yelo sa kabilang panig ng daigdig at dahil doon umaapaw ang dagat hanggang dito mismo sa atin, so anong hula doon?
pasensya na ha pero mukhang di nagbabasa ng dyaryo ang dwende mo. pati ang pangingibang bansa ng maraming pilipino ay natural phenomenon na rin. mula pa noong 70's dumagsa na ang pangingibang bayan ng mga pinoy kasi nga bagsak ang ekonomiya natin. hindi na kailangang hulaan yan tingnan mo na lang kung may nakukuhang matinong trabaho dito sa pinas, kung wala malamang nga mag-abroad ang mga pinoy. ako din e, nag abroad kasi nga walang makuhang matinong trabaho dito.
hay, ang dwende mo hindi updated. pakisabi sa kanya passe na ang mga hula niya. mag internet kamo siya.
HINDI HULA KUNGDI KATOTOHANAN
ALAM MO PARE..
HINDI KO SINABING HULA..
IKAW PALA NOONG LANG NG 60'S MO NA LAMAN E ANG FALUT LINE SA MARIKINA..ANG MGA KAIBIGAN KONG DUWENDE BAGO PA MAGING ILOG ANG MAKIRINA ALAM NA NILA YUN..ISA PA HINDI SILA MANG HUHULA NAG SASABI SILA NG TOTONG MANGYAYARI KAYA ..MABAIT LANG AKO KAYA NAG-SHARE AKO SA INYO..PERO KUNG SAYO..E MEDYO KA SARCASTIC PROBLEMA MO NA YAN..KAYA NGA SINABI KONG YUN MAHUHUSAY NA ENGINEER AT HINDI MGA CORRUPT NA DEVELOPER LANG ANG MAKAKASALBA NG MGA BUILDINGS..ANG GLOBAL WARMING BECAME AN ISSUE ONLY JUST IN EARLY 70'S THEN LATER ON SA DAMI NG TAONG WALANG RESPETO KAY MOTHER NATURE..IBINABALIK LANG NIYA ANG DUMI ..LALO NA DIYAN SA MANILA..ACTUALLY DITO SA COUNTRY WHERE I AM LIVING..MALAKAS ANG RESPETO NG MGA TAO SA KALIKASAN...DI TULAD NG IBA..KAYA NGA ISA SA MAYAMAN ANG BANSANG PINADALA AKO NG MGA KAIBIGAN KONG DUWENDE!!!IKAW MAY KAIBIGAN KA BANG MABABAIT NA DUWENDE ..YUN NAKAKAUSAP MO AT NAG BIBIGAY SAYO NG MAGANDANG ARAL??KUNG WALA SIGURO SALBAHE KA..???
kaya nga sinabi kong di na
kaya nga sinabi kong di na kailangan ng "hula" ng mga duwende mo kasi known fact na ang mga sinasabi nila meaning alam na ng lahat yan noon pa. panahon pa ng bibliya sinabi na doon na may magaganap na matitinding paglindol at kagutuman sa ibat-ibang panig ng daigdig. e sino ba ang paniniwalaan ko? ang dwede mo o ang sinasabi ng bibliya?
kung nasaan ka mang bansa US man yan, saudi o Canada--yang mga first world countries na yan ang numero unong pollutants sa ating mundo. sila ang may mga pinakamalaking surplus ng produkto bilang pinakamalaking kapitalistang bansa at bilang consumers. ibinabagsak nila ang mga surplus materials nila dito sa mga third world countries kasi ayaw nila ng basura sa bansa nila. kaya akala mong malinis, oo malinis sila kasi nga itinatapon nila ang basura nila sa kagaya ng bansa natin. sino ba ang may matinding dahilan ng oil spill ngayon? kaninong mga tahanan ang nagpoproduce ng matinding basura? sino ang mga manufacturer ng tone-toneladang basura at kaninong pabrika at assembly line ang pumapatay sa dagat? di ba sa 1st world countries?
wala akong kaibigang mabait na dwende pero meron naman akong Diyos na pinagtitiwalaan ko na magbibigay sa akin ng mabuting buhay basta susunod lang ako sa kanya at sasampalataya. hindi sa kung kaninong dwede. ang Diyos ko mas makapangyarihan at mabait kesa sa dwende mo, kasi nagsakripisyo siya at ibinigay ang buhay niya sa katubusan ng kasalanan ng sanlibutan. kaya ba ng dwende mo yun?
baka ikaw ang salbahe kasi dwende ang pinagtitiwalaan mo instead na ang Diyos?
aNG MGA DUWENDE MAS MALAKAS ANG PANINIWALA SA DIYOS
AND DUWENDE KO SILA PA ANG ANG TURO SA AKIN MAG ROSRYO, MAGSIMBA MAG SACRIFISYO ALANG-ALANG SA IBANG TAO..ANG DIOS NATIN LAHAT AY IISA..TANDAAN MO YAN..PA DUWENDE O TAO O ANO KA PA MAN DITO SA MUNDONG GINAGALAWAN MO!!!
ibig mo bang sabihin
ibig mo bang sabihin kristiyano ang mga dwende mo? baka naman si "mahal" ang nagturo sa iyo hindi ang mga dwende mo? hahaha!
