MANHID
Manhid ka. Sumisigaw na ang kanyang kalooban ngunit bingi ang puso mo at hindi mo siya pinapakinggan.
Sa tunay na pakiramdam ay wala kang alam dahil nabubuhay ka nang walang paki-alam.
Manhid ka. Ang mga mata mo’y bulag sa katotohanan. Hindi mo alam, labis mo na siyang nasasaktan.
Ang mga salita mo’y armas na unti-unting pumapatay sa kanya.
At sa bawat hagupit ng iyong kamao, katumbas nito’y malaking bangungot sa buhay niya.
Manhid ka. Ang nais mo lang ay pansariling kaligayahan. Uhaw na ang mga tao sa paligid mo sa tunay mong pagbabago.
Kailan ka ba makakaramdam? Kailan ka ba matatauhan?
Kung pwede lang sabuyan kita ng isang baldeng bubog. Kung pwede lang ilublob kita sa kumukulong tubig.
Kung pwede lang itapon kita sa imburnal. Kaso hindi pwede. Hindi kasi kaya ng konsensya ko na gawin ang mga
bagay na iyon sa’yo kahit gaano ka pa ka-demonyo. Hindi kasi ako MANHID na tulad mo.
Ipagdadasal ko na lang na sana isang araw paggising mo, ibang-iba ka na.. bihis tao at asal mabuting tao.
Isa kang napaka-walang kwentang halimaw para sa akin. Buwiset!
Alay ko ito sa asawa ng kaibigan ko na lasinggero, babaero, sugarol, at nambubugbog ng asawa. Oh sa’n ka pa, 4-in-1 di ba? (jackpot!)
Sawang-sawa man akong makinig na sa hagulgol na may pinagsamang luha at sipon ng aking kaibigan dahil sa pulit-ulit na problema niyang ito, dadamayan ko pa rin siya at papayuhan. Ganun talaga ang papel ng mga pala-kaibigang tulad ko. (naks!)
Kung ano ang magiging ending ng mala-telenobelang buhay ng kaibigan ko, ipanagpapasa-Diyos na lang daw niya at naniniwala pa rin siya sa layunin at kalooban ng Diyos. At kung di man mabago ang asawa niya sa ngayon, alam ko na makakamit din niya ang walang hanggang pagpapala ng Panginoon balang araw dahil mabuti siyang ina at asawa.
combo meal w/ ice tea
hehe napangiti ako 'dun. kung mauuso 'yan tiyak di papatok sa mga kababaihan, walang magnanais na makatim.
sadista ka naman. wag mo naman sunugin ng buhay..eh kung itali mo na lang sa puno nang patiwarik, buhusan ng langgam at kilitiin hanggang sa mamatay? haha!
minsan sa buhay pag-aasawa, weather weather lang din hehe.. may panahong masaya minsan naman puno ng problema pero ang lahat naman ay nagbabago..naniniwala pa rin ako sa HIMALA.
ang lalake masarap talaga 'yan magmahal...minsan nga lang naliligaw. agree ka?
Ewan ko lang mam labidabz
Ewan ko lang mam, madali kasi ako mairita sa mga boys, though i know that my bf loves me so much na dapat lng na mahalin niya ko, hindi ako mainlab sa kanya o sa kahit kanino. Hahahaha. Natatakot kasi ako makatagpo ng boy na walang kwenta, sa panahon ngayon pa naman, mukhang nauuso ang mga boys na batugan at tambay tapos kapal pa ng mukha na mang tsikas, nuknukanish pa ng yabang ang mga pepz.
Masarap ba sila magmahal? Hahahaha, hindi lahat ng boys mam labs masarap magmahal, lagi kasi nahahaluan ng pride at ego ang pagmamahal nila.
Ayun.
though i know that my bf
though i know that my bf loves me so much...talaga lang ha?? 'wag ka paka-sisiguro. (pag-isipin ba, haha!)
ako naniniwala pa rin akong masarap magmahal ang TUNAY NA LALAKE, hindi man lahat pero may ilan pa rin na matitino diyan. Kung saan? kanya-kanyang hanap na lang hehe..
Yun nga yun
Ang TUNAY NA LALAKE ay masarap magmahal, ang TUNAY NA LALAKE ay marunong rumespeto at huli ang TUNAY NA LALAKE ay may tae sa brief.hahahahha!!
Miss na kita Loves, pakiss nga!!
Spike
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
Hahahaha
Sigurado ako dun mam labidabz... Rain or shine subok ko na ang wagas niyang pag-ibig para sa akin. Hehehehehe.
Yupz, kanya kanyang hanap lang yan.
