Manunulat
Submitted by karding2006 on August 22, 2006 - 1:53pm.
Filipino | Poetry | awareness
Ikaw ba’y hinubog
Ng madamdaming karanasan?
Pawang ikinabubuhay ng makata?
Simula ng ikaw ay natutong sumulat.
Nasasalamin mo ang bawat hadikain.
Na sa bawat pirasong papel
Na iyong ibinalangkas,
Tiniyak ang masaganang landas at
Paglalakbay ng iyong mga panaginip at
Mithiin, maibalot at maitatak sa bawat pusong
Makipagsapalarang mabuhay
sa iyong mundong ginagalawan.
Sa kanila ikaw ay pirasong ala-ala,
Walang hamok nakikibaka.
Tiyak nga sa iyong paglisan,
Tatak sa aming isipan
Ikaw hamok
isang manunulat napagbibintangang
angkinin ang isang diwa.
» login to post comments | 2776 reads



matalas
isa kang nakakabighaning makata!