MASISISI BA NATIN SI JUAN?

Amos Tarana's picture

(ipost ko ulit bilang panibagong post sa blog -- medyo mahaba kasi baka mapagod magbasa ang mga kasama) 

..............

 

kapatid na rom, taenga ko ang dumugo matapos basahin ang sinulat mo hehehe (dalhin n'yo ako sa ospital).

nakakapagpakulo nga talaga ng dugo ang mga nangyayari ngayon sa paligid.

at ang sinumang hindi kumulo ang dugo sa mga nangyayari sa paligid (lalo na sa balakin na cha-cha) aba naman....(ano bang magandang salita na maaring itawag sa kanila).

nagpapakita lang na kailangan pa talagang paigtingin ang pagkilos at mahaba pa ang paglalakbay na dapat tahakin.

kaya para sa mga manunulat na kasama sa fw, na sa ngayon ay pagsusulat lang muna ang kaya, paano kaya natin magagawan ng paraan para irehistro ang ating pagkundina sa kagaguhan ni gloria na ngayo'y nag-aaleluya. 

kahit irehistro o magrehistro lang muna ng pagkundina sa paraang pagsusulat (kung ito lang ang tanging kaya pansamantala).

tungkol naman sa lohika, nagkaroon ako minsan ng pagkakataon upang upuan ang paksang ito at pormal na pag-aralan at saliksikin ang kabuluhan nito sa kulturang noypi.

sa pag-aaral at pananaliksik na ito, nakita ko na karamihan sa mga mag-aaral sa kolehiyo ay nahihirapan sa paksang ito (logic/philo). hindi dahil sa mahirap ang paksa ngunit dahil sa hindi angkop ang paraan sa pagtuturo nito. 

sa mga paaralan kasi, ingles ang ginagamit ng guro sa pagtuturo ng lohika kahit na nga filipino naman mag-isip ang mga mag-aaral.

kaya tuloy ang mga mag-aaral ay nauuwi lang sa pagmimemorya at hindi sa pagkatuto.

pati na minsan ang mga guro na nagtuturo ng paksang ito ay hindi nauunawaan ang kanyang itinuturo kaya hindi napapalalim na maigi ang talakayan.

sinubukan ko minsang magsagawa ng experimental research sa mga mag-aaral sa kolehiyo, ang isang grupo ay tinuruan ng lohika gamit ang ingles bilang midyum ng pagtuturo at ang isang grupo naman ay tinuruan ng lohika gamit ang wikang filipino.

pagkatapos ng semestre, binigyan ng pagsusulit ang dalawang grupo (ang pagsusulit ng dalawang grupo ay nakasulat sa ingles -- ito rin ang parehong pagsusulit na ibinigay sa kanila bago simulan ang eksperimento -- hindi rin po alam ng mga mag-aaral na sila ay pinagieksperimentohan). 

nakita sa huli na nakakuha ng mas mataas na marka ang mga mag-aaral na tinuruan ng lohika sa wikang filipino.

pagkatapos nito, iminugkahi ko sa paaralan na gamitin ang wikang filipino (o kaya'y katutubong wika) sa pagtuturo ng lohika.  ito ay upang mas matuto ang mga mag-aaral at maging mahusay sa pag-aanalisa. nagpresinta rin ako na tutulong sa pagsasalin ng mga gamit sa pagtuturo.

ngunit hindi ito pinayagan ng paaralan. alam mo ba kung bakit.  ito pala kasing si gloria ay ipinag-utos sa mga paaralan na gamitin ang wikang ingles bilang midyum sa pagtuturo.  upang ang mga mag-aaral daw ay maging 'equipped' sa pakikipagsabayan sa globalisasyon. para madali silang matanggap sa trabahao sa ibang bansa.

walang hiya. ito palang mga paaralan natin ay hinuhubog tayo para maglingkod sa hindi naman natin mga kalahi.  kaya naman ngayon, 4 sa 10 pinoy ang nangangarap na mag-abroad at iwanan ang lupang tinubuan sa mga mapagsamantalang gobyerno.

isa pa sa napatotohanan ko, na una na ring binanggit ni renato constantino sa 'mis-edukasyon', na ang pagtuturo, pag-iisip at pagsasalita sa ingles ay nakakahadlang sa mga mag-aaral upang MAGPALALIM SA KANILANG PAG-IISIP.

gets ba?

kung hindi pa, ito na lang, short cut po:

ang juan ay mababaw mag-isip

ang mababaw mag-isip ay napagsasamantalahan

si juan ay napagsasamantalahan

ngayon mga kapatid, dahil sa ipinapatupad na batas ng ating pamahalaan tungkol sa wikang panturo,

MASISISI BA NATIN SI JUAN?

ano sa tingin mo kapatid na rom, spike west, ilyanah, lyds at keira (na naging aktibo sa pakikipagtalakayan nitong nakaraang mga araw) pati na rin sa lahat ng mga makakabasa nito?

