Maligno
Maraming misteryo
ang bumabalot sa gobyerno.
Ano bang mga maligno
ang nananahan dito?
May mga malignong ‘di matahimik
hanggang ‘di naisasalin ang taglay na bagsik;
Sa eleksyon dapat manalo ang anak o kapatid.
Sila ang tinatawag na mga Amalanhig.
Marami ring namamahay na Aswang
Asal tao sa harap ng sambayanan
Hayok na halimaw pala sa kasakiman
Pumapatay sa bayang walang malay.
May mga mapaglaro ring Duwende
Sila ang nagdadala ng malas o suwerte
depende sa laman ng bigay na sobre
o sa halagang nakasulat sa tseke.
Meron ding magaling manlinlang
Bayan ay nililigaw sa katotohanan
Ginagawang mangmang ang mamamayan
Sila ang mga tusong Tikbalang.
Mga kababayan, hindi sila tinatablan
ng bawang, bulong, o pagbaliktad ng kasuotan.
Ang panlaban natin ay nagkakaisang mamamayan
Handang maglingkod nang tapat sa bayan.
!
Aws!
Tabi-tabi po sa mga laman-lupang nasagasaan. Alam ko pong walang maaaring tumumbas sa kasamaan ng mga kawatan pero may mga karakter silang nagkakahawig. Ilan po dito ay:
Ang Amalanhig po ay Aswang na bumabangon sa libingan dahil hindi sila matahimik hanggang hindi nila nasasalin ang kanilang kapangyarihan. Katulad po ng karamihan sa ating kandidato na buong pamilya po yata ay may pwesto na sa gobyerno.
Ang Aswang naman po ay alam nating anyong tao sa liwanag pero nagiging halimaw sa dilim na unti-unting sumisipsip sa buhay ng mga inosenteng tao. Parang mga naghaharing-uri na unti-unting pumapatay sa mga uring pinaghaharian.
Ang Duwende naman po ay dapat laging pasayahin sa mga alay na pagkain upang bigyan ka raw ng suwerte. Katulad ng pagtanggap ng lagay ng ilang nating namumuno para sa ikapapasa ng isang proyekto.
Ang Tikbalang naman po mapanlinlang. Nagbibigay ng kakaibang imahinasyon hanggang tayo ay maligaw katulad po pagpapa-ikot sa atin ng mga kawatan.
Pero tama po kayo, mas masahol pa po ang mga kawatan sa kanila. Wala po talagang sasama pa sa kanila.
http://reyastone.blogspot.com/
;-)
Haha. Rhea, pasintabi rin. May pagka-romantiko lang talaga ang pananaw ko sa mga lamang-lupa. Anu't anuman, hindi naman ako naligaw sa pinupunto nitong akda mo ;-)
Kung may panahon ka, sana masilip mo rin ang mga trabaho ko sa http://allanandres.blogspot.com/
Sana rin magkaroon tayo ng pagkakataon makapagpalitang-kuro sa kani-kaniya nating akda. Siyempre, that is if kung papasa ang mga gawa ko sa panlasa mo. Mahusay ka.
!
Kuya,
Hindi lang po ako sumilip sa blogspot n'yo. Maraming beses na po akong namasyal doon.
Nawala po kasi ako sa sirkulasyon noong nakaraang buwan dito sa FW kaya po hindi po ako masyadong nakakapagbigay ng komento pero lagi ko pong nababasa ang mga gawa ninyo at nagtutumbling po ako sa paghanga. Babalikan ko po ang inyong mga gawa kapag marami akong bakanteng oras.
Salamat po!
http://reyastone.blogspot.com/
Haha. sobra ka naman...
Haha. sobra ka naman... gayunman, salamat siyempre.
Rhea, palagay ko marami akong mapupulot sa pakikipagtalakayan sa iyo (batay sa pagsubaybay ko ng mga gawa at komentaryo mo dito). Partikular kong interes 'yong prosesong kapwa natin ino-observe sa panulat.
Sana paunlakan mo naman kung hihilingin kong makipagsulatan sa iyo. Saan kaya? If ever (assuming ako, haha), heto rin ang eMail ko: allanjohn.andres@gmail.com
Salamat uli ;-)
!
Isa pong karangalan ang anyaya n'yo. Binigay ko po sa PM n'yo ang aking email address.
Yehey!
Salamat po!
http://reyastone.blogspot.com/
Karangalan ka diyan...
Karangalan ka diyan... haha!
Thanks ha ;-)
....ok na ung comparison
....ok na ung comparison ah...maligno...ok rin kung buwaya.ganda!
gawa ka pa po ate rhea..