kung nagbabasa nga ng bibliya ng mga dwende mo di sana nabasa nilang wala sa bibliya ang pagtuturo ng rosaryo. mga paring katoliko lang kasi ang nag introduce ng rosaryo noong 1400's pero sa original bible walang itinuturo na mag rosaryo tayo. haha! halatang-halata.
hindi iisa ang diyos natin, i beg to disagree. kasi merong mga tao ang sinasamba dwende, meron naman ang sinasamba rebulto, meron din ang sinasamba pera, at meron pa ang sinasamba ang kapangyarihan nila. so paanong iisa ang diyos natin?
eto hamon ko sa iyo ha: saan sa bibliya mo makikita ang salitang dwende, dwarf, etc etc? at saan doon nagsasabing dapat nating paniwalaan ang sinasabi ng mga dwende kaysa sa sinasabi ng Diyos?
PARE KAWAWA KA NAMAN..!!!
KUNG MAY KAIBIGAN KANG DUWENDE HINDI GANYAN ITSURA MO..HINDI RIN GANYAN KA KA-PILOSOPO AT HIGIT SA LAHAT HINDI KA NAG TRYING HARD TO BE GENIUS..ACCEPT THE FACT THAT PEOPLE FAILS...LIKE YOU..WALANG SELF ESTEEM..WALANG GINAWA KUNGDI TIGNAN LANG ANG POLITIKA. OR SHOWBIZ..
ISA PA HINDI AKO NANONOOD NG SINE...BUSY AKO SA MORE PRODUCTIVE VENTURES..IKAW BUSY KA BA??O PRETENDING TO BE BUSY..BUT THE MERE FACT ALL YOU HAVE TO DO IS TO COMPLAIN AND COMPLAIN 24/7..KUNG WALA KANG MAKUHANG TRABAHO DIYAN..TIGNAN MO SARILI MO SA SALAMIN..KUNG AKO ANG EMPLOYER..I WONT EMPLOY YOU!!! PUT UR ACT TOGETHER MAYBE SOMETHING GOOD WILL HAPPEN..HINDI YAN PURO KAYO REKLAMO PATI MGA KAIBIGAN KONG DUWENDE E..U ARE BEING SO MEAN..BAKA LALO KANG DI MAKABANGON SA KINALULUGMUKAN MO..IBA SILA MAGALIT!!!MALILINTIKAN KA!!!
mukhang ikaw ang kawawa
bro, ikaw ang kawawa kasi namemersonal ka na ng atake. ang pag-usapan natin yung merits at sustansya (kung meron man) ng mga claims mo. yung validity ng hula mo. wag mong iligaw ang mga mambabasa sa pag atake sa akin personally kasi di mo naman ako kilala. di mo naman alam kung may trabaho nga ako o wala, kung nanonood ba ako ng sine o hindi, kung may self esteem ba ako o wala. ganyan ba ang turo sa iyo ng dwende mo? kasi ang turo sa akin ng Diyos ko iba e, kung may makita akong mali ituwid ko sa abot ng aking makakaya.
ganyan ba ang turo sa iyo ng dwende mo? ang humusga sa kapwa? tingnan mo ang mga comment ko meron ba dyan na personal na pag atake sa katauhan mo? samantalang ikaw hinusgahan mo na ako na complain ng complain, na puro pulitika at showbiz lang ang ginagawa, yan ba ang magandang naituro ng dwende mo?
yeah, busy ka sa more productive ventures--ang magpayaman. ayun! kitang kita na punong puno lang ng material things ang buhay mo. kelan mo naisipang tumulong sa kapwa? yung pagtulong sa kapwa itinuturo ng Diyos ko yan pero hindi itinuturo ng dwende mo.
at wag kang magbabanta na IBA MAGALIT ang dwende mo. e pano kung ang diyos na dapat sana ay sinasamba mo ang magalit? sige nga hinahamon ko ang dwende mo na magalit sa akin, tingnan ko kung kaya niyang galawin ako. sige nga?
ang tanong ko ang sagutin mo SINO ANG MAS PANINIWALAAN KO, ANG DWENDE MO O ANG DIYOS KO?
kaya mo bang sagutin yan?
asan ang sagot mo?
ang tanong ko ang sagutin mo SINO ANG MAS PANINIWALAAN KO, ANG DWENDE MO O ANG DIYOS KO?
kaya mo bang sagutin yan?
inaantay ko ang sagot mo dito ha
MAY DIYOS KA BA..ANO BANG
MAY DIYOS KA BA..ANO BANG DIYOS MO? YUNG AMA NI JESUS CHRIST NG MAG KATAWANG TAO SIYA ANG MGA MAGULANG NIYA SI BLESSED VIRGIN MARY AT SI JOSEPH D CARPENTER..UN AMA NIYA ANG DIYOS KO..IKAW SINO?
kailan at saan?
ok sige yun ang premise natin. yung ama ang Diyos mo right? kelan at saan sinabi ng ama na Diyos mo na dapat tayong maniwala sa mga dwende?
saan sa bibliya o sa utos ng diyos nagsasabing "hoy, maniwala kayo sa puting dwende kapag may hula itong sinabi"
pakisagot please...