- amos Cool

 


Amos Tarana's picture

napansin ko rin pala, kaya

napansin ko rin pala, kaya inilagay ko ito bilang panibagong post, ang ilang mambabasa dito sa fw ay 'selective' kung magbasa.

pinakikinggan lang niya ang gusto niyang pakinggan, upang hindi siya mabuwal sa lumang paniniwala -- na kung saan, siya ay komportable na.

tapos magkukoment, iyong komento ay komento lang sa isang pangungusap, hindi muna binasa at inalam ang konteksto ng kanyang binabasa.

para bang bible sharing, pinipili lang kung anong nakaantig sa puso niya, at saka doon  na siya nagpalawig.  hindi na inunawa ang buong kuwento.

pansin ko lang hehehe

bato bato sa langit, ang tamaan... mananalo sana sa lotto.

- amos Cool

 

----------------  http://amostarana.blogspot.com/  ----------------

“Never doubt that a small group of thoughtful committed citizens can change the world. Indeed it is the only thing that ever has."

Rom's picture

sisingit muna ako!

 

mula kasi pagkabata tinuruan na tayo ng klase ng pag-iisip na may iisang direksyon lang, hndi tayo hinubog upang maging kritikal sa paligid. kung iyong mapapansin ang karamihan sa opinyon ng mga tao na maririnig mo at yung kung ano lang ang kanilang nakikita sa ibabaw ng balat ng mani.

aminado akong isa ako sa mga mababaw mag-isip at sadyang ang pagpapalalim ay nakakapagod at hindi iniencourage sa eskwela.

kung paanong nagtatawa tayo pag nakakita tayo ng katutubong nakabahag at kung minsan ay gagawin pa natin itong tampulan ng pagkutya o kaya laughing matter ang itsura nila, ganun din ang paggamit ng sariling wika bilang medium of instruction.

naalala ko nung nasa India ako, nagreklamo kaming mga pinoy sa management ng kumpanyang pinapasukan namin ako ang namuno na makiharap sa mga indianong ubod ng aangas ang mga bigote at sobrang tatapang (ng mga amoy) ang galing kong mag ingles! bilib sila sa Labor Terminologies at jargons ko, e nung magka asaran na dahil pinipilosopo kami lalo akong naging fluent---sa pagkakataong ito naging fluent akong magmura ng sunod sunod na Filipino.

mahirap kasing magpahayag ng totoong saloobin kung wikang di mo naka gisnan ang gagamitin mo e. masaya syempre kapag bihasa ka sa magkabilang panig ng wika english at Filipino, kaso pagmumura na nga lang kailangan pang "fuck you"

ang laging tanong, bakit hinahayaan at ginagatungan pa ng gobyerno partikular ng DepEd ang ganitong sistema?

simple lang...

ang mamamayang hilong-talilong sa lohika ng edukasyon ay hindi kailanman matututong makaintindi ng kanyang tunay na kalagayan--kalagayang pinagsasamantalahan. 

at pag di nakakaintindi ang kawawang pinoy o nahihirapan silang mag communicate, mas madali silang lokohin sa batas, paikutin sa ekonomiya,paglaruan sa cha-cha at alipinin sa relihiyon habang ninanakawan.

ang galing ano?

ang mga matatalinong pinoy naman na nagpaka dalubhasa ay hindi maiunat ang mga kamay sa mahihirap (hindi lahat) para tumulong kasi nga paano silang maiintindihan ng mahihirap kahit paliwanag sila ng paliwanag e sa wikang ingles nila naipapahayag ang laman ng utak nila e. 

bukod sa divide and rule tactic ng mga kastila noong unang panahon, divide and rule tactic din and edukasyong malasado ng ating bansa.

o sya sige yan lang muna...teka ha, o sa mga mahilig mag "fuck you" dyan sa mga post nila tingnan ko nga ang nalalaman nyo sa mga usaping ganito? patunayan nyo na hindi lang "fuck you" ang alam nyo at may alam din kayo sa usaping bayan. at JONAS kung inaakala mong ikaw ang binabanggit ko...ikaw nga! 

