May gentleman pa pala sa planet earth
Noong nakaraang linggo, nagpunta kami ni Eloisa sa bahay ni Jose P. Laurel sa Tanauan, Batangas para sa conceptualization ng aming sinusulat na libro. Noong pauwi na kami, “standing ovation” ang nasakyan naming bus. Wala kaming choice kundi ang tumayo. Nagulat na lang ako nang may kumulbit sa akin. Paglingon ko, nakangiti iyong binata sa akin sabay sabing, “Miss dito ka na maupo.” Tumayo siya para makaupo ako. Dapat nga si Eloisa ang papaupuin ko do’n pero nakita ko na may nagpaupo na rin sa kanya. Tingnan mo nga naman, akala ko naubos na ang gentleman sa mundo. May mga natira pa pala.
Ewan ko. Siguro nasanay lang ako sa environment ng mga balasubas na lalaki. May barkada rin kasi ako na all boys at ako lang ang “bakla.” Ahahaha. Minsan gentleman sila, madalas balahura. At saka naranasan ko na rin na dedmahin ng mga lalaki kahit obvious na obvious na nahihirapan ako sa sitwasyon. Pero pake ko ba sa kanila eh baka mas malakas pa ako sa mga lalaking di gentleman (galing ata ako sa lahi ng mga barako!).
Ganito kasi iyon. Student leader ako noong college. Marami akong hinawakang mga kapwa ko estudyante at karamihan doon ay lalaki. Bilang over-all in charge sa activities, sinamahan ko ang food committee sa pagbili ng lalamunin namin sa magdamag na bilangan ng boto sa Student Government Election. Mabigat ang dalawang grocery bags na dala ko. At sa payat at liit kong ito, mukha talaga akong kawawa noong araw na iyon. Mas malaki pa ata sa akin ang mga buhat ko. Hanggang si “ di gentleman” ay nakita ako. Member siya ng hinahawakan kong organization. Akala ko tutulungan ako sa pagbubuhat lalo na’t pinaparinggan na rin siya ng mga babae roon ng, “Oy, tulungan mo naman si Ate Melay.” Pero manhid ang lolo mo. Tiningnan lang niya ako na pawang sinasabing, “Sino ka naman para tulungan kita?”
Sa gulat ko, dalawang bakla pa ang tumulong sa akin. Buti pa ang mga vadesh, may mavuting fhuzo!
Pero at least may mga gentleman pa rin naman. Natutuwa ako kapag may nakikita akong gentleman. May isa pa kasi kaming nakasabayan sa bus na binatang “emo” ang style na nagpaupo naman ng matandang lalaki sa pwesto niya. O di ba, ashteeeg!!!
Sa lahat ng gentleman sa planet earth, mabuhay!!! Ikalat n’yo ang kabutihang loob sa sangkatauhan.
ahaha
kuya dyeppri, nagkataong magandang binibini na sexy iyon at sa kandungan mo pa umupo... ahaha... tanong lang po, hypothetical question, wat if kung matandang lalaking bakla iyon, papaupuin mo pa rin?
pero sige parang walang gulo, payag na ako... gentleman ka na kuya... Mabuhay ka!!!
Best regards,
Melay
Meron pa naman
Alam mo ang style sa bus pag may babaeng nakatayo sa harap ng isang lalaki.
1. Magtutulog tulugan (yung tipong may hilik pa at kunwa kunwariang nahuhulog ang ulo)
2. Palaging nakatingin sa kawalan o sa labas ng bus (syempre para di matitigan ng babae at magmakaawa sa kanila)
3. Magkakalong ng bata (para kunwari nag-aalaga ng bata kahit di nya anak)
4. Patigasan na lang ng mukha (tutal nagbayad naman kami eh ganun talaga, whahah)
Ito naman ang dahilan kung bakit magpapaupo ang lalaki sa babaeng nakatayo:
1. Maganda at sexy yung babae kaya paimpress
2. Mukhang nakakaawa yung babae
3. Matandang babae kasi (case to case basis pa, pag medyo kaya pa ng matanda eh baka hindi rin paupuin)
4. Katabi ang crush nya sa bus kaya magpapaimpress din na gentleman sya
5. Hindi pa nagbabayad sa bus
6. Nakonsensya (pero bihirang magkaroon nito)
Bakit ayaw magpaupo ang lalaki sa bus kahit nakatayo ang babae
1. Pangit yung babae kaya magtiis sya (whahah, joke lang)
2. Mataray pa, puro parinig sa lalaking nakaupo, kaya mamatay na lang sya sa inis
3. Pantay na ang babae at lalaki ngayun, kaya talo talo na lang
4. Mukhang amasona naman yung babae kaya alam namin kaya nya yun.
5. Sales lady sya (kaya exercise para sa kanya yun)
6. Eh pareho namang nagbayad kaya first come, first serve.
7. EH DI NA USO SI GENTLEMAN.
Whhhaha, ang nasa itaas na mga halimbawa ay akin lamang obserbasyon at base sa pag-aaral (ko). Hindi nangangahulugan na ganun ako, pero yung iba dun ginagawa ko. Pero kinukunsedera ko pa rin ang sarili ko na nandun pa rin ako sa endangered species na yun!!(Whahahha)
Biro lang
Ingat
Spike
may tama ka!