HINDI ITO HULA..PARA ANG MGA TAO DIYAN SA PINAS HINDI MAGIN PILO
Bago matapos ang taong 2010 ang fault line mula Marikina ay tatagos hanggang sa Makati. Isang malakas na lindol ang mangyayari.Tanging yung mga magagaling na Enhenyero na gumamit na pinakamahusay na design at pinamagaling sa pondasyon ang may kakayahan upang hindi ito masira o bumagsak sa lupa..subalit ang mga ilang gusali na hindi ginamitan ng mahusay na design or structures ..at marami niyan..ito ay sasalanta at maraming buildings ang guguho at maraming buhay din ang mawawala..tanging pag dadarasal o pag no-novena ang maaring makapag pahina sa yanig ng lupa..ito ay darating anuman oras..kaya pag handaan sa pamamgitan ng masidhing pag darasal. Hindi ito hula..kungdi ito ang tinatawaaag na magaganap ayon sa science at gayun din sa pag- nulat ng mga 'kaibigan'. Ayon sa kanila ang Marikina noong unang panahon ay tunay na mababang lugar at ang ilog ay aapaw at maraming buhay ang mawawala..tulad ng buhay ng mga tao, hayop at pananim.
Ang mga babalang ito ay sinabi sa amin ng mga kaibigan kong duwende taon 1988.' Na lulubog ang Marikina, Cainta, Pasig, Pateros, at ilang karatig pook pati na rin ang mga ibang bayan na dati ay hindi binabaha, na sa isang panahon ito ay magaganap ang mga pag-apaw ng ilog, dam pati na rin ang pag-akyat ng tubig mula sa dagat' noon ay sinabihan din kami na mag-imbak ng tubig na pang-inom sapagkat ang tubig na dating naiinom galing sa gripo ay magiging marumi at magbibigay sakit.'
nagkibit balikat lang ako noon. Marami Silang nakikita para sa darating na panahon..pati na rin ang pag-babago ng aking buhay..noon walang direksyonang aking buhay..happy go lucky ika nga sa English. Leave only for today....Pero ng sabihan nila ako na akoy mangi-ngibang bayan at magiging matagumpay..itoy aking tinawanan lang..Tulad rin ninyo..'was it for real or a joke?'well...well.good things happened..and I am here ..a new person and overflowing of many blessings through their guidance...
hula hoop
Bago matapos ang taong 2010 ang fault line mula Marikina ay tatagos hanggang sa Makati. Isang malakas na lindol ang mangyayari.Tanging yung mga magagaling na Enhenyero na gumamit na pinakamahusay na design at pinamagaling sa pondasyon ang may kakayahan upang hindi ito masira o bumagsak sa lupa..subalit ang mga ilang gusali na hindi ginamitan ng mahusay na design or structures ..
BS architecture ako, yan ang kurso ko nung college. e syempre kahit di ka naman engineer o arkitekto alam mo na ang building kapag di ginamitan ng pinakamahusay na design at matibay na pundasyon, kahit walang lindol malamang gumuho ito o masira. kailangan pa bang pumatol tayo sa prediction o hula para maniwalang guguho sa lindol ang isang building na di ginamitan ng matibay na pundasyon?
kapag alam mong mahina ang pundasyon ng building mo at nandoon ka sa fault line--natural wag ka na magtagal dun lumipat ka na at kung maaari wag kang pupunta dun. di mo na kailangan ng kung sinong ponsyo pilato na manghula o mag predict kasi nakahain na sa iyo ang FACTS e bakit aasa ka pa sa hula?
ay sus!
May pinag aralan ka naman
May pinag aralan ka naman pala ehhhh. ano pang nirereklamo mo?
may pinag aralan nga ako
may pinag aralan nga ako kaya nga umaangal ako sa kabulastugan at kasinungalingang ibinabalandra mo sa public. kasi kung wala akong pinag aralan susunod na lang ako basta sa kung anong sinabi ng dwende--gets?
Manners and Respect sabi ng Duwende
if you cant stand what Im writing here and felt being threatened then i suggest u considered to do a research..it will answer all ur question..hindi ako duwende or hindi ako Diyos, hindi ako nag sha-shabu or tumitikim ng illicit drugs or marijuana..I am sharing my experiences and the same experiences like the late respected author Mr.Leo Parungao..who happened to be the one of the first one who published the book..yes its a book!!! There is three left in American Libraries and one or two left at the National Library of the Philippines..when both of us opened up the world of the dwarfs world ..we have no intention to mislead people beliefs..or encouraged not to believe in God..both of us were inspired of the wonderful things this 'Little white creatures" that human can't do..such as manner and respect.
Based on my own experiences, the real perceptions of the existence of the white dwarfs and good spirits occur in our daily lives that there is something that surrounds us since the beginning of time are authentic. Most of the events gave me an affirmation that we are not alone. My true escapade is my personal revelations portrayed in specific stories in define characteristics and daily happenings in the real mystical world of white dwarfs and good spirits.
In science they considered such my experience is other than hallucination and delusion and often dismissed out of hand.