Sir spike, pano naging batayan ng pagiging tunay na lalaki ang pagkakarun ng tae sa brief?
manhid si lalake at martir si babae
Nakow, ate lab eh complicated iyan. sabi nga nila, hindi mo mababago ang taong gago lalo na iyong ayaw talagang magbago... ang tanong na lang diyan ay kung hanggang kelan matitiis ni friendship mo ang nangyayari? Wag mo siyang iiwanan para lagi siyang may support at karamay. at kung makita mo iyong asawa niya, kalmutin mo, sabunutan mo ng bonggang-bongga at jombagan mo pa.... Rakenrol! Hehehe.
ingatski,
Melay
*****
Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.
angn hirap din nga ng
angn hirap din nga ng sitwasyon niya kasi may mga anak siya sa pesteng yun tapos hindi naman ganun daw kadali maki-paghiwalay.
pero darating din siguro na isa sa kanila ang mauuntog.
madalas ko nga makita ang asawa niya kaso hindi ko na magawang pansinin at ngitian , ayoko kasi makipag plastikan. basta kapag kailangan ng kaibigan ko ng karamay, eh nandito lang ako.
kaya ikaw melay , magsumikap ka makahanap ng tamang lalakeng hindi 4 in 1 haha!
ty sa pagdaan,.God bless.
huh!usapang babae pala ito
huh!
usapang babae pala ito hehehe
kailangan din natin ang mga ganyang klaseng lalake, pampabalanse ba sa maginhawang buhay... (biro lang). ganyan na ganyan iyong dating naihalal sa pagkapangulo na mukhang gusto na namang tumakbo sa 2010.
sabihin mo na lang sa kaibigan mo na pag-aralan kung paano ginagawa ito:
http://www.youtube.com/watch?v=aicHsMC6rxM
o kaya pakiprint nito para mabasa niya:
http://www.filipinowriter.com/babae
ang tunay na babae, kayang mang-iwan ng "4 in 1" na lalake.
- amos
(andito lang ako...kalalabas lang sa ospital...naghihintay...nakatingin sa alapaap)
----------------
“Never doubt that a small group of thoughtful committed citizens can change the world.
Indeed it is the only thing that ever has.”
hi!
parang kilala ko 'yang panggulo este pangulo na sinasabi mo.
aikido--- ok din kaso may pagka-demonyo at malakas ang pwersa ng lalakeng 'yun. lahat ng bagay na madampot ibinabasibas sa kaibigan ko, ang lupit!
babae--noon, nakita ko kung paano siya suyuin ng pesteng yun (ligawan time pa). halos parang asong ulol na sunod ng sunod sa kanya at palaging nakabantay. ngayon, umaga na hindi pa umuuwi sa asawa at wala nang paki-alam sa mag-iina niya.
ang TUNAY NA LALAKE dapat ay hindi taglay ang 4 in 1 na katangian.
tnx amos! God bless.
(naiba yata ang avatar mo hehe>)
iilan lang kaming matapat
iilan lang kaming matapat magmahal...
endangered species na kami...
hihihi...
palutangin sa alapaap ang usok mula sa likod ng dalisay na batis...
http://bobosijuan.blogspot.com/
endangered species?? haha!
kung ganun, dapat pala talaga mabahala na ang mga kababaihan.
matapat ka pala magmahal..swerte naman ng labidabz mo.
ty BSJ.
hihihi... kaso nga lang 5
hihihi... kaso nga lang 5 taon na akong walang GF...
bata pa kasi ako...
20 palang...
hihihi...
palutangin sa alapaap ang usok mula sa likod ng dalisay na batis...
http://bobosijuan.blogspot.com/
bagito ka pa pala sa
bagito ka pa pala sa larangan ng pag-ibig eh, pero kung sakaling subukin ka ng tadhana balang araw, sana'y pangatawanan mo 'yang katapatan mo..napaka-importante kasi nito sa isang relasyon.
tnx ulit!
wala ka bang kakambal jan?
wala ka bang kakambal jan? na tapat din kung umibig?
Lols endangered species daw..sige na nga maghanap nalang ako ng loyal at sweet na guys sa mga museum..
♥♥-ILyaNah-♥♥
Draw The Line hotline
Draw The Line hotline
(02)926-6598 o (02) 982-7777 local 3034
Huhulihin ko ang buntot ng cold front...
Ang kaibigan ko..dakilang
Ang kaibigan ko..dakilang martir. Sinubukan na rin niyang makipag-hiwalay minsan kaso konting lambing lang nung isa, bumigay na naman. kaya iyan ang madalas ang problema.
may eksena pang nagharap na sa barangay nang dahil sa bugbugan issue tapos biglang iuurong ang kaso kasi hindi matiis yung asawang lalake kaya ang ending---walang pagbabago...bugbugan na naman!