 

logo button 1

Amos Tarana's picture

sa sikolohikal na pagtingin

sa sikolohiyang pilipino, sinabi at napatotohanan ng pantas na si virgilio enriquez, na noon pa man ay ipinamukha na sa atin ng mga mananakop na ang kultura at pagkatao natin ay pangit at nakakababa.

ipinamukha rin nila (kastila at amerikano) na ang kultura lang nila ang nakakataas, maganda at dapat tingalain.

kaya sa loob ng paaralan at mga batas na ipanatupad (hal. speak english only policy) ay makikitang nagkakandakumahog tayo na maging katulad ng mga mananakop -- sa isip, salita at sa gawa.  colonial mentality ang tawag nito sa ingles.

at kapag sa pakiramdam natin na naigpawan na natin ang ating 'mababang kultura' o kaya'y sa tingin natin ay nakaahon na tayo sa 'kahirapan'

...ay muli nating binabalikan ang uring ating pinagmulan upang sila'y laitin dahil sa kanilang 'katamaran' at pagiging 'reklamador'.

ngayon, alam ba natin ito o may malay ba nating ginagawa ito (o sinasadya ba)?

hindi po. 

psychological kasi. 

naitanim na ang ganitong pag-iisip, matapos ng mahabang taon sa ilalim ng pananakop, sa ating subconcious

kaya akala natin minsan, nakakapagmalasakit tayo sa mga mahihirap, pero sa totoo pala ay wala na tayong pinagkaiba sa mga tao o lahi na noon pa'y nang-aalipin na sa atin.

sabi nga ni paulo freire:  ang inaapi ay dumarating sa panahon na nagiging mang-aapi na rin.

kaya imbes na ipagtanggol ang kanyang uri ay nagiging 'walang malay' na kasabwat na ng mga mang-aapi.

tayo po, naitanong na ba natin sa ating sarili kung totoo nga bang nakakababa ang ating kultura at pagkatao?

...bago yakapin ang kultura at pag-iisip ng mga mananakop.

ang ating mga pinagsasabi ba sa mga blog dito sa fw ay kinakikitaan ng pagtatangi sa kultura at pagkataong filipino?

pakibasa po ng sari-sarili nating post dito sa fw para malaman ang kasagutan hehehe

kapatid na rom,

ba't mo naman pinangalanan iyong tao, nanahimik na eh hehehe sige ka baka makisali rito at pagmumurahin lang tayo.

natatakot ako.

baka lalo silang mabored kapag ganito ang usapan (biro lang po).

- amos tarana Cry

----------------  http://amostarana.blogspot.com/  ----------------

“Never doubt that a small group of thoughtful committed citizens can change the world. Indeed it is the only thing that ever has."

noelablon's picture

isa ako sa mabababaw..

Inaamin ko po na isa ako sa mga mabababaw, lalong higit sa mga topic ng pulitika. Para kasi sa akin ang pulitika ay napakarumi na at sa nakikita ko ay nagiging bunga ito minsan ng alitan - basta ang topic eh relihiyon or pulitika asahan mo merong gulo.

Maganda ang iyong topic dito. Totoong makabuluhan nga ito kung maiisip ng karamihan. Ako man ay boto sa ninanais mo. Bilang karagdagan ko lang, sana hwag maging handlang itong ipinag-utos ni Pres. Gloria para sa ikatututo ng ating mga estudyante. Kung ako siguro ang teacher, kung hindi maunawaan ng estudyante ang aking itinuturo ay gagawa ako ng paraan para matuto ang aking mga estudyante - to the point na mag-tagalog ako kahit english ang dapat na gamitin. Kesa naman mag-mukha akong tanga sa katuturo na ako lang ang nakaka-unawa.

Kung mag-aaral ulit ako sana ikaw na lang ang guro ko hehe!

In a sense meron ding katuwiran si Pres. Gloria. Buti nga hindi pa pinadagdag ang wikang arabic dahil marami na rin ngayon ang pumupunta sa Middle-East upang mag-trabaho, e di lalong na hilong-talilong si Juan.

Pero ang akin lang masasabi, base din sa aking obsersyon. Sa China, galing ito sa ibang forum na sinalihan ko. Ang subject na english lamang ang subject na kung saan ang mga estudyante ay dapat nag-e-english. Ganun din dito sa Saudi Arabia. Kahit science or math nila ay arabic language. Ang resulta, sa china bihira pa rin ang nakaka-alam ng wikang english. Lalong higit sa bansang ito ng Saudi Arabia. At ang nakakalungkot sa dalawang bansang ito, pinakamadali nilang natutunan ang words na ito - "Fuck You!". Di ko alam kung natutunan nila ng husto ang ibang subjects nila.