But I have no fear of criticism from skeptics who will ridiculed consider to became a subject of mockery and joke. Learn instead to diminished your cluster mind and hold onto possibility that something out there is existing simultaneously with us. In my deep thought I discovered a word of ‘connection’ to reach my goal and knowing ‘what I want and who I am?’ is being religious an answer to all my questions? Or do I have to take a path that leads me to appreciate a paradigm to conquer my fear of the unknown through the help of the ‘white dwarfs’? They are from other dimensional spiritual world to emerge to teach me a proper way to commit ourselves to God through intense prayer & sacrifices. They connected the heavenly forces following on extraordinary prayers back in ancient times that will increase our connections with the earth inhabitants and unseen forces . Who made the Bibile? Many times its been revised?..The White dwarfs were created before human...sound unreal..then u need another research..di kaya marami ng Pinoy ang nalululon sa shabu diyan dahil sa hirap ng buhay.. kaya wala ng panahon para hanapin ang katotohanan..di kaya sa hirap ng buhay diya sa Pinas laging sa Dios tayo umaasa ..bahala na ang Dios..e ano pa at binigyan ng Dios ang tao ng utak para mag-isip??? ano pa ang mga paa at kamay kung di mo gagamitin at..sasabihin na lang bahala na ang Dios????ng bagong pag-asa, e ano pa ang gamit ng mga Saint, Angels, and other chosen creature to perform God's task... And one thing more!!!!
If you show good manners everywhere you go, then you are more likely to encourage others to behave in the same way towards you. I appreciate ur negative comments and work out from that perspective..Say 'please' and 'thank you'.Don't be a 'canna'.
please don't talk about
please don't talk about good manners kasi tingnan mo yung mga una mong comments at reactions sa sinabi ko. yan ba ang may good manners? inatake mo ako ng personal e good manners ba yun?
wag mo rin pagbibintangan na nalululong ang mga pinoy dito sa shabu dahil sa hirap ng buhay. hindi porke mahirap kami ay adik na kami sa shabu. yan ba ang itinuturo sa iyo ng dwende mo? ang manghusga sa kapwa? yan ba ang sinasabi mong manners?
kung di ka naniniwala sa bibliya di ka dapat tawaging kristiyano yun lang yun kasi walang basehan ang paniniwala mo bilang kristiyano. e mas naniniwalaka pa sa libro ni Mr. parungao kesa sa mga nakasulat sa bibliya e. pano ba yan? wala ata tayong agreeing point kasi isinaisantabi mo na ang bibliya bilang reference at mas gusto mo ang libro ni parungao--natural malaki ang disagreeing point natin.
kung ang mga pilipino ay basta-basta na lang maniniwala sa okultismo na hinahain mo ng di nagsusuri, malamang nga totoong masasadlak tayo sa kahirapan. pero kung matututong magtanong at sumalungat ang mga pilipino gaya ng pagsalungat ko sa iyo, malamang lalabas at lalabas ang katotohanan. gaya ng bakal na kailangang isalang sa matinding init ng apoy para ihulma at maging isang produktibong gamit sa pamumuhay.
kung di ako sumalungat sa iyo hindi mahahalata ng mambabasa dito ang masama mong ugali na namemersonal at nang iinsulto sa lahing pilipino.
Nag sasabi lang ako ng totoo
Bakit very defensive ka? sabi nga nila the truth always hurts!!!! anyway again... I appeciate ur negative comments or whatever you call it..I have more job to do rather than to discuss some topics that is irrelevent to my work and lowered down my level..mag post ka na lang ng ano man comments na gusto mo dito ..diyan ka masaya kaya enjoy the rest of the day ..have a lovely one!!!
LIAR
truth always has a basis, ikaw anong basis mo na merong dwende? kung wala sinungaling ka. di ka nga makapag hain ng mga references at basis mo e may pa truth truth kapa. totoo di ka nga dapat bumaba sa level ko kasi masyado nang mataas ang level ng kasinungalingan mo na hindi mo naman mapangatawanan. liar!
Ikaw ang may sayad pare..
Ano pang basis ang hinahanap mo sa palagay mo ba I will waste my precious time to find out to give you satisfaction..no way ..just look at urself..yan ba hindi pa sapat sayo?Hay kayo diyan basa ng basa dito sa Blog ko..wag ka ng mag aksaya ng panahon...maghanap ka na lang ng trabaho..keso maki pag debatehan or discusssion sa topic dito..sumasagot lang ako sa inyo on my free time para matawa...
'Haring Calixto ang 'Tatang' namin.
