Manong Tsuper ng Traysikel
Manong Tsuper ng Traysikel
Ito ang kwento ng isang damsel
na sumakay ng traysikel:
Minsan may pumarang damsel
na may dalang mabigat na bundle
kay Manong Tsuper ng Traysikel.
"Manong, d'yan lang po sa may chapel,"
ani damsel, "magtitirik lang po ng candle."
"Brrrrrroooooommmmm!" ang brattle ng makina ng traysikel
habang umiikot ang wheel at axle.
Hindi pa nakakalayo ang kanilang travel
nang "Prrrrrrrrrtttttttt!" ang tunong ng whistle.
Pinahinto ng pulis si Manong Tsuper ng Traysikel.
"Asa'n ang lagay mong nickle?"
pangongotong ng pulis na sobrang cruel.
Para maiwasan ang quarrel at hassle,
binawasan ng kawawang tsuper ng traysikel
ang kinita niyang nickle.
Pagkatapos ng scene sa pulis na sobrang cruel,
tumuloy na ang damsel sa kanyang pagtatravel.
Biglang bumuhos ang drizzle
at nagpawobble-wobble ang traysikel.
Lumusot ang gulong sa mga puddles
kaya kailangang humawak nang mabuti sa handle.
"Saan na ba napunta ang pondong pambili ng gravel?"
bulong ni Manong Tsuper ng Traysikel.
Huminto ang drizzle,
nagpatuloy ang kanilang travel.
Pagkatapos ng lahat ng hassle,
dumating din sila sa chapel in fine fettle.
"Magdarasal na rin ako at magtitirik ng candle,"
sabi ni Manong Tsuper ng Traysikel.
Sa loob ng chapel,
buong taimtim na nagdasal si Manong Tsuper ng Traysikel:
"Diyos ko, wag namang tumaas pa
ang presyo ng isang barrel ng diesel.
Dahil kung tataas pa,
sa sobrang little ng kinikita kong nickle
ang maipapakain ko sa pamilya ko ay puro na lang noodles."
Ang dasal naman ni damsel:
"Pakinggan N'yo po sana ang dasal
ni Manong Tsuper ng Traysikel.
Tapat siyang nagbabanat ng muscle
sa kabila ng kita niyang very little.
![]()

salamat kapatid na
salamat kapatid na reya,
isa na namang makabuluhang tula...oo, tula sapagkat makikitang mayroon kang ipinamumukhang kalagayan na hindi tahasang pinapangalanan.
masasalamin sa iyong tula ang kasalukuyang pakikibaka ng mga drayber sa ating bansa, lalo na't nakaamba na naman ang pagtaas ng presyo ng gasolina...at patuloy pa rin ang panglalamang ng mga pulis sa ating mga lansangan.
ang ritmu ng tula ay masarap pakinggan...puwede rin siyang ituring bilang isang tulang pambata na dapat munang mabasa ng mga matatanda.
mabuhay po kayo!
- amos 
---------------- http://amostarana.blogspot.com/ ----------------
“Never doubt that a small group of thoughtful committed citizens can change the world.
Indeed it is the only
!
Yehey! Alam ko na ngayon ang tawag sa nilikha ko, tula pala ito.
Hay! Nakakalungkot din, akala ko prosa na ito.
Hehehe! Tama po kayo sa mga bagay na gusto kong ipabatid sa mga mambabasa.
Sana naman dumating ang araw na hindi na masyadong nahihirapan ang ating mga lakas-paggawa.
Hay, buhay!
http://reyastone.blogspot.com/
bahala na >>>>> kakainis!!!!
!
Hi, Marco!
Salamat sa iyong tula. Kung ang sumulat ng tula sa itaas ay isang konyotiks na damsel, ikaw naman ang konyotiks na knight in shining armour.
Mamaya na ako maghahabi ng tula na sagot sa iyong nakakaaliw na tula.
Salamat ulit!
http://reyastone.blogspot.com/
!
Eto na po ang sagot ng konyotiks na damsel:
Kahanga-hanga naman itong si Ginoong Knight,
Handa siyang magkipag-fight at gawin ang right
Kapag na-sight ang pulis na impolite
Tutulong kay Manong Tsuper sa kanyang plight.
Lalaban with all his might,
At hindi magpapatalo sa kanyang fright!
Marco Liwanag, isa ka talagang light
Ilawan mo kami, bukas ay gawing very bright
Ikaw ang delight sa madilim na night.
Basta write ka lang nang write, alright?
http://reyastone.blogspot.com/
ate rhea!
Ang kyut kyut ng pagkakalahad... ang sarap basahin nang paulit-ulit...
Ingatski,
Melay
*****
Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.
Hi, Melay! Salamat sa
Hi, Melay!
Salamat sa pagbabasa!
Gusto ko lang ipakita na lahat ng tao kahit ano pang karakter meron siya, kapag binuksan niya ang kanyang mga mata sa kanyang paligid, ay makikita niya ang kalunos-lunos na kalagayan ng ating lakas-paggawa.
http://reyastone.blogspot.com/
Ang ganda...
Ang ganda-ganda, ang cute ng story, ang cute ng tula. Waaahhh! Basta maganda. Dagdag ko sa collection ng mga PATOK SA TAKILYA.
====
Mga Patok sa Takilya
!
Salamat po sa pagbabasa at sa pagdadagdag sa akin sa inyong listahan.
Masarap imulat ang mga mata sa katotohanang nangyayari sa ating mga lakas-paggawa.
http://reyastone.blogspot.com/
hahahaha! astig!!! hanep sa
hahahaha! astig!!!
hanep sa paggamit ng mga salita, nickel FTW!
haaaay... saan ba ako naglalalagi at bakait ngayon ko lang nabasa itong tulang ito? kainis, hehe...
I'd love to turn you on...








hello
parang nagbabasa ng komiks or nanonood ng short funny film pero sa totoo lang sumasalamin ito sa totoong buhay ng tao. ang pangongotong, ang korapsyon ng gobyerno, hirap ng buhay, pag-asa at pananalig sa Diyos.
nice indeed. =)