Manong, Para Dyan sa Tabi

|

Naalala ko, minsan nung naguusap kami sa History class, nabanggit ng prof namin na maraming ugali ng Pinoy ang lumabas pag nakasakay sa jeep. Basta parang ganun yung gusto niyang sabihin. Konti lang yung example na binigay niya, pero sapat na yun para patakbuhin yung malikot kong utak. Marami kang mapapansin eh, tulad nalang ng layout ng jeep. Tipong magtatabi-tabi talaga yung mga tao, magkaharap ang dalawang helera. Mas may contact, kung baga. Hindi tulad ng sa bus, iba iba ng pwesto; kahit sabihin mong magkakasunod, parang lahat kayo nakatingin sa iisang direksyon. E sa jeep, F to F.

Face to face.

Ng bonggang bongga.

Ayun. Nasan na naman ako? Takteng kabaklaan yan o.

Ah, sa jeep.

Nandyan na din yung simpleng aksyon na pag-abot ng bayad kay Mamang Tsuper eh. Hindi na natin masyadong napapansin, pero diba, parang pahiwatig na din yun ng pagbigay ng konting tulong sa taong hindi mo naman kilala? Pag nakakakita ako ng taong hindi nag-aabot ng bayad sa jeep, pakiramdam ko napaka-inutil niya't walang modo. Tulad nalang kahapon eh. Nasa may bandang dulo ako, sa bandang sakayan ng jeep. Yung isang mama, nasa likod na halos ng tsuper. Tapos may sumakay sa gitna naming dalawa. Natural lang naman na yung bagong sakay ay magpaabot sa kanya ng bayad. Eh halos mabali na yung kamay nung ale sa kakaabot sa driver, ni hindi man lang siya tinulungan nung isang pasahero. Nakakapikon ah. Ano ba naman yung iangat mo ng konti yung kilikili mo para iabot sa driver yung bayad ng babae? At bakit ka uupo dyan sa malapit sa driver kung hindi mo trip mag-abot ng bayad? Simpleng bagay, pwede ba!

Ay umiinit ang ulo ko. Kapikon kasi eh. Pakiramdam ko wala kang karapatang sumakay sa jeep kung wala kang interes na magabot ng bayad ng tao. At kung wala naman, dun ka umupo sa pinakadulo. Yung tipong isang swerve lang ng jeep, pwedeng pwede kang tumalsik palabas, leche kang inutil ka.

Simpleng magaabot lang ng bayad, hindi mo pa magawa. Dun ka sa taxi sumakay, leche.

Jeep na din siguro ang transportasyon kung saan nagkakaroon ng pinaka-intimate na body contact ang mga nakasakay. Oy! Pwedeng paki-linis ng utak mo! Walang porno sa jeep! Ang ibig sabihin ko lang, nagkakaroon ng bonggang bonggang body contact, kasi nandyan yung katotohanan na pipilitin ng jeepney driver na pagkasyahin ang sampung pasahero sa upuang siyaman lang.

Tipong, 'Heller, kuya. Tae ka, ikaw kaya umupo dito.'

Contact kung contact eh. Kanina lang, super contact na kami ng katabi ko, sobrang gusto ko talaga siyang itulak ng bonggang bongga kasi alam mo yung basa siya ng pawis? Urong na ko ng urong papalayo sa kanya, kaya lang ang sama na ng tingin ng nasa kanan ko eh. Naiipit na yata siya ng bonggang bongga. Pero kasi. Alam mo yung basa ng pawis yung nasa kaliwa ko? Tapos papasok ako sa school? Sobrang... naiintindihan ko naman na necessary evil ang body contact sa jeep, pero alam mo yung basa sya ng pawis?!

Alam kong medyo sign of 'togetherness' ang makikita mong scenario sa jeep. Pero pwede bang yung ma-eexperience kong together-ness ay yung tipong hindi basa ng pawis?

Affected ako eh. Iba eh. Ibang uri ng contact yun eh.

So umurong ulit ako pakanan. Naisnab na ko ni Ate sa kanan ko. Pero pocha. Sige, sya ang tumabi sa pawising mister! Epal.

So. Contact. Togetherness. Sa loob ng jeepney. Ang sabi dati ng prof ko, parang 'family' daw. Yung idea na isang malaking pamilya ang mga Pinoy, at nakikita ito sa loob ng jeep.

Ang tawag ko dito, lalo na pag basa ng pawis ang katabi mo, 'Hassle. Bonggang bonggang hassle.'

Dalawang obserbasyon lang yan. Siguro may part two pa ito pag ginanahan pa ko. Kasi may bonggang bonggang kwento pa ako tungkol sa pagsakay ng jeep.

