Maingay sa Pandinig

ophalyn grace f. venezuela's picture

Sa aking pag-gising,

Maingay sa pandinig,

Nagmula sa telebisyong,

Maaga'y nakabukas na.

 

Sa aking pag-alis,

Maingay sa Pandinig,

Nagmula sa mga sasakyang,

Panay ang busina.

 

Sa aking pag-uwi,

Maingay sa Pandinig,

Nagmula sa mga tinderang,

Bitbit ang paninda.

 

Sa aking pagtulog,

Maingay sa pandinig,

Hindi Alintana,

Antok na ang diwa.