Marbin
By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
blog: http://michaelsshadesofblue.blogspot.com
------------------------------------------------------------------------
Matalik kong kaibigan si Marbin. Actually, naging mag-close friend lang kami simula noong first year college. Transferee kasi ako sa school na iyon. Noong gumraduate ako bilang valedictorian sa high school, binigyan ako ng full scholarship ng unibersidad na iyon. At dahil hindi ko kabisado ang mga pasikot-sikot sa enrolment, naligaw ako at napunta sa isang building. Inakyat ko ang second floor nito. At bagamat wala akong nakitang tao, nagbakasakali pa rin akong nandoon ang pakay ko.
"S-saan ang punta mo?" ang tanong sa akin ng akala ko ay janitor, habol-habol pa ang kanyang hininga, hininto ang pagpo-floor mop.
Nabigla ako ng bahagya. Napahinto gawa nang nililinis niya ang hallway na dadaanan ko sana. Hindi ko akalain na wala pala talagang tao ang building maliban sa kanya.
Kitang-kita ko sa kanyang porma na nasa kalagitnaan siya sa kanyang pagtatrabaho. Naka-jeans lang siya, walang sinturon at sa hubad niyang pang-itaas na katawan ay bumabalisbis ang ang mga malalaking butil ng pawis, ang kanyang t-shirt ay ipinulupot at nakalaylay sa kanyang likurang bulsa. Basang-basa rin ng pawis ang kanyang mukha.
"Di ba dito ang Guidance department? Trasferee kasi ako pre... hindi ko alam kung saan ang building ng Guidance. Ang sabi kasi noong isang estudyanteng napagtanungan ko ay dito..."
"Ay hindi... sa isang building pa." sabay tumbok niya sa may gilid ng hallway at itinuro ang isang katabing building. "D'yan ang Guidance. Nakita mo iyang may maliit na pathwalk? Doon mismo ang tumbok niyan." Sambit niya.
"S-saan ba d'yan?" tanong ko. Tatlong pathwalk kasi ang nakita ko at hindi ko alam kung saan doon ang itinuro niya.
"Ah... sige, samahan na lang kita sa baba" ang pagbulontaryo din niya noong nakitang hindi ko nakuha ang gusto niyang tumbukin ko.
"Huwag na pre.. huwag na! Nakakahiya. S-sige, ako na ang bababa, hanapin ko na lang."
"Huwag... samahan na kita. Sa baba lang naman, ituro ko kung aling pathwalk" ang paggiit niya.
Wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya.
Sa ginawang pagtulong na iyon ni Marbin, alam kong isa siyang mabait na tao. Doon pa lamang ay may naramdaman na akong paghanga sa kanya.
Habang nakabuntot ako sa kanya, doon ko na rin anpansin ang kanyang porma. Nasa 5'10 ang kanyang height, matipuno ang kanyang katawan... walang kataba-taba. At bagamat sunog ang kanyang balat, makinis naman ito at malinis siyang tingnan kahit basa sa pawis.
"O hayan... ito iyong pathwalak na sinabi ko. Tumbukin mo lang ang dulo niyan, may makikita ka nang mga estudyanteng nag-uumpukan. Makikita mo na rin ang karatula ng Guidance' Office." Sambit niya noong natumbok na namin ang sinabi niyang pathwalk.
"S-sige pre... Maraming-maraming salamat." Ang sabi ko.
"Marbin. Marbin Daria." Ang sagot niya sabay abot ng kanyang kamay at bitiw ng isang ngiti. Lumantad sa aking paningin ang kanyang mapuputing mga ngipin.
Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. "Benedict Belarmino" ang sagot ko.
"Isang working student ako pre. Kapag may problema ka dito sa school, hanapin mo lang ako."
"S-sige. Salamat Marbin" at kinawayan ko sya sabay tumbok na sa Guidance office.
Natagalan ako sa Guidance. Wala pa kasi ang head nito kung kaya naghintay ako, sampu ng mga estudyanteng mas nauna pa kaysa akin. Kailangan raw kasi na makausap kami isa-isa.
"O... nandito ka pa?"
Napalingon ako bigla. Si Marbin pala. "Oo... hindi pa raw dumating ang head ng Guidance eh." Sagot ko.
"E, di kain muna tayo! Kadalasan after lunch pa si Sir dumarating eh."
"G-ganoon ba?" ang pag-aalangan kong sagot. "Mukhang wala akong chouice" dugotng ko.
Kumain kami sa canteen. Kanya-kanya kami ng bayad. Ililibre niya sana ako, ngunit noong nag-insist naman ako na manlibre sa kanya, dahil ako naman itong tinulungan niya, ayaw naman niyang pumayag. Kaya, kaya kanya-kanya na lang kami.
Anyway, sa unang pag-uusap naming iyon ko na nalaman ang buhay-buhay niya. Nasa second year siya sa kursong Education, 17 taong gulang, mas matanda lang sa akin ng isang taon. Sa Mindanao daw ang roots nila. Napadayo lang doon ang mga magulang nila dahil sa paghahanap ng trabaho. Ulila na siya sa mga magulang, walang kapatid, at nakitira na lamang sa kanyang tita na isang-kahig isang tuka rin daw. Kaya napilitan siyang mag working student dahil sa kahirapan at upang makamit ang minimithing pangarap na makapagturo sa paaralan ding iyon. Kapag week days, sa dormitoryo ng mga working students siya nakatira at kapag week ends naman, umuuwi siya sa kanilang probinsya.
Ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga mata sa pagkukuwento niya sa buhay niya sa akin. Doon pa lang, may awa na akong naramdaman para sa kanya. Halos pareho rin ang buhay namin; nanggaling sa isang mahirap na pamilya, nagsumikap na makatapos ng pag-aaral. Ang kaibahan lang ay scholastic scholar ako samantalang siya ay kailangan pang kumayod upang makapag-aral. May kumpleto din akong mga magulang, may dalawang kapatid samantalang siya ay wala. Kung pagmamahal ng pamilya ang pag-uusapan, nakakalamang pa rin ako. Kaya kahit papaano, nasasabi ko rin sa sariling maswerte pa ri ako, sa kabila ng kahirapan.
Ngunit kung gaano kahirap ang buhay niya, hanga naman ako sa ipinamalas niyang tatag, disiplina sa sarili, pagpakumbaba, at determinasyon na makatapos ng pag-aaral. At higit sa lahat, hanga ako sa kanyang kabaitan. Kahit ganyan ang klaseng buhay niya, hindi ko siya ni minsang narinig na nagreklamo.
"Saan ba sa Mindanao ang mga lahi ninyo?" tanong ko.
"Sa Gensan." Sagot niya.
"Waaahhh! Ang roots din namin ay sa Ilocos naman! Parehong dulo ng Pilipinas, magkasalungat nga lang!" sambit ko.
"Oo nga pala ano? At dito tayo sa Bisaya nagtagpo"
"Mabuti na lang, nakilala kita dito pre... Kasi, hindi ko talaga alam ang mga pasikot-sikot sa eskuwelahang ito. Maswerte ako na naging kaibigan kita" Ang sabi ko na sa kanya.
"Mas maswerte ako. Nagkaroon ako ng kaibigang matalino na, artistahin pa ang dating. Sigurado ako, may may papansin na sa akin niya kapag palagi kitang nakakasama." ang biro niya.
Natawa ako. "Artistahin talaga!" sambit ko.
Noong nagsimula ang klase at naging best friend ko si Marbin. Actually, hindi lang best friend; kung may hihigait pa sa salitang best friend, iyon na siguro iyon. Palagi niya akong dinadalaw sa dorm ko, at kapag may bakanteng oras oras kaming dalawa, lagi kaming nagsasama niyan. Kahit saan; mapa-library, mapa-canteen, mapa-botanical garden ng school, mapa-off campus na lakad...
Kapag dinadalaw naman niya ako, nagdadala iyan ng kung anu-anong pagkain; kung hindi man binili, bigay ng mga madre sa kanilang mga working students. "Ano ka ba Marbin... kung anu-ano na lang ang dinadala mo." Ang sabi ko sa kanya isang beses.. Alam ko kasing kapos siya sa pera, at kagaya ko, gutom din sa pagkain. Ngunit hinayaan ko na lang siya.
Walang araw na hindi kami nagkakasama. Kahit sa weekends, madalang na lang siyang umuuwi sa bukid nila at kung umuuwi man, sandali lang. Ganoon din ako. Halos hindi na rin ako umuuwi sa probinsya ko. At iyan ang hindi ko maintindihan sa sarili ko. Parang ayaw ko nang maghiwalay kami, parang gusto ko na lang nag magkasama kami sa bawat oras... Pati ang tawagan naming "Pre" ay nabago na rin; naging "Tol" na ito. Wala daw kasi siyang kapatid kung kaya tol ang gusto niyang itawag sa akin. At ako, dahil wala rin akong nakatatandang kapatid, nagustuhan ko rin ito.
Iyon ang simula ng aking pagkatuliro. Palagi na lang akong nagtatanong sa sarili kung normal ba ang naramdaman ko; at kung bakit sobrang saya ko kapag kasama ko siya. At sa pag-aanalisa ko sa kalagayan ko, isa lang ang sagot na naisip ko kung bakit ako nakaramdam ng ganoon: nadala ako sa sobrang kabaitan niya.
Isang araw, kinausap ko siya, "Tol... naranasan mo na bang umibig?" tanong ko.
"Oo... pero hindi ko siya maaabot sa sobrang layo kaya sa panaginip ko na lang siya maaaring angkinin..." ang sagot niya.
Natawa ako sa sagot niyang iyon. "Gagi! Paano mo nasabing hindi maaabot? Langit at lupa ba iyan? Tubig at langis?"
"Parang Gensan at Ilocos lang." ang casual naman niyang sagot na nakangiti pa.
Napahalakhak ako sa naisagot niya. Nalala ko kasi ang roots niyang sa Gensan at ang roots kong sa Ilocos. "Tange! Kung Gensan at Ilocos lang iyan, e di malapit lang? Baka kung Pinas at Amerika pa iyan, o Pinas at Antarctica, baka mahirap." Ang sagot ko na lang.
"Eh, langis naman ng Gensan at Tubig din ng Ilocos kaya hindi puwedeng magsama."
"May ganoon talaga?" ang sagot ko.
Tahimik.
"B-bakit mo pala naitanong? Umibig ka na ba?" pagbasag niya sa katahimikan.
"Hindi naman sa umibig... crush ko lang siya."
Natahimik siya ng sandali. "G-gusto mong ligawan? T-tulungan kita tol."
"T-talaga? Kasi kilala mo ata sya eh"
"S-sino?"
"Si Emily."
"Waahhh! Ang muse ng Education? Ang crush ng masa!"
"Oo. Classmate mo siya, di ba? Nakita ko siya isang beses na nagkasabay kayo patungong canteen."
"Ah... kaibigan ko kasi iyon. Maraming pumuporma noon. Pero huwag kang mag-alala. Alam ko, talbog silang lahat sa iyo. Aljun Abrenica ba naman ng dating ng magiging karibal nila kung hindi sila mapahiya."
"Asows! Sobra naman ito"
At iyon nga ang nangyari. Niligawan ko si Emily. Ipinakilala ako ni Marbin sa kanya isang araw, hiningi ko ang number at pagkatapos noon, text-text na hanggang sa umabot sa pahatid-hatid.
Ang siste, pati sa paghahatid at panliligaw k okay Emiliy, nakadikit din sa akin si Marbin. May ilang beses ding inabi ako sa paghatid kay Emily at bago siya papasok sa kanyang dorm ay mag-uusap muna kami sa labas habang si Marbin naman ay nasa isang sulok lang, naghintay na matapos kami. Kahit inaabot pa kami ni Emily ng hatinggabi sa pag-uusap o higit pa, nandoon din sa isang sulok si Marbin, nag-iisa, naririnig ko pa ang paghahampas niya ng lamok sa kanyang balat.
Syempre, lalo naman akong naawa sa tao. "Huwag ka na lang kayang sumama sa akin sa panliligaw tol... Nakakahiya naman sa iyo. Alam ko na ang lugar, kabisado ko na ang mga tao, mababait naman siguro sila"
"Ano ka? E kung mapahamak ka? Kung may sira-ulong pagtripan ka? Sino ang masisisi?"
Natahimik ako.
"Ayoko. Basta sasama pa rin ako sa iyo."
