Maling Pag-ibig
Sobrang gutom na ako
Sobrang payat na ako
Sobrang pagod pa ako
Sayang ang pera’t panahon ko
Sayang ang pag-ibig ko
Iba na ito kaibigan ko
Itigil na itong kabaliwang ito!
Sa maikling panaho’y maghihiwalay rin
Kaya buong puso ko’y hindi na ibibilin
Mali itong pag-ibig natin
Tama na at itama natin
Alam kong maglalaho ka lang
Kahit mga ngiti at pagtitig mo’y tila katotohanan
Basta puso’y handa sa sasapitin
Nitong maling pag-ibig, hindi na uulitin.
[NOV 2010 habang narerealize ko habang may isip pa ako na mali talaga yung amin. Pero nakain din naman ako.]
di ko ren alam eh. siguro
di ko ren alam eh. siguro nakabase lang yun sa palagay ng mas marame. :)



bakit mali
papano nagiging mali ang tama at nagiging tama ang mali? sa pag-ibig walang tama at mali..walang panuntunan at wla ding batas
Starblaze "Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)
http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/