Makita Mo Sana

Masyado ng madilim ang paligid
at lumalakas na ang pag-ulan, Pero hindi pa rin mapigilan ni Odette na wag lumuha
sa mga nangyayari sa kanya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta pero isa lang
ang alam niya ayaw niyang bumalik sa pinanggalingan niya. Patuloy pa rin ang pag-tangis
ng luha niya kasabay ng pagbuhos ng ulan ng....

Beep! beep! beep!

"Odette," isang boses ng lalaki mula sa kanyang gilid. Isang boses na binigyan ng pagkaka-
kilanlan nang bumukas ang bintana ng pulang kotse.

"Ju-li-an?" mahina at nanginginig na pag banggit ni Odette sa pangalan ng binata, ng bahagi
niya itong makita mula sa loob ng kotse.

Agad naman kumuha ng payong ang binata mula sa likod ng kotse at tinungo ang kinatatayuan ng dalaga.

"Julian", mahina niyang tawag ulit. Umiiyak na yumakap ang dalaga sa binata na parang isang
batang nagsusumbong dahil inaway siya ng kalaro. Ramdam ng lalaki ang bigat na nararamdaman
ng dalaga. Kaya agad na niya itong ipinasok sa kotse.

"Salamat ha? Sa lahat. Salamat sa lahat Julian," nanghihina pa rin na sabi ng dalaga habang
napapasandal ang ulo niya sa bintana ng kotse.

Ngumiti lamang ang binata sa narinig, hindi niya alam kung tutugunin pa ang sinabi
ng dalaga sa kanya. Sa unang pagkakataon narinig niya na nagpapasalamat sa kanya
ang dalaga.

Napasandal na sa kanya ang babae habang naka angkla ang bisig sa kanang bisig nito.

"Julian, you're the best" halos pabulong na sabi nito, at tuluyan ng nakatulog.

Inihinto ng binata ang kotse at inaayos ang posisyon ng dalaga mula sa pagkakasandal
sa braso niya para maging komportable ito. Marahan niya itong hinagkan sa noo at minasdan
ang hindi pa ring natutuyong mga luha sa mata nito.

"Lasing ka nanaman, Odette, Sana dumating ang araw na makita at makilala mo na ako si adrian
at hindi si Julian na bumigo sayo".

At patuloy nang minaneho ni Adrian ang kotse palayo sa bahay ng bagong kasal na si Julian.

-The End-


aligaga's picture

cute..

nice one...keep on writing

SSShh.. Secret lang natin

SSShh.. Secret lang natin toh

 

 

 

 

Thank you, ;)

Write and rock