Kaya wala na akong nagawa kundi ang isama siya sa bawat pagdalaw ko kay Emily. Ang problema, parang nahati naman ang aking atensyon sa dalawa. Habang nakikipag-usap ako kay Emily, nakikipag-bolahan, nakikipagharutan, ang isip ko naman ay naka-focus kay Marbin. Hindi ko maintindihan ang aking naramdaman. Iyon bang hayun, may niligawan ako pero hanggang sa kahuli-hulihang oras bago ako matulog, ang best friend ko ang nasa aking tabi, hindi ako iniiwan. Hindi ko maintindihan ang aking naramdaman. Naawa para sa kanya, humanga, touched... Tuloy nasabi ko sa sariling kung babae lang sana ang best friend ko, siya na lang ang liligawan ko eh.
At sa totoo lang, matindi ang pagkatuliro ng aking isip. Para bang mas napamahal ako sa best firend ko kaysa nililigawan ko.
Isang gabi galing kami kina Emily, dumaan muna kami sa isang tindahan at bumili ng isang bote ng gin. "Tol... dahil malapit na akong sagutin ni Emily. Mag-inuman tayo" ang sambit ko.
At nag-inuman kami sa aking dorm. Sabado naman kasi iyon kung kaya ay pinayagan kami ng aking landlady. Ngunit nalasing kaming pareho sa isang bote ng gin kung kaya hindi na nakauwi sa bahay nila.
"Ok lang kungdito ka matutulog tol... lahat ng mga kasama ko sa kuwarto ay nagsi-uwian sa kanila. Ako lang ang natira kung kaya maraming bakanteng higaan sa kuwarto namin. Kahit mamili ka walang problema." Ang sabi ko.
Nasa kuwarto na kami, pareho kaming naka-brief lang, ako ay nakahiga na sa aking kama at handa nang matulog at siya ay nakatayo pa, inikot ang mga mata sa mga bakanteng kama.
Ewan kung anong napasok sa kukote ko, biniro ko ba naman siya ng, "Kung hindi ka makapili ng higaan tol... pede ring magtabi tayo."
Akala ko ay hindi niya kakagatin ang biro ko iyon. Ngunit nagulat na lang ako noong ibinagsak din niya ang kanyang katawan sa aking kama, sa aking tabi. "Sinabi mo eh."
Natawa na lang ako. Parang wala lang iyon sa akin at maya-maya lang, nakatulog na ako.
HInid ko alam kung gaano katagal akong nahimbing. Ngunit nagising na lang ako noong naramdaman kong niyakap ako ni Marbin at pilit na hinawakan niya ang aking ulong nakaharap sa kanya at ang aming mga labi ay nagdikit. At hinahalikan niya ako!
(Itutuloy)
------------------------------
[2]
Sa pagkagulat ko, pumalag ako at tumihaya ng puwesto. Akala ko ay panaginip lang ang lahat. Ngunit noong ibinuka ko ang aking mga mata, at sa gitna ng dilim, doon ko napagtanto na totoo pala ang lahat; hinalikan ako ni Marbin sa bibig!
Parang ayaw kong mainwalang nagawa iyon ni Marbin. Sa katulad niyang lalaking-lalaki ang porma at wala kang makikitang kakaiba sa kanyang kilos na maaaring mapagdudahan. Ngunit ako na rin ang sumagot sa tanong ng aking isip: marahil ay nagawa lang niya iyon dahil sa kalasingan, o marahil ay nanaginip lamang din siya.
Pinakiramdaman ko siya sa aking tabi. Hindi siya gumalaw. Nabigla rin sugoro siya sa aking ginawang pagkalas at sa naunsyaming halikan at nagising kung tulog man siya noong ginawa iyon.
Ngunit habang nasa ganoong ayos ako at hindi gumalaw, naglalaro sa aking isip ang ginawang iyon ni Marbin. At ewan... parang may kung anong kiliti akong nadarama.
Tumagilid ako, ang mukha ay sinadyang idinikit sa mukha niyang nakaharap sa akin. Sumagi pa ang ilong ko sa kanyang ilong, dinig na dinig ko ang bawat paglabas-masok ng hangin dito.
At wala pang isang minuto, sinakmal na ng mga labi niya ang aking mga labi.
Nagparaya ako. Naghalikan kaming parang mga hayop at gutom na gutoom sa pagkain. Nagyakapan... hanggang sa ang tanging ingay na naririnig sa silid na iyon ay ang mga ungol tanda ng sarap na pareho naming nilalasap.
Sa pagkakataong iyon, nangyari sa amin ni Marbin ang hindi inaashang mangyayari sa dalawang parehong lalaki...
Kinabukasan sa paggising ko, hindi ko na naabutan pa si Marbin. Maaga itong umalis. Binalik-balikan ko sa aking isip ang nangyari sa gabing iyon. Hindi pa rin ako makapaniwala. Pakiramdam ko ay nawi-weirduhan ako; parang guilty bagamat may saya at sarap din akong naramdaman. Hinaplos ng aking isang kamay ang aking dibdib, pababa sa aking tiyan at sa aking pagkalalaki. Naroon pa rin ang mga natutuyong magkahalong dagta naming dalawa. Sariwa pa ang amoy nito na dumikit sa aking kamay...
Sa buong araw ng Linggo, hindi nagpakita si Marbin. Hindi ko alam ang kanyang dahilan. At noong kinabukasan ay nagkita kami sa eskuwelahan, parang nag-iba ang kanyang kilos. Parang malungkot siya, matamlay, ayaw makipag-usap. May pangingimi akong naramdaman. Parang nahihiya akong kausapin siya...
Ngunit hindi rin ako nakatiis. Gabi pagkatapos ng klase, inantabayanan ko siya sa building kung saan siya naka-assign na maglinis.
Nabigla siya noong nakita akong nakaupo sa isang sementong bench sa gilid mismo ng kahabaan ng lilinisan niyang floor area. "Tol... pwede tayong mag-usap?" sambit ko.
"S-sige... pagkatapos kong mag mop..." ang casual niyang sagot, ni hindi man lang ngumiti.
Kaya naghintay ako. Habang nanatili akong nakaupo sa bench, pinagmasdan ko siya.
Kinuha niya ang mop, isinandal ito sa dingding. Pagkatapos, tinanggal niya ang kanyang pag-itaas na damit at isiniksik ang dulo nito sa likurang bulsa ng kanyang pantalon atsaka kinuha ang push-cart na naglalaman ng balde at sabon. Inilagay niya dito ang mop at itinulak na ang push cart patungo sa gripo sa dulo ng building.
Bakas ang lungkot sa kanyang mukha. Wala siyang imik at sa kanyang mga mata, makikita ang larawan ng isang taong pilit na bumangon, magsikap, makipaglaban, sa kabila ng hirap ng buhay.
Sa nakita ko sa kanya, naramdaman ko muli ang awa na sumundot-sundot sa aking puso. Napakabait niya, napakasipag, mapagkumbaba, sobrang maalalahanin na kaibigan. At kahit may kabigatan ang kanyang trabaho at sabayan pa ng kanyang pag-aaral, wala kang maririnig na reklamo tungkol sa hirap ng buhay galing sa kanyang bibig.
Hindi ko tuloy maiwasang hindi manumbalik sa aking ala-ala ang kanyang sinabi noong tinanong ko kung bakit kursong edukasyon ang kanyang pinili samantalang hindi naman siya yayaman sa pagiging guro. Na sinagot naman niya ng, "Para sa akin kasi tol, ang halaga ng buhay ay hindi dahil sa kayamanan kundi sa kaligayahan at sa ang pagiging kuntento ng tao sa ano mang mayroon siya sa buhay. Hindi lahat ng tao ay kayamanan ang hangad upang lumigaya. At hindi lahat ng mayaman ay masaya at kuntento sa buhay. Kasi, ang kaligayahan ay nasa puso. Wala itong katumbas na halaga o kayamanan. Maganda nga ang ginawa ng Diyos eh. Sinadya niya ito upang maging patas ang pagkamit ng kaligayahan para sa lahat. Ke-mayaman, ke-mahirap, kaya itong kamtin. Ang susi lamang ay hanapin ang tunay na kahulugan nito; ang ibig sabihin ng pagiging masaya.
"Wow lalim!" ang reaksyon ko, sabay tawa. "Sabagay, tama ka d'yan" dugtong ko rin.
"Kung pera kasi ang basehan ng kaligayahan, walang katapusan ang luho ng tao. Hindi niya makakamit ang kaligayahan. Halimbawa, ang tao ay naghahangad ng isang magandang bahay. Kapag nagkaroon na, mangangarap na naman ng mas bago at mas mahal pa. Kapag may bago na naman, mangarap na naman siya na magkaroon ng mansion, ng rest house kung san-saan... Ganoon din sa sasakyan. Kapag nakabili na ng pinangarap, magsawa din ito at bibili uli ng panibago at mas bagong modelo, mas high tech. Tapos, hindi pa makuntento sa kotse o SUV, yate o barko naman ang bibilhin. Walang katapusan..."
"Maaari ngang hindi sila kuntento. Ngunit kung hindi man sila maligaya, at least may pera sila." Ang pagsalungat ko.
"Kung ganoon, wala ring silbi ang pera nila kung hindi sila maligaya. Di ba?" sagot din niya.
"Eh paano naman ang mahirap. Hindi na nga sila maligaya, wala pang pera."
Natawa naman siya. "Tol... ang sinasabi ko dito ay ang pagiging kuntento. Wala iyan sa bilyon-bilyong pera o mga palasyo... nasa pagiging kuntento. Kahit barong-barong ang bahay mo basta masaya ka at kuntento, at marami kang natulungan at natuwa sila sa iyo, you have lived life to the fullest ika nga. Maging kuntento ka tol. At mamuhay ng marangal at nakakatulong sa kapwa... D'yan, siguradong sasaya ang buhay mo. At walang kasing sarap ng pakiramdam kapag masaya ka na nga, nakikita mo pang masaya rin ang ibang mga tao dahil sa iyo."
"Syetness! Pakopya nga ng mga linya mo? Ang gagaling ah! Para kang si Bob Ong" sabi ko.
"Bob Ongas!" dugtong niya.
"Pero pera pa rin ako."
"Di... ok lang. choice mo iyan sa buhay eh. Kung iyan ang makakapagbigay ng ligaya sa iyo, panindigan mo. Pero tandaan mo, kapag marami kang pera, hindi ka nakasisiguro kung sino sa mga nakapaligid sa iyo ay tunay na kaibigan, saka na kapag darating ka sa puntong nagigipit, dahil iiwanan ka ng mga peke at ang matitira ay ang iilang mga tunay. Pero kung isa kang mahirap, sigurado ka, hindi pera ang habol nila sa iyo..."
"Ka-pogian?" sabi ko sabay pose ng pa-cute.
"Kung kagaya mong pogi..."
"Taena! Dapat yata ay ikaw ang academic scholar eh at ako ang working student. Ang galing mo! Talo mo ako sa debate."
"Prinsipyo naman kasi iyan tol eh. Paninidigan. Hindi mo naman kailangang pag-aralan iyan, hindi kailangang i-memorize."
"E bakit nga ba gusto mong maging guro? Bakit hindi na lang pari, duktor, nurse, engineer, meteorologist, volcanologist, biologist, scientist, social worker, weather forecater, taxi driver, o di kaya ay embalmer... lahat naman iyan ay nakakatulong, di ba?"
Tawa siya ng tawa. "Narinig mo na ba ang kwento noong may mga namatay na engineer, duktor, police, abugado, businessmen at ininterview ang mga kaluluwa nila ni San Pedro bago papasukin sa langit?"
"Hindi... ano ba iyon?"
