Men of God
Noon parang ordinaryong araw lang ang linggo. Sunday araw ng simba.
August last year una ko siyang nakita sa simbahan. Nakasutana, katabi ni Father sa altar. Isa siyang seminarista na nagpapracticum sa parokya namin. Bata pa, siguro sixteen o seventeen pa lang. Noong una nakakatuwa lang siyang tingnan sa harapan dahil sanay na akong si Father lang ang bida ngayon may brother na na nag-aassist sa kanya, taga-ayos ng kopita at ostsa, taga-pausok ng insenso kay Father, taga-hawi ng manggas ng sutana ni Father kapag kailangan niyang magpausok sa mga imahe at krus, taga-abot ng mga prutas, bulaklak at basket sa offering, lahat ng kailangan ng assistance, siya ang gumagawa para kay Father. Nakakaaliw siyang panoorin, sa isip ko may nagpapari pa pala sa panahong ito, hindi ba lahat ng lalaki gustong magbar, uminom ng red horse, manligaw, pumorma, at eventually, magpamilya. Pero heto ang isang binatang gustong magpari at sa tingin ko talagang kinakarir niya ang pagiging brother niya.
Pagdaan ng panahon ang pagkaaliw ko ay napalitan ng paghanga, hopia, hindi ito crush as in crush, hinahangaan ko ang pangarap niyang maging iba, pangarap na maging tagapagsilbi sa Diyos, habang buhay. Gusto niyang magpari, isang pari na bawal mag girlfriend, although rumors say may mga paring pasaway na may girlfriend o asawa (wala akong proof kaya nga rumor eh), isang pari na bawal magkapamilya, for life silang single, walang anak o asawa, ang lungkot nun di ba? Isang pari na palipat-lipat ng assignments at kung saan-saan tinatapon para ipahayag ang salita ng Diyos, isang pari na ideally, mahirap at bawal yumaman (ideally).
Ewan ko pero sa tuwing makikita ko ang seminaristang yun nangingiti ako. Iba kasi ang takbo ng isip niya sa pangkaraniwang binata na kasing edad niya biruin mo magpapari siya! Nakakaaliw, nakakatuwa at nang lumaon, nakakabilib.
Hindi ko alam kung kelan biglang nagbago ang araw ng linggo sa akin, hindi na ito basta araw ng simba, araw na ito na makikita ko si "soon to be Father". Bukod sa magaling magsermon si Father, may bonus pa siyang sidekick na nakakapagbigay ng kakaibang inspirasyon at tuwa.
Tradisyon na para sa akin ang maupo sa harap kaya normal lang na magkatinginan kami. Ewan ko na-co-conscious ako pag nagtatama ang paningin namin, siguro naprapraning lang ako kaya ko naiisip na napapahiya siya tuwing nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. Hep! Bago mo isipin na ilusyunada ako ituloy mo pa ang pagbabasa.
Sa ilang buwan niyang pag-stay sa parokya namin, ilang beses din nagkukrus ang mga landas namin pero dahil sa idol ko si Maria Clara, never ako gumawa ng move para makilala siya; at dahil siguro takot siyang makidlatan at matsismis, never din siyang gumawa ng move para makilala ako. In short puro tinginan at mahiyaing ngitian lang ang drama namin, bawal mag-usap o makipagkamay man lang. No, no, no, bawal, bawal...
Kahit na OA sabihin, dahil sa kanya kaya nalagyan ng kulay ang araw ng linggo. Excited na akong magsimba dahil magkikita ulit kami. Pinagdadasal ko na sana pahintulutan ng Diyos na maging magbestfriends kami. Gustong-gusto ko talaga siyang maging best friend, noon lang ako nagdasal na sana maging best friend ko ang isang tao. Basta iba ang hatak niya sa akin. There's something about him na parang magnet, parang feeling ko siya ang magiging spiritual adviser ko, taga-sermon sa mga kalokohan ko, taga-kumpisal ng mga kasalanan ko. Pero paano naman mangyayari iyon eh, wala namang gumagawa ng unang hakbang, ang makipagkilala.
Dumaan ang mga linggo na puno ng saya at frustrations, hindi pa rin kami nagkakakilala. Ako siguro ang dapat sisihin dahil sa tuwing matatapos ang misa nakikita ko siya sa may pintuan, nakatayo lang doon at nakatingin sa akin na dumaan. Titingnan ko lang siya, hiyang-hiya, ngingiti ng konti at yuyuko na. Hindi ko kaya. Hindi talaga. Hindi ko kayang lapitan at kausapin siya kahit hi, hello, wala, nanghihina ako kapag malapit siya.
Akala ko ganon na lang kami palagi. Hindi ko alam na may katapusan din pala ang lahat ng mga kalokohan ko. Kanina nagsimba ako, ang pinakamalungkot na linggo mula nang una ko siyang makita. Kanina ang last sunday niya sa parokya namin, aalis na siya. Maluha-luha ako buong misa, hindi ko siya tinitingnan, hindi rin siya tumitingin. Paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko na iyon ang gusto ni God, na umalis na siya sa simbahan namin at wala akong magagawa dahil technically, alagad siya ng Diyos. Aalis siya para ipagpatuloy ang bokasyon niya sa ibang parokya.
Nang matapos ang misa, nagmamadali siyang naglakad kasunod ni Father palabas ng simbahan. Mabagal ang mga paa ko, ayokong lumabas, ayokong matapos ang gabing iyon. Nagulat na lang ako nang marating ko ang pinto ng simbahan nakita ko siyang nakatayo at nakangiti. Nakangiti, nakatingin sa akin pero may iba siyang kinakamayan. Bahagya akong ngumiti sa kanya, tumigil ako sandali nag-iisip kung lalapitan ko ba siya para kamayan. Nagtatalo ang isip at puso ko, maling lapitan siya pero mas mali kung aalis siya na hindi ko man lang siya nakamayan. Nanalo ang isip ko. Dinaanan ko siya na punong-puno ng lungkot ang mga mata. Nang nasa hagdan na ako nilingon ko siya, nakatingin pa din siya sa akin, nakangiti. Gusto kong bumalik, gusto ko siyang balikan. Pero ayaw ng isip ko. Wala akong nagawa kung hindi ang lumakad na papalayo. Pinaglagpas ko ang last chance ko.
Sa daan bigla kong naisip na iyon na ang huling sunday na makakasama namin siya sa misa. Aalis na siya. Hindi ko na siya makikita. Hindi ko alam kung magsisisi ba ako o hindi. Sabi kasi ng isip ko mali yan, pero binubulong ng puso ko magpaalam ka lang.
Malamig ang hangin, madaming bituin sa langit, magulo at maingay sa kalsada pero parang ang tahimik, ang lungkot. Nagbuntong-hininga ako, pinahid ang luha sa mata at bumulong na lang sa hangin, "BYE".
hello jasdred
thank you for reading my story ha. i respect your opinion. totoo marami talagang scandal ang catholic church dito sa pinas at lalo na siguro sa ibang bansa. At gaya mo marami rin akong nakikitang mali sa mga pari at madre. pero you know what hindi biro ang bokasyon nila. at for sure may dahilan ang catholic church kung bakit batas sa kanila ang celebacy. it's just that wala ako sa lugar to question that kasi hindi naman ako pari o hindi ako madre at wala akong alam sa mga sacrifice nila to serve God. kaya nga hanga ako sa mga pari at madre kasi to serve God is to sacrifice. ang masisiguro ko lang ay mahirap magpari at mahirap magmadre dahilan kung bakit ang bokasyong ito ay isang sakripisyo. just put yourself sa lugar ng pari, madaming bawal hindi gaya ng ibang religion. can you imagine kung gaano kalungkot ang buhay ng pari at madre? wala silang asawa na masasandalan o makakausap, walang anak na makukunan ng saya, minsan siguro kahit magulang nila hindi nila nakikita madalas dahil malayo sila. yun lang ang isipin mo di ba nakakahanga ang pagtitimpi nila at pagsasakripisyo? technically, mga matatandang dalaga at binata sila na bawal mag gimmick at bawal magkipagrelasyon kaya nga mas mahirap ang sitwasyon nila kaysa sa atin.
regarding naman sa sinabi mo na walang batas na nagbabawal mag-asawa sa gustong magsilbi sa Diyos, totoo din yan. wala nga talaga. but i think may reason ang Catholic church kung bakit ganun. siguro mas nagkakaroon ng meaning ang sacrifice kung single ang mga pari at madre or pwede rin kasi yan sa pagtatransfer nila ng mga parokya. Hindi ko talaga masasagot yan. I just know na mas hanga ako sa kanila kasi solo lang sila sa buhay. walang asawa at walang anak, isang karapatan ng mga tao para maging masaya at para hindi mabuhay mag-isa. kaya nga hanga ako sa mga pari at madre dahil sinuko nila ang right nilang yun to fully serve God...
kung marami kang katanungan tungkol sa mga pari why don't you talk to one. im sure they would love to enlighten you. Hindi lahat ng pari eh salbahe o may tinatagong kasalanan regarding women and children. at sa manilwala ka man o hindi may mga paring mas mahal ang bokasyon nila kaysa sa sarili nila. at kayang magsacrifice for God. kailangan mo lang ibukas ang isipan mo at magstart ulit magtiwala sa mga pari. may mga paring talagang hahangaan mo, mga paring dedicated sa vocation nila, mga paring concern talaga sa faith at kaluluwa mo.
alam ko kasi nakakita na ako ng isang pari na talagang kahanga-hanga. sana ikaw din makaencounter ng mabait na pari at totoong pari para naman kahit papano ay magkaroon ka ng tiwala sa Catholic church. besides hindi naman ang pari ang dinadasalan o kahit sinong tao, kaya faith has nothing to do with priests. Faith is between you and God.
thank you for reading at God bless you... ulit nirerespeto ko ang opinion mo at thank you for commenting i really appreciate it...
padagdag lang
add ko lang, alam ko na bakit di nag-aasawa ang mga pari. saint paul wrote something about it sa bible. ngayon naiintindihan ko na kung bakit di sila nag-aasawa... just look it up sa letters of paul, di ko lang maalala san eksakto pero nandun siya nakasulat.
my soulmate is worth the wait...



they are men of (?)...
*ang ganda naman ng kwento mo...isa sa kaimbabawan ng pananampalatayang katoliko ay ang hindi pag-aasawa ng pari....pero history will prove me na ang doktrinang vow of celibacy ay nagresulta ng maraming eskandalo sa katolisismo at nagbunga ng pagkamatay ng maraming inosenteng buhay na kagagawan ng mga naglilingkod kuno sa Dios pero nagtatago sa lihim na gawain ng may asawa....
*Walang pagbabawal sa biblia na bawal mag-asawa ang sinomang nagnanais na maglingkod sa Dios, kaysa magningas ang pita ng laman mas mabuti na ang mag-asawa...