Si Leo Parungao na gumawa ng libro noong 1978 tungkol sa totoong buhay ng mga duwende ay maraming pag kakataon nakasama at nakaniig sa mga panulat si Haring Calixto at ibang mga puting duwende. Si Haring Calixto noon ayon sa libro ay Hari ng Rizal at lubhang napakagandang humabi ng mga salita na nag bibigay ng magandang aral. Siya at ang iba ay malalim mangusap o masiadong traditional na tagalog ang bawat salita ngunit na kaka-antig sa puso ng sino man ang kanyan mga sinasabi...sayang at halos wala na ang librong ito..sana mabasa ninyo kung gaano kalalim ang mga salita ng mga duwende...Si Haring Calixto ay nag mula sa Cebu at umibig din sa ilang pagkakataon. Maunawain at mapagbigay...Taon 1981 siya ang unang sumulat sa akin..siya rin ang nag sabing ako ay aalis patungong ibang bansa at nag bigay ng isang pulang supot na ang laman ay ang Santo Nino kasama ang pitong diyes. Si Haring Calixto ay nag sasa katawang tao din at nag aanyong pulubi sa langsangan at bilang tao siya rin ay gumagamit ng pangalan at apelyido.Mahilig siyang makinig at humiling ng awitin lalo na kay Kuya Romy isa sa paborito niyang kanta ay ' Matud Nila' at sa kantang banyaga ay ang 'The Nearness of You' sa mga nahilingan niyang umawit siya'y natutuwa at minsan nga pa ay nag bibigay ng ibat-ibang klaseng delalidad na mga bato. Masaya at puno ng halakhakan ang munting kapilyang yaon. Sa pag daan ng maraming taon siya ay muling umibig at nag pakasal sa isang dating puting duwendeng may 'katarayan' pero mabait..si Estrelita. Nang panahon na yaong siya ay hinirang bilang Hari na ng buong Pilipinas. Subalit sa maagang pag panaw ni Estrelita si Haring Calixto ay dumalang ang pag susulat sa mahiwagang baraha at ang lahat ay nakidalamhati at nalungkot sa trahedyang nangyari sa buhay ni Haring Calixto. At dumating ang panahon na ang kanyang pagiging isang Hari ay kanyang iniwan at ibinigay sa isang nararapat na puting duwende upang mamuno sa kanilang kaharian...Dahil sa mga pag subok na dumaan sa buhay niya..lagi pa rin niyang inuuna ang kanyang mga ''anak' na may mga problema..kaya di nag laon siyay tinawag naming 'Tatang'..isang ama na sa kabila ng katawang pag hihirap ay higit pang inuna ang mga taong nag hihintay ng isang pag-tulong..At kahit minsan di siya naging maramot sa kabila ng sakit na kanyang nararamdaman.. Ilang beses na rin halos nabingit sa kamatayan si Haring Calixto, isang gabi pag katapos ng 'mass reading' kung saan siya ang sumulat ay may ilang patak ng dugo sa puting marble tiles ang aming nakita at yung ay galing sa sugat mula kay Tatang..operasyon sa kanyang mga mata di nag laon tuluyan na siyang nabulag at nalumpo ngunit hanngang ngayon ay lumalaban na mabuhay alang-alang sa mga iba pang nandun at nakikinig sa kanyang walang kamatayan mga panulat. Sa aking pag babalik na halos 20 years mula sa ibang bansa isang ama..si Tatang ay nag hihintay, sa kayang katandaan siya ay nandiyan pa rin..walang sawang nag mamahal. ( to continued)
Do u have logic..do u know
Do u have logic..do u know what the deepest meaning of logic primarily in the disciplines of areas like..philosphy. mathematics or computer science?
Agrumentative logic? in a critical form?..threre so many of them ..pick one!!!
not in the position
i'm sorry you're not in the position to demand what kind of logic to use cause you don't have the slightest hint of it.
Ang binawian ng tulong ng mga Duwende
Ag mga Puting duwende ay mababit na kaibigan ngunit di ninyo napapansin sila ay nakatira saan man parte ng inyong bahay or sa bakuran sa inyong mga puno at halaman. Isa na rito ang isang babaeng tinulungan ng isang Prinsipe na nakatira sa ilalim ng kanilang papag at siya ay pinatama sa sweepsteks at nag kamal ng maraming salapi .Ang babaeng itoy pinahanap ni Haring Calixto kay Leo Parungao upang ma-interview. Sinabi niya na siya'y Binayayaan ng langit upang magkaroon ng kapangyarihan manggamot noon at makatulong sa mahihirap subalit pinigilan siya ng kanyang asawa sa paniniwalang "wala daw naman kahihinatnan at ito daw ay may kapalit" tinalikuran niya ang panggamot dahil dito. Isa pa sila naman ay may pera na. taong 1968 nasaksak ang kanyang anak na lalaki at itoy namatay.. ang naipon na salapi ay ginamit nila upang ipangbayad sa kaso..subalit ito ay naubos..ang karangyaan na bigay ng prinspe ay binawi at siya ay bumalik sa dati niyang buhay..Sayang! na regalo ng bigay ng mga duwende...( to be continue)
ANG MGA PAGSUBOK NG MGA DUWENDE
Nalala noon sa aming mass reading sa Valenzuela, Bulacan ang istorya ng isang babae na nag bibigay aliw upang kumita upang buhayin ang kanyang mga minamahal sa buhay.Nakilalala namin siya. Ang mga kaibigan puting duwende na likas na matulungin ay binigyan siya ng pag kakataon upang mag bagong buhay. Noon gabing yaon humabi ng napakagandang panulat at halimbawa ang isang puting duwendeng at sa puntong dumating sa kasaysayan ng babaeng ito. Ito ang kaniyang winika sa kanya" "Bibigyan ka namin ng pag kakataon magbago, makapanimula ng isang bagong buhay na tulad na isang sanggol..pag kakalooban ka namin ng isang kayaman..kung ibig mong tuluyan magbago ang kasaysayan ng iyong buhay..subalit mayron lang kaming hihilingin sayo? Ang iyong tibay ng dibdib, lakas ng loob at katapangan..ang kaban ng yaman ay iyong matatagpuan sa pusod ng isang lumang sementeryo sa ganap na alas dose ng hatinggabi ikaw ay lalakad na nag-iisa hawak ang isang kandila lamang at upang puntahan ang pangalan ng taong aming babangiting na nakalibing doon at sa ibabaw ng kanyang puntod matatagpuan mo ang kaban ng yaman..huwag kang mag alala hindi mo man kami nakikita subabit kasama mo kami..marami kang maririnig na mga kakaibang tinig subalit ito ay iyong baliwalain..sila ay mga kaluluwang mga ligaw mga ispirutung pipigil sayo..wag kang makikinig...wag kang lilingun o titingin sa gilid ng iyong mga mata..ituwitid mo ang iyong pag lalakad at doon mo matatagpuan ang aming ipinangako sayo ..para sa isang pag babago at karangyaan ng buhay"
Actually di namin alam kung sinunod niya ang pag subok na ito??dahil di siya bumalik o maaring siyay natakot o nag bago ang isip?