Pero sa ngayon, eto muna.


Ijano Belimed's picture

purihin ang

purihin ang Panginoon...

 

 

LOL...galing mo mag sulat ah!

weeeeee! u made my day!

cool! sulat pa!

bonggang bongga etich? tama ba? LOL

nkakatawa!

tenkyuberimas!

Salamat sa pagbasa at sa pagkomento!

Masaya naman ako't napasaya kita. :D

Opo, magsusulat pa po. Salamat ulet! Apir tayo!

 

http://orewatensai.wordpress.com

manhater.xxiv's picture

Genki desu ka,

Genki desu ka, tensai-san?

 Echos.

Natuwa ako dito. Nakaka-relate ako, from the abot-bayad to the sardinas position to the pawisang katabi. Suwerte mo nga hindi mabaho yung katabi mo. HAHA. At di mo pa na-experience yung madaplisan ng dura ni manong driver EWW rar talaga yun badtrip pag naaalala ko.

http://forcedengineer.wordpress.com

Genki desu!

Genki desu manhater.xxiv-san!

 Choz.

 Haha. Salamat sa pagbasa ah. Haha. Oo grabe kasi talagang hindi ko maiwasang mag-obserba. Sa katunayan, hindi ko pa nasama dito ang mga taong pilit pang ipagkakasya ang mga sarili nila kahit alam naman na hindi na pwede. Kaya ayun, kalahati ng pwet nakaupo, kalahati nakasampa na sa katabi.

 Nangyari sa akin kanina. Haha. 

 EEW ha, rawr nga yung madaplisan ng dura! Kumusta naman pag mabaho ang katabi. Buti nalang may dala ako laging katingko. Papahid nalang ako sa ilong kung sakaling mangyari sa akin yun. Haha! Salamat ulet!

 

 

http://orewatensai.wordpress.com

manhater.xxiv's picture

HAHA. Ang haba pala ng

HAHA. Ang haba pala ng manhater.xxiv-san HAHA.

So...

Tama ka jan. Nakakainis ang mga barker at chuper dahil yung para sa 7 na tao e ginagawang pang-9! Kaya since malaki ako, naranasan ko ung 1/4 na lang ng pwet ang nakaupo! At ever since, hindi ko na tinry na pagkasyahin ang sarili ko bilang huling taong uupo. Ma-late na kung ma-late. Better late than pagod! Hay stress.

 

Anyway, binisita ko tong wp link mo. Mas active kasi ako dun. Pero di ko pa nababasa kaya nasa blogroll muna kita. :D

 

http://forcedengineer.wordpress.com

Hay naku, madami ngang

Hay naku, madami ngang karumaldumal na nangyayari sa jeepney! At minsan pa, merong nakadikit na bubble gum sa estribo! Mabuti nang bumangga bangga sa katabi kaysa naman hawakan ng bonggang bongga ang germs ng estribo!

 Stress talaga!

Haha.

 Ay salamat naman sa pagbisita mo. Add din kita sa blogroll ko ha. Konti palang laman ng blog ko sa wordpress kasi kakalipat ko lang. Nasa blogspot yung mga luma ko. Nagbagong buhay na kasi ako. Haha.  Kitakits ha! :D

 

http://orewatensai.wordpress.com

manhater.xxiv's picture

Hehe konti lang din laman

Hehe konti lang din laman nung akin kasi puro selfish posts lang.

 

Meron pa ngang tensyon na nagaganap dun. HAHA.

http://forcedengineer.wordpress.com

 At dahil dyan, nasa blog

 At dahil dyan, nasa blog roll na kita. Hahaha. Maganda ang tensyon. Kaya yan, teh!

 

http://orewatensai.wordpress.com

manhater.xxiv's picture

HAHA. Sige, bukas daan ako

HAHA. Sige, bukas daan ako ulit sa WP.  Sa ngayon gagawa muna ko ng homework. HAHA.

http://forcedengineer.wordpress.com

Luca's picture

uhm...

maganda itong gawa mo ano, nakakatuwa.

 

SUBALI'T

 

may mas intimate pang sasakyan kaysa jeep. yung tricycle na mahaba sa likuran (yung parang jeep din yung likod) yung pinamimigay ng rich-o sa wowowee.

as in, nasa singit na ng kaharap mo yung tuhod mo. bawal umutot. dahil hindi lang maaamoy, mararamdaman pa. bawal din maturn-on, sisikip. hahaha at higit sa lahat, dapat nakatrim ang pubic hair, dahil mahirap itong iadjust pag naipit sa underwear. at kapag malubak ang daan, may tsansang mabunutan ng pubic hair 3-5 strands at a time.

kapag tumakbo ako, hahabol ka ba?

aqueouscribe's picture

natawa naman ako dito lalo

natawa naman ako dito lalo na sa ipit pubic hair scene...