Oo nga ganon nga ang nakikita ko rin... si kuya dyeppri, nagpaupo lang dahil maganda at sexy.. (world peace!!!)
Pero napansin ko naman dun sa nagpaupo sa akin na sincere naman siya. kasi ala siya kasama noong mga oras na iyon at hindi ako maganda. ahahaha at hindi rin ako matanda obviously!
Para sa akin, bow ako sa mga lalaking gumagawa ng ganon hindi lang dahil nagpapa-cute o nagpapa-impress kundi dahil alam nila na iyon ang dapat. alam nila kung paano rumespeto sa babae at sa mga nakakatanda. Oo nga't pantay na ang babae at lalaki ngayon pero aminin natin na sa takbo ng kultura Pinoy ngayon, ang respeto pa rin sa babae ay mahalaga.
best regards,
melay
Gash! Gashhh!
Ano b'yan Melanie? Sooo Kadiri naman yang iyong pinagsasabi? Nakakahiya naman sa madlang peolple na makakabasa nito. Sana prinay-beyt mo na lang message mo...Yaki-yaki kasi!
Iniwan ko pa naman na yung ganung hay-bol ko...Nilimot ko na 'Day yung mga nakaraan.... (ibubulong ko na lang sa'yo ang sagot ko.... "mag-kano?!")
Narinig mo ba?!
salamat powww... 
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...
Magandang Topic Ito!
Ay aba sa panahon ngayun sobrang dami na nang gentleman, mga ibang lalake pa naku gustong gusto nila ang paupo. este! mag paupo pala. Minsan nga papaupuin na ang girly babayaran pa nila. he he he he opppsssss may pag ka berde na naman yata itong naiisip ko. he he he he
Kaya kayong mga lalake dapat maging gentle dog kayo Este! Gentleman pala kayo sa mga girls , lalong lalo na kung patayo ang girl Este! nakatayo pala yung girl , matutu kayong mag-paupo.
peace and ingats mga girls sa mga lalakeng mahilig magpa-upo.


yeah... wag natin patayuin
yeah... wag natin patayuin ang mga chicks.....
hehehe...
pero minsan pagsobrang pagod, no choice, kasi baka himatayin na ako... pero pagmatandang babae o kahit lalaki ok lang kahit antok na antok na...
mavuhay!
Sinasang-ayunan kita kapatid!
Madalang na nga lang ngayon ang mga taong nagpapa-upo. Pero meron din akong na-encounter no'ng papasok ako sa school at sakay ako ng isang bus. "standing ovation" ang drama. May hawak pa ako no'ng photocopy at makapal na makapal na libro. Alam mo naman ang nursing. Tapos, medyo hirap akong mag-review kasi naka-standing ovation ako eh pursigido pa naman akong maipasa 'yong quiz kahit na sa bus lang ako nabigyan ng pagkakataong mag-aral dahil nanood ako ng TV noong nakaraang gabi.
Tapos, ayon nakita ako ng isang kapwa ko nursing student at schoolmate ko pa ata. Lalaki siya at ang ganda ng pagkakaupo. Madami din siyang dala at dahil mukhang pareho kami ng year level dahil sa mga bitbit niya, natunugan kong may quiz din ang isang ito at hindi pa nakakapag-aral tulad ko. Dali-dali niyang nilikom ang mga hawak niyan photocopy at tumayo siya para paupuin ako. o di ba ang saya? Siya naman ang pumalit sa pwesto ko.
Pero aminado ako, forte ko talaga ang mag-aral nang nakatayo sa bus hehe. Minsan technique ko din 'yon para may magpaupo sakin. Pero kadalasan, ginagawa ko talaga 'yon dahil hindi ako nakapag-aral kagabi.
Tama si Kuya Spike. Natutunugan kong ganon nga ang iba. Nakatingin sa kawalan at kunwari hindi ka nakikita. Parang hangin.