Ang konkulsyon, ewan ko, hilong-talilong na rin ako.

====
Heto pa ang mga kwentong maaaring may kwenta!

Amos Tarana's picture

salamat sa pagbabasa kapatid

salamat sa pagbabasa kapatid na noel.

batid ko na hindi tayo makakaiwas sa wikang ingles.  ito kasi ang wika ng negosyo sa mundo.  para sa akin, marapat din na matutuhan natin ang wikang ito bilang siyang gamit na pakikipagtalastasan sa ibang lahi.

ang wika ay ginagamit sa pakikipagtalastasan. wala namang debate dito 'di ba. mas maganda pa nga kung marami rin tayong alam na wika maliban sa ingles. ako man, maliban sa ingles ay bihasang kaunti sa tagalog at bikol, nakakapagbasa at nakakaunawa rin ng wikang griyego (biblical greek) at sa ngayo'y paunti-unting nag-aaral ng arabic.

ngunit kung ang isang wika ay ipagpilitan sa ating dila dahil sa isang layuning hindi makatao, hal. nakawin ang ating pagkatao, pananaw (world view) at kultura -- aba, ibang usapin na ito.

alalahanin natin lagi na ang wika at kultura ay magkasanib. kapag nawala ang isang wika, nawawala rin ang kanyang kulturang sinasalamin (hindi po opinyon ito ha).

kung gusto mong burahin ang kultura ng isang lipunan, burahin mo ang kanyang wika. ganito ang ginawa sa atin ng mga amerikano (marami nang pag-aaral ang nagpapatunay nito).

ngayon kapatid, magbanggit ka sa akin ng mga pangalan ng mga mayayamang bansa at pagkatapos ay sabihin mo rin sa akin ang wikang pinapahalagahan ng bansang ito.  hindi kaya't ang kanilang sariling wika?

pag-isipan.

isa pa, ayaw mo sa usaping pulitika at relihiyon? magkaiba tayo, ito ang mga usaping gustong-gusto ko hehehe

dumudumi at gumugulo daw kasi ang pulitika at nagiging pabigat ang relihiyon kung iniiwasan ito ng mga mabubuti at mahuhusay na tao.

isipin mo ulit, ano kaya kung mga mabubuting tao ang nakaluklok sa pulitika at simbahan?  magiging pangit ba kaya ito?

ano sa tingin mo kapatid? 

salamat sa iyong pagbabasa at mabuhay ka!  salamat din kung gusto mo akong maging guro, iyon nga lang, bihira ang mga paaralang tumatanggap sa akin para magturo hehehe

...hindi kasi ako nagpapabayad para maging sunod-sunuran sa polisiyang bulok.

para sa ating ikagiginhawa,

- amos tarana Cool

----------------  http://amostarana.blogspot.com/  ----------------

noelablon's picture

tumpak...

tumpak ka sa sinabi mong kung gustong burahin ang kultura ay alisin mo ang wika sa kanila...

tumpak din ang iyong sinabi na karamihan sa mga umuunlad na bansa ay nagmamahal sa kanilang wika, siguro ito marahil ang ibig ipaka-hulugan ni Jose Rizal kung kaya tayo ay dapat magmahal sa sariling wika. Kaya mega-puntos ka doon kapatid.

tungkol sa pulitika, syempre naman magiging maganda ang pulitika at simbahan kung mabubuti ang nakaluklok dito, walang debate doon. Pero hindi mo masasabi kung ano ang saloobin ng taong tumatakbo.

Dati ay parang napa-isip na ako, may pag-asa pa ang Pilipinas siguro kung ang mamumuno ay komunista - matinong komunista. Ang nakakatakot kasi dito sa komunista eh pag hindi matino. Ang nangyayari kasi ngayon ay pag nakita mo ang kanyang totoong niloloob ay huli na ang lahat. Pero nung makita ko ang partidong komunista, wala na akong masabi kungdi "Wala ng pag-asa Pinas". Bakit kamo? wala na akong ibang nakita kundi rally at kanya-kanyang pagbatikos sa kanil-kanilang arch-rivals. Wala akong nakitang pagkilos para sa ikabubuti ng ating bayan. Gusto ko sabihin sa kanila "May katwiran ka pare pero anong ginagawa mo para sa ikabubuti ng Pilipinas?"- maki-rally? E marami ng gumagawa noon nakihalo pa sila.