--------------------------

www.lapisatkeyboard.blogspot.com 

Walang ganung traysikol sa bandang dako dito ng lungsod. :)

 Maraming salamat!

 Haha. Natawa naman ako dun. Hindi pa ko nakaka-experience ng ganyan, pero sa kwento mo eh, parang ayoko na. Sobra naman yatang intimacy yan, medyo shy-type ako. Haha! At kumusta naman kung fafa-licious ang kaharap. Pwedeng pa-ask ng name? 

Eh dapat talaga naka-trim yan. Kahit saang masikip, medyo haggard kapag talagang maiipit ang pubic hair. Hindi masyadong maganda ang feeling. At mabunutan na ng balahibo sa braso, wag lang duuuun. Aray.

 

http://orewatensai.wordpress.com

windrider's picture

hahahaahahahaahahhahaha at

hahahaahahahaahahhahaha

at hahahahahahhaahah ulit!

 

sobrang natawa nman ako sa pubic hairs....

well in my case...walang nabubunot kc nga shaved ako....im very uncomfortable pag humaba na ang mga pubes ko...kaya almost everyday super ahit ako. 

yun lang...

 pero natawa lang ako....grabeng imahinasyon yan.

hahaha!

 Ayan naman ang nagshe-shave. Kaya no problemo eh. Haha.

 

http://orewatensai.wordpress.com

aqueouscribe's picture

sa tuwing sasakay ako ng

sa tuwing sasakay ako ng jeep okey lang namang mag-abot ng bayad pero di ko alam kung ako lang to o me iba pang nakikisampatiya saken.. eto ang tatlong bagay na kinakaasaran ko madalas sa jeep

1. dalawa pa lang kayong pasahero, pareho kayong nasa dulo tapos bigla siyang magbabayad kahit na ang babaan niya e sa kabilang dulo pa ng ruta ng dyip. naiisip ko konting konsiderasyon naman nakikiabot na nga lang pauusugin pa yung tao maiabot lang yung bayad niya. di bale sana kung buntis o matanda.

2.  umusog ka na palapit sa drayber para magbayad. nakita mong hawak ng ibang pasahero ang kanilang bayad at tinignan mo sila sa mata na kulang na lang sabihin mong "akina yung bayad mo isasabay ko na para isang usugan na lang" pero wala siyang reaksiyon. kapag umusog ka na sa dati mong puwesto na malayo sa drayber, tsaka siya makikiabot sayo ng bayad niya

3. mga drayber na nagsasabing "pakiabot ng bayad" pero parang nakalahad lang at ayaw iextend ang braso para abutin niya ang pera

 

--------------------------

www.lapisatkeyboard.blogspot.com 

pansin ko lang, may

pansin ko lang, may bitterness ka sa pagbayad ah. haha. kung ganun nga naman talaga ang sitwasyon, eh nakakapikon talaga. kaya kung nasa dulo ako, talagang super smile at super thank you ako sa magaabot. haha. mahirap na, baka uchiserang kagaya ko yung magaabot at hindi ko alam eh bina-blog na pala ako kung napaka-maldita ko magpa-abot. 

 konting BEAM smile lang ang katapat ng mga yan.

isa pa palang obserbasyon, eh ang mga natutulog! nako! ang mga natutulog na dumadantay pa sa iyo na parang kasintahan ka! mega-tabig ako sa mga ganyan. susmaryosep. ok lang kung stressed ka, pero alam mo yung... wag mo kong idamay? haha!

 salamat sa pagbasa!

 

http://orewatensai.wordpress.com

paul h roquia's picture

◙►☺

... kapag nawala ako sa buhay mo, sisiguraduhin kong hindi ka makapag-MOVE ON! Ever!

 

kaALIW! sobrang nakaka-identify ako kasi sa jeep ako nanghahala! hahhaha...

 

lonli? no wan 2 tok 2? pindutin>ALIWAN AVENUE!

panghahala

 salamat po! hahaha.salamat naman at naaliw po kayo. 

 at gusto ko yung idea ng panghahala sa jeep!

at gusto ko din yung 'kapag nawala ako sa buhay mo...' hahaha. aylaveet.

 

 

http://orewatensai.wordpress.com

parasol's picture

galing!

ang galing ng ideya!

simple pero nakakaaliw at nakakatuwa!

maraming salamat

 Ay naku, maraming maraming salamat! Natuwa naman po ako't naaliw ka. :D

 

http://orewatensai.wordpress.com