Mani

Patrickman's picture
| | |

Mani

Sakay ng bus
Isang gabi
Nang may sumakay na
Tindero ng mani

Limampiso, boss,
Mainit-init pa.”
Bumili ako,
“Isa nga.

Boss, wala po ba kayong barya?
Wala e. Kaya nga ako bumili.
Ganoon po ba?
Wala akong panukli
.”

Sa totoo lang meron talaga akong barya
Eto o. Meron pa pala sa pitaka ko
Nakatagong limampiso
Akin na’ng bente ko.

Masarap ang mani
Lagot nga lang sa pimples
Kaya tinanong ko ang katabi ko:
Miss, tinitigyawat ka ba sa mani?

Sa isang iglap
Naubos lahat ang isang supot ng maning hawak ko
Sa lakas ng sampal niya
Natapon lahat sa sahig.

 

29 May 2005

Patrick Orquia

ika-limang na tula sa aking unang koleksiyon ng mga tula, Sinturong Pangkaligtasan.

naisulat ko ito dahil mahilig ako bumili ng mani dati kapag sakay ako ng bus. tapos may narinig akong joke sa TV yata kaya, ayun, isang tulang nakakaantig ng damdamin ang naging kinalabasan.

Mga tula mula sa Sinturong Pangkaligtasan:

Bum · Isay · Pula · Sinturong Pangkaligtasan · Mani · OK Comprende · Indyanism · Pinakbetter Than Wala · Idlip · Hyperbola · Wala · Bata, Bata (Ganito Ka Ginawa) · Hello Lucy! · Luha · Gambatte Kudasai

http://patrickman.blogdrive.com

http://walruscreativeworks.blogdrive.com


aireen's picture

nyahahahha "Masarap ang

nyahahahha

"Masarap ang mani
Lagot nga lang sa pimples
Kaya tinanong ko ang katabi ko:
Miss, tinitigyawat ka ba sa mani?

Sa isang iglap
Naubos lahat ang isang supot ng maning hawak ko
Sa lakas ng sampal niya
Natapon lahat sa sahig."<---- natawa ako sa part na ito... haaayyy..

 

pero ang sabi nila di daw nakakapimples ang mani.. pero ako sa totoo lang nagkakapimples ako pag kumakain ako nyan...

Favorite ko pa naman ang mani.. sad nga lang nagkakapimples me.. kaya iniiwasan ko na ang bumili nyan...

 

cheers!

aireen

 

Patrickman's picture

so, nagkakapimples ka rin pala sa mani... Ü

hehe... ewan ko kung totoo talaga, marami lang nagsasabi pero ewan ko lang kung may scientific basis talaga.

 

salamat sa pagbabasa! :D

 

I'd love to turn you on...

 

http://patrickman.blogdrive.com

http://walruscreativeworks.blogdrive.com

rbolsqp's picture

Perhaps,

causing sebaceous glands to excrete sebum and when trapped become pimples or worse case, acne. 

Better eat bananas then.  Monkeys don't have pimples. :-)  On second thought, peanuts are also called monkey nuts, ahm makes me wonder.  :-)

Hehehe.  I am nuts. 

Patrickman's picture

going bananas!

ayun o, may scientific explanation na! :D

 

I'd love to turn you on...

 

http://patrickman.blogdrive.com

http://walruscreativeworks.blogdrive.com

rbolsqp's picture

You turned me on. Ahmp.

Assumption lang naman yan.

Pero dahil you turned me on, eto ang maidadagdag ko. Meron ding uri ng mani at saging na di nakaka-pimples. :-)

======================

B1:  B2 alam mo ba naiisip ko?

B2:  Oo B1.

B1:  Ang bastos mo rin pala, B2.

 

Patrickman's picture

uh oh...

ayoko nang alamin kung ano. isarili mo na lang, mehn, hehehe... :D

 

I'd love to turn you on...

 

http://patrickman.blogdrive.com

http://walruscreativeworks.blogdrive.com

....

 

 

Boss, wala po ba kayong barya?
Wala e. Kaya nga ako bumili.
Ganoon po ba?
Wala akong panukli
.”

Sa totoo lang meron talaga akong barya
Eto o. Meron pa pala sa pitaka ko
Nakatagong limampiso
Akin na’ng bente ko.

Masarap ang mani
Lagot nga lang sa pimples
Kaya tinanong ko ang katabi ko:
Miss, tinitigyawat ka ba sa mani?

Sa isang iglap
Naubos lahat ang isang supot ng maning hawak ko
Sa lakas ng sampal niya
Natapon lahat sa sahig.

 - - -

Sa una, makikita natin ang persona na siya'y nagsisinungaling nang sinabi niyang wala siyang barya.  Pero napaamin din dahil nga naman, ayaw niyang siya ay maisahan.

Sa pangalawang pagkakataon, napaisip ako kung ano ang motibo niya kung bakit sinabi niya ang gayon sa babae.  Marahil gaya din nang naunang pagtanggi niyang wala siyang barya... siguro may natatagong kapilyuhan ang mama.  At iyon na nga, naging maganda naman ang tugon ng babae. 

Okay siya, parang gaya rin ng mga kuwento mo.  Pero ewan, bakit parang inasahan ko ang ganung ending... :) 

 

Ruthie

Junimun norul saranghe... ^ . ^*

 

Patrickman's picture

actually...

para sa akin, nagtanong lang siya ng isang inosenteng tanong, parang "ate, anong oras na?" medyo green lang yung utak ni ate kaya ganun reaction niya, hehehe... :D

 

I'd love to turn you on...

 

http://patrickman.blogdrive.com

http://walruscreativeworks.blogdrive.com