Ang masasabi ko lang alam na ng tao ang totoo, hindi naman mga tanga yan eh or tayo ang kaso lang ay madaling masilaw ang tao. Ang maganda sana ay ipakita nila ang hangarin nila sa pamamagitan ng pagkilos hindi ng pagtalak - pare-pareho na tuloy tingin ko sa kanila. Kakalungkot.

Masisisi nyo ba ako? Ang isa pang nakaka-lungkot ay parang nawala na ako sa topic, SENSYA na po!

====
Heto pa ang mga kwentong maaaring may kwenta!

Amos Tarana's picture

salamat sa

salamat sa pakikipagtalakayan kapatid,

salamat sa iyong dagdag na pagbabahagi.  naiingit ako sa iyo, mabuti ka pa ay nakita mo na ang partido komunista.  ako hindi pa, ang naririnig ko lang, na ang sinumang magsalita ng isang bagay na hindi nakakatulong upang pagandahin ang imahe ng gobyerno -- siya ay komunista kung hindi naman ay terorista (obserbasyon ko lang ito). kaya sila ngayon (mga pinaghihinalaang komunista) ay puwersahang pinatatahimik, dinudukot at ipinapapatay ni gen. palparan -- extra judicial killings ang tawag dito.

salamat sa iyong pagbabasa at mabuhay po kayo!

- amos Cool

----------------  http://amostarana.blogspot.com/  ----------------

noelablon's picture

yun nga

Yun nga ang tinutukoy ko, sa tingin ko kung hindi nila nakikitang kumikilos ang nakatayo sa posisyon ay sila na lang ang kumilos - ipakita nila kung gaano ka walang halaga ng kasalukuyang naka-upo. Sigurado ko, hindi lang mapapahiya ang yung naka-upo kungdi ay na-imulat pa nila ang tao na wala nga talagang silbi ang kanilang niluklok sa trono.

 

====
Heto pa ang mga kwentong maaaring may kwenta!

Rom's picture

Noel

 

Pare, email ka sa akin may sasabihin lang ako. di ko ma access yung contact form mo dito sa FW e. ----> rom26factolerin@yahoo.com.ph  

salamat! 

 

 

 

logo button 1

spike_west's picture

Ginoong Amos

Ito'y payo lang at wag mo sanang mamasamain.

Batid ko ang mga pinaglalaban at ang galit o inis mo sa gobyerno. Pero sana subukan mong maging mahinahon at hindi parang kang laging susugod.

Napapansin ko kaya walang gaanong sumasama sa talakayan ay natatakot sila sa mga tirada mo na imbes na magdagdag ng kaalaman ay tila ba may halong pangungutya at may pagkapersonal.

Hayaan mong gawing kong halimbawa si Kuya Rom, na bagamat may pinaglalaban ay nandun pa rin ang kalumanayan ng kanyang paliwanag (pwera na lang kung si Ummm at ummm, ang pinag-uusapan, hahahah) mas nakukuha namin ang punto nya, mas maiintidihan namin ang sentimyento nya. Naipaliwanag nya ng maayos ang bawat punto

Bro tingin ko para kang sigaw ng sigaw, na minsan nakakatulig at nakakabingi kaya imbes na pakinggan ka namin eh tuloy iiwasan ka na lang kasi baka mapagbuntunan mo pa kami ng sama ng loob mo. Tingin ko rin sa bawat komento namin ay gagawin mong laban  sa amin. Para tuloy nakakatakot magkomento!Hays

Maging malumanay ka bro at tanggapin ang bawat komento. Kung nais mong magpaliwanag para maintindihan ka, matuto ka munang kalmahin ang sarili mo at intjndihin ang bawat komento.

Ngayon kung sakaling pagkatapos nito ay may pasaring ka na naman sa amin at susugurin mo na naman kami (pag di kami sumang-ayon sa iyo), eh palagay ko huling komento ko na ito!

Yun lang.