"Nasa bungad pa lang sila ng pintuan ng langit, nag-uunahn na sila sa pila. At nagyayabangan na. Syempre, iyong teacher, medyo nag-aalangan kasi nga hindi kagaya ng mga engineer o duktor na sikat na sikat sa mga tao dahil sa mga magagarang projects at nagawa, ang mga guro ay nasa klase lamang, nagtuturo, nag-aaral, nagsusulat. Simlpe lamang ang trabaho niya. Kaya nagpahuli siya sa pila, hindi rin kasi niya siguradong makapasok sa langit dahil marami rin siyang pinagalitan, sinsesermonan. Hinayaang na lang niyang ang ibang mga may magagaling na propesyon ang mauna. Noong nandoon na si San Pedro, ang engineer ang nauna at nagmamayabang a itong siya daw ang gumawa ng mg buildings, mga highways, mga tulay at magagandang palasyo at mga architectural feats. Tiningnan ni San Pedro ang kanyang kudigo at nakita nga niya ang mga ginawa noong engineer sabay sabing, pasok! Turo sa pintuan. Para bang gusto ni San Pedro na makapasok agad siya. Sumunod ang duktor, nagmayabang din. Marami daw siyang nagamot na may mga sakit. Tiningnan muli ni San Pedro ang record sabay sabi uli ng, pasok! Sumunod ang pulis, nagmamayabang din na marami siyang nahuling mga masasamang-loob, mga magnanakaw, rapist, terrorist... Sabi uli ni San Pedro, pasok! Noong ang guro na ang kaharap ni San Pedro. Tinanong siya kung ano ang kanyang nagawa sa buhay. Nanghingi ng dispensa ang guro gawa ng wala raw siyang nagawang kunkretong bagay. Tiningnan ni San Pedro ang record sabay sabing, ‘Ah... ikaw pala. O sige, dyan ka sa kabilang pintuan pumasok'. Nagulat ang guro at nagtanong kung bakit sa ibang pinto siya pinapasok. Hindi siya sinagot ni San Pedro, bagkus nagmamaktol ito. ‘Ang yayabang ng mga iyon...' turo sa mga naunang propesyon. ‘Akala nila, di ko alam na kaya nila ginagawa ang kanilang trabaho ay dahil sa malalaking halaga na kanilang natanggap o na kulembat. Pera lang ang sinasamba nila sa mundo.' At baling sa natulalang guro ‘At heto pa, nagmamayabang na magagaling sila! E, hindi naman sila magiging ganyan kagaling kung hindi mo sila tinuruan. Hindi nga nila pinansin ang mga magagandang asal na itinuro mo sa kanila. Haissstttt! Hindi pa rin talaga sila natuto.' Napahinto siya ng sandali at inutusan na ang guro. ‘O sya, alam ko ang hirap na dinanas mo sa buhay sa pagtuturo mo sa mga makukulit at mayayabang na iyon. Kaya pasok ka na... Iyan ang pintuan ng langit'"
Tawa nang tawa ako sa kuwento niya. Syempre, may mensahe, may aral... "Ang galing naman! Parang gusto ko na ring lumipat ng kurso at maging guro ah!"
"E hindi ka na magkakapera niyan!" sambit niya.
"Hayaan mo na. Nakikita naman ni San Pedro"
Tawanan.
Nahinto ang aking pagmumuni-muni noong dumaan si Marbin sa harap ko, tulak-tulak ang floor mop. Para akong biglang nagising galing sa isang mahimbing na pagtulog. At ang bilis niyang magtrabaho. Mabilis na masinop. Pinagmasdan ko ang kanyang anyo. Bakas pa rin sa kanyang mukha ang lungkot at pagka-seryoso. Sa kanyang hubad na pang-itaas na katawan ay bakas ang matitigas na mga muscle - sa braso, dibdib, likod. Sigurado, resulta ang mga ito sa kanyang pinagdaanang mabibigat na gawain at hirap na dinanas sa buhay. Hindi niya alintana ang malalaking butil ng pawis na bumabalisbis sa kanyang balat. Hindi niya alintana ang hirap. Tahimik siyang nagtatrabaho sa kabila ng alam niyang nandoon ako.
Nanibago ako sa inasta niyang iyon. Dati-rati, sa ganoong sitwasyon kung saan nagma-mop siya ng sahig ng school at nandoon akong nakatunganga, nakangiti ito, abot-tenga pa. Masaya, at bakas ang tuwa sa kanyang mukha. At nagagawa pa nitong magkuwento at magpatawa kahit nagtatrabaho.
Ngunit iba siya sa pagkakataong iyon. May mga katanungan ang aking isip habang nakita siyang ganoon. Una ay iyong matinding pagkaawa ko sa kanya, kung bakit ko naramdaman ang ganoon. Pangalawa ay ang nangyari sa amin sa gabing iyon, kung sinadya ba niya iyon o lasing lamang siya o nanaginip lang. Pangatlo ay ang ipinakita niyang lungkot na halos hindi na ako kibuin. Pang-apat ay kung dapat ko ba siyang pagagalitan sa ginawa niya. At ang pang-lima ay ang aking naramdamang kalituhan. Ewan ko rin. Parang simpleng bagay lang naman ang lahat ngunit bakit ba parang napakalaking problema ang mga ito sa akin...
"Tapos na ako Tol..." ang sambit ni Marbin. Nasa harap ko na pala siya at nakabihis na. "S-saan tayo mag-usap?"
"Ah... sa plaza na lang kaya tol?" ang sagot ko.
Dala-dala ang siopao na binili ko sa isang stall kasama ng softdrink na inilagay sa plastic na may straw, nagtungo kami sa bayview at naupo sa isang sementong bench na nakaharap sa dagat. Dahil gabi, malamig ang simoy ng hangin.
Habang kumakain kaming dalawa, ramdam ko naman ang namuong tensyion. Nakayuko kaming kumakain, mistulang walang gustong magsimula ng pagsasalita.
At marahil ay hindi siya nakatiis, siya na ang bumasag sa katahimikan. "S-sorry tol sa ginawa ko. L-lasing kasi ako noon..."
Hindi ako kumibo. Binitiwan ko ang isang malalim na buntong-hininga at iginuri-guri ang kamay sa basiyong plastic na nilagyan ng softdrink.
"Ewan kung ano ang iniisip mo tungkol sa akin ngunit ewan ko rin... basta, sorry. Hindi ko na gagawin iyon." Dugtong niya. At napansin ko na lang na ipinahid niya ang kanyang kamay sa kanyang pisngi. Tumulo na pala ang luha niya.
"Huwag kang mag-alala tol... hindi naman ako galit eh. At huwag kang mag-sorry dahil k-kagustuhan ko rin naman iyong nangyari. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Nasasaktan ako tol kapag nakita kang malungkot." Ang nasabi ko na lang. Ewan ko rin kung bakit ganoong linya ng pagsasalita ang lumabas sa aking bibig.
Hindi siya umimik.
"Alam mo... ikaw ang best friend ko, at kauna-unahang kaibigan na sobrang naging close ng ganito sa akin." Sabay hawak ko sa kanyang kamay at pinisil iyon ng mahigpit. "A-ayokong nakikitang malungkot ka tol..." dugtong kong nanatiling nakayuko na tila ba nahihiya sa aking sinabi.
Hinayaan lang niyang hawakan ko siya. At maya-maya, naramdaman kong pinisil na rin niya ang aking kamay.
Ewan ko ba. Sa ginawa kong iyon ay parang magkasintahan tuloy ang dating nito sa akin. Saan ka ba nakakakita ng dalawang lalaking magkatabing nakaupo, dikit na dikit ang mga katawan, nagho-holding hands sa isang lugar na madilim-dilim na halos kami lang ang tao, kulang na lang ay magyakapan at maghalikan?
"S-salamat tol... Ikaw lang din naman ang best friend ko eh. S-sana ay hindi tayo magkahiwalay" sambit niya.
"Syempre naman. Bakit ba tayo maghiwalay? Ano man ang mangyari, hahanapin pa rin kita. At dito sa puso ko, wala nang iba pang papalit sa iyo, bilang best friend ko."
"S-sorry talaga tol."
"Sabi nang huwag nang magsorry eh... Pag nagsorry ka pa, kakagatin ko tong kamay mo eh!" biro ko.
Natawa naman siya na inosenteng napa, "Ay may ganoon! Sorry po, hindi na mauulit! Hehehe."
Kaya doon, kinagat ko na talaga ang kamay niya. "Um! Sabi nang huwag magsorry eh!"
"Awtssss!" sigaw niya.
Tawanan.
Tahimik.
"Alam mo tol... may nagrecruit sa akin na sumali sa isang fraternity ba iyon?"
"A-ano???" ang tanong niya, bakas sa mukha ang pagkabigla.
"P-parang Swastika ba iyon?"
"Huwag kang sumali d'yan tol! Huwag!" ang matigas niyang sabi.
"B-bakit?"
"Bayolente ang grupo na iyan. Hindi iyan sila takot na pumatay. May kinalaman ang grupo na iyan sa pagtutulak ng droga. Banned nga iyan sila sa campus."
"T-talaga?" ang sagot ko na lang.
"Makapangyarihan ang grupo na iyan. Parang isang mafia, sindikato. May mga politikong taga-suporta. Marami nang nasalvage dito sa lugar na ito at pinaghihinalaang sila ang may kagagawan. Kapag napag-initan ka nila, titirahin ka..."
"G-ganoon ba. Mabuti na lang at nasabi mo sa akin."
"Oo... at malalaman mo kung may death threat ka galing sa kanila kasi... bibigyan ka nila ng pulang rosas na tinanggalan ng petals. Kung ang ibinigay na rosas nila ay wala nang natirang petals, patay ka... totodasin ka na talaga nila. Kung may petals pa, threat lang nila yan na ang ibig sabihn, huwag mong ituloy kung ano man ang gagawin mong matatapakan sila. Kung gagawin mo pa rin, may warning uli, at mas kauntin na lang ang petals. Hanggang sa bibigyan ka na ng panot na rosas. Dedbol ka na noon."
"G-ganoon? Nakakatakot pala ang grupong iyan."
"Kaya... kahit ano man ang mangyari, huwag kang sumali sa kanila. Pangako mo iyan sa akin, ok?"
"Pangako tol... At salamat sa paalaala."
"Ibang topic na lang." mungkahi niya.
"Anong gusto mong topic?"
"Ikaw?"
"Ako??? Ang gusto mong topic ay ako?"
Natawa siya. "Gagi! Conceited!"
Natawa na rin ako.
"At ano naman ang pag-uusapan nating tungkol sa iyo?"
"Ang pagka-guwapo ko, ang talino ko, ang mga nagkakaroon ng crush sa akin." Dugtogn ko pang biro.
"Sabagay... guwapo ka naman talaga, at matalino."
"Woi... emo ka."
Tahimik.
"K-kumusta na ang panliligaw mo kay Emily?"
"W-wala pa... Hindi pa ako sinagot. Sabi niya pagkatapos na raw ng mid-term test. Sa susunod na buwan pa iyon. Dati sabi niya malapit na. Pero ewan bakit nagbago."
"M-mahal mo ba talaga siya?"
Tumango lang ako at yumuko.
Parang may lungkot ang kanyang mukha sa aking sinabi. Sa akin naman, parang hindi ko rin maintindihan ang sarili kinikimkim. Parang hindi ko kayang bigkasin sa kanya na mahal ko nga si Emily. "Maligo na lang kaya tayo tol! Tingnan mo ang aplaya, ang lapad. Low tide kaya." ang pagbasag ko sa seryosong usapan at pagturo ko rin sa aplaya sa ibaba ng sea-wall. Kapag ganoong low tide kasi, lumalantad ang puro buhanginang aplaya.
"Ang lamig kaya ah! At gabi na, madilim pa sa banda roon!"
"Natatakot ka ba?"
"Hindi naman..."
"E di tara na!" sabay tayo at nagtatakbong tinumbok ang hagdanan at bumaba na ako patungo sa aplaya. "Yiippeeeeeeeee!!!" sigaw ko na patuloy na nagtatakbo.
Sumunod din siya at tumakbo rin. At noong nasa harap na kami ng dagat, hinubad ko ang aking damit kasama na ang brief at inilatag lang iyon sa ibabaw ng mga bato. Naghubad din siya, pati brief niya ay hinubad na rin atsaka sabay kaming lumusong sa tubig.
"Huwwwwwaoooooohhhh!" Ang sigaw namin pareho noong nasa tubig na kami. Habulan sa paglangoy, harutan, tawanan... Sobrang saya.
Noong napagod na, humiga ako sa buhangin, nakatihaya. Humiga rin siya, nakatihaya rin sa tabi ko. Napakagaan ng aking pakiramdam. Pakiwari ko ay nasa isang paraiso kaming dalawa, walang pressure, at ang aming bubong ay ang langit sampu ng bilyon-bilyong bituing kumikinang.
"Sarap siguro kapag kasama mo ang iyong mahal sa ganito kagandang lugar at panahon. Walang ingay, walang mga tao, napakaaliwalas ng panahon, at ang dagat, sobrang payapa..."
Hindi siya umimik, nakikinig lang sa bawat salitang lumalabas sa aking bibig.
"Di ba umibig ka na?" tanong ko.
"Hindi ko naman sinabing umibig na ako eh." Ang mabilis din niyang pagsagot.
"Weee! Sinabi mo kaya. Iyong sabi mong malayo? Iyong tubig ng Gensan at langis ng Ilocos ba iyon? S-sino naman iyon?"
"Imaginary lang iyon ah. Hindi totoo iyon."
"Whoaaa! Maniwala ako sa iyo. O sige kung i-imagine mo ring nandito siya, ano ang gagawin mo sa kanya?"