Minsan din ay pinapunta niya ako at isang kasama namin sa sementeryo kapalit ng isang kahilingin..ngunit ang kundisyon noon ay ganito..kami ay mag lalakad lamang..dahil pareho kaming 'cheeky"
and mischevious
..sabi namin siguro di malalaman ng mga puting kaibigan na sasakay tayo ng jeep..kasi may tubig sa daan na aming lalakarin at ayaw naming mabasa ang aming mga binti..isa pa mas mabilis namin makikita yun tinutukoy nilang libingan.buong at tindi ng sikat ng araw hindi namin nakita. We gave at kamiy bumalik sa piling ng mga puting duwende..at kami na nga lang ang hinihintay!!hindi nila kami pinagalitan..bangkus sinabihan nila na kami ay nandaya..kaya pinahirapan nila kaming hindi makita yun kanilang pinahahanap sa amin...pero natuloy pa rin yung hinilingin namin..medyo matagal nga lang..kilala ng mga kaibigan kong mga puting duwende ang aking kalokohan at kahibangan..kaya kadalasan ang pag subok sa akin ay mas matindi kesa sa iba!!!pag sila nag bigay ng pag subok sayo..para sa akin ito ay isang paraan lamang upang iparamdam sa amin na kami ay kanilang minamahal..at mahal namin sila kahit minsan gusto ko ng sumuko!!!pero sabi ko nga..failure is not my goal in life..never surrender for the light of the channel is at the end of the tunnel.. Goog night!!!
Im sorry but i think
for the owner of this blog, I feel so sorry for you, I think this blog you just wrote sounds crazy and foolish. I dont believe in dwarfs but I do believe in dwarfism, it's a hormonal disorder.
Life treat us like punching bags sometimes but we do survive right? not because of dwarfs or through their help but because theres more powerful spirit above us who will never ever ever leave us, thats what i do believe. I BELIEVE IN GOD, maybe you succeeded in life because youre smart and strong enough to face the trials in life, you succeed because of you and not because of your imaginary rampulstilskin friend.
I find dwarfs as a cute creatures living in a fairytale book, but im no snow white and I dont believe in fairytales anymore because Im an adult who happen to be in full control of my life and have a very strong faith in GOD.
How i wish when the time comes that judgement will fall upon us all, your dwarfs can save your soul.
good day confrads.
very well said
amen to that akid!
palagay ko sina Dagul, Mahal at Mura lang yung nakita nya e hehe...
imagine ilalagay mo sa kamay ng mga fairytale characters ang kinabukasan at buhay ng mga mahal mo? crap!
oh why, thank you rom
this blog is just a crap. Confdrads sounds like a spokeperson of a disorganized cult. I dont like cults, cause i have a strong faith in God. Cults dont believe in God. Confrads, do you?
crappies
yeah crap it is, but i think this is dangerous coz some might think this is true knowing that confradia is so insistent in his/her claims. scaring even more the filipino people of some (known) facts that have been laid out years before.
cults believe in God, but their own demigod. and measures its relevance through material wealth. kapag mahirap ka wala wala kang dwende etc. etc. does that mean Christ as a poor carpenter was neglected by his white dwarf? oh crap!
Dwartism is a condition according to science compare to aparanor
I have no regret of what I am writing about my "white little friends or dwarfs"..Dwarftism is a body abnornormal its called Achondroplasia which is a bone-growth disorder reponsible for some percentage of dwartism cases. That is scence! I am referring here in my blog about paranormal stuffs..and generouly sharing it with some people whether closed or open minded people..
Who in this world dont believe in God?
Thanks for passing by anyway..have a great day!!!
check yourself
ayan mas maganda ang talakayan kung di ka namemersonal di ba? palagay ko itinuro ng dwende mo yan. kung ano kasi ang ugali mo repleksyon yan ng kung sino ang sinasamba mo. i-review mo ulit ang mga comments kung sino ang namemersonal at nagbabanta ng kapahamakan sa kapwa.
nagbabahagi lamang tayo dito ng ating saloobin, pumasok ka sa public place e malamang makaka engkwentro ka ng kakaibang opinyon taliwas sa opinyon mo. pero wag kang mamemersonal gawain lang yan ng mga walang pinag aralan. kung naturuan ka ng magandang asal ng dwende mo di ka sana ganyan.
at kung naniniwala ka sa Diyos, siya at ang mga salita niya ang sasamplatayanan mo hindi ang prediction ng mga dwende. sa kanya ka aasa sa pag unlad sa buhay at hindi sa mga hula ng dwende. e ang nangyayari mas umaasa ka pa sa galit at tuwa ng mga little beings mo e--aminin mo man o hindi. mas kinakausap mo pa sila kesa sa Diyos e. right?
instead na ipakalat mo ang pagsampalataya sa diyos mas ipinapakalat mo pa ang "hiwaga" na dulot ng pagsampalataya mo sa dwende---tama ba yun?
sagutin mo nga ang mga tanong ko
hahaha
you know mister or miss, I find it so corny. the way you talked about your dwarfy friends or maybe youre just over reacting on whats been goin on in your life. I hope you will find your true love in your paranormal beliefs and have a fancy wedding with your dwarfs as a sponsors and guests.