Ingat at God Bless

Spike

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Amos Tarana's picture

hindi ko masisisi si juan

pinagpipitagan kong spike west, 

bilang isang maginoo ay tinatanggap ko ang iyong puna. 

iginagalang ko ang iyong obserbasyon sa naging daloy ng talakayan.  paumanhin kung ikaw o kayo ay nabingi at naramdaman na parang sinugod, kinutya at pinersonal sa pamamagitan ng hindi ko pagiging malumanay. 

ngayon nga'y naiinggit na ako sa iyong kakayahang magsulat sa malumanay na paraan na walang halong galit -- iyong para bang nagmamalasakit ang dating at hindi mukhang sumisigaw.  ipapanalangin ko na pagkalooban din ako ni al-latif ng ganitong kakayahan pagdating ng tamang panahon.

salamat na lang at nakasama sa pagtatalakay ang kapatid na rom.  ako man, katulad mo ay hanga sa paraan ng kanyang pagtatalakay.

alalahanin mo sana na wala akong sama ng loob sa iyo o sa inyo.

salamat sa pagbabasa ng post na ito (kung sakaling binasa mo, kung hindi salamat pa rin) at sa mahaba nating talakayan sa http://www.filipinowriter.com/nasa-atin-ito-ang-irony-ng-buhay-pilipino.

katulad ng sinabi ko na, talakayan lang, walang personalan.

lubos akong nagpapasalamat sa iyong ibinulong na payo. napakabuti at napakahusay mo kapatid kung ikukumpara sa akin.  napansin ko pa nga sa ibang post mo na napakagaling mo rin palang magpatawa.

para sa ating ikagiginhawa,

- amos tarana Cool

----------------  http://amostarana.blogspot.com/  ----------------

spike_west's picture

Hehehe, hayan okay na

Maraming salamat kapatid na Amos, hayaan mo lahat ng iyong naturan sa akin post ay aking susuriing mabuti. Natuwa ako dahil kahit paano'y naging makabuluhan ang aking akda, bagamat hindi kayo sang-ayon sa nakasulat ay nagawa nyo pa rin pagbuhusan ng panahon para magkapaliwanagan at ipahayag ang inyong matalinong opinyon.

Hanga ako sa pagiging makabayan kapatid at hanga ako sa mga pinaglalaban mo. Kaya may bahagi rin sa aking mga mata ang nabuksan.

Kapatid umasa ka na kung sakaling magkaroon ng interesanteng paksa dito ay makikilahok ako, kung sakaling magkatagpo at magkasalungatan muli batid ko na magiging mahinahon tayo pareho at tyak magkakaroon tayo ng matalino at mahusay na talakayan.

Maraming salamat sa lahat kapatid at akoy totoong napahanga sa iyo.

Ingat 

Spike 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

hay.. nice post!!   basta

hay..

nice post!!

 

basta ako hindi makikisayaw sa chacha..

kung ang lahat ng mga nasa katungkulan ay mabubuti at hindi nagko-corrupt lalago din tayo..

in short:

tumulong sila magpalago ng ating bansa at hindi ang pansariling lang nilang ikagiginhawa sa sariling buhay, dahil kapag umasenso ang bansa sabay nun ang pagasenso ng bawat pilipino...

Amos Tarana's picture

salamat samarna, salamat sa

salamat samarna, salamat sa pagbabasa at pag-iwan ng komento.

mahusay ka pa sa magaling.  binigyan mo ng payak ngunit malinaw na pagbubuod ang aking pagtatalakay.

mukha kasing nakakaligtaan na ng ating mga kababayan na ang pamumuno ay isang public service.  anong kabuluhan pa ng panunungkulan sa pamahalaan kung hindi naman ito maaasahang maglingkod sa taong bayan?  

hayaan mo, mauubos din ang corrupt sa ating bansa.  basta ba makikipagkaisa tayo lagi sa ipinaglalaban ng mga mahihirap at pinahihirapan at huwag silang pangungunahan.

wika nga ni elie wiesel:

This is the duty of our generation as we enter the twenty-first century -- solidarity with the weak, the persecuted, the lonely, the sick, and those in despair. It is expressed by the desire to give a noble and humanizing meaning to a community in which all members will define themselves not by their own identity but by that of others.

salamat ulit at mabuhay po kayo!

 

- Amos Tarana - http://amostarana.blogspot.com/ 

haii?

walang anuman po..

 

hmmmp..oo tama po kayo!!

Isa sa mga karakter na dapat meron sa mga namumuno ay ang pagiging MAKA-TAO!

Ngunit bakit sariling kagustuhan pa rin nila ang kanilang sinusunod kaysa sa gusto ng mas nakakaraming tao .. hmm i smell something fishy(bulok pa ata?!)??

no to con-ass... alam naman natin ang motive nila dito.. hello may isip din naman ang mga tao, hmmm

 

salamat din at mabuhay!

ingats