Malungkot sa Itaas: PARA SA MGA WORKING MOM

Malungkot sa itaas kasi marami ka isasakripisyo. Gusto mo sa posisyon mo pero gusto mo ding maging ina at asawa. Katotohanan na laging nang-iipit sa damdamin mo bilang babae at bilang taong may gustong patunayan sa mundong ginagalawan mo... kasalanan mo ba kung pinagbutihan mo at napansin ang kakayahan mo? Kasalanan mo ba kung kakaiba ka sa karamihan at meron ka nung tinatawag na "INDIVIDUALITY."? Ang sagot oo kasalanan mo kasi pinagbutihan mo... sa mga araw na dapat katabi mo mga anak mo nasa seminar ka o kaya nasa opisina ka pa nakasubsob sa mala payatas na paperworks, nakatutok sa monitor at gumagawa ng report. Na kahit anong puyat ang gawin mo di naman matapos-tapos. Kasi sa likod ng isip mo nagtatanong ka "natutulog na kaya ang mga bata?", "kumain na kaya sila?' Ilan lang yan mga mare sa mga tanong... mga tanong na paulit-ulit sa isip mo. Alam mo kung bakit? Kasi nagi-guilty ka kasi dapat andun ka sa tabi nila para maghanda ng pagkain nila para kantahan sila para makatulog... e ang kaso wala ka e... nagpapaalipin ka sa opisina nyo na ni minsan naman yata di napapansin paghihirap mo... (o di ba sad yun) Nagtayo lng sila ng departamento na pinangungunahan mo para me mapagalitan, sisihin at utusang gumawa ng mga bagay na di ka sigurado kung magagawa mo ng tama. Eto pa isang mabigat, pag-uwi mo dahil dis oras na ng gabi aawayin ka ng asawa mo kasi ginabi ka nanaman at sasabihing di ka sasabitan ng medalya ng opisina sa pagmamartir mo... syempre magagalit ka sasabihin mo sa asawa mo pagod ka na at ayaw mo ng pagtatalo... (o di ba sad ulit) kinabukasan mag-aalmusal ka ng parang di ka nag-eexist sa mundo at higit sa lahat iiwan ka kasi tanghali ka na nagising at di ka na maisasabay sa sasakyan... magmamadali ka sa pagaayos ng sarili mo di mo napapansin ang anak mo nagpapakarga sayo... magagalit ka at tatawagin ang yaya para kunin ang bata... sa kaso ko madalas natitigagal ako kasi dalahira ang anak ko... sasabihin sayo "mommy pansinin mo naman ako ni hindi ko nga alam anong oras ka na umuwi kagabi tapos ngayon nagmamamdali ka naman..." napa buntong hininga ako at nasabi sa sarili ko na sana anak di ka na lng matatas magsalita... kasi sa aminin mo't hindi madalas silang mga bata ang nagpapamulat ng mga bagay-bagay sa atin... haayyy, minsan sabi ko unfair ang kultura na kinalikihan natin... kasi kapag ang babae ang nagkulang ng oras katratrabaho sasabihin wala kang kwentang ina dahil puro ka trabaho... pero kapag mga lalaki ang halos wala ng oras sa pamilya sasabihin ng lipunan masipag syang ama... (eto talga nakakamatay na lungkot) E pano tayong napilitang magtrabaho dahil kulang ang kita ni mister. Ang labo di ba? Ang babaeng nagtratrabaho ambisyosa ang lalaking nagtratrabaho good provider... haaayyy ulit. Basta ako isa lng ang masasabi ko sa mga nanay na nagtratrabaho... MAHAL NATIN ANG PAMILYA NATIN KAYA NATIN GINAGAWA ITO! Hindi tayo kulang sa oras, mapaghanap lang sila... kala lng nila meron pero wala, wala, WALLAAAAA!!! Malungkot dito... sa taas... sa tuktok ng tagumpay kung ayaw ka nila intindihin... intindihin mo na lng sila gaya ng ginagawa ko... kung ayaw nila magpaintindi... e di wag... magtrabaho ka na lng ng magtrabaho para di mo mapansin na malungkot ka...