Wid teynder labs eynd keyr,
insan
yow!!
si kuya dyeppri, ahm... may nakaraan ba? ahahaha... sige na nga, kalimutan mo na ang tanong ko...
ate rose, anong nangyayari at "green" ka nitong nakaraang araw?! natawa talaga ako sa "tok tok tok" interpretation mo... pati ba dito, green ka pa rin! Kelangan mo na ate ng panalangin!
at sa dalawang makulit na nag-comment din... oi, mga pre, sadyang ganyan ang buhay eh. kung gusto maging gentleman, kahit ano pa ang rason (dun sa enumeration ni kuya spike), pabayaan na lang natin. at least gentleman sila hindi katulad ng iba na nagbubulag-bulagan!
best regards,
melay
Meron pang gentleman, gentle woman konti nalang
Ayon sa kwento mo pinaupo ka ng lalake, nag " hank you ka ba?" kasi kaya nawawala ang mga gentleman ay dahil narin sa mga taong walang utang na loob, pinaupo mo na wala man lang "salamat! w/ smile" or "thanks"....
basta nalang uupo at feeling sila ang hari/reyna na dapat paupuin!!!!
endangered na talaga kami (hehehe kami ah!) dahil narin sa inyo na hindi man lang nagbibigay pahalaga.
sana mabasa ko yung libro nyo.... salamat
ako gentle woman ako...
malaki talaga ang respeto ko sa kapwa ko... oo naman, nagpasalamat ako sa kanya tapos nginitian lang niya ako... hehehe... makalimutan na ang lahat pero wag lang ang magpasalamat sa mga taong gumawa ng mabuti sa akin , malaki man o maliit...
mabuhay ka, kasapi ng mga gentleman na natitira sa mundo.
maraming salamat po!
best regards,
melay
whahahah!!
Natawa ako dun, yung feeling reyna na dapat paupuin! Hahaha!! Ang dami kong naencounter na ganyan, minsan bigla na lang uupo di ka man lang ningitian! Nagsabi pa, "Hay salamat nakonsenysa din", nung mga panahon na yun gusto kong bawiin sa kanya yung upuan. Pinaupo mo na nga aba tinarayan ka pa!! Para bang isang malaking obligasyon na paupuin sila. Ang totoo nyan eh dito lang naman sa Pilipinas yun mga paupo upo sa mga kababaihan. Kaya hindi namin obligasyon na paupuin ang mga kababaihan!!Its more on out of respect and courtesy. So kung di nila inaapreciate yun, eh mawawala na kami (nice kasama ako dun)
Pero bro natawa talaga ako, natumbok mo, nafefeeling reyna ang iba. hahahahhaha!!!
Spike
Tumbok!
Natumbok ba? hehehe!
Endangered: GentleMan (bakit di ito gawin documentary nangmakita nila yung mali nila... hehehe)
Kaya minsan kapag di ko type paupuin ang babae sa bus. lrt o mrt... iniisip ko nalang na: "Wag na sila paupuin kasi baka lumaki pwet nila masagwa tingnan sa babae yun! hehehehe)"
Hi Melanie!
Some men needs a little coaxing to bring out their gallant trait. They need it especially when their egos are way over their heads. But all men are gentle, even the most obnoxious-- the most arrogant ones alive. ;)
Oh but I forgot to mention,
"Violent men don't count."
Walang ano man!
Hmmm, pinpasalamatan mo ba yung guy na kumalabit sa'yo at nagpaupo sa yo sa sasakyan?
Hmm, masasabi ko lang, walang ano man!
joemaya










Kasali ako dyan sa nag-papa-upo! Gentleman din ako!!!
Kasali ako dyan sa nag-papa-upo! Gentleman din ako Melanie!!! Yehey
Naalala ko nga noon sa siksikang Bus galing Cubao sumakay ang isang napakaseksing dalaga na naka mini... Narinig ko sa Bucaue Bulacan pa papunta at papasok na sya sa trabaho. Sabi ko "Miss ang layo pa naman ng uuwian mo... dito ka na maupo o" sagot nya " huwag na po, at nakakahiya naman." ..... "sige na at huwag ka na mahiya" ang pamimilit ko sa mahinang boses at baka magising ang natutulog na ibang pasahero. sagot din ng maganda at seksing binibini " o sige na nga, mukha ka namang mabait at cuteee pa... upo na ako". at naupo na nga po siya sa kandungan ko tapos na-ihatid ko pa siya sa kabarete na pinapasukan nya... bilang ganti ay pinakain nya na din ako.
Hay... napakagandang kwento... Good Carma daw sa taong may mabuting kalooban!
...........................................................
mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...