May mga pagkakataon ding madalang ang naghahain ng reklamo laban sa mga abusadong asawa dahil na rin sa takot, sa hiya, kakulangan ng suporta ng pamilya, at kakulangan ng lakas ng loob. Sa huli, ang biktima pa rin ang kawawa.
Saludo ako sa mga organisasyon o samahan ng mga kababaihan na handang tumulong sa ganitong mga kaso. Ang kailangan din ay mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga biktima ng pang-aabuso para malaman nila ang kanilang karapatan at kakayahan para makawala sa hirap na dinadanas nila sa kamay ng mapang-abusong asawa.
salamat Miss Pajama.God bless.
Dear Love, Kung laging
Dear Love,
Kung laging mabait ang kaibigan mo, lalo syang sasamantalahin ng asawa nya, pero pag lumaban sya at nagmatigas ng konti, baka magka respeto pa sa kanya asawa nya, e kaya ginaganyan sya, kasi sa tingin ko, tinotolerate nya yun.
Pero bilang friend nya, wala ka talagang magagawa kundi makinig lang, kasi kahit gutay-gutay na ang puso't katawan nya, kung lab nya parin asawa nya, di yun makikinig sayo kahit sabihan mo na hiwalayan nalang asawa nya. abaaa, mabuti pa kamo magpatayo nalang sya ng Monumento sa Luneta. Marami pang bibisita sa kanya...
Pero kung umaasa yang BFF mo na darating ang araw, gaganda ang kapalaran nya, hindi yun nakukuha sa dasal, kailangan nyang tulungan ang sarili nya, kahit for d sake of her kids man lang, hindi rin kc healthy sa mga kids nila ang makitang ganun na sitwasyon araw-araw.
♥♥-ILyaNah-♥♥
Sa tingin ko, wala nang
Sa tingin ko, wala nang respeto asawa nya sa kanya..May mga lalakeng lasinggero pero hindi nilalagay sa ulo ang kalasingan, may mga lalakeng babaero, pero ikaw pa rin ang number 1 sa puso nya..may mga lalakeng sugarol pero good provider at di nagkukulang sa pamilya pero ang mambugbog ng asawa..walang patawad yun...
May mga babaeng nagiging martyr dahil sa sobrang pag-ibig sa kanyang asawa, pero dapat may hangganan ang lahat..
Nalulungkot ako sa mga babaeng nagkaroon nang ganyang karanasan..
Wahahahha.........
Ang kafals ng muks ng Hubby nya...
Wala na ngang mai-akyat na mabuti sa bahay nila nang uumbag pa ng asawa.
Buhusan 'ko yan ng asido,eh.
Buti na lang never pa 'kong nagkaroon ng lalaki sa buhay 'kong sing itim ng budhi nyang hubby ng kaibigan mo, dahil kong hindi (wala lang).
Sana lang di ako makahanap ng ganyan.
hi ilayana, sofia and pinxu!
naku wala na ngang pagbabago sa takbo ng utak ng kaibigan ko. sobra kasi niyang mahal yung isa. at kahit ano pang payo ang gawin ko, nasa kanya pa rin ang desisyon. kung ano man yun , sana masaya siya at hindi niya ito pagsisisihan balang araw.
salamat sa panhon. God bless.
Battered Woman Syndrome...
Nakakalungkot isipin na bagamat may mga batas nang naipasa upang pangalagaan ang karapatan ng mga kababaihan, hindi pa rin magawang makaalpas sa pang-aabuso ang mga maybahay na tulad ng babaeng manhid na binabanggit mo dito.
Dahil na rin sa paulit-ulit na pang-aabuso, sa tingin natin sa kanila'y manhid na at wala nang pakiramdam... Sana magpatulong na siya sa mga kinauukulan tulad ng CSWD (women's desk) bago pa man magdilim ang kaniyang paningin at mapatay niya ang kaniyang asawa.
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*











Ang lalaking ganyan
Ang lalaking ganyan eh ang tinatawag nilang combo meal with ice tea.
Mga lalaking dapat sinusunog ng buhay.
ang mga tunay na lalaki daw ay hindi nagtatrabaho, hindi naghuhugas ng plato dahil may babaeng gagawa nito para sakanya. Hahahahaha.
Ang comedy ng pagiging isang lalaki eh nakakatawa talaga ku' mi'san.
Wako ma say sa mga lalaking nangjojombag ng babae, lalo na sa mga lalaking lasenggo at babaero, sounds familiar kasi, parang papa ko lang yun ah. Hahahahaha.
Buhay nga naman.