Malikhaing Manunulat
Bilang lamang sa mundo ng literaturang pinoy ang nakikilala, sapagkat hindi lahat ng manunulat ay magaling. Ngunit kapag pinag-ukulan ng atensiyon at tamang payo ay nagkakaroon sila ng tamang direksiyon at tamang pananaw. Marami ang nagnananais na makapagsulat at mailathala ang kanilang gawa. Higit sa lahat ay makilala at maging sikat sa larangan ng nobela.
Ngunit ano nga ba ang positibong maidudulot ng isang "Hindi Perpektong Nobelista?"
Ang aking sagot ay marami. Ngunit magbibigay lamang ako ng isa o dalawa o higit pa upang maipahayag ko ang aking saloobin.
Una- naipapahayag ko ang aking saloobin na walang sagabal o hinihinging regulasiyon. Nakalilikha ako ng istoryang mas malawak pa sa dagat at mas malaki pa sa mundo. Naipapakita ko ang mundong hindi nakikita ng aking mga mata, dahil ako ay hindi perpekto. Pakiramdam ko ay ako si Darna na sa isang lagok ng bato ay gumagana na ang aking kapangyarihan na makalikha ng isang nobelang makapaghahatid kasiyahan sa iba.
Pangalawa- Marami akong mali na maitatama kaysa sa tama na mamaliin.
Pangatlo- matuturuan ko ang mga mambabasa ng iba sa lahat sapagkat ako ay mahilig mag ekperimento na parang si Einstein.
Ikaw? Perpekto ka ba o hindi?
Ako ay hindi... Ngunit taas noo kong ipinagmamalaki ang nalikha kong istorya kahit hindi pa man ito naiprinta at nailathala sa buong mundo.
Amen....
salamat sa response....
daan lang po ako
agree po ako sa laman ng post nyo. Bilang isa rin pong manunulat (nobelista) masasabi ko pong ang pagiging manunulat ay wala sa labanan kung ang sinulat mo ay perpekto o hindi. Puso at kaluluwa ang laman ng iyong mga akda. Iyon ang mas mahalaga. Naniniwala ako na wala sa mundong perperktong akda, dahil ang mga lumikha naman sa mga iyon ay mga hindi rin perpektong tao. kasi walang perpekto sa mundo.
lahat ng bagay, may flaws, may weakness, may mali. Masasabi kong isa akong hindi perpektong nobelista. Nare-reject din ng publisher, nakakatanggap ng negative comments, nasasabihan din ng, "hindi maganda ang kwento mo" o "hindi ka magaling na writer."
pero para sa akin, ito pa rin ang pinakamagandang estado ng isang nangangarap maging full-pledge writer. Dahil hindi ako perpekto, nagsisikap akong matuto pa mula sa iba. nagiging open ako sa mga komento at sa bagong learnings. Ang pagiging manunulat ay tuluy-tuloy na pag-aaral dahil hindi lahat ng bagay sa pagsusulat ay matututunan sa isang iglap. Dahil hindi ako perpekto, lagi akong may space for improvement. magagawa kong magpakita ng akdang paakyat ang level kunbaga. may lugar para maipakita kong may natutunan ako.
on the other hand, kung perpekto kang manunulat, ano pa ang hahangarin ng reader sa 'yo? kunbaga, naabot at napakita mo na sa readers mo ang peek ng iyong mga akda. hanggang doon ka na lang. Unlike kapag hindi ka perpekto, may expectation ang readers mo na sa susunod mas maganda ang mababasa nila sa 'yo. mayroong progress, may element of surprise, may pagbabago.
isa lang po akong baguhang manunulat. at kahit po may published book na kami ng pinsan ko, hindi ko pa rin masasabi na, "magaling akong writer..author ako ng libro). wala pa ako sa kuko ng mga tinitingala kong writers. At wala akong planong tumigil sa pagtingala sa kanila.
Nice post po..
melay
*****
"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka."
dadaan rin ako hehehehe.....
Agree po ako sa sinabi mo... kami ngang manunulat ng FRN ay nabuo dahil ibinasura kami ng site na hindi naniniwala sa kakayahan namin dahil hindi raw kami perpekto at hindi sila tumatanggap ng kamalian. Pero nagpapasalamat na rin kami dahil kung hindi dahil sa panglalait nila sa kakayahan namin, nakapagtatag kami ng samahan kung saan maaaring makapagpasa ang ibang manunulat ng kanilang nobela... Dahil alam naman naming hindi lahat ng tao ay may kaparehong opinyon tulad ng site na iyon...
Ito ngang site na ito ay maganda may mga natututunan ako at saka lumalawak ang aking kamalayan ukol sa ibang bagay na hindi ko pa alam.
Sana makapagbahagi rin kami dito....
Salamat rin po sa response at pagdaan...
....
I visited FRN kahit na mejo mabagal ang loading ng bonggang site na iyon sa dial-up kong internet...ang ganda ng site nio. can i join? ang tagal ko ng naghahanap ng swak na site na paglalagyan ng romance novels ko. ganito kasi un e, juvenile fictions about life and friendship ang sinusulat kong books pero talagang nasa sistema ko na ang romance novels, hindi nga lang ako pinalad makapasa sa mga publisher ng romance. Kaya nga dito sa FW ako nagpopost.
You can search for my works dito kung diskumpyado ka sa akin (hehehe). eto ung titles : Aylabyu Pare, An Answered Prayer, I'll Take Care of You Partner, The Closet I Got For You, Let the Reason be Love. Lahat iyan ay full-length romance novels consisting ten chapters. Sana mabisita mo..
at tungkol naman sa pamamalagi sa FW, keep on posting lang ng works dito. And hope mag-enjoy kayo dito sa FW. May xmas reunion nga pala kami, join ka o kayo.
hehehe.
*****
"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka."
Absolutely yes!
nako welcome na welcome po kayong magpasa ng love story anytime you want at kami ay laging bukas palad sa mga nobelistang pinoy na gustong makiarkiba ng husto sa site... pwede rin po kayong makipagusap sa mga chatters namin sa chikachat... pasensiya na at mabagal talaga ang aming website dahil flash po ang gamit. Pero sana ay pag tiyagaan mo pa rin....
babasahin ko po ang mga novels mo... dahil adik po talaga ako sa mga love story... sino bang hindi lols..... :-) salamat po sa pag share....
nice post! i can relate...
nice post! i can relate... sbgay hndi nmn tlga nsusukat ang nasulat mo sa kung gnu ito kgnda, kundi sa kung ano ang impluwensya nito sau at kung ganu ito katotoo sa nagsulat..
really like it!:)
~[derushagath]~
kahanga-hanga pa rin
appreciative ang mga pinoy lalo na kapag kinilig sa bawat story na kanilang mababasa o mapanonood...para sa akin ang lahat ng bagay na nilikha ng isang manunulat, mahusay man o hindi, kilala man o baguhan ay isang bagay na kahanga-hanga. aba, mahirap yatang bumuo ng kuwento o gumawa ng isang article o lumikha ng isang awit o isang tula.





purihin ang
purihin ang Panginoon...
Hindi ako perkpekto...
Im just a weak man under the hands of GOD....