"a genius is someone who shoots at something else no can see and .....HITS it.
Unfair din...
Unfair din kahit sa part ng mga buwaya.
Kawawa naman 'yong mga lamang-lupa at buwaya; kawawa kahit sino na maikumpara sa mga taong-gobyerno.
....paghahalintulad lang
....paghahalintulad lang naman po kuya allan...kung sa bisaya,"sambingay'.Pero ok lang yung sa buwaya kasi kumakain din naman ng tao ang buwaya.kaya nga merong mga taong binansagan na "buwaya ng lipunan"kasi maihahalintulad din sila sa buwaya.sakim na buwaya.
..ano po yang nilagay nyo sa avatar nyo?tikbalang ba yan?..
i guess ur an animal lover..
ingatzzz....
"a genius is someone who shoots at something else no one can see and....HITS it.
haha.
Sabi ng mga caretakers sa isang crocodile farm, ang mga buwaya raw, once they had their fill, tumitigil na sa panginginain. Di hamak na mas matino sila, kung gayon, kumpara sa mga taong walang sawa kung magpabusog.
Yup. Tikbalang po 'yan madame.
hello mary ann
dahil taga palawan ako at narito ang crocodile farm..
pasintabi lang ha..
ikokorek kita ha.. ang mga buwaya ay peace loving creature. territorial nga lang sila. di sila aatake kung hindi sila pinrovoke, or mating season nila o kaya gutom sila.
matitino ang mga buwaya.
--- sabi sa amin ni Kuya Dong BAtul (isang broadcast journalist na pinatay dito at dati syang Info officer ng CFI) insulto sa buwaya na ihambig sila sa mga buwakaw na manlalaro at ganid na mga pulitiko.
kawawa naman sila. :)
http://soundclick.com/share?songid=7575636
http://soundclick.com/share?songid=7553142
"hinahang
!
Mga hulagway (metaphor) ang ginamit ko sa tula.
Kawawa naman ang mga buwaya kung ihahalintulad sa kanila. Sa totoong buhay ay mababait naman ang mga buwaya. Territorial reptiles nga lang sila kaya pumapalag sila kapag nakakanti.
Mary Ann, welcome to FW!!!
Nawa ay maging mabunga ang pagtigil mo dito!
Mabuhay ka!
Antayin ko ang mga gawa mo.
Salamat sa pagdaan at pagbabahagi, kapatid.
http://reyastone.blogspot.com/
Mahusay!
Galing mo talagang humimay ng mga kaganapan sa lipunan sa pamamagitan ng paggamit ng mga simbolismo.
Mabuhay ka!
Mapipilitan tuloy akong ayusin muna ang aking tula bago ko ipaskil dito...kinakabahan tuloy ako...di bale maramin naman akong matutunan.
!
May utang pa ko sa'yo, hindi ko pa rin nababasa ang maikli mong kwento.
Salamat po sa pagdaan at sa pagbabasa!
Ngiiii... okay naman po kaya ang mga tula ninyo. Napakalawak po ng inyong imahinasyon lalo na po sa bago ninyong tula na Jungle Jive.
http://reyastone.blogspot.com/
Hayaan mo antayin ko na
Hayaan mo antayin ko na lang yung mga kommento mo, handa naman akong maghintay....hehehe.
Minsan kasi mas gusto kong gawan ng tula yung mga bagay na di napapansin pero madalas makita.
Salamat.
Ingat.
idol!!!
awa ako ng tawa sa upuan ko habang binabasa ito
tawa ako ng tawa sa pagtango sa bawat linya ng tula mo
ngunit di nakakatawa na tayo rito ay walang anting anting panlaban sa mga maligno
di nakakatawa na alam na natin ang sitwasyon, nakatanga lang tayo na handang maging pain sa kanilang magarbong hapagkainan.
sana nga magkaroon ng silbi ang marka ng paglaya sa ating mga hinlalaki.
at sana may bawang tayong pangontra sa aswang, mayroong kurus pantaboy sa mga amalanhig, banal na tubig sa mga duwende, ang mga hayok na tikbalang ay maligaw..
alam ko may babangon tagapagligtas upang ang kasakiman ng mga maligno
ay matapos na at matastas!
hindi ba nasa atin din ang mga pangontrang iyan?
http://soundclick.com/share?songid=7575636
http://soundclick.com/share?songid=7553142
"hinahang
!
sana nga magkaroon ng silbi ang marka ng paglaya sa ating mga hinlalaki.
Sana, kapatid, sana!
Hindi IKAW ang simula, TAYO ang simula.
Ang galing ng tula mo sa Facebook ko at yung tula mo para kay Inang Kalikasan. Umaariba na ulit ang iyong musa.
