MATAPOS ANG 3 BEER SA PLAZA AGAPITA (tula)
-
-
-
-
-
-
-
-
-
Nangangapal ang hanging nakaaspile
sa nangangatal na paningin; ang mga ulap,
tila balat na bagong-tuklap, inilalantad
ang sala-salansang lihim
mula sa maagang pagmamanibalang
ng gabi. Sa sandaling ito,
namimiyapis sa upuang katabi
ang isang babaeng kanina ko pa kasalo
sa pagsisid sa lumalalim na oras
dito sa plaza. Parang pagsaid ng bula,
o paglunok ng gumigiyagis na pait
sa kailalim-laliman ng baso, ewan ko
kung anong kalintikan itong nag-udyok
sa akin upang isa-isahin ang mga himutok
at sugat na tinamo namin
mula sa kaniya-kaniyang lakbayin.
Binabaybay ko ang hinagpis
na nakakintal sa kaniyang mata, ngunit wala
akong nabasa maliban sa nagbabanyuhay
niyang tingin. Tumingin ako sa de-palito
kong relo. Napansin kong di na umuusad
ang panahon. Patda ang maiingay na sasakyan
sa kalsada, at tikom ang tibok
ng mga bundok sa napakalayong hilaga.
Muli kong tinitigan ang aking katabi
at tumambad mula sa malamlam
na kindat ng nagmumukmok na liwanag
ang mga sugat niyang
hindi na mapapaampat
ng panahon at serbesa.
Saka kami kapwa nilunok
ng katahimikang di naming maarok.
madaling makalasing na ang
madaling makalasing na ang beer sa agapita ngayon, lalo pa't madilim na ang bahaging iyon ng Lopez.
ang ganda ng pagkakalahad bro.
-
Samakatuwid pala, ang banggit sa Plaza Agapita ng kasalukuyan ay mistulang reference sa isang lunang kapwa pinagkupasan at pinaglipasan ng bighani at panahon.
Noong maagang bahagi ng 90's, "AgaPUTA" ang tawag namin sa lugar. Hindi pa noon pinangingilagan ang kalsada sa bahaging ito na nagsisilbing pangunahing daanan namin tuwing may inihahatid sa Maahas.
Muli, maraming salamat sa pagdaan, Kasamang Rom.
historical na lang ang
historical na lang ang agapita ngayon lalo pa't ang matandang Agapita ay maysakit na daw at ibinibenta na ang naturang lugar pati ang iba pa nyang ari-arian. kaya iilang karinderya na lang ang natitira sa lugar, hindi na rin nagtatagal kung may bagong umusbong man na tindahan dun.
sa madaling araw kapag lumalabas ako nakikita kong tinatambayan ito ng mga kabataang "taga-labas" yung tipong mambubugbog kapag sinita mo kasi lahat sila susuray-suray at lasing pero di naman amoy alak. may mga paslit pa rin doon pag gabi--may hawak ng sampagitang lanta at pilit kang bebentahan.
nandun pa rin ang mga lumang upuan pero wala nang umuupo. minsan nasumpungan ko dun si vice gob nakatambay may iilang kasama, siguro nag mamasid-masid.
-
Kung ganyan pala, Rom, dapat pangalagaan niyo at tiyakin ang pananatili niyang San Luis Bar sa bandang San Antonio.
wala na ata ang san luis
wala na ata ang san luis bar bok. puro coffee shops na lang ang nandito. dati ang ilaw sa kahabaan ng san antonio at yung tungsten lamp--yung dilaw. bagay na nagbibigay ng mgandang liwanag na akala mo buwan sa magdamag. nung maupo si Ton Genuino, anak ng Genuinong dating taga Pagcor, pinalitan ito (kahit walang diprensya) ng poste na donated daw ng Pagcor. gloomy, mahina at puting ilaw. pinatay ang mga tungsten lamp. ngayon dahil under dispute ang mga "donated" ng pagcor na poste ng ilaw sa isyung pangungurakot sa batang Genuino, ayun aandap-andap at bungi-bungi ang ilaw sa kahabaan ng Lopez ngayon. nakakainis!
ginoong allanjohn
di hamak na mas maganda para sa akin ang mga orihinal mong komposisyon.
"Nangangapal ang hanging nakaaspile sa nangangatal na paningin"
panalo ang mga imahe mo!
-
Maraming salamat, Jane. Epektib para sa akin ang ganyang pang-eengganyo mo, haha.
galing naman...
galing naman...
-
maraming salamat sa pagdaan mo, eden.
wow
landmark noong 70s, 80s at 90s ang san luis bar... sinarhan na. tumanda na kasi ang mga pokpok dun at ang mga batang malalandi sa maynila na rumaratsada.
may glory days din ang agapita, ito ang pinaka-lb square nung panahon. kaya lang laging may rambolan dyan kaya nagfade na lang... para kasing may sumpa ang area na yan ... ang daming krimeng nagaganap. patayan. bugbugan. etc...
naging nostalgic tuloy ako sa old los banos. @allanjohn, related ka ba kay lee andres? nagkasama kami noong 90s sa dwOO ng mareco. ang ganda ng poem mo... ang ganda ng choice of words mo.
-
hi paul. naaliw naman ako malaman mula sa iyo na bahaging 70's pa pala ay operational na ang san luis bar. sana makapagbahagi ka pa ng dagdag na impormasyon at mga kuwento hinggil sa natatanging alam kong beerhouse na nag-aalok ng student's rate. nakapanghihinayang lamang nang banggitin mong sarado na pala ang san luis bar ngayon.
inabot ko pang sikat ang agapita noong bahaging '90, bagaman noon ay karibal na rin nito sa bulsa at bahay-alak ng mga estudyante ang mga inuman sa paligid ng agrix.
----
pagkakaalam ko po'y di ako related kay lee andres. kakatwa lamang sapagkat minsan na ring may nakapagtanong sa akin ng kanyang pangalan noong nasa kolehiyo ako.
maraming salamat uli, paul.
nahahalata?
hahaha hanggang 70s lang alam ko kasi balitang-balita dun ang mga pokpok na student's rate din.
sana i-revitalize ang agapita para naman may choice ang mga gimikeros...
marami na rin akong napagtanungang 'andres' na ipinagkakaila si lee... bakit kaya? hahaha...anyway... keep on posting your lovely poems!
-
teka, sino ba ang mas matanda sa inyong dalawa ni dr. roquia?
---
maraming salamat uli sa iyo, paul!
parang nakaupo ako sa
parang nakaupo ako sa damuhan at unti-unting pinagmamasdan
ang malungkot na paglubog ng araw...
"Binabaybay ko ang hinagpis
na nakakintal sa kaniyang mata, ngunit wala
akong nabasa maliban sa nagbabanyuhay
niyang tingin."
gusto kong ulit-ulitin itong linyang ito...
saludo ako sayo sir...
-
nakatataba naman ng puso 'yang komento mo... maraming salamat sa pagbabasa, andre.
naging prof mo ba siya?
10 years ang tanda ni joji sa akin. magkasama kami sa haus, kami na lang kasi ang single... kaya happy together ang dalawang gurang! hahaha







-
-