MASKARA

Nakangiti ngang maituturing,

 tinig na may lambing,

   Subalit ano ang iisipin?

katotohanan bay,

ibabaon na lang sa dilim?

Alipin man ako ng mundong mapagkunwari,

 sadyang hindi maiikukubli

   ang kalungkutang tinatangi!

Ngunit, saan ako lalagi?

Kung ang mga kaharap ko'y

katulad ko ring  nagkukunwari.

 

AUTHOR: Vergel Brimon