Tatambay na ba ulit ang Prinsesa dito?
http://reyastone.blogspot.com/
:)
salamat rhea, gusto ko sana ipost dito
kaso rerepasuhin ko pa
susubukan kong tumambay muli.. pagtapos na lang ng sem.. lapit na rin sembreak.. bakasyon muna ako dito hehehe
salamat sa pagpuna mo sa aking mga tula.
nangungulit kasi sila ngayon rhea, di ako pinatatahimik.
kailangan daw nilang magsalita...
ngayon na!
TAYO ANG SIMULA!
http://soundclick.com/share?songid=7575636
http://soundclick.com/share?songid=7553142
"hinahang
Gustung-gusto ko ang tulang ito!
Mga Obra ni Jonsdmur
Balarila - Wastong Gamit ng Salita
para sa akin okay ung paghahambing... lalo na ung sa amalanhig. Ganyan talaga ang nangyayari sa gobyerno.. kahit sa bayan namin noon puro pamilya ang nagiging opisyal...kailangan mga anak ang pumalit sa pwesto.
Katulad din sa City Hall puro magkakamag anak na rin ang mga empleyado.. wala na yatang karapatang magtrabaho ang mga hindi kamag anak....
Galing!
jons
!
Salamat, Jonsmur!
Amalanhig ang klase ng aswang sa kwentong mong pamana, diba?
Ganun ang ang mga nasa gobyerno, mana-mana lang ng kapit sa kapangyarihan.
Lahat ng bagay may pulitika!
http://reyastone.blogspot.com/
salamat
...maraming salamat sa pagwawasto..kanya-kanya tayo ng opinyon diba..?
napadaan lang....
ingat kayo!
"a genius is someone who shoots at something else no one can see and...HITS it.
!
Salamat din sa pagsali sa talakayan dito.
Binigyang label na kasi sa lipunan na ganoon ang buwaya kaya iyon na ang nakadikit na imahe sa ating isipan.
Ingat ka rin!

anong kayang masasabi ni carlo caparas?
ang kamulatan ni rhea sa kalagayang panlipunan at kahusayan sa paghahabi ng salita ay nagtuturo sa kung paano bigyang kabuluhan ang kakayahan sa panulat bilang makata. bagay na nararapat pamarisan o kaya'y higitan ng sinumang gustong maging national artist.
- Amos Tarana - http://amostarana.blogspot.com/
!
Aws!
Ang lupit naman po ng komento n'yo.
Wala po akong masabi!
Maraming, maraming, maraming, maraming, maraming, maraming, maraming, maraming, maraming, maraming, maraming, maraming, maraming, maraming, maraming, maraming, maraming, maraming, maraming, maraming, maraming, maraming, maraming, maraming, maraming, maraming, maraming, maraming, maraming, maraming
SALAMAT PO!!!
http://reyastone.blogspot.com/
mukhang ang mga maligno ay sadyang nasa paligid lang...
hehe..
medyo tagus-tagusan nga ang patama mo..
kahit ata sa harap ng simbahan hgindi masusunog ang katawan..:p
reya...
buti naman at nanumbalik na ang inspirasyon mo. sana tuloy tuloy na ang paghataw mo.
para sa akin, kapos pa rin na ikumpara sa mga maligno ang mga demonyong nasa pwesto. kasi, maligno na sila in their own category in a large scale evilness. lugi nga naman ang mga less evil na mga maligno kumpara sa kanila.
nice one :)
!
Astig! Tama ang sinabi mo!
Manumbalik ka na rin dito, okie... Bawal na umabsent.
ipagpaumanhin
...maraming salamat pala sa pagwelkam ate rhea...
ipagpaumanhin po n'yo kung di po ako nkapagpasalamat agad.
maraming salamt po!
"ngumiti ka...ang ngiti mo'y nagbigay kulay sa'king buhay at gamot sa puso kong nalulumbay".
ayos
dali lang basahin. nice.
have a good day! =)
MAGANDANG TULA AT MAGANDANG PAGHAHAMBING!
simple at madaling maintindihan at napakaganda para sa akin.
congratulations sa iyong masterpiece!
susubaybayan po kita!
Hanggat may ulam, may extra rice!
ilista na yan!
aba, ngayon ko lang nabasa ito a... at ang masasabi ko ay...
isang magandang tula! astig ang pagkakasulat! hanep!
yun lang, hehe. :D
I'd love to turn you on...













Napaka-unfair naman
Napaka-unfair naman ng comparison...
Napaka-unfair sa part ng mga lamang-lupa.