Mcdo Stories: Twister Fries

KUYA GREG's picture

Sa isang Mcdo sa mall, may isang boy at isang girl na nakaupo sa pang-apat na upuan, yung doon sa mga malambot na mga sofa)

 

Girl: (tahimik, tinitingnan ang malamig na french fries)

 

Boy: (tahimik din, nakatingin sa mga dumadaang tao sa labas ng Mcdo)

 

Girl : (tumingin sa mga malungkot na mata ng boy na tumitingin pa rin sa labas)

 

Boy : (Napansin ni boy na tumitingin si girl sa kanya, kaya tumingin din si boy sa girl, nagkatitigan)

 

Boy & Girl: (nagtawanan habang nakatingin sa mata ng isa't isa)

 

Girl: (pero hindi maiwasan ng girl na balikan ang problema na nasa isip nya... kaya tummigil siya sa pagtawa)

 

Boy: (tumigil na rin sa pagtawa... tumahimik, dumukot ng isang french fries at kinain)

 

Girl: (hinawakan bigla ang isang kamay ni boy, pinisil-pisil ito)

 

Boy: (tiningnan ulit si girl, nakita niya na iiyak na si girl... umiipon na ang mga luha sa mata nya)

 

Girl: (kumuha ng tissue at pinunas ang namumuong mga luha, may kasamang singhot pa ng umipon na sipon)

 

Boy: (tumayo si boy... tumabi kay girl, inakbayan si girl)

 

Girl: (yinakap si boy... at umiyak)

 

-----------------------------------------------

 

Meanwhile, may ina na kasama ang kanyang batang babae na anak sa kahilerang table (2 tables away),

  pinapansin angboy and girl.

 

Bata: Mommy, mommy, ano ginagawa nila?

 

Mommy: (nag-iisip, tahimik)        "Nagmamahalan anak."

 

Bata: (Sumipsin ng coke float mula sa straw)

 

    "Hindi ko maintindihan mommy.

  Diba dapat pag love mo ang isang tao... happy kayo?  

 Bakit umiiyak po yung babae? Diba dapat happy siya?"

 

Mommy: "Ikaw talaga, kung anu-ano pinagtatanong mo. Bata ka pa. Malalaman mo rin paglaki mo." 

  (Sabay sinubuan ni Mommy yung anak niya ng hot fudge sundae. Ngumiti ang anak.)

 

 

 

 

--------------------------
Mga pahina ng notbuk ni Laya Martin:

http://www.facebook.com/pages/Kuya-Greg-at-ang-Notbuk-ni-Laya-Martin/180...


dyeppri's picture

Kuya Greg...

hmmmmm...hindi ko makuha ang kwento mo o humihina na yata ang "pick-up" ko.hihihi. 'yung paggamit ng bold letters ay masakit din po sa mata.di naman yata po kelangan. toinkkkkk!Laughingpeace pow...

 

 

                  https://dyeppri.wordpress.com/

"libog lang ang dahilan ng lahat kung bakit andidito ako..."

      

Rom's picture

dyep hanukaba? commercial

dyep hanukaba? commercial ito ng McDo. yung girl si ate shawie yun at yung boy si Gabby. balik-tambalang tanders nila yan. gimik para sa gagawin nilang get-together-again na pelikula. 

guess mo yung mag-ina kung sino...

tama!

si ate Vi in a supporting role at yung girl si Luis yun sa kanyang little gay role. ang galing nga ni Luis dyan (lucky girl ang name nya sa film) super characterization at naitago niya ang maskels nya para mag portray ng little girl.

Fries din ang dahilan kung bakit tumaba si ate shawie--pero deny deny nga nya eh. kaya "pinaoatunayan" nya dyan sa eksenang yan na kahit kumain sya ng sandamukal na fries di sya tataba...uhm, slight lang, konti lang mga 2lbs.

gets? 

 

KarikaTuura

dyeppri's picture

totoo ka dyan???baka maniwala ako niyan?

wala kasing commercial sa tfc kaya wala akong ideya sa ganitong mga bagatsing-tsing.ahihihihi.sowi po-tao lang... Undecided

 

 

                  https://dyeppri.wordpress.com/

"libog lang ang dahilan ng lahat kung bakit andidito ako..."

      

Rom's picture

 ay nakoo, ayaw

 ay nakoo, ayaw maniwala...

 

KarikaTuura

Jack A. Alvarez's picture

May ganito palang ad? Hindi

May ganito palang ad?

Hindi ko nagustuhan ang kabuuang akda. Chakang-chaka yung pag-detalye sa mga eksena. At so, so chakang-chaka rin ang moral lesson (kung meron man). Di ko mai-konek e, ang drama-scene ng mag-bf sa supporting-scene ng mag-ina lalo na ang 'subo' factor. Ano'ng meron dun? Sana man lang may konting koneksiyon sa dalawang magkakaibang eksena. Ni hindi ako naglaway. Never.

 

 

'Bless God and bless the gays.' - Lady Gaga

http://jackofspades01.multiply.com/

Rom's picture

 hehe..si Jack naniwala

 hehe..si Jack naniwala din...

 

KarikaTuura

natuwa ako

 sa isyu ng commercial ad. hahaha loko ka (kuya?) rom.

 

Anyway, minsan sa sobrang pagka-vague at pag-asa natin sa mga non-verbal actions parang lumalabo lalo yung metaphor ng kwento. Hindi na ma-grasp ng readers 'yung image ng kwento. Comment lang powwwwssssss hehehe :) 

 

_____________

"Gaya ng sugat, nabubuhay ako sa kirot; walang hanggang pinsala ang idudulot mo sa sandaling ako’y iyong hawakan." Pag-ibig, Pablo Neruda (salin ni Ruth Elynia Mabanglo).

Rom's picture

 kapag wala kang mapiga sa

 kapag wala kang mapiga sa isang akda...well, imbento ka na lang ng pwedeng malarong twist. ganyan lang naman yan e hehe...

 

KarikaTuura

correct ko lang

redundant yata yung non-verbal actions. hahaha

 non-verbal comm. ganyan. oc-oc ako. hahay! 

_____________

"Gaya ng sugat, nabubuhay ako sa kirot; walang hanggang pinsala ang idudulot mo sa sandaling ako’y iyong hawakan." Pag-ibig, Pablo Neruda (salin ni Ruth Elynia Mabanglo).

RJ Santos's picture

@Jack - Grabe naman ang

@Jack - Grabe naman ang pagkakritiko sa kwento. Naintindihan ko yung gustong ilahad ng nagsulat, kaya ganun ang tingin ko. Ang "mali" lang siguro ni Kuya Greg dito ay sinulat niya ang kwento nang play-style.

(Isa pa, para sa 'kin, ang tamang pangkikritiko ay hindi lang basta makapuna ng "mali", kun' di makatulong din na maiwasto ang "mali".)

Jack A. Alvarez's picture

Salamat sa pagpapaalala...

'Bless God and bless the gays.' - Lady Gaga

http://jackofspades01.multiply.com/

KUYA GREG's picture

....

Whoosh! Grabe massacre nangyari dito ah. Nashock ako, ang daming negative comments. So ganito pala dito: iba ang standards (I would not say "high",  because that's subjective). Iba yung readership. Talagang ginawa ko talaga ito na easy to digest para sa mga kaklase at mga tao sa paligid ko. Nadigest naman nila. Nagandahan pa sila.

Intentional yung ganitong style. Mukhang ala-Jose Rizal yung mga tastes niyo, sort of, at first glance... Literary proffesors ba yung mga mata. Pero that's not a bad thing, it's just a different perspective. And that's pretty desirable. Thanks for the shocking comments, noong una nakakabulabog, pero after a minute tumawa nalang ako. Harhar.

Keep being brutally honest, it's fun, and it's constructive. Lol.

 

Rom's picture

that's more like it. may

that's more like it. may chance kang umunlad to the next level. wag susuko haiyaaa! blag!

 

KarikaTuura

Jack A. Alvarez's picture

I beg to disagree. Hindi pang-rizal tastes ko. Pang-FW.

'Bless God and bless the gays.' - Lady Gaga

http://jackofspades01.multiply.com/

Jack A. Alvarez's picture

Di ako propesora. Pero marunong akong magbasa.

'Bless God and bless the gays.' - Lady Gaga

http://jackofspades01.multiply.com/