May lam po ba kayong Workshop?
Kailangan po kasi namin ng pinsan ko ng isang workshop for filipino writers. Kasi nahihirapan kaming maghanap ng manual para sa mga nagsusulat ng tagalog novel. Medyo nahihirapan po kami pag dating sa technical. Kulang pa rin po kami sa kaalaman kaya madalas eh sa technical kami pinupuntirya ng aming editor.
Maraming salamat po.
Hindi ko alam kung
Hindi ko alam kung nakikigulo lang ako dito o ano o talagang mabaho lang ang pangalan ko.
GUSTO KO DING SUMAMA!!!
Nagtatangka din po akong magsulat ng ng nobelang Pilipino, yung tipong iba sa mga romance novel dito sa atin. May mga naiisip din po kasi akong mga bagay bagay pero hindi siya love story. Sa tingin ko lang e malabong kumita ng mga ganitong sulatin dito sa atin pero kahit na, kung mabibigyan ako ng kahit unti pang kaalaman at pagkakataon na maipublish e gagawin ko to kahit anong mangyari. hehehe. Naniniwala ako sa kasabihang "Write to express and not to impress." hekhekhek...
Kapatid
ang aming sinusulat na libro ni Eloisa ay hindi rin love story. Pilipino rin iyon at tungkol sa kabataan. Ituloy mo lang iyan... puwede ka magpasa sa publisher namin... New Day Publishers, Inc. Filipiniana Specialist sila...
naghahanap talaga sila ng mga batang writers. If you want, bigay mo sa akin email add mo then isesend ko sa 'yo ung mga category ng novels na tinatanggap nila.
best regards,
Melay
Melay
Wait, para lang ba yan sa mga batang writers, ako kasi 26 yrs old na eh at di ko alam kung pasok ako dun( siguro naman). Gusto ko kasi ipasa yung isang adventure/political satire/comedy/drama novel ko eh. I'm in the middle of it na rin eh. And also I'm here abroad, pwede ba yun? I guess we are in a modern time with great technological advances so pwede siguro?
I'm also looking for a publisher, kahit wala na akong makuha dun, makita ko lang yung sinulat ko na nasa apat na sulok ng National Bookstore, Nice!!
Ingat po at Maraming Salamat
SPiKe
May kakilala akong 2
May kakilala akong 2 nagwo-work, isang writer at isang editor sa Precious... yong editor okay daw siya na i-workshop kayo... kung interesado i-private message mo na lang ako then bigay ko sa iyo ang contact number niya...
More power sa iyong proyekto!
by the way sabi niya every May nagpapa-workshop ang Precious.





Kailangan talaga
Sinusuportahan ko po ang post na ito ng aking writing partner.. Kailangan po namin ng writing workshop for Tagalog Novel writers katulad namin. sana po pag may nabalitaan kayo, inform n'yo po kaming dalawa.
maraming salamat po.
At eloi, ingatski sa duty!
Melay