"Wala ah! Wala nga iyon... tubig at langis nga lang iyon." Ang matigas niyang pag-deny.
"Ayaw mo ba siyang halikan?"
"Pwede."
"Ayaw mo siyang yakapin?"
"Pwede"
"Ayaw mo ba siyang angkinin?"
"Pwede... Ikaw naman, anong gagawin mo sa kanya?"
"Sino?"
"Si Emily?"
"Wala. Itanong ko lang sa kanya kung mahal niya ako."
"Iyon lang?"
"Mag-usap kami ng kung anu-anong bagay"
"Iyon lang?"
"Oo... iyon lang"
"Syetness! Kung ako si Emily, isa sa pag-uusapan natin ay ang hiwalayan."
"Bakit naman...?"
"E... pagkakataon na eh! Naghintay lang akong may gagawin ka sa akin!"
Tawanan. Nilingon ko siya. Lumingong din siya sa akin. Kahit madilim ang paligid, naaninag ng aking mga mata ang kanyang postura. At ewan kung anong kabulastugan ang pumasok sa isip ko, parang nabighani ako sa kanyang mukha at sa kanyang pormang nakahubad, hunk na hunk ang katawan at nakangiting nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ay may kakaibang kiliting gumapang sa aking katawan.
"T-tol..." ang pag-aalangan kong sabi, ang boses ay seryoso at halos pabulong na.
"Bakit?" tanong niya, ang boses ay seryoso at mahina din.
"I-iyong ginawa mo sa akin noong gabing iyon... dahil ba sa lasing ka, o dahil gusto mo talagang gawin iyon sa akin?" ang deretsahan kong tanong. Alam ko, masyadong sensitibo ang tanong na iyon. Ngunit sinadyang ipalabas ko talaga iyon. Gusto kong malaman ang totoo.
Hindi siya nakasagot agad. Parang napako lang ang tingin niya sa mukha ko.
"Huwag kang mahiya. Hindi ako magagalit."
"I-iyong totoo?"
"Oo... iyong totoo."
"E... l-lasing lang ako noong tol."
Tila nadismaya naman ako sa sagot niyang iyon. Malakas kasi ang kutob ko na matagal na niyang gustong gawin iyon sa akin. Bigla akong tumayo sabay sabing, "Ok... fine. I heard it." At tinumbok ang mga damit ko, unang pinulot ko ang brief. Nagparamdam ng pagkadismaya.
Isuot ko na sana ang brief noong, "Ok... aaminin ko tol, matagal ko nang gustong gawin iyon sa iyo."
Biglang nabitiwan ng aking mga kamay ang aking brief at napako na lang ako sa aking kinatatayuan, hindi nagawang sumagot sa sinabi niya.
Lumapit siya sa kinatatayuan ko at sa ibabaw ng mga bato, yumuko at pinulot din ang damit niya sa ibabaw nito. "Ngayong alam mo na, happy ka na?" ang may halong pagmamaktol na sabi niya habang nakayuko, hindi makatingin-tingin sa akin.
Hinawakan ko ang kanyang kamay. Halos magkadikit ang aming mga katawan habang nakatayo kaming pareho. Tinitigan ko siya. Tinitigan din niya ako. Nagtitigan kami.
"A-ayaw mo ba akong yakapin? Ayaw mo ba akong halikan...? Ayaw mo ba akong angkinin?" sambit ko.
"P-puwede..." sagot niya. At naalimpungatan ko na lang ang unti-unting paglapit ng aming mga labi hanggang sa tuluyang naglapat ang mga ito...
At sa dalampasigang iyon, saksi ang mga bituin sa langit at ang mga alon sa dagat sa lihim naming pagsimsim sa sarap ng pagpapasasa.
(Itutuloy)
-----------------------------------------
[3]
By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com
Author's Note:
Nandito na naman ako, sinabi nang short story lang, hindi pa rin ako naawat. Syetness talaga hehehe.
Anyway, enjoy reading lamang po at sana ay mag-comment na rin.
Salamat din sa mga followers, 20 na lang ang kulang natin at aabot na tayo sa 1,000. Yeheeeyyyy! Syempre, salamat din sa mga commenters na nagparating ng kung ano man ang nasa kanilang isip tungkol sa kuwento. Nababasa ko ang lahat ng mga iyon.
At lalo na sa mga followers na patuloy na sumusuporta sa akin, ke-maganda o ke-boring ng kuwento, nandiyan pa rin sila, nagparamdam. Salamat ng marami... Kayo ang nagbigay sa akin ng inspirasyon na magsulat pa rin kahit minsan ay nararamdaman ko na ang pagod.
Happy Valentine sa lahat! Wish you all, love, love love on Valentines Day, kahit ako ay wala... (Open ako para sa mag-aaply hehehe)
-Mikejuha-
-----------------------------------------------------
Ang dalampasigang iyon ang naging saksi ng aming patagong pagniniig ni Marbin. Kumabaga, iyon ang naging "love" nest namin, kung masasabi ko ngang love ang namagitan sa amin. Kasi, una, wala naman kaming opisyal na usapan o aminan na kami nga; na magkasintahan nga kami. Basta nangyayari lang ang bagay na iyon. Kapag ang isa sa amin ay nagyayaya sa aplaya, alam na... iyon na. Hindi maaaring walang mangyari sa amin sa lugar na iyon. Minsan, nagbabaon kami ng kung anu-anong makakain, o maiinum. Minsan din kapag walang pera, wala kaming dala kundi ang mga damit na suot-suot ng aming katawan. Pero masaya pa rin. Kaya lang, kapag nagpunta kami doon, dapat ay gabing-gabi na upang walang tao sa lugar, at dapat ay low tide upang sa bandang malayong parte ng dalampasigan kami pupuwesto kung saan hindi na naaabot ng liwanag galing sa mga lamp post ng plaza at nagagawa namin ang bagay na tanging kami lang ang nakakaalam.
Masayang-masaya ako sa set-up namin. Bagamat hindi ko alam o sigurado kung ano nga ba ang naramdaman ko para sa aking best friend, wala akong problema kasi siya, sa aking tingin ay ganoon din. Hindi kami, ngunit nandyan lang kami para sa isa't-isa. At kapag taglibog, malaya naming nagagawa ang mga bagay na nakakapagpalabas ng init ng aming mga katawan. Parang ganoon lang ka-simple ang aming setup. Sweet kami dahil mag-bestfriend. May naramdaman ako dahil best friend ko siya. May ginagawa kami dahil... kapag magbestfriend nga naman, lahat ng kalokohan puwedeng gawin na walang pag-iinarte. Kahit nga ang pagiging malapit niya sa aking pamilya at mga magulang, lalo na sa aking ina, na ang tawag na sa kanya ay anak na rin, para sa akin, ito ay dahil best friend nga kami. Lahat ng dahilan kung bakit namin nagagawa ang mga bagay-bagay ay dahil best friend kami. Kahit nga sa mga kilos namin sa harap ng mga tao, hindi mo iisipin na may nangyayaring kabulastugan sa amin. Nagtatawanan, naghaharutan, nagbibiruan kagaya ng normal na magkaibigan, mag best friend. Sa mga kilos at galaw namin, walang mag-aakalang may kakaibang gawain kami, o may itinatagong katarantaduhan o milagro.
In short, saang anggulo man tingnan, wala kaming emotional attachment. I mean, sa side ng mga tao at sa side ko. Ewan ko lang ang sa side niya...
Isang beses na maulan-ulan, sabay kaming naglakad patungo sa eskuwelahan. Bago kami makarating sa gate, may parte sa kalsadang maputik. Habang nagmamadali kaming naglalakad, biglang dumaan ang isang rumaragasang dump truck at natalsikan ako ng putik. Asintadong natamaan ang aking puting polo shirt. At hindi lang basta-bastang burak. May buo-buong putik pa.
Noong nakita niya ako, "Tanginang driver na iyon...!" sabay dampot ng bato at babatuhin na sana ang dump truck.
"Hayaan mo na tol!" ang sambit ko, bagamat hindi ko rin alam ang aking gagawin gawa nang takot na baka ma-late ako sa klase, may long quiz pa naman kami. Ang ginawa ko na lang ay tinangka kong pahirin ang mga putik na dumikit sa aking polo gamit ang aking kamay at mga scratch na papel.
Ngunit nanatiling nakadikit pa rin ang dumi at lalo pang kumalat. Lalo tuloy akong na-rattle. Iyon bang nagmamadali ka dahil may hinahabol ngunit dahil sa isang hadlang, mukhang madiskaril pa yata ang target mo ng makarating ng nasa tamang oras o kung makarating man, ay mapagtawanan ka dahil sa anyo mong puno ng dumi ang damit.
Ngunit kalmante lang si Marbin. "Hubarin mo na lang iyan tol..." sabay hubad naman niya sa kanyang t-shirt.
"A-anong gagawin mo?"
Inabot niya sa akin ang nahubad niyang t-shirt. "Ito ang isuot mo"
"Ha? P-paano ikaw?"
"Ganito lang. Bakit... ganda naman ng katawan ko eh!"
Bigla tuloy akong napangiti. "Yabang!"
"Di ba sabi mo isang beses na maganda ang katawan ko? E, di panindigan ko na to! Tingnan na lang natin kung walang maglalaway sa akin!"
"Adiiiikkkk!"
"Tara na! Late ka na sa test mo! Baka ako pa ang masisi mo kapag hindi ka nag-top sa test mo." Sabay kindat. "Akin na iyang polo mo, lalabhan ko sa ultulity room ng school mamaya. Tamang-tama, itutok ko lang ang electric fan d'yan, hindi pa tapos ang umaga tuyo na iyan." Sambit niya.
Tumalima naman ako. At nagpatuloy na kami sa paglalakad; ako suot-suot ang t-shirt niya samantalang siya, nakahubad ang pag-itaas na katawan, ang aking polo ay nakalaylay sa likurang bulsa ng kanyang pantalon. Astig ang dating.
At habang naglalakad kami, panay naman ang kantyaw ko sa kanya, "Grabe! Parang bold star lang ng unibersidad!"
"Gusto mo hipuin mo pa ang abs ko?"
"Hahahaha! Todo na ang pagka-adikkkk!" ang malakas kong tawa.
At may nangangantyaw din sa kanyang mga kasamahan niyang working student, "Tol... ang macho, macho talaga! Pa-kiss naman d'yan!"
Tawa lang kami ng tawa. Walang paki, dedma lang sa mga kantyaw. Pati ang mga estudyanteng nakasalubong namin ay nagtaka kung bakit siya nakahubad. At lalo na ang mga babae, dahil nakakabighani naman talaga ang kanyang porma sa super mega-hayop na katawan, kitang-kita sa kanilang mga napapakong tingin ang paghanga sa porma ni Marbin.
Noong nasa gate guard na kami, sinita siya ng guwardya. "Boss... natalsikan ng putik itong aking damit e. Sa loob ng utility room na lang ako magbihis, may extra kasi akong damit doon."
At dahil kilala naman siya ng guwardya, pinapasok din siya.
Touched ako. Syempre, siya ang savior ko. Ngunit hindi lang ako touched... may gumapang pa na kakaibang init sa nakitang nakahubad na pang-itaas niyang katawan, lalo noong tiningnan ko ang waistline niyang wala na ngang kataba-taba, nakausli pa ang puting garter ng kanyang brief. Parang nag-evaporate ang lahat ang aking na-memorized na pinag-aralan para sa test ko sa araw na iyon at ang aking nasambit na biro na lang ay, "Tol... sarap mag internet at mag-chat! Bigla kong namiss ang ka-chatmate ko! "Internet" kasi o kaya'y "chat" ang gamit naming salita pagtukoy sa ginagawa naming "sex" o kabulastugan sa aplaya. May salitang "inter" din kasi itong katulad ng (sexual) "inter"-course. At ang ibig namang sabihin namin ng "na-miss" ay "nalibugan" o "nag-iinit" ang katawan. At syempre, sino pa nga ba ang tinutukoy kong "chatmate"?
"'Facebook ba?" sagot niya na ang ibig sbihin din ay... alam niyo na siguro, may kinalaman sa mukha kung saan nandoon ang bibig...
"Laptop tol...." sambit ko rin na ang ibig kong ipahiwatig ay "lap" na kandungan, na puwede ring upuan at ang "top", na ang ibig sabihin ay ari.
"Mas maganda ang desktop tol..." sagot uli niya na ang ibig ipahiwatig ay pormang mesa na may "top" na naka... alam niyo na siguro. (Ngunit kung hindi, ewan ko na lang sa inyo, hehehe. Ah... puwede palang doon sa mga nakakaalam at nakasakay sa mga salita namin ni Marbin, maaaring isulat sa comment box ang pagkaintindi ninyo upang matulungan naman ang mga walang kamuwang-muwang at virgin pang mga readers sa ibig sabihin ng aming mga "codes" ni Marbin, hehehe). "Maya tol... punta tayo sa ‘Internet Café'..." dugtong ni Marbin.
