MALING KATOTOHANAN

|

MALING KATOTOHANAN

By Johnnie J. Lim

 

 

Kailan naging tama ang mali,

kung ang batayan ay kulang?

Kalian namang  nagwagi  ang tama,

Kung ang batayan ay mali?

 

Oo, nariyan ang hukuman.

Ngunit hanggang saan ang katapatan nito,

Kung ang may hawak ay nagdidilang ahas?

Kailan nating itutuwid ang katotohanan,

Kung tayo mismo’y nababaluktot sa kulay ng salapi?

 

Nasaan na ang sinumpaang batas,

Ang takot sa Diyos, at ang puri ng ating dangal?

Papaano na sina Totoy at Neneng,

Kung ang timbangan ni amang hokum ay katumbas  na ng bawat taginting ng pera?

 

Nassan na  ang katarungan ,

kung ang ating mga tagapagtanggol ay mananatiling nasa likod ng maling katotohanan,

At tamang  kasinungalingan?

Kung naging sapat man ang batas ng tao upang husgahan and isang nasasakdal,

Sukatin natin ang mali at bilangin natin ang tama.

 

Huwag na nating buhayin pa si berdugo,

Upang ang hukuman ay din na madungisan pa;

Sa ganitong paraan,

Ang minimithing katarungan ay tiyak na ating makakamtan;

Katarungan na magpapalaya sa nakagapos na pag-asa,

Katarungan na bubuhay sa nakaburol na ligaya;

 

Dahil ang pagkukunwari at maling pilosopiya,

Ay siyang humahadlang  sa ating karapatan at tunay na hustisya;

Lumilinlang sa masa, sumisira sa lipunan, gumugulo sa batas,

Upang kusang magkulang ang timbangan ng hukuman.

 

 


freak06's picture

hello poh

ang ganda po nung gs2 sabhin nung gawa niyo...sana nga lang po nababasa ng mga baluktot na may kapangyarihan....ng natatauhan sila....mga ganid sa pwesto at pera....haizt...bakit nga poh ba may mga taong sadyang ganan....parang wala ng pakialm sa iba mag ka pera lamang tsk tsk tsk

Tungol sa tula

Di naman sila bulag para ipamukha pa natin sa kanila ang mensahe ng tula ko.

Pero sana, makonsensya sila.