MGA ALITUNTUNIN SA PAGLALARO NG HABULAN

by Luca ()

 

 

 

Una, mahigpit na ipinagbabawal ang balik-taya.
Sa sandaling mataya, maaring ibaling ang pagtaya sa iba.
Bigyan ng pagkakataon ang huling taya na makapagpahinga.

Ikalawa, kung mananaya, iwasang manulak.
Husto na ang tapik.
Ang tawag sa laro ay "habulan" at hindi "tulakan."

Ikatlo, ugaliing tumakbo at magpahabol.
Sakaling dinadapuan ng katamaran, maaring umuwi na lang.
Mas maiging matulog sa higaan, nakakatangkad pa.

Ika-apat, bawal umayaw ang taya.
Bawal umayaw ang hindi makahabol.
Kailangang pagsikapan ang karapatang mag-aya ng ayawan.

Huli, kapag nagkasawaan, kumanta.
"Ayawan na, ayawan na."
Tapusin ang laro nang sabay-sabay at patalun-talon pa.

Kung sa huli ikaw pa rin ang taya, huwag mapipikon.
Asar-talo ang balagoong-kangkong.


by Polethor on April 7, 2010 - 10:44pm

Tama, bawal na bawal ang balik-taya.
Marami pang ibang kalaro kaya sikaping habulin ang iba.

Kung matataya ka man,
Huwag kaagad magyaya ng uwian.
Huwag kaagad kakanta ng 'Ayawan na'.
Kahit isang round lang, subukang maghabol.

Minsang nagreklamo ang palaging taya, ang sabi nya:
"MInsan pag sumosobra, di na masaya."

May hula akong palagi kang nakikipaglaro ng habulan,
Di ka umuwi kahit na masarap matulog sa higaaan.

:)

"I will color the world one step at a time..."

http://ofcrayonsandpastels.blogspot.com/

by Luca on April 8, 2010 - 2:07am

tangkad mo a 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

by Polethor on April 8, 2010 - 2:32am

May sinabi ba akong natulog ako?

Iba nilaro ko. :)

"I will color the world one step at a time..."
http://ofcrayonsandpastels.blogspot.com