Iyan ang mga lengguwahe namin. Kami lang ang nakakaalam, kami lang ang nakakaintindi. Parang may sarili kaming bansa na tanging kami lamang ang mamamayan o mundo ba kung saan kami lamang ang namumuhay...
Ngunit may isang insedenteng hindi ko malilimutan kung saan bumilib talaga ako sa kabaitan ni Marbin. At ang ginawa niyang ito ay tumatak hindi lamang sa aking isip kundi pati na rin sa aking puso. At nasabi ko sa aking sarili na talagang isang tunay na kaibigan si Marbin at napaka-swerte ko na nagkaroon ng kaibigang kagaya niya.
Piyesta iyon sa karatig-baranggay kung saan may search for Mr. Body Beautiful. May premyong trip to Boracay, good for two para sa mananalo. At ang dagdag pa-premyo ay ang pagiging modelo nito sa isang na fashion designer.
Hinikayat ko si Marbin na sumali. "Sayang din iyan tol, pag nagkataon, makapunta ka na ng Boracay, at libre! At hindi lang iyan, magiging modelo ka pa! Imbes na magtutulak ka ng whip mop gabi-gabi sa mga hallways at silid ng unibersidad, rarampa ka na lang sa harap ng mga magtitiliang tao. At malaki pa ang kita mo, sisikat ka pa!" Ang sabi ko.
"Ayoko ah! Hindi naman ako ganyan ka-macho para magpakita ng katawan. At isa pa, hinid ko kayang humarap sa mga tao. Ok lang s akin ang maglinis, kahit buong unibersidad pa ang linisin ko, huwag lang ang humarap sa mga tao. Atsaka... hindi naman ako guwapo tol. Hindi kagaya mo."
"Anong hindi ka guwapo? Ang lakas kaya ng appeal mo. Ang galing ng tindig mo, ang galing ng porma mo, ang galing mong maglakad, ang galing mong ngumiti... Titig mo pa nga lang eh, nakakalusaw na."
"Tado!"
"Ayaw maniwala o!"
"Hindi naman talaga totoo eh."
"Asowwwwsss! Pakipot pa to. Ako nga nababakla sa iyo eh." Biro ko. "Kung naging babae ka nga lang sana liligawan na kita eh."
"Talaga?" ang sagot niya, binitiwan ang nakakalokong ngiti.
"Talaga lang! Bakit ganyan ka kung makatignin?"
"Anong balak mo ngayon?"
"Wala! Tange. May klase tayong pareho!"
"Gusto mo, i-hug mo ako?"
"Hindi lang hug. Kahit laptop o desktop pa, basta nasa loob ng internet cafe tayo, nagcha-chat"
Tumawa lang siya. Alam ko ang nasa isip niya. Malaswa.
"O ano, sasali ka ba? Ikaw na lang. Susuportahan kita. Sige na tol." Ang paggiit ko sa tanong.
"Hindi a! Finals kaya. Ayokong isugal ang aking pag-aaral sa wala namang kasiguruhang patimpalak. Kung matalo ako, doble talo kasi, hindi ko na nga nasungkit ang premyo, baka ibagsak pa ako ng mga professor ko. Mabuti kung tatanggapin nila ang paliwanag na gusto kong maging isang modelo. Di kaya ako pagtatawanan ng mga iyon, sasabihing wow, may ambisyong maging modelo ang ating janitor?"
"Sobra naman sila kung ganyan ang sagot nila. At hinid ka janitor, working student ka. Ibig sabihin, hindi ka tatagal sa pagiging ganyan. At bakit naman kung janitor, anong masama? Wala bang karapatan ang mga ito na mangarap?"
"HIndi naman sa ganyan. Ang ibig kong sabihin, hinid nila maimagine na ako, isang low-profile, mahiyain... sasali sa isang patimpalak na tanging mga sociable na tao lamang ang gustong sumali. Hindi ko gusto iyan, hindi ko kaya, at wala akong ambisyon maging ganyan. Higit sa lahat, ayokong sirain o problemahin ang nakatakdang schedule ko sa pagsusulit."
"Sabagay, may tama ka..." ang sagot ko. "Pero para sa akin tol... qualified ka talaga. Kahit sa paglalakad mo pa lang, ang ganda mong tingnan, para kang isang modelo. Proportioned kasi ang katawan mo, at ang ganda mong magdala. Kahit nga mga luma ang sinusuot mo, o kahit tagpi-tagpi pa o butas-butas, kapag ikaw ang nagsuot, parang gusto ko na ring magsuot ng butas-butas o tagpi-tagping damit. Nagiging attractive kasing tingnan ang mga ito kapag ikaw ang nagsuot. Dagdagan pa sa sunugin ngunit makinis mong balat. Hanep..." Totoo naman kasi. Ang lakas ng appeal ni Marbin at kahit sabihing wala siyang ka-artehan sa katawan o mga nilalagay sa mukha o balat, makinis ito. At kahit ano ang isusuot, lutang na lutang pa rin ang pagkahayup ng appeal niya.
"Hindi pa nga ako nakaranas na sumali sa mga ganyan eh."
"Oo nga... pero para sa akin tol, sayang din. Baka lang naman..."
"Ayoko talaga. Hayaan na lang natin sa kanila iyan. Hindi ko pa rin ipagpalit ang finals ko. Mabababa na nga mga grado ko, sisirain ko pa ito sa isang patimpalak na walang kasiguraduhan." Napahinto siya ng sandali noong ma naisip. "I-ikaw na lang kaya ang sumali? Mas guwapo ka kaya. Andami ngang nagka-crush sa iyo dito sa campus. Para ka ngang freezer eh. Ngiti mo pa lang, nagyeyelo na ako."
Napangiti naman ako. "Ang ganda naman ng pick-up line mo. Nakakakilig!" sambit ko.
Na sinagot naman niya ng, "Wala bang hug d'yan?"
"Gusto mo ng desktop?"
Pumutok ang isang malakas na halakhak. "Mamaya, mag-internet tayo, makatikim ka sa akin." Ang pagbabanta niya. "Ano... sasali ka na?" paggiit niya rin sa tanong para sa akin.
"Ano ka? Academic scholar ako. Kapag bumagsak ako sa subjects, katapusan na ng pag-aaral ko. Walang pera kaya ang mga magulang ko."
"E di, mag-working student ka na rin?"
"Pwede. Pero bakit ako mag-working student kung kaya ko namang maging academic scholar?"
"Sabagay..."
So iyon. Naka-set na talaga ang mga utak namin na hindi siya sasali, at lalo nang hindi rin ako.
Tatlong araw bago ang patimpalak, nagkasakit ang aking inay. Dinala namin siya sa ospital at doon napag-alaman sa ultra-sound at x-ray na may mga bato ang kanyang apdo at dapat itong tanggalin sa pamamagitan ng operasyon sa lalong madaling panahon.
Para namang mawalan na sa tamang pag-iisip ang aking itay sa paghahanap ng makukuhanan ng pera. Nasa tatlumpong libo raw ang gagastusin sa operasyon. Pati ako ay hindi makapag-concentrate sa aking nalalapit na finals dahil dito. Sinabi ko ito kay Marbin. At awang-awa siya sa kalagayan namin. Ngunit wala siyang maitutulong kasi, wala nga rin siyang pera.
Nakahanap naman ang aking itay ng mauutangan, subalit hanggang sampung libo lang, at sa isang pautangang 5-6. Napakalaki na nga ng tubo, kulang pa. Itinuloy pa rin naman ang opersyon. Ang problema lang namin ay kung saan maghanap ng pandagdag na bayaran sa ospital.
Araw ng finals, hinahanap ko si Marbin. Hindi ko siya mahagilap. Pati sa kanyang classroom ay wala siya. Tuliro ang aking isip sa araw na iyon. May test ako subalit maraming bumabagabag sa aking isip; kalagayan ng aking inay, awa sa aking itay, at si Marbin na hinid ko mahagilap.
Binilisan ko ang pagsagot sa pinakahuli kong pasulit sa araw na iyon. Noong natapos ko na ito, nagtatakbo kong tinungo ang lugar kung saan ginanap ang patimpalak. Kahit hindi ako naniwalang sasali si Marbin, nagbakasakali lang akong nandoon siya.
At hindi ako nagkamali. Timing na tinawag ang kahuli-hulihang contestant. "And now... the last but certainly not the least, the candidate we dubbed as the black horse... please welcome, Mr. Mabin Daria!!!" sigaw na emcee na halos sinabayan ng nakakabiging hiyawan at palakpakan na halos babagsak na ang buong stadium sa ingay ng audience.
At nakita ko na lang si Marbin na lumabas sa entablado, ang tanging saplot ay isang trunk na sa palagay ko ay libreng bigay na uniporme para sa mga kalahok. Kitang-kita ang ganda ng hugis ng kanyang katawan; ang matipunong dibdib, ang pormadong mga biceps, ang six-pack niyang abs, at ang mga malalaking hita.
Na-mesmerize ako sa tindi ng appeal niya! At bagamat huli na akong nakarating, pakiramdam ko ay siya ang paborito ng mga tao sa sobrang ingay ng hiyawan at palakpakan nila. At lalo na noong pinakawalan pa ni Marbin ang isang ngiting nambibitin, ang tingin ay tila nanunukso. Ang galing! Sobrang nakakabighani! Halos mapatid ang aking vocal chord sa kasisigaw ng "Tolll! Tollll!!!" habang hindi naman ako magkamayaw sa pagtatalon at pagpapalakpak.
At noong nilingon niya ang aknig kinaroroonan, tila lumulundag-lundag naman ang aking puso noong binitiwan niya ang isang mapanuksong kindat. Pakiramdam ko tuloy ay himatayin ako sa sobrang pagka-excite sa kanyang ginawa. At marahil dahil alam niyang nandoon ako, at aliw na aliw na nagchi-cheer sa kanya, parang lalo siyang ginanahan.
Ngunit doon ako naantig at lalong humanga sa best friend ko, noong tinawag na ang mga contestants para sa question and answer portion at ito ang isinagot niya sa tanong kung ano para sa kanya ang kahulugan ng buhay. "Makatulong sa kapwa sa kahit maliit na paraan. Ito ang susi ng tunay na kaligayahan. Walang kasing sarap ang maramdaman ng isang tao kapag nakatulong ka na nga, nakita mo pang masaya din sila dahil sa maliit na tulong mo." Ang binitiwan niyang sagot. Malakas na palakpakan ang ibinigay ng mga tao sa kanyang sagot. Narinig ko na iyon sa kanya at alam ko, iyan ang kanyang paninindigan sa buhay. Ngunit may karugtong pa pala ang kanyang sagot. "Ngayon, nasa isang critical na kalagayan ang ina ng aking matalik na kaibigan. Sumali ako sa patimpalak na ito hindi lang dahil nais kong manalo kundi upang ipakita rin sa kanya, sa pamilya niya na kaya kong gawin ang lahat upang makatulong. Kahit mag-aabsent pa ako sa finals, kahit manginginig pa ako sa kaba sa pagharap ng maraming tao dahil hindi ko kailan man pinangarap ito, kahit babagyo pa, lilindol, babaha... walang makakahadlang sa pagtulong ko para sa isang mahal na kaibigan. Alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng magulang dahil minsan ay nawalan na rin ako. Kaya ayaw kong danasin din niya, at ng mga kapatid niya, ang sakit na naranasan ko sa buhay... kung manalo man ako dito, masaya na ako na sa aking munting paraan, ay natulungan ko siya. Ngunit kung matalo man, at least naipakita ko sa kanya na lahat ay tatahakin ko para sa kanya... Maraming salamat po!"
At nanalo nga si Marbin.
At dahil sa emosyonal niyang sagot sa patimpalak, mismong ang mayor na isa sa mga judges ang nag-offer na siyang gagastos sa pagpapa-opera sa aking inay.
At hindi lang iyan, may kontrata pa siya na magmo-model para sa isang fashion designer kung saan ang boutique ay nasa karatig na syudad.
"Tol... ang galing-galing mo sa pagrarampa, promise." Ang sabi ko noong nag-usap kami sa likurang lawn ng ospital kung saan may mga kahoy at magkatabi kaming naupo.
