Matalik na kaibigan, mahigpit na kalaban..

ilan taon na rin ang nakalilipas, ng makilala ko ang masasabi kong tunay na kaibigan. mula junior high hanggan senior lagi kaming magkasama. akala nga ng iba ay my something nasa amin, dahil sa sobrang close namin sa isa't isa. Sa tanghalian may dala akong baon, Ang paborito kong Adobong manok! madalas salo kaming kumakain dahil lagi marami ang aking dala. Minsan sa exam, hindi namin maiwasan ang magkopyahan dahil sa hirap ng quiz na ibinibigay sa amin. Nang nagkaroon naman ng Math race sa aming school kami ang naging representative ng klase. Unfortunately kami ang nanalo, sisiw lang ang math sa amin.... hehe....

Dumating ang ilang pagkakataon sinubok ang aming pagkakaibigan. Sa una'y matagumpay namin ito nalalampasan. hanggang sa isang problema ang hindi na namin nagawang ayusin pa. Unang kong nakilala si Cathy, sa unang pagkikita'y nabighani na ako sa kanya, anung kaba ang aking nadarama sa oras na siya papalapit na. Naging tulay ang matalik kong kaibigan upang mas makilala ko pa si Cathy. Sa pag- aakala kong minahal nya ako, Isang pagbabalat kayo lamang pala ito. Nang aking matuklasan ang lihim na relasyon nito sa aking kaibigan... Humahangos akong tumakbo papalayo sa kanila..... Hindi ko namalayan kung saan na ako napadpad, basta ang alam ko sa aking sarili kailangan kong makalayo sa kanila...

 

Kinabukasan masinsinan akong kinausap ng aking kaibigan. Kunwa'y wala akong nalalaman at pilit na itinatago ang aking nararamdaman... Bago pa man siya magsalita... inunahan ko siya.... Naging masasakit ang salita binitawan ko sa kanya.. ngunit hindi ito sapat upang mapawi ang paghihinagpis na aking nadarama..

Nagpasya akong kalimutan na siya...ang aming pinagsamahang matagal ay nabaliwala na... Hindi ko man matanggap sa aking sarili ang nangyari...

Ang dati kong natalik na kaibigan ay mortal ko ng kaaway.


please drop any comment..

please drop any comment.. for further improvement :)