Mga Alaala ni Klen
Disyembre 24, 2727
10:00 ng gabi
Punta ng Sta. Elena, Centro ng Marikina
Nakasakay ako sa pampublikong Jeep na pinaandar ng kulay kahel na plasma beams sa ilalim. Ganon pa rin.9 na tao pa rin ang mga pasahero na naisasakay. Mga pasahero abala ring pupunta sa mga kaanak at kaibigan.
Pinagmasdan ko ang pinto na pinasukan ko kanina at narinig ko ang dalawang matandang lalaki na nasa tapat ko.
"Noong araw,naabutan ko pa ang mga lumang jeep na bumabaybay sa lunsod ng Maynila , sumabit ka lang sa pinto, libre ka na sa pamasahe." sabi niya.
"Aba, kami nga eh,tumatakbo na pagbaba ng Jeep, Hehehe, pero ngayon aba, wala ka nang kawala sa drayber." sagot naman ng isa
Kapwa nagtawanan ang dalawang matanda habang inaalala ang kabataan.
Natahimik ako, hindi ko alam kung bakit.
Maya-maya nagtawag na ang drayber.
"O,Bayan, Bayan !"
Babaan na ang lahat. pagbaba ko, sinulyapan ko ang dalawang matandang nakasabay ko sa jeep.
at dumeretso sa isang iskinita.
Diniretso kong ang mahabang daan hanggang sa marating ko ang Isang Malaking Bahay, na dalawang palapag ang taas.
may terrace sa labas at may itim na gate.kumatok ako at lumabas si Manang Elsa para buksan ang Gate. pumasok ako.
"Si Papa?" tanong ko.
"Asa loob, kanina ka pa inaantay."
Pagpasok ko, sinalubong na ko ni Mama,
Lumuluha, at humihingi ng tawad.
Sorry Anak, patawarin mo kami ng Papa mo.
umupo kami sa sofa. at kapwa natahimik.Nararamdaman ko ang pagsisi ni Mama sa mga nagawa niya sa akin.Hindi ko lang alam si Papa.
18 taon...
okidok
sige kaya mo yan
abangan ko na lang ung karugtong.
sana maituloy mo ang kwento...
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
Minsan lang ako makabasa ng science fiction... baka sa'yo ulit ako makabasa.. ipagpatuloy ang pagsusulat...
sulat lang nang sulat.... un din kasi ginagawa ko para mahasa lalo... sana maipost ko na rin ang next stories ko...\
Ingat!
jons





ituloy mo kaya
binasa ko ito kasi mahilig talaga ako sa mga fantasy, sci-fi, adventure at love story. iniscan ko din ung ibang mga stories at talagang mga unique at hilarious! talagang malikhain ang mga pinoy! kaya pakituloy lang ang story?