"Ikaw kasi ang inspirasyon ko eh. Sobrang kaba ko sa una... natapilok pa ako noong rumarampa akong naka suit... Ngunit noong naka trunks na at nakita na kita, doon na ako nag-init, lumakas ang loob." Para sa iyo naman kasi ang lahat ng iyon..." at naramdaman ko na lang ang kamay niya na humawak sa kamay ko.
Pinisil ko ang kamay niya. "S-salamat tol... hindi ka lang hero ko. Hero ka rin ng pamilya ko."
Saka naman may biglang nagpatugtog. Sa Lawn kasi na iyon ay may mga speakers na nakakabit sa kahoy. Parang ginawang lugar iyon kung saan maaaring magpalipas ng oras, magmumuni-muni, lumanghap ng preskong hangin ang mga tao at pasyente. At ewan ko rin kung sinadya ba ang kantang iyon.
Natahimik kami at pinakinggan ang bawat kataga ng kanta.

One Friend - Dan Seals Song Lyrics
I always thought you were the best
I guess I always will.
I always felt that we were blessed,
And I feel that way, still.
Sometimes we took the hard road,
But we always saw it through.
If I had only one friend left,
I'd want it to be you.
Sometimes the world was on our side;
Sometimes it wasn't fair.
Sometimes it gave a helping hand;
Sometimes we didn't care.
‘Cause when we were together,
It made the dream come true.
If I had only one friend left,
I'd want it to be you.
Someone who understands me,
And knows me inside out.
And helps keep me together,
And believes without a doubt,
That I could move a mountain:
Someone to tell it to.
If I had only one friend left,
I'd want it to be you.
Instrumental Break.
‘Cause when we were together,
It made the dream come true.
If I had only one friend left,
I'd want it to be you.
Someone who understands me,
And knows me inside out.
And helps keep me together,
And believes without a doubt,
That I could move a mountain:
Someone to tell it to.
If I had only one friend left,
I'd want it to be you.
At habang patuloy na tumugtong ang kanta, namalayan ko na lang na tumulo ang aking mga luha. Isinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat. Hinayaan lang niya ako.
Noong natapos na ang kanta, pinahid ko na rin ang aking mga luha. Noon gnapansin niya ito, siya na ang nagpatuloy sa pagpahid gamit ang kanyang palad.
"P-aano iyan... may trip to Boracay ka na. Makakarating ka na rin sa Boracay. Buti ka pa..."
"Oo nga... At kasama ko pa ang pinaka-inspirasyon ko sa pagsali ng patimpalak na iyon."
"Sino? Ang tanong ko"
Tinitigan lang niya ako. "Gusto mo... mag chat tayo?"
"Tado, sarado pa ang internet café!"
"Sabagay... pero sa Boracay, sigurado akong sa hotel nila, wifi na ang gamit. Kahit sa loob ng kuwarto, basta may laptop, may desktop... pwede tayong mag-internet."
Sabay kaming nagtawanan.
(Itutuloy)
---------------------------------------------
[4: Last Part]
Natuloy kami sa Boracay. Walang mapagsidlan ang saya na aking nadarama sa unang experience namin na makapunta sa ganoon kagandang lugar, at sa hotel na tinirhan namin. Dalawang gabi at 3 araw kami doon. Para kaming tunay na magsing-irog. Ang kulang na lang sa amin ay ang mga salitang "I love you"
Balik na naman ang pagiging close namin. Parang kumpleto na ba sana ang lahat? Masaya ako na nagkaroon ng isang tunay na kaibigan kay Marbin, Masaya kami sa aming samahan... pakiwari ko ay wala akong takot sa buhay kapag kapiling ko siya.
Ang kaso... ganyan talaga marahil ang buhay. Puno ng hiwaga, puno ng pagsubok. At ang kahit gaano kalalaim na pagmamahalan o pag-iibigan ay minsan bumibigay din kapag dumanas ito ng matinding pagsubok.
Patuloy pa rin kasi ang panliligaw k okay Emily. Dahil hindi pa naman niya ako sinagot, at ang sabi pa sa akin ay matatagalan pa, patuloy pa rin akong umaakyat ng ligaw sa kanya. At sa bawat dalaw k okay Emily, nandoon pa rin palagi sa aking tabi si Marbin, at kagaya ng mga nakagawian, habang mag-uusap kami niyan ni Emily sa labas ng kanilang bahay, sa isang sulok na med'yo madilim-dilim, si Marbin naman ay nag-iisa sa isang parte rin ng lugar, nag-iisa, naghihintay kung kailan kami matatapos sa aming pag-uusap ni Emily. At kahit na abutin pa kami ng magdamag, nandoon pa rin si Marbin, walang reklamong naghihintay sa akin. Para siyang isang asong nagbabantay sa kanyang amo, na kung saan ay hindi kayang sukatin ang kanyang loyalty para dito.
Siguro masasabing akoy isang manhid ba o sadista. Ngunit sinabi ko na it okay Marbin na hinid naniya ako kailangang samahan sa panliligaw k okay Emily. Subalit siya mismo ang nag-insist na sasama. Ayaw daw niyang mapahamak ako...
"Mahal mo ba talaga si Emily???" Nakailang tanong na rin si Marbin sa akin niya. At ang sukli ko sa tanogn niyang iyan ay either katahimikan o tango lang.
Mahal ko naman talaga si Emily. Bagamat mahal ko rin si Marbin ngunit gustong i-justify ng isip ko na ang pagmamahal ko sa kanya ay bilang isang best friend lang, at walang ibang explanations sa aming mga ginagawa. Alam ko naman kasing bawal ang isang relasyong lalaki sa lalaki. At alam din niya ito. Ang pag-ibig ay para lamang sa lalaki at babae. Hindi ito applicable sa kapwa lalaki. Iyon ang parehong nakatatak sa aming isip.
Akala ko ay isang simpleng katanungan lang iyon at wala nang ibang ipahiwatig pa kundi ang malaman mismo galing sa isang kaibigan ang laman ng kanyang puso.
Ngunit may mas malalim palang dahilan ito. Lumipas ang ilan pang araw at nagtaka na lang ako noong habang binubulatlat ko ang isa niyang notebook, nakita ko ang siang drowing ng swastika, iyong symbol ni Hitler. Gusto ko sana siyang tanungin tungkol dito ngunit hinid ko na itinuloy pa gawa nang baka lang aksidenteng na drowing niya ito, na wala namang kahulugan.
Ngunit doon na ako nagsimulang magduda noong nakita ko muli ang drawing sa loob ng dila ng kanyang sapatos, at sa tarheta ng kanyang t-shirt. "Tol... b-bakit may mga drawing ka ng swastika?" ang tanong ko sa kanya.
"Saan mo nakita?" ang tanong niya, ang boses ay may halong pagkainis.
""S-sa notebook mo, sa sapatos, sa t-shirt..."
Ngunit imbes na sagutin niya ako, nagalit pa ito. "Bakit ka ba nakikialam sa mga gamit ko?"
Nagulat naman ako sa inasta niyang iyon. Para bang napaka-simpleng tanong lang pero nagalit kaagad siya... "B-bakit ka ba nagalit?" ang tanong ko rin.
"A basta, huwag mong pakialaman ang mga gamit ko!" ang padabog niyang sagot sabay talikod.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganoon ang inasta niya. Kasi naman, kapag may problema siya, kahit gaano man kalaki ito, hindi mo mapapansin iyan na may problema. Nakangiti pa rin siya lalo na kapag nakikita ako. Sabi pa nga niya minsan na ako raw and solusyon sa lahat niyang mga problema. Kapag binibiro ko na yan, parang napapawi daw ang sama ng loob niya.
Pero iba ang ipinakita niya sa akin sa tagpong iyon. Hanggang sa lumipas pa ang ilang araw, palagi ko na siyang nakikitang malalim ang iniisip at kapag kinakausap ko ay umaalis, o nag-aalibi na may gagawin o pupuntahan. Hindi na rin siya dumadalaw sa akin at kapag hinahanap ko sa boarding house nila, kadalasan ay wala ito at kapag nandoon man, ayaw akong harapin. Kesyo may ginagawa, kesyo natutulog, kesyo, hindi maganda ang pakiramdam. Kung anu-anong palusot.
Ang siste, pati ang tarabaho niya ay napabayaan. Marurumi na ang area niya sa building. At napupuna ito ng mga estudyante. Tinanong ko ang kanyang mga kasamahan sa trabaho na parehong-pareho ang sagot sa akin - nagbago na nga si Marbin at may ibang grupo at kaibigang sinasamahan.
Mistula itong sibat na tumama sa aking puso. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang siyang nagbago at ibang kaibigan ang sinasamahan samantalang wala namang problema sa aming pagiging magkaibigan.
Nagtatanong din ako sa iba pang mga nakakakilala sa kanya. At ang sabi-sabi nila ay sumasali daw ito sa swastika fraternity.
Sobrang sakit ng aking naramdaman.
"Akala ko ba ayaw mo akong sumali sa fraternity na iyan dahil magulo, sindikato, at at hindi natatakot na pumatay ng tao ang grupo na iyan? Bakit ikaw? Gusto mo na rin bang pumatay ng tao?" tanong ko sa kanya noong nakatyempo ako na nag-isa siya sa student center.
"Bakit? Hindi ba ako puwedeng sumali sa kung anong grupo o mga kaibigan kung saan ako maligaya?"
"Maligaya? Sinira mo ang iyong pangarap? Tingnan mo, ang trabaho mo, pinabayaan mo na? At akala ko ba ang kaligayahang sinasabi mo ay nakakamit sa pagtulong sa kapwa?"
"Dati iyon. Lahat sa buhay ay nagbabago... Hindi mo ba naintindihan? Nagbago na ang pananaw ko. nagbago na ang pagkatao ko. Iba na ako."
"Tol... hindi tayo nagbabago dahil gusto lamang nating magbago. I-embrace natin ang pagbabago kung nakabubuti ito sa atin. Kung ito ay nakasisira sa ating pagkatao, hindi mo kailangang kamtin ang pagbabagong iyan."
"At sino naman ang nagsabi sa iyong kasiraan ito sa akin?"
"Ako! Di mo ba alam? Tatanggalin ka na raw sa listahan ng mga working students kapag patuloy mong pinapabayaan ang iyong assignment!"
"Ah... iyon lang? Ok lang. May grupo naman ako. Hindi nila ako pababayaan?"
"Ganoon na lang iyon? Anong kapalit?"
"Oo. Ganoon na lang. Walang kapalit. At huwag ka nang makialam pa sa akin! Pabayaan mo na ako, ok? Kalimutan mong may kaibigan kang ang pangalan ay Marbin! Burahin mo ito sa iyong isip." ang sambit niya sabay tayo at talikod, at nagmadaling naglakad palayo sa akin.
"Marbinnnnnn!" sigaw ko.
Ngunit hindi na niya ako nilingon pa.
Parang sinaksak ng maraming beses ang aking puso sa mga sinabi niya. Hindi ako nasaktan dahil lang sa aming tila binalewalang pinagsamahan kundi dahil ipinagpalit din niya ako sa isang grupong alam kong sisira lamang sa kanyang buhay at mga pangarap.
Parang gusto kong magalit at magtampo sa kanya. Ngunit tiniis ko na lang ito dahil naisip ko ang kabaitang ipinakita niya sa akin at sa aking mga magulang. At nasabi ko sa aking sariling ipaglaban ko siya; babawiin ko siya sa grupong iyon.
Tinangka kong kausapin ang isang myembro na nagrecruit sa akin dati. "Bro... p-puwede bang sumali sa grupo ninyo?"
"Bro... sorry, hindi kami nagrerecruit ngayon. At lalo na sa iyo..." Ang sambit ng kausap kong myembro sabay talikod na parang hindi interesadong kausapin ako. At parang may laman ang huling sinabi niyang "At lalo nang hindi sa iyo." May malaking katanungan iyon para sa akin.
Kahit busy na ako sa pag-aaral gawa nang patapos na ang school year at nalalapit na ang finals, naglaan pa rin ako ng oras sa pagre-research tungkol sa grupo at nagtatanong kung sinu-sino ang mga myembro nila upang sila naman sana ang kauspin ko.
Ngunit habang ginagawa ko ang pagreresearch, pumutok naman ang balitang hindi na sumipot pa si Marbin. As in walang nakakaalam kung nasaan. Pinuntahan ko ang bahay ng tita niya ngunit hindi rin nila alam kung nasaan siya. Isang linggo na raw itong hindi sumipot at naipa-blotter na rin nila sa kapulisan kung kaya doon na pumutok ang balita dahil sa ginawang imbestigasyon ng mga pulis.
Tinanong ko na rin ang lahat ng mga maaaring nakaalam kung nasaan siya, mga kasama niyang working students, mga ka-klase, guwardiya ng school. Wala...