I have a friend who is an active member of a paranormal group in UP baguio and she once told me that according to their research and study, those creatures (kapre, dwende, tikbalang or maligno) dont believe in God, as a matter of fact, they have their own gods in the form of Mountain, tree, plants and even their own selves, so how come na sinasabi mong sila ang nagturo sayo na magrosaryo?
so ibig mo palang sabihin, kung hindi ka pa nagkaroon ng mga kaibigang dwende ay hindi ka pa maniniwala sa Diyos? kung ganyan ang paniniwala mo, then go, leave this world, sumama ka na sa ibang dimensyon at manirahan kasama ng mga dwende mo.
Im sorry but you made me laughed so hard i fart.
ayayay!
ang sabi ko nga kapag nalugi ka sa negosyo ng milyon-milyon oks lang pwede pang bumawi habang buhay ka pa.
kapag iniwan ka ng minamahal mo oks lang pwede pang humanap ng iba.
kapag nasunugan at ninakawan ka oks lang materyal lang yan mababawi pa yan.
pero kapag napahamak ang kaluluwa mo sa pagsamba sa iba liban sa Diyos na tunay--ayayayay! wala nang bawian yan kaluluwa mo na ang nakataya dyan e. matakot ka!
Ur opinion ..I respect?
Just read and enjoy it or not... no problema!!!.... make sure malayo ka sa apoy baka pag-utot mo sumabog ka..!!!ha!ha!ha!
nag backfire na sa iyo ang
nag backfire na sa iyo ang mga sinulat mo. wala ka man lang mailabas na concrete proof. parang ikaw ang naka shabu you're imagining too much.
apak sa lupa brother, lumulutang ka na. idinadaan mo na lang sa sarkastikong remarks ni wala kang maihain na proof
PROOF PROOF PROOF!
patunayan mo ang mga claims mo!
Dont feel sorry ...
There is nothing personal here this is based on my stories and experiences..believing or not is not my concern in others peoples point of view..as a matter of fact I like this negative comment..yeah..just like you I Believe In God The Father Almighty so are the dwarfs, white dwarfs are more closer to heaven than human..why?? because God created them too..like us..its not a fairytale and I am the driver of own "living car"..I have a highest degree of committing myself to a right direction.
Judgement..dwarfs really can save my soul..why? We will pray together while we are still in this world then we will hold each other hand through the gate of Heaven and join God in the Heavely Hoist..we become entity!!sound good isn't it?
baloney!
Judgement..dwarfs really can save my soul..why? We will pray together while we are still in this world then we will hold each other hand through the gate of Heaven and join God in the Heavely Hoist..we become entity!!sound good isn't it?
san mo sa bibliya makikita yan? kung di ka man naniniwala sa bibliya (that contains the word of God) saang libro ka naniniwala? saan ang batayan mo?
dapat para ka paniwalaan may batayan ka, kung wala kang batayan sinong maniniwala sa iyo? ano to gawa-gawa lang ng imagination mo?
show me proof at least saan ang reference mo? oo masarap pakinggan na maililigtas ng dwende ang kaluluwa mo, e paano yung bilyon-bilyong tao na di naniniwala sa dwende? meaning condenm na kami? holy baloney!
i need proof at least what's your reference? if you do not have solid and concrete proof that i can read and authenticate say, like some readings in the bible that says we should pray hand in hand with the dwarfs in order to be saved then i am with you. isusuko ko ang sarili ko sa paniniwala mo kung mapatunayan mong meron kang solid reference tungkol dyan. deal?
pero kung wala kang mailabas na proof--tumigil ka na yun lang yun.
tabi, tabi po...
Rom, di pa ba sapat na proof sina Gloria at Noel "Ungga" Ayala?
Pihong lahat ng dumikit kay Gloria, paniguradong naambunan ng konsesyon mula sa gobyerno. Samantala, si Rene Requiestas, di ba't nagsimula lamang umarangkada ang kaniyang career buhat nang makasama sa Starzan 1 si Noel Ayala (nee Noel Ong).
Nakiraan lang po.
Sige daan ka na
Sino ba si Gloria at Noel..pati si Rene..yan inabutan ko pa noong araw..buhay pa ba yan? kabayo pa rin bang tawag sa kanya nila Tito, Vic & Joey?
salamat allan ayun nalinawan
salamat allan ayun nalinawan na din ako haha! hmmm...kasi naman matatangkad pa sa akin ang mga kadikit ko e gaya ni axel, sige hahanap ako ng dwendeng height at didikit ako baka sakaling di na ako maging isa sa mga pilipinong nagsa shabu dahil sa kahirapan, at makapag abroad na din ako at maging masagana ang buhay.
