MASAYA PA BA AKO!
MASAYA PA BA AKO
Yan minsan ang katanungan na mahirap masagot MASAYA PA BA AKO? Minsan sa buhay ng tao dumarating ang oras na pakiramdam natin hindi na tayo Masaya, pakiramdam natin na parang ang bigat ng ating kalooban, pakiramdam natin nag-iisa tayo sa mundo. Bakit ba dumarating sa buhay natin ang ganyang pakiramdam? Dumarating sa ating buhay ang ganyang pakiramdam dahil ang ganyang pakiramdam ay kaakibat ng ating buhay, kapag may saya, may kalungkutan.
Kapag may tagumpay may roong kabiguan, kapag may hirap may saya, kapag may masama may mabuti, kapag may mahirap may mayaman, parte ng buhay ang lahat ng iyan kailangan maging balance tayo sa ating buhay. Kaya kailangan marunong tayo at alam natin kung ano meron ang buhay. Minsan nagkukunwari tayo, pretending na Masaya pero ang totoo kalungkutan ang ating nararamdaman. Minsan kapag nabibigo tayo dun natin nararamdaman ang salitang depression, naiisip natin at minsan nagtatanong tayo Masaya pa ba ako sa ginagawa ko?, Masaya pa ba ako Sa relation ko?, Masaya pa ba ako sa aking trabaho?, Masaya pa ba ako sa aking buhay?, yan ang mga katanungan natin sa ating sarili. Papano ba natin malalaman kung Masaya pa tayo.? Subukan niyong humarap sa salamin! Tanungin ninyo ang inyong sarili ano ba talaga ang gusto mong gawin at ano ba talaga ang bagay na makakapag pasaya sayo? Kilalanin mo mabuti ang iyong sarili , hugutin mo sa ikabuturan ng iyong puso kung ano ba talaga ang nararamdaman mo, minsan kasi kaya hindi natin maramdaman ang lubusang kaligayahan, dahil nagbubulag bulagan tayo sa mga pangyayari sa ating buhay, mahilig tayo magkunwari sa ating sarili na Masaya tayo, minsan din wala na tayong oras sa ating sarili kaya nakakalimutan natin kung ano ang bagay na makakapag pasaya sa atin.
Tayo lang sa sarili natin ang nakakaalam ng mga bagay na makakapagpasaya sa atin, dahil minsan nalilito tayo sa ating nararamdaman , hindi natin maipaliwanag ang tunay nating nararamdaman , minsan mahirap mamuhay kapag hindi kana masaya sa ginagawa mo, katulad sa trabaho minsan kahit hindi na tayo Masaya sa trabaho natin, nandun pa rin tayo nagtitiyaga sa ating trabaho dahil natatakot tayo na baka mawalan tayo ng trabaho at hindi na tayo makakahanap pa ng ibang trabaho, minsan naman sa relationship natin kahit hindi na tayo Masaya sa relation natin , sege pa rin nandun pa rin tayo sa relation na yun dahil natatakot tayo na baka hindi natin makayanan ang sakit na ating mararamdaman kapag humiwalay tayo, minsan nalilito tayo na akala natin pagmamahal parin ang nararamdaman natin yun pala awa nalang sa kanya kaya hindi natin siya maiwan.
Yan minsan ang dahilan kaya hindi natin maramdaman ang tunay na kaligayahan at kasiyahan sa buhay dahil takot tayo sa ano mang pwedeng mangyari, nagiging duwag tayo harapin ang katotohanan, nagiging martir tayo, minsan din wala tayong kasiyahan sa buhay dahil minsan na sa atin na lahat parang may kulang pa hindi pa rin tayo Masaya. Dapat natin alamin sa ating sarili ang tunay nating nararamdaman, bago tayo gumawa na kahit anong desisyun alamin natin mabuti sa ating sarili na ito ba ang makakapagpasaya sa akin?, dito ba ako magiging Masaya?, siya ba ang makakapag pasaya sa akin?.
Huwag na huwag tayo gagawa ng disisyun sa ating buhay kung hindi tayo sigurado sa nararamdaman natin, gagawin lang natin ang isang bagay dahil sa napipilitan tayo , gagawin natin dahil yun ang gusto ng iba, gagawin natin dahil kailangan. Kailangan gawin natin yan at kaya tayo nag desisyun dahil alam natin na yan ang bagay na makakapag pasaya sa atin, yan ang gusto natin, at kailangan alam natin na diyan tayo magiging masaya habang buhay.
At minsan kaya hindi na natin maramdaman ang salitang kasiyahan dahil hindi na natin kilala ang ating sarili, marami na ang nababago sa atin. Kaya gawin natin ang bagay na sa tingin natin na makakapag- pasaya sa atin. Dahil ang buhay ay maigsi lang na hindi natin alam na kahit anong oras pwedeng kunin sa atin. ( LIFE IS SO SHORT ,DO WHAT MAKES YOU HAPPY?.
Author
rdm 23/12/07