Sobrang lungkot, pagkalito, at pagkabahala ang aking nadarama. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya at natakot akong baka napaano na siya. At malakas ang kutob kong ang grupong swastika fraternity ang may kagagawan ng lahat.
Nasa ganoon akong kalalim na pag-iisip noong sumagi sa isip ko ang locker niya sa utility room. Binigyan niya kasi ako ng duplicate na susi dati dahil kung gusto kong magbaon ng damit sa school, doon ko na lang din ilagay, kasama ng sa kanya.
Dali-dali kong tinumbok ito, nagbakasakaling may mahanap akong pruweba na maibigay sa mga pulis tungkol sa fraternity na iyon. "Ang mga swastika na drawing sa kanyang notebooks, damit at iba pang gamit..." sambit ko.
Ngunit nadismaya ako dahil iba na ang nagmamay-ari ng locker niya. Iba na kasi ang susi ay hindi na pangalan niya ang nandoon. Pinalitan na siya.
Tiningnan ko ang likod ng locker. Sa likod kasi noon ay may lihim na bulsa kung saan namin inilalagay ang mga mensahe namin sa isa't-isa; kapag may problema sa schedule ang sino man sa amin halimbawa, upang hindi na mamomroblema sa paghahanap, kagaya ng "Tol... may bisita palang mga madre sa ibang congregation ang darating bukas kaya ipinalinis na rin ni Sister ang chapel, ma late ako ng isang oras.." Minsan, kahit mga wlaang kwentang sweet nothings lang ang nakasulat dito kagaya ng, "Tol... malapit nang magbukas ang internet café, excited na ako yeheeeyyyyy!!!" o kaya ay "Tol... na miss ko na ang chatmate ko! Atat na atat na akong makikipag chat sa kanya!" o "tol... nakasalubong ko ang chatmate ko kanina, hayop sa porma!" "Ano kaya ang nakain ng chatmate ko at mukhang suplado kanina hinid namamansin?" mga ganoong mensahe.
Sinilip ko ito at may nakita akong mga nakatuping pahina ng notebook. Hinugot ko ang mga ito at noong lumantad sa aking paningin ang nakasulat, "Sulat kamay ni Marbin!" sigaw ng utak ko.
"Dear tol... una sa lahat, gusto kong manghingi ng tawad sa inasal ko nitong nakaraan. Sa kabila ng hindi magandang ipinakita ko sa iyo, nasasaktan ako. Ngayon ko sasabihin sa iyo; sumali ako sa fraternity dahil sa sindikato. Ikaw ang target nila. Nanligaw ang lider nila kay Emily at binasted ito. Kung kaya galit na galit ang lider nila sa nangyaring pambabasted ni Emily at ipinangako nito na walang sino mang lalaki ang makakaangkin sa kanya; na kung may lalaki mang manligaw sa kanya, pahirapan nila ito. Noong nalaman nilang nanligaw ka, gusto na nilang tirahin ka, i-recruit kunyari sa grupo at doon na pahirapan. Ngunit nakiusap ako sa kanilang lider na ako na lang ang sasalo sa iyo, huwag ka lang mapahamak. Sumang-ayon sila, sa isang kundisyon na huwag mo nang ituloy ang panliligaw dahil kung ituloy mo pa rin, pahihirapan nila ako... at patayin. Kung naalala mo, ilang beses kitang tinanong kung mahal mo si Emily. At sa bawat pagtanong ko sa iyo, sinasagot mong mahal mo siya. Kaya imbes na ibunyag ko ang lahat inilihim ko na lang ito sa takot na baka magalit ka sa akin at isipin mong siniraan ko si Emily, dahil sa mga nangyari... sa atin. Ayokong maging hadlang sa pag-ibig mo... sa isang babae. Kaya tiniis ko ang mga pagpapahirap ng grupo. Binalaan nila akong huwag magsumbong kung kaya idinodrowing ko na lang ang swastika ng patago, upang kung ano man ang mangyayari sa akin, alam mo na kung saan ako hahanapin. Nitong nakaraang araw, may tip-off akong narinig na itutumba na raw nila ako. Kung sakali mang mangyari iyan, hihilingin ko sa iyo na huwag magreport upang hindi kayo mapahamak. At si Emily... wala kang sasabihin sa kanya. Hintayin mo na lang na makatapos kayo ng pag-aaral at kapag wala na kayo sa school na ito atsaka ninyo ituloy ang inyong pagmamahalan. Alam ko, mahal ka rin niya. Tol, ngayon ko lang ito sasabihn sa iyo... at sana ay patawarin mo ako. Mahal na mahal kita. Sana ay maintindihan mo ako. Iyan ang tunay kong naramdaman. May binili rin akong kwintas na isiningit dito, nasa akin ang isa at ang nandito ay para sa iyo. Kalahating heart ang pendant niyan. Ang kalahati naman ay nasa akin. Kapag itinabi ang dalawang pendant, mabubuo ang hugis na puso. Pagpasensyahan mo na, iyan lang ang kaya kong bilhin... Mag-ingat ka palagi tol. Kahit saan, kahit kailan, kahit anong mangyari, kagaya ng pendant na iyan, hindi mabubuo ang puso ko kapag wala ka... -Marbin-"
Namalayan ko na lang ang pagpatak ng aking mga luha. Pakiwari ko ay gusto kong maglupasay sa kanyang mga sinabi. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Hanggang sa naalimpungatan ko ang sariling nagtatakbo at nag-iiyak bagamat hindi ko alam kung saan patungo. Gustuhin ko mang magsumbong sa mga pulis, hindi ito puwede dahil maaaring lalong mapahamak Marbin at si Emily.
Naisipan kong puntahan muli ang tinutuluyan noong isang myembro ng fraternity na nagrecruit sa akin. Ngunit ayaw niya akong kasusapin. Ang sabi niya lang sa akin ay wala daw kinalaman ang grupo niya sa pagkawala ni Marbin. At pinagbantaan pa niya ako na huwag silang isangkot kung ayaw ko raw magulo rin ang aking buhay.
Habang naglalakad ako nang walang direksyon, napadaan ako sa isang simbahan. Doon nanalangin ako na sana hindi darating sa puntong papatayin nila si Marbin. Iyak ako ng iyak sa loob ng simbahan. Hindi man ako ganoon ka relihiyoso ngunit sa pagkakataong iyon na sobrang hopeless at helpless ako, sa kanya ka pa rin pala lalapit at huhugot ng lakas. "Sana po... huwag ninyo siyang ilagay sa kapahamakan. Napakabait po niyang tao. Ngunit kung ano man po ang lpano ninyo para sa kanya, thy will be done po. Masakit man ang kahinatnan ng lahat, pipilitin ko na lang pong tanggapin. Pero sana, huwag po ninyong pahintulutan na masaktan siya, na maghirap siya... Sobra-sobra nap o ang paghihirap niya sa buhay. Wala po siyang mga magulang na nagmamahal sa kanya, dinanas po niya ang mabibigat na trabaho at matinding kahirapan. Sana po ay huwag na po niniyong dagdagan..."
Noong nasa labas na ako ng simbahan, naglakad muli ako hanggang sa narating ko ang plaza. At sa lugar na paborito naming tambayan, sa ilalim ng malaking puno ng talisay sa seafront, nakaharap sa aplaya na pinangalanan naming "Internet Café" doon ko ibinuhos ang lahat ng sama ng loob. Nag-iiyak, hinayaang pumatak nang pumatak ang aking mga luha. Sobrang hirap ng aking kalooban. Alam kong nasa mahirap na kalagayan si Marbin, na ako ang dahilan ng lahat ngunit wala akong maitutulong sa kanya. Mistula akong isang baliw na dala-dala ang sulat at ang kwintas ni Marbin at hinalik-halikan ko ang mga iyon. Kinakausap. "Tol... bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit??? Pwede ko namang hindi ituloy ang pangliligaw kay Emily eh! Kung sinabi mo lang sana tol!!!!" ang sigaw ng utak ko at siya pa ang aking sinisisi.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nag-iiyak sa sea-front na iyon. Ang alam ko lang ay hapon pa iyon noong naupo ako sa sementong bench ngunit sa oras na iyon, mga ilaw na galing sa mga lamp posts na ang aking namalayan.
Ang saklap. Parang sa dami ng tao sa mundo, nag-iisa kong pinapasan ang mabigat ng dinadala at wala man lang ni isang pumapansin sa kalagayan namin. Habang nilalakad ko ang kahabaan ng daan patungo sa aking dorm, wala ring patid ang pagdaloy ng aking mga luha.
Kinabukasan, sa school, alas 2:00 iyon ng hapon katatapos ko lang sa pinakahuling test sa finals. Iyon na rin ang huling araw ng pasukan. Lumapit sa akin ang isang kasama ni Marbin na working student din. "Pare, alam mo na ba ang bagong balita?"
"Ang alin?"
"May natagpuan na bangkay sa ilog malapit sa malaking tulay. Ang hinala nila ay itinapon ito dito."
"Ha???" sambit ko, biglang lumakas ang kabog ng dibdib. "Sino daw iyon???"
"Ang sabi nila ay bangkay daw iyon ni Marbin. Basag ang mukha at hindi na makikilala. Ngunit ang tindig, ang katawan... lahat ng pagkakakilanlan ay kay Marbin. At hindi lang iyan... wala ding nag-claim sa bangkay. Kaya kinuha na ito ng tita ni Marbin. Nasa punerarya pa raw ngayon ang bangkay ngunit mamayang gabi ay sa bahay na ng tita niya ideretso ito para sa lamay."
Iyon ang huli kong narinig. Nagcollapse ako at noong nanumbalik na ang malay, nasa school clinic na, nakahiga. "Huwag mong masyadong dibdibin ang pagkawala ng kaibigan mo, Benedict... lahat tayo ay nasaktan sa nangyari ngunit huwag kang padadaig sa iyong naramdaman. Pilitin mo ang sariling tanggapin ang lahat." Ang sabi sa akin ni Sister Clarisse, ang boss ni Marbin sa mga working students.
"Masakit lang kasi Sister eh..." ang sagot ko na lang bagamat nagsisigaw ang aking isip na sabihing ako ang dahilan ng lahat.
"Sige lang. Normal lang ang nasasaktan. Makabubuti kung sasama ka sa ibang mga kaibigan mo upang kahit papaano ay maibsan ang iyong dinadalang sakit."
Pinalabas ako ng clinic. At bago ako tuluyang lumisan sa unibersidad na iyon, dinayo ko ang building kung saan ko unang nakita si Marbin. Maaaring iyon na rin kasi ang huling sandaling masilayan ko ang lugar na iyon dahil lilipat na ako ng eskuwelahan.
Tila gumuho ang aking mundo noong narrating ko ang second floor, ang mismong lugar na palaging nililinis ni Marbin. Pakiramdam ko ay naubusan ako ng lakas at tuliro ang aking pag-iisip.
Umupo ako sa isang sulok kung saan ko kadalasang hinihintay at pinapagmasdan si Marbin habang ginagawa niya ang pagma-mop sa sahig. Napaka-memorable ng lugar na iyon. Doon nagsimula ang aming pagkakaibigan; ang lugar na iyon ang naging daan upang malasap ko ang unang mga karanasan sa piling ni Marbin; sa lugar na iyon ibinigay sa akin ang isang taong siyang nakapagbibiay sa akin ng ibayong saya at inspirasyon sa buhay; sa lugar na iyon ko nakilala ang isang Marbin, na hero ng aking buhay...
Naalala ko tuloy ang isang insedente habang hinintay ko siyang matapos sa kanyang pagma-mop. Hinid siya maaawat sa pagku-kuwento noon. Tinatawanan ko at tinawag ko pang "hyper" sa pagkukuwento at pagpapatawa. At napasok sa kuwento ang kamatayan. "Tol... kapag namatay ako, sasabihin k okay San Pedro na magwoworking student pa rin ako at sa langit ko tatapusin ang aking pag-aaral. At alam mo kung anogn trabaho ang aaplayan ko sa pagwoworking?" sambit niya.
"Magma-mop sa mga ulap?
"Gagi! Hindi mop angginagamit nila sa pagpapaputi ng mga ulap!"
"Ano?"
"Iyong mga pakpak ng mga anghel, Habang lumilipad sila, natatanggal ang mga alikabok sa ulap..."
Tawa naman ako ng tawa.
"Kaya ibang trabaho ang aaplayan ko."
"Ano?"
"Guardian angel mo."
Na sinagot ko naman ng, "Sigurado ka kaya? Baka maging devil ka?"
