Manananggal Ng Lakas
LAKAS-DIIN kong itinakip ang puti kong panyo sa aking bibig at ilong na nangingitim na dahil sa kapal ng alikabok – ‘sang maalinsangang hapong naghihintay ako ng masasakyang tricycle pauwi sa amin upang kunin ang naiwan kong ibang costume. Dahil sa wala akong sapat na pera upang mag-capacity, napagpasiyahan kong maglakad na lang papuntang paradahan- maarte kasi ang ibang drayber.
Sa aking paglalakad, pilit kong umiiwas sa tindi ng init ng aking mga braso at noo sa takot na mangitim at mawalan ng bias ang bleaching cream na lagi kong nilalagay bilang pampadagdag-ganda! Ewan ko ba, di ko maiwasang magpaganda kahit marami ang nagsasabing gwapo daw ako.
Sa pag-uwi ko sa bahay, naglakad-pusa akong pumasok sa aming dampa upang di’ magising ang apat kong kapatid. Kinuha ko sa sulok ang aking mga kasuotan, na isinilid ng ina ko sa sisidlang plastic, na laging niyang ginagawa ‘pag nakakaligtatan ko. Mahal na mahal kong ina ko, simulat-sapol ay di’ pa ako makatikim ng gulpi sa kanya, di’ tulad ni ama nung nabubuhay pa, laging may latay ang aking mga binti ‘pag nakikita niya akong nag-aastay bakla. ‘Di ko pa makalimutan noon, nang mahuku niya akong suot-suot ang daster ni inay, sagalit niya ay kinaladkad niya ako palabas at doon ako ginulpi at hinubaran sa harapan ng maraming tao.
Napatunayan ng aking mga kasuotan ang kaisa-isang photo album ng aming pamilya… Biglang gumaan ang aking kalooban nang masilayan kong muli ang mga larawang nakadikit doon, at patahimik akong humagikhik lalo na kapag larawan ko na ang tinititigan ko, kasi halatang may bahid talaga ng kabaklaan, at naaalala ko ang nakalipas…
Matagal na akong ganito, mula pagkabata pa. At hanggang ngayo’y malimit ko pa ring marinig ang pangungutya ng ilan, gaya ng “Bakla, ipako sa krus”!, o ‘di kaya’y, bansagang “Manananggal ng lakas”. Mga nakakasakit na salita na sa katagala’y tila busina na lang ng tricycle na nauulinigan ko araw-araw. At imbes na mainis, ay parang kumikiliti pa sa maharot na kaluluwang nagrereyna sa Adam kong katawan.
‘Di ko lubusang maintindihan pa noon kung bakit ako binabansagang “Manananggal ng lakas”, hanggang sa noong magtapos ako sa mataas na paaralan- doon ko nalaman ang ibig nitong sabihin.
Nasa ika-4 na taon na ako nang magkaroon ako ng bf (boyfriend), nakakahiya mang sabihin pero iyon ang totoo- may-ari siya ng club na pinagtrarabahuan ko ngayon.
Mga masasayang sandali? – marami kami n’yan, kung hindi sa discohan noon ay sa bahay nila ako nauumagahan.
Ika-14 ng Pebrero ng nakaraang taon, nagpaalam ako sa magulang ko na may overnight Valentine’s Party sa YFC (Youth for Christ), isa kasi ako sa mga senior members sa organisasyon, pero ang totoo sa bahay ako ng boyfriend ko mag-paparty. Sa mga panahong yun, naisip kong naglalandi na ako. Mga sampu lang kami noon pero masaya - inuman, yosi at…. Tiempong wala ang mga magulang niya.
Mga pasado ala-una y medya na noon ay niyaya niya akong pumunta sa kwarto niya, kahit alam kong pakay niya sa kunwari’y pa-innocent effect ako. Hindi ko alam kung anong masamang ispiritung pumasok sa mga isip naming at nagawa naming ang isang malaking kasalanan. Ang lilikot ng aming mga kamay at sa unang pagkakataon ay nagtalik kami. Hindi ko na alam ang kompletong detalye dahil sa sobra kong kalasingan, basta alam kong may nangyari sa amin at kumirot ang aking buong katawan lalo na ang panga at kaselanan.
Naulit pa yun nang mararaming beses, pauli-ulit hanggang sa tila maging manhid na ang buo kong katawan. Paulit-ulit din ang aking mga pagsisinungaling sa magulang at pagliban sa klase. Hanggang sa nagsidatingan ang mga unos a buhay ko. Hindi ako naka-graduate sa high school at ang masaklap- namatay si ama, dahil sa isang aksidente sa isang construction site, kaya ngayo’y apat kaming magkakaptid sa hina ang hindi na nag-aral. Bilang nakakatandang kapatid napilitan akong lumapit sa patalim, hindi kasi kayang buhayin nang labandera kong ina kaming lahat, kaya sinubukan kong pumasok sa isang gay bar entertainer at serbedora, na pinagmamay-arian ng mga magulang ng bf ko. Paminsan-minsan na lang din kami nagkikita ng bf ko, busy kasi siya sa pag-aaral at ako naman ditto.
“Angel” ang pangalan at tawag sa akin sa gay bar na yun. In my every performance, lagi kong suot-suot ang aking sash na may naka-imprentang “Manananggal ng lakas” at todo hiyawan naman at palakpakan ang mga manonood ‘pag number ko na.
Naisip ko baka hanggang dito na lang talaga ang maabot ko – hindi maging isang enhinyero na pangarap ko noon. Ngunit ipapangako kong maitapos sa pag-aaral ang aking mga kapatid para mabigyan sila ng magandang bukas, ‘di tulad ko nakalugmak sa putikan at naghihintay na lang na may umararo upang magkaroon ng pakinabang.