Poor little thing!!!
Dont be so pathetic..my Blog is all about white dwarfs not about the definition of Dwarftism..I can understand life out there is extremely tough and you must really Believe in Gods work to survive your daily needs..
Fairytales ..I used to live in that dreamworld..luckily Im holding a key to my chateau ..my house may not be built of gold and have no fairies to run errands for me..but a house that made up of bricks, marbles, and wood that is expensive..and some good loyal minions..
I do have mass in our little chaplet every Sunday with friends and relatives..officiated by a Roman Catholic Priest not to mention mass is in Latin..of course together with my white dwarfs ..but before when I was there in Manila 21 years ago..I didnt even own a shack..I met good white dwarfs and inspired me a lot..show me many things..in exchange that one day if I become rich..I must give help to the poor..I guess my donations to some Philipines Charitable institution helped those people on poverty..I hope u can understand the real meaning of "fairytales" as u call them and dwarfs in my stories.
Siempre naman may Diyos noh
Sino bang nag claim na walang Diyos..Diyos ko nman! Kung ang Hindu maraming Diyos , Islam meron..Buddhism meron din, Judaism ganoon din..kahit nga ang Scientology ang Diyos nila ang science...daw? Katoliko o Kristiyano pa kaya pa kaya ang mawawalan ng paniniwala sa Diyos? what is ur understanding about 'disorganised occult' as far as I am concern ..I dont belong to any of them..did you experienced it once?..let us know .. boring or exciting at least u got something to share about....honestly..ang lakas ng bilang ng blog ko..imagine in a matter of more than two months lang ako dito Im able to get attention ... O galing mag trabaho ng mga duwende ko noh!!! na hipnotismo kayo agad????may pang contra ba kayo?..wala di ba..sasabihin mo I only Believe in God..whose ur God? science - proof/evidence or God that you believe that comes from ur insight..faith is in our heart..nag milagro na nga ang Diyos sa mga Hudyo noong araw wala pa ring maniwala..ngayon pa kaya na maraming nag cla-claim na matatalino sila..because they have science and educated daw may Diploma pa yan ...behind their back..ask yourself my dear..God and His other creation dont need to proved anything..ang tao walang satisfaction...that the fact..kaya ang gulo ng mundo di ba? kanya-kanyang talino daw???Basta ako ..ay ako nobody ..nobody like me!!!who cares!!!Ang alam ko marunong akong mag sulat mapa English o Filipino..but I am not what you think I am..one day baka makilala ninyo ako..kung makakarating ka kung nasaan ako..kasi dapat sasakay ka ng eroplano at barko then a chopper to come to this beautiful island..stk..stk...stk...sino kaya ang lucky one??? Yes mayaman ako..pinayaman ng mga duwende at higit sa lahat I share my blessing to the needy..di ba yan ang gusto ng Diyos be kind and generous to those vunerable people...pero sabi rin niya "dont tolerate the wicked ones"






Babala sa 2010
Bago matapos ang taong 2010 ang fault line mula Marikina ay tatagos hanggang sa Makati. Isang malakas na lindol ang mangyayari.Tanging yung mga magagaling na Enhenyero na gumamit na pinakamahusay na design at pinamagaling sa pondasyon ang may kakayahan upang hindi ito masira o bumagsak sa lupa..subalit ang mga ilang gusali na hindi ginamitan ng mahusay na design or structures ..at marami niyan..ito ay sasalanta at maraming buildings ang guguho at maraming buhay din ang mawawala..tanging pag dadarasal o pag no-novena ang maaring makapag pahina sa yanig ng lupa..ito ay darating anuman oras..kaya pag handaan sa pamamgitan ng masidhing pag darasal. Hindi ito hula..kungdi ito ang tinatawaaag na magaganap ayon sa science at gayun din sa pag- nulat ng mga 'kaibigan'. Ayon sa kanila ang Marikina noong unang panahon ay tunay na mababang lugar at ang ilog ay aapaw at maraming buhay ang mawawala..tulad ng buhay ng mga tao, hayop at pananim.
Ang mga babalang ito ay sinabi sa amin ng mga kaibigan kong duwende taon 1988.' Na lulubog ang Marikina, Cainta, Pasig, Pateros, at ilang karatig pook pati na rin ang mga ibang bayan na dati ay hindi binabaha, na sa isang panahon ito ay magaganap ang mga pag-apaw ng ilog, dam pati na rin ang pag-akyat ng tubig mula sa dagat' noon ay sinabihan din kami na mag-imbak ng tubig na pang-inom sapagkat ang tubig na dating naiinom galing sa gripo ay magiging marumi at magbibigay sakit.'
nagkibit balikat lang ako noon. Marami Silang nakikita para sa darating na panahon..pati na rin ang pag-babago ng aking buhay..noon walang direksyonang aking buhay..happy go lucky ika nga sa English. Leave only for today....Pero ng sabihan nila ako na akoy mangi-ngibang bayan at magiging matagumpay..itoy aking tinawanan lang..Tulad rin ninyo..'was it for real or a joke?'well...well.good things happened..and I am here ..a new person and overflowing of many blessings through their guidance...