"Ay mas maganda kung devil ako. Kasi kapag may mga nang-aapi sa iyo, lahat sila ay susunugin ko!"
Tawanan.
Maya-maya, nabigkas ko naman ang, "Siguro... ang swerte-swerte ng mapangasawa mo tol..."
"Bakit?"
"Kasi, ang sipag-sipag mo na, mabait ka pa."
"Mas maswerte ang best friend ko."
"Bakit?"
"Kasi, ipinangako ko sa sarili ko na kahit mag-aasawa pa ako, mas mamahalin ko pa ang best friend ko..."
Napangiti lang ako sa kanyang sinabi. "E... sino ba ang best friend mo?"
"Ewan..." napahinto siya sa pagma-mop. "Sandali, itatanong ko rito sa puso ko ha?" at yumuko siya na parang pinakinggan ang kanyang dibdib "Hayan... narinig ko ang tunog ng tibok niya ay BE-NE-DICT, BE-NE-DICT, BE-NE-DICT"
Tawa naman ako ng tawa. Pero syempre, sa kaloob-looban ko, mistulang kiniliti rin ang puso ko.
Limang araw ang lamay sa bangkay ni Marbin. At sa araw na inihatid na siya sa kanyang huling hantungan, lahat ng mga kasama niya sa working students ay nandoon, mga madre na may-ari ng unibersidad, mga estudyanteng nakakilala sa kabaitan niya, at syempre, ang aking mga magulang na nabiyayaan din sa kanyang kabaitan.
Alas 6 na iyon ng gabi, ako na lang ang naiwan sa mga naghatid kay Marbin. Sa kanyang puntod ipinangako ko na hindi ko siya malilimutan; na iingatan ko ang aming mga ala-ala at ang ibinigay niyang kwintas sa akin.
Dinukot ko sa aking bulsa ang ginawang sulat para sa kanya. Binuksan ko ito at binasa. "Dear Tol... Hindi ko alam kung paano kita pasalamatan sa mga nagawa mong kabutihan sa akin. Hindi sapat ang mga salita upang matumbasan ko ang lahat ng mga ibinigay mo sa akin at sa aking pamilya. Maraming salamat sa kabaitan mo. Maraming salamat sa gma pagtulong mo. Maraming salamat sa mga magagandang alala-alang iniwan. At higit sa lahat, maraming salamat sa pagbuhis mo ng buhay para sa akin. Ikaw ang aking hero tol... Ikaw ang dahilan kung bakit nandito pa ako, buhay. Kaya pahalagahan ko rin ang buhay ko tol, para sa iyo. Habang buhay ako tol, palagi kang nandito sa puso ko. At ipangako ko rin sa iyo na palagi kong isusuot ang kwintas na ibinigay mo. Tol, hindi mo man ako binigyan ng pagkakataong sabihin ito sa iyo... MAHAL NA MAHAL din kita. Kung sinabi mo lang sana kaagad, hindi na sana hahantong pa ang lahat sa ganito. Pero wala na akong magagawa... kundi ang mangarap na sana papayagan ka ni San Pedro na maging guardian angel ko. Alam ko naman, gagawin mo ang lahat para sa akin. Paalam Tol. Rest in peace... --Benedict--"
Tinupi ko muli muli ang aking sulat atsaka ipinatong ito sa ibabaw ng kanyang nitso sa gilid ng nakahigang Krus. At bago ako tuluyang lumisan, pinatugtog ko ang kantang narinig namin sa ospital habang inoperahan doon ang aking inay sa kanyang pagtulong. Ito ang naging theme song namin. "Tol, para sa iyo..."

One Friend - Dan Seals Song Lyrics
I always thought you were the best
I guess I always will.
I always felt that we were blessed,
And I feel that way, still.
Sometimes we took the hard road,
But we always saw it through.
If I had only one friend left,
I'd want it to be you.
Sometimes the world was on our side;
Sometimes it wasn't fair.
Sometimes it gave a helping hand;
Sometimes we didn't care.
‘Cause when we were together,
It made the dream come true.
If I had only one friend left,
I'd want it to be you.
Someone who understands me,
And knows me inside out.
And helps keep me together,
And believes without a doubt,
That I could move a mountain:
Someone to tell it to.
If I had only one friend left,
I'd want it to be you.
Instrumental Break.
‘Cause when we were together,
It made the dream come true.
If I had only one friend left,
I'd want it to be you.
Someone who understands me,
And knows me inside out.
And helps keep me together,
And believes without a doubt,
That I could move a mountain:
Someone to tell it to.
If I had only one friend left,
I'd want it to be you.
"If I had only one friend left, I want it to be you... Paano na iyan? Wala na ang one friend na pipiliin kong sana ay maiwan para sa akin. Sayang.... Pero, huwag kang mag-alala tol; lagi kitang dadalawin dito. Rest in peace ka lang tol." Ang huli kong sinabi bago ko tuluyang nilisan ang kanyang puntod.
------------------------------
Malapit na namang magsimula ang pasukan. Dahil lumipat ako ng eskuwelahan, hindi ko na naman kabisado ang pasikot-sikot sa enrolment. At kagaya noong una kong pag enrol sa eskuwelahan kung saan kami nagkita ni Marbin, naligaw na naman ako. Napunta ako sa isang building na walang tao, na akala ko ay Guidance Office.
Bigla kong naalala si Marbin. At dahil kusang pumatak na lang ang aking mga luha sa tindi ng lungkot sa pagpasok ng ala-ala na iyon, naupo muna ako sa isang gilid ng hallway upang doon panandaliang ipinalabas ang aking dinadalang sama ng loob.
Nasa ganoon akong paghagulgol noong biglang sumulpot ang isang janitor na tulak-tulak ang isang mop. Napatingin ako sa kanya. Dahil sa hiya, pinigilan ko ang sarili at hindi nagpahalatang umiyak. Palihim ko ring pinahid ang mga luha sa aking pisngi at mga mata.
Ngunit mas lalo ko pang naalala si Marbin sa janitor. Sa kulay kasi ng kanyang balat, sa hugis ng kanyang matipunong katawan, sa taglay nitong tangkad, kahawig na kahawig niya si Marbin. At nakahubad din ang pang-itaas niyang katawan habang nagma-mop sa sahig na iyon. Ang kaibahan nga lamang ay imbis na ilaylay niya sa kanyang bulsa ang hinubad na t-shirt, itinakip niya ito sa kanyang mukha, proteksyon marahil sa maalikabok na paligid.
Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mag-flashback sa isip ko ang eksena kung saan una kaming nagtagpo ni Marbin. Naligaw rin ako noon, hindi mahanap ang Guidance Office at napunta sa isang building na nilinis niya. At bagamat abala siya sa kanyang pagma-mop, bumaba pa talaga siya upang ituro sa akin ang pathwalk na siya kong tahakin patungo sa guidance Office. Tila napaka-sariwa pa sa akin ang lahat.
Binitiwan ko ang isang malalim na buntong-hinigna. "Parang kailan lang nangyari ang lahat..." Hindi ko na naman natigilan ang kusang pagdaloy ng aking mga luha.
Naisipan kong umalis na lang sa lugar upang maiwaglit sa isip ang mga ala-alang kusa na lang pumapasok sa aking isip. Tumayo ako at tinumbok ang hagdanan pababa sa building.
Nakailang baiting na ako sa hagdanan noong bigla namang sumigaw ang Janitor ng, "Boss, nalaglag ang kwintas mo!"
Napalingon ako at tiningnan ang itinurong kwintas ng Janitor. Nakalatag ito sa sahig na dinaanan ko. "Ang kwintas ni Marbin!" Sigaw ng isip ko.
Ngunit laking pagkagulat ko noong kinapa ko sa aking leeg ang aking kwintas, nandoon pa rin ito. At upang makasiguro na iyon nga iyon sa aking leeg, inilabas ko ito mula sa ilalim ng aking t-shirt. At nasa leeg ko nga siya!
Natulala ako at hindi makapaniwalang may isang kwintas na sumulpot at kahawig na kahawig pa ito sa kwintas na suot-suot ko! Napako ako sa aking kinatatayuan, hindi malaman kung angkinin iyon o sasabihing hindi iyon sa akin. Ngunit ang ikinamangha ko sa lahat ay bakit parehong-pareho?
Nasa ganoon akong kalituhan noong tinanggal ng janitor ang nakatakip na t-shirt sa kanyang mukha. At lalo pa akong natulala at nanginig ang buong kalamnan noong nakita ang mukha niya. At doon hindi ko na napigilan ang sariling hindi mapasigaw ng, "Marbinnnnnnnn??? Ikaw ba iyan???"
Ngumiti lamang siya sabay takbo palapit sa aking kinaroroonan atsaka niyakap ako. "Oo... ako. Gusto mong magpaturo kung saan ang Guidance Office?" ang biro niya sa akin.
Ngunit hindi na ako nakasagot. Tuluyan ko nang pinakawalan ang mga luhang aking pinigilan. Humagulgol ako sa sobrang kaligayahan, naglupasay, at nanginginig ang aking buong kalamnan.
Noong nahimasmasan na, doon ko na siya inulan ng mga tanong. "Paano ka nabuhay? Paano ka nakarating dito? Ano ang nangyari?"
At kinuwento niya na pinatakas siya sa lider ng fraternity gawa ng naawa ito sa kabaitan ni Marbin at sa isang kundisyon na huwag nang magpakita sa mismong unibersidad. At dahil inihinto ko na rin ang panliligaw ko kay Emily, kung kaya lalo pang napadali ang pagpakawala sa kanya ng grupo.
"Sino pala iyong inilibing namin na itinapon sa ilog?"
"Ah... hindi ko na masasagot iyan. Marami naman kasing salvage victim ang itinatapon sa ilog na iyon, di ba?"
"Sabagay..." sagot ko.
"Parang ayaw mo yatang mabuhay pa ako eh..." biro niya.
Na sinagot ko rin ng pang-aasar na biro. "Oo naman. Akala ko pa naman magkakaroon na ako ng guardian angel. Sayang lang ang mga luha ko."
Tinitigan na lang niya ako. "G-gusto mo mag-chat tayo..." ang mahinang sambit niya, ang mga mata ay tila nakikiusap.
"Weeee. Wala kayang internet café dito."
"Anong wala? May sarili na kaya akong kuwarto. Noong nakatakas na ako at binalaan na huwag nang bumalik sa lugar na iyon, nilapitan ko ang fashion designer na nag-alok sa akin ng part-time modelling na trabaho. Nalala mo ang pagkapanalo ko sa pa-contest? Iyon... At naawa siya sa akin kung kaya binigyan niya ako ng advanced payment para pambayad sa aking flat. At may trabaho na rin ako, para s aking mga pang-araw-araw na pangangailangan. Kaya... libre na tayong mag-internet sa bagong internet café natin - sa kuwarto ko!" ang masaya niyang sabi, bakas sa kanyang mukha ang matinding kaligayahan.
"Talaga?" Ang sagot ko. "E... bakit ka pa nag-working student? May modelling work ka naman pala?"
"Bakit ko iiwanan ito? Kung hindi dahil dito, hindi kita makilala. Lucky charm sa akin ang trabahong ito tol... At isa pa, gusto kong palaging naaalala ang aking pinagmulan. Ayokong lumaki ang aking ulo. Gusto kong ipakita sa ibang mga estudyante na ang ganitong trabaho ay marangal at puwedeng maipagmamalaki."
Hindi na ako nakasagot. Sa isip ko, walang duda na siya nga si Marbin. At ganoon pa rin siya, hindi nagbabago, nandoon pa rin ang nakaka-inspire niyang paniniwala at paninidigan sa buhay.
"Mamaya, pagkatapos mong magpa-enroll, punta tayo sa internet café ko. Mag-chat tayo. Miss na miss ko na kaya ang chatmate ko. Sobra..."
Tinitigan ko siya. Tinitigan din niya ako. Nakabibighani ang kanyang ngiti, dagdagan pa sa kanyang mga dimples at mapuputing mga nginpin.
Binitiwan ko ang isang nakakalokong ngiti sabay abot ko sa aking kamay. "Benedict!"
Tinaggap niya ang aking pakikipagkamay sabay sabi rng, "Marbin".
"Nasaan na nga pala ang daan patungong Guidance Office bro? Bago lang ako dito eh!"
"E di hanapin mo? Mahirap bang gawin iyan? Anong paki ko sa iyo?" ang biro niyang pagtataray.
"Hindi iyan ang linya mo dati eh!!!" pagtutol ko pa.
"Ay hindi ba? Ano nga pala uli iyon?"
At sabay kaming nagtawanan.
Wakas.

