May Pasok Kaya Bukas?

Patrickman's picture
| |

May Pasok Kaya Bukas?

 

Maginaw ang hangin,

Malakas ang ulan sa labas

Nakakatamad kumilos…

May pasok kaya bukas?

 

Sa umaga, kinabukasan

Mahirap imulat ang mga mata

Lalo na’t umuulan pa rin

Mahirap i-unat ang mga paa.

 

Hindi ko sinasabing

Sana’y maging maaraw na bukas

Sa iba’t ibang peste sa eskwela

Gusto lang sanang sandaling makatakas

 

Sa thesis

Sa mga boring na guro

Sa nakakaantok na biyahe

Sa paglalakad nang malayo.

 

Gusto ko lamang sanang

Makatulog nang mahimbing

Kahit isang araw man lamang

Huwag munang gumising.

 

Ihip ng hangin sa labas

Tila tumigil na

Wala nang ulan

Bukas may pasok na.

 

Shet.


29 November 2004

Patrick Orquia

from almost 5 years ago... :D

 

 

http://patrickman.blogdrive.com

http://walruscreativeworks.blogdrive.com


napoleon1815's picture

Maginaw

Simple lang ang tula pero maganda ang dating. Nakaka-relate kasi ako. Kapag malakas ang buhos ng ulan, nakakatamad pumasok sa school, masarap pa matulog sa bahay. :-)

Patrickman's picture

salamat! mas maganda pa yung

salamat! mas maganda pa yung mga iba ko pang tula. :D

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star