MATATAPOS NA ANG MAG-HAPON

Matatapos na ang maghapon pero kahit anong reaksyon wala pa siyang pinapakita sakin. Kahit nga sana sigawan nalang niya ako ok lang o di kaya naman magpag-tanungan man lang ng oras. pero parang wala na akong aasahan. kung kaya ko lang sana ibigay sa iba ang nararamdaman ko gagawin ko kung para sa kanya bakit hindi? Kung di nga lang ba masakit gagawin ko mahal ko nga kasi siya. Bakit ba ayaw mo maniwala! hmp asar nko. Nitong umaga napaka-ganda niya ulit nakasabay ko siya sa hagdan pero wala akong lakas ng loob para magsalita gusto ko siyang batiin asabihin kung gaano siya kaganda at gaano ako kasaya tuwing makikita siyang masigla. gusto ko siyang yakapin, hagkan at kausapin ngunit naunahan ako ng kaba. takot nko masaktan, lalo na takot ako masaktan siya pag may nakakita sa amin at mapahamak siya diko ata makakaya na makita siyang malungkot at umiiyak at ang dahilan ay ako. lalo na kung hindi pa ako ang makagagamot sa paghihirap niya. sana matapos na uli itong isang araw na'to kasi hirap na hirap nako sa pag kubli ng sakit na dulot ng isang pag-mamahal na wala sa panahon.