MGA BATA SA PULONG (Tula)
(Sta. Rosa, Laguna)
Lumiliyab sa katanghalian
ang makintab nilang balat.
Sa ibabaw ng kilapsaw
ng putik na malabnaw
sumasayaw
ang kanilang anino:
animo manikang papel,
napunit sa pagkakapaskel
sa mga dingding na yero.
Manipis ang kanilang katawan.
Kulay gatas na panis
ang mga ngiping minsan lang
sumilip sa labing sugatan,
tila lupang kanilang kinalakhan.
Makunat ang kanilang tawanan
habang inililibing sa kusot
ang nangangamoy na pusang
pinulot lang sa daanan.
*smiley
ang ganda ng pagkakalatag ng imahe at buhay na buhay ang pagsasalarawan ng mga persona sa tula.damang-dama ang kapayakan ng pamumuhay sa piipinas at kawalang malay sa nangyayaring kabulukan ng lipunan.thanks
https://dyeppri.wordpress.com/
"libog lang ang dahilan ng lahat kung bakit andidito ako..."
-
sir, maraming salamat sa oras at sa komento mo. more power din sa iyong pagsusulat.
Ganito ang mga tulang dapat
Ganito ang mga tulang dapat nababasa dito sa FW para sa aming mga baguhan, malaking tulong na mabasa namain ang mga ganitong tula.





;-)
ilalabas ko lang po ulit. palibhasa sa mga trabaho ko, ito ang paborito ng tatay ko.