MAPALAD NA NILALANG

rose's picture

MAPALAD NA NILALANG

Marami sa atin na minsa'y nagtatanong bakit ako pinanganak na mahirap? Para sa akin mapalad ako sino mang tao, na pinanganak na kumpleto ang katawan at kasama ang kanilang pamilya ay mapalad. Masasabi natin na minsan mahirap tayo at hikahos sa buhay mapalad pa rin tayo? Kaya ko nasabi yan! Naaalala ko nung nasa kolehiyo ako nagkaroon kami ng special trip para sa mga hindi normal na tao yung mga taong pinanganak na may mga kapansanan mga (Abnormal Children). Habang tinitignan ko sila nag darasal ako sinasabi ko na panginoon maraming salamat dahil nilikha mo akong normal.

Halos maiyak ako noong pinapanood ko sila, naisip ko na napakaswerte ko, normal ako at may pamilya. Sila ang masasabi mong mga taong inocente, mga taong walang kinabukasan, mga taong hindi nasaksihan ang ganda ng mundo. Hindi man lang nila naranasan kung pano mamuhay ng normal. Maswerte pa rin tayo na kahit naghihirap tayo, normal tayo. Kung iisipin natin marami sa atin ang pinagkakaitan ng tadhana, katulad yung mga nasasalanta ng lindol, mga bagyo at iba't ibang sakuna. Kung iisipin natin bakit nangyayari ang mga bagay na yan, diyos lang ang nakakaalam ng lahat, minsan maraming mga tao ang nakakalimot na magpasalamat sa kanya, maraming mga tao ang hindi na kumikilala sa kanya, kailangan nating magpasalamat lagi sa diyos sa mga pagpapala na ating natatanggap sa araw araw nating pamumuhay. Kahit ano pa yan maliit o malaking bagay magpasalamat tayo, magpasalamat tayo dahil humihinga pa tayo, magpasalamat tayo dahil nandiyan pa ang pamilya natin, pasalamat tayo na may trabaho tayo. Minsan may mga taong mahilig mag reklamo dahil mahirap ang trabaho nila, dahil ayaw ang mga kasama nila, tayong mga tao minsan walang kasiyahan sa buhay, minsan nasa atin na lahat parang may kulang pa marami pa tayong hinahanap.

Maging Masaya tayo at makontinto sa mga maliit na bagay na binibigay sa atin ng diyos. Huwag tayo magpapagamit sa mga material na bagay, dahil kapag namatay tayo hindi natin madadala yan sa hukay, hanggat may buhay tayo huwag natin sayangin sa walang kwentang bagay, gawin nating maging makabuluhan ang ating buhay , matutu tayong tumulong sa mga nangangailangan kahit sa simpleng paraan, magmahalan tayong lahat, magkaisa. At lagi magpasalamat sa diyos. Isipin natin na ang buhay natin ay maigsi lang na kahit anong oras kapag kinuha na niya wala tayong magagawa kailangan maging handa tayo. Kaya ikaw na nakakabasa nito napakapalad mo at nagkaroon ka ng pagkakataon na mabasa ito, maswerte tayo dahil nilalang tayo ng diyos na normal, humihinga ng normal, nakakagalaw ng Malaya, at nagagawa natin ang mga bagay na gusto nating gawin.kaya sa maikling panalangin o diyos ko marami pong salamat sa mga biyaya at pagpapala na aming natatanggap sa pang araw araw naming pamumuhay at humihingi rin po ako ng kapatawaran sa aking mga pagkakasala sa aking mga nagawa at pananalita, ipinapanalangin kopo ang aking pamilya, mga kaibigan, mga taong naghihirap, mga taong may mga karamdaman, mga taong nakikipag laban para sa ikapagpapabago ng buong bansa, ipinapanalangin kopo ang lahat ng tao sa mundo. Kahit ano kapa , at kahit sino ka pa dapat matutu tayong magpasalamat sa diyos dahil tayo'y nandito pa at humihinga pa. Para sa akin isa akong mapalad na nilalang.

Author

Rose
rdm 2/12/07