Mandaraya ako.

Late ako ng 34 minutes. Dahil narin sa aking panukala, may sampung pisong multa. Fine. Ok lang.

Pagkaupo, binuksan ko muna ang air cooler na nakatapat sa wakwak ang sikmura kong CPU. Nung una, video card ang bumigay, ngayon, motherboard na. Buti pa yung CPU pwedeng mag-give up. Ako kasi hindi halatang nahihirapan. The woes of the overweight. Pero successful naman, bumukas pa rin ang computer.

Sunod ko naming binuksan ang document na dapat kahapon ko pa tapos. Pero eto, imbes na magsulat tungkol sa whitening cream, nagsusulat ako ng blog.

Bad sign for the company, good sign for me. Ngayon nalang ako ulit nakakasulat ng ganito. Mani-mani nalang ang 100 words a day. Pwede ko na ulit buksan ang thesis ko, tapusin ang lintek na nobelang napondo na ng ilang taon. Baka tanggapin pa ni Sir Wendel. O baka by then, prof na si Francis. Ayos.

Talaga namang kapag bawal masarap gawin. Masarap dayain ang isang kompanyang umuubos ng weekend hours ko. Bawi-bawi lang. Hindi na ako masyadong naguiguilty. At mas naiintindihan ko na rin kung bakit ganon ang mga nauna sa akin sa trabaho.

Ang new year’s resolution ko, mandaraya ako tuwing umaga. Pagbukas ko ng PC, sa mga panahong nahihilot at umaarya pa ito, magsusulat ako para sa aking sarili. For my sanity kumbaga.

Muntik ko ng makalimutan how therapeutic writing is.

Sige, nadilirat na ang deadline ko. Papasadahan ko muna, isang mabilis, tapos mandaraya ako ulit. Sunod sa tema naman ako, tamang tama eleksiyon na.


Adlesirc's picture

hi

ano ibig sabihin ng nadilirat?

nandilirat

typo pala.

nandilirat, oo nga no, wala sa google. kasi ginagamit namin yang salitang yan sa bahay. bahay na nasa cotabato city na ang mga nakatira ay ang lola kong guro ng filipino at math, isang ilocana na tubong meycauayan bulacan, ako na laking maynila, at ng nanay ko na laking mindanao.

marami kaming mga salitang nakasanayang gamitin sa bahay pero hindi pala common, actualy minsan non existent sa labas. very micro version ni chinua achebe pala ito.

anyway back to the question, nandilirat, as in, nakadilat at nanlilisik, meaning very imminent at threatening. 

 

isang kubo sa lupang iyo