Maling Pag-big

adliserc's picture
|

Hay naku kaibigan. Sinasayang mo lamang ang iyong panahon sa isang taong alam mo namang ika'y iiwan din. Alam mo naman na may pananagutan na ito ngunit pinili mo paring mahalin. Ano ang napala mo ngayon? Ikaw ay iniwan. Naghahabol ka pa, kung di ka ba naman tanga! Ginatasan ka lang. Para sya may pantawid gutom sa tuwing wala nang makakain. May pera kahit wala syang trabaho. Ano ba naman kasi ang iniisip mo? Ang dami nang lalaking dumaan sa buhay mo sa kanya ka pa nagpaloko.

 

Eh, kasi naman. May asawa ka naman sana iniwan mo pa. Kasi ang gusto mo pagmamahal ng iba. Hayan tuloy ikaw pa rin ang kawawa. Binuntis ka lang nya't wala kang napala. Kaya ako talaga'y naiiinis. Ilang ulit na kitang pinagsabihan. Alam nating pareho na ang kalokohan nyo'y walang patutunguhan. Kabit mo sya. May pananagutan naman sya sa iba. Nasasaktan ka dahil sya'y magpapakasal. Eh, kung di ka ba naman tanga bakit ka pa nasasaktan? Kasal ka rin naman di ba? kaya pareho lang kayo. Hay naku kaibigan ko. Kailan ka pa kaya matututo?