Menu ng mga Halimaw

Rom's picture
|

menu ng mga halimaw


Luca's picture

hahahah

service charge pa lang katumbas na ng kabuhayan showcase sa WOWOWEE...

 

ampotah... 

wag kang pipikit...

Adlesirc's picture

nakuuu...

talaga naman sila!!!!! nakakaasar! hindi porket kumakain ng ganito ang mga lider ng ibang bansa, hindi ibig sabihin non dapat makisabay ang mga lider ng Pilipinas!!!

 

 

napakaraming nagugutom dito sa bansa!

spike_west's picture

Hehhehe

Yan ang tinatawag na Fiesta,

Habang sila ay ngasab ng ngasab ng masasarap na pagkain na yan, eh si Juan dela Cruz ay nagtitiis sa Lucky Me at sardinas.

Umabot daw ang bill para sa anim na araw sa US ng 37Million, habang ang Edukasyon, Agrikultura at iba pa ay binabawasan pa ng budget dahil wala daw pondo.

Habang ang masang Pilipino ay nagpapakahirap at nagpapakapagod kakabayad  ng buwis, sila ay nagbubuhay hari at reyna sa amerika.

Mukhang pakiramdam ata nila galing sila sa Royal Family. isang malalim na buntong hininga na lang. Ngayon kahit kwentahin pa ng kwentahin pa yan, wala na yung pera di na maibabalik, nilamon at pinasasa na ng mga halimaw na yan. Kaya dapat sa kanila pinapakain ng basura at pinapatira sa estero para malaman nila ang hirap ng mga Pilipino.

Kukunin din sila ni Lord!!!

 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Rom's picture

.

 isa lang ang naiisip ko mula pa ng eskandalong ito ng mga halimaw at buwaya ng lipunan natin. bumabalik sa akin lahat ng alaala ng mga gutom at hirap na naranasan ko sa buhay, yung mga pagkakataong wala talaga laman ni singko ang bulsa ko at naghahagilap ako ng pantawid ng gutom. 

naaalala ko din ang mga pamilyang sa kariton natutulog at mga batang pulubi pati ang mga payat na pasyenye ng PGH na dun na rin namamatay dahil walang pambili ng gamot. tapos ang mga nagrereklamong magsasaka at manggagawa sa lansangan na binabatuta ng pulis o sinasalvage dahil gusto nilang ipaabot ang reklamo nila sa Gobyerno. 

wag nang isipin pa ang mga pamilyang nasira dahil sa mga tatay na nag-abroad kasi nga walang trabaho dito.

ang sarap ng buhay nila samantalang milyon-milyon ang araw-araw namamatay sa gutom.

ayokong sabihing "may araw din sila" kasi dapat tayo na mismo ang magtakda ng nalalabing araw nila.

sa mga buwaya: HUmanda na kayo! 

 

KarikaTuura

Allanjohn Andres's picture

Kumusta?

Mula sa awiting "Manggagawa" ni Gary Granada:

 

"Samantalang may isang... nagdiwang at nagdaos ng hapunan

At kabilang sa hapag ng panauhing pandangal

Ang tanyag at ang banal sa ating lipunan

Halos ang bawat isa'y makapangyariha't matagumpay

Dahilan sa isang taglay na katangian --

Ang matibay na loob na magsawang mabusog

Habang may nangangatog sa hapdi ng tiyan"

Rom's picture

.

 
 Pre' lagyan natin ng musika ang ibinahagi mong lyrics.
 
 

04 Manggagawa - Gary Granada

 

 

KarikaTuura

Allanjohn Andres's picture

Awright!

Awright!

ilyana's picture

Napa login ng wala sa oras...heheh

Peso ba yan or dollars??? DI pako nakakakain ng Caviar sa buong Life ko...ano kaya lasa nun? ;-)

Rom's picture

.

 dollars yan kaya nga ba halos isang milyon ang isang dinner nila e. tapos naka 3 dinner pa daw yan. ang galing ano?

 

KarikaTuura

RJ Santos's picture

Wine ata yun. * *

anakngfaraon's picture

   caviar is itlog ng

 

 caviar is itlog ng fish.  

alam kaya nung mga congressman na iyon kung ano iyong mga kinain nila? ha ha ha!  

 

 

 

http://katya14.multiply.com/journal

 

RJ Santos's picture

Ay! Wahahaha! Itlog ng fish.

Ay! Wahahaha! Itlog ng fish. :D

* * *

http://rjsantos.authorshaunt.com

Ailem23's picture

ay naku!

 ay naku! ay naku talaga! hindi na sila nahiya.. well, mga walang hiya nga pala sila...Nakakarindi na ang isyu na ito pero hindi pa rin mamatay-matay kasi halatang kinulang sa sympathy sa naghihirap ang mga yan. Maano ba namang gumastos sila ng malaki e mayaman naman daw sila? self-centered. nakakahiya daw na pakainin ang pangulo sa pipitsuging resto. e mas nakakahiya naman ang ginawa nila.... naghihirap ang bansang pinamumunuan niya tapos siya, pahapi-hapi lang? hahaha. 

*****

"I don't need someone who makes my heart whole. Instead, i need someone who will never let me feel broken."

slfAbsr's picture

sobra!

 i didn't recognize half of the list.sana makapunta sila sa may tondo. dun sa mga housing. kainis yung situation dun.

 

 

 

Yofuku tsukerinasai..

anakngfaraon's picture

    I don't think

 

 

I don't think naintindihan nila kung ano yung mga kinakain nila.  at halatang walang puso sila kasi um-order sila ng foie gras.  akala ko nga banned na iyon dito sa U.S., hindi pa pala.  

 

 

http://katya14.multiply.com/journal

 

Rom's picture

ang Foie Gras

ito ang isa sa mga inorder nila. napaghahalatang mga masasamang tao ang mga umorder nito, bukod sa walang puso wala rin silang pang intindi. napaka lethal na combination nyan. 

 Link: http://www.banfoiegras.org/page.php?module=home

 "Foie gras," literally fatty liver, is a disease marketed as a delicacy. It is the liver of a duck or goose who has been force fed to the point where his liver is over 10 times its normal size. Only male ducks are used, and females are discarded by the industry.

 

The sale and production of foie gras is illegal in California effective 2012 under Cal. Health and Safety Code section 25980. City councils have commended restaurants for removing this product of animal torture in the meantime, including San DiegoSan FranciscoWest Hollywood, Berkeley and Solana Beach.

Dr. Ward Stone, the senior wildlife pathologist for theNew York State Department of Environmental Conservation, has conducted necropsies on ducks who died during force feeding at Hudson Valley Foie Gras and writes, "I eat meat including ducks on occassion. However, the short tortured lives of ducks raised for Foie Gras is well outside the norm of farm practice.

 

KarikaTuura

Alexander Dagrit's picture

balat-kalabaw

 

Balat-kalabaw talaga ang pagmumukha ng mga 'yan. Ang kakapal. Hindi na nangahiya.

Buwisitttt!

 

 

 

The Best and the Most Promising Writers